Chapter 8
"Balita ko wala ka na raw trabaho."
Ito agad ang bungad ni Casper sa akin nang makauwi siya ng bahay. Wala akong ideya kung sinong nagsabi sa kaniya no'n. Maybe si Mama or si Faye. Hindi ko rin alam kung saan siya galing pero magulo ang suot niyang puting polo habang nakablackpants. Magulo ang buhok niya, akala mo'y kakagaling lang sa kama. Pero 'wag ka! Kauuwi lang niya, ha.
Nasa kusina ako nang maabutan niya ako. Pero dumiretso lang siya sa may ref at kumuha ng malamig na tubig. Napangiwi ako nang makitang uminom siya mismo sa may pitsel. Hindi man lang kumuha ng baso.
"Eww! Ang samlang mo!" singhal ko saka binato siya ng pamunas sa lamesa. Ito lang kasi ang malapit sa akin.
Pero walang hirap na nasalo lang niya 'yon. "So, anong nangyari?" tanong niya. Hindi man lang pinansin ang reaksyon ko saka ibinalik ang pitsel sa ref.
Kadiri.
"I'm tired," I answered, like it's just a normal reason to quit a job.
Ngumisi naman siya na para bang nang-aasar. Umupo pa siya sa katapat kong upuan at nakipagtitigan sa akin. "E 'di magpahinga ka. Ano bang akala mo? Walang trabahong hindi nakakapagod?"
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Sa lahat ng kapatid ko, siya talaga ang pinakaleast na paborito ko. Yabang n'ya kasi at naiinis ako kapag tama siya.
"Alam ko, pero ayoko na magtrabaho..." halos pabulong na sambit ko pero alam kong rinig pa rin niya 'yon. Kaya nga nagbuntong-hininga siya at sumandal sa may upuan. He also tilted his head, looking at me while he cross his arm into his chest.
"Ano 'yon? Napagod ka kaya bigla ka na lang darating dito matapos kang ilang taon hindi umuwi?" Mahinahon lang boses niya pero may diin ang bawat salita niyang pinagagalitan ako. Huminga lang ako ng malalim. Akala ko nakatakas na ako sa ganitong usapin kanina kina Alice at Tristan pero dumali naman itong si Casper. "Ano na lang iisipin ng mga tao-"
"Then I'm sorry... I'm sorry because I'm tired. Okay?" sabi ko. Pero mas lalong sumama ang tingin ni Casper sa akin, para bang may nagawa akong malaking kasalanan. Nawalan lang ako ng trabaho. Bakit ba sobrang big deal no'n sa kanila?
Saka wala naman akong pakialam sa sasabihin ng mga tao. Buhay ko naman ito, kaya gagawin ko ang gusto ko.
Ilang sandali pa, bigla na lang siyang tumayo. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. "Saan ka pupunta?" tanong ko nang akmang aalis na siya.
"Matutulog," sagot niya saka humarap sa akin. "At sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa 'yo. Alam namin na may iba pang dahilan at wala akong pakialam kung ayaw mong sabihin. Pero ewan ko lang kung gan'yan pa ang isasagot mo kapag sina Aiden at Ben na ang magtatanong sa 'yo."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "What do you mean?" tanong ko. "Uuwi sila?"
Ngumisi lang siya at tumango. "Kapag dumating sila. Yare ka. Hindi kita dadamayan kapag pinapagalitan ka nila," pananakot n'ya. I look at him in disgust. As if, naman 'no!
Pero nagtagumpay naman siya. Kinabahan nga ako ng verylight lang naman. Kung sa kanila, nakakatanggi pa akong sagutin ang mga tanong nila pero sa dalawang 'yon... hahanap sila ng paraan para malaman ang totoo.
At hindi ko kakayanin kung malalaman nila.
Umalis na siya at naiwan akong tulala sa kusina. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala. Bumalik lang ako sa ulirat ng makarinig ako ng tahol ng aso mula sa labas. Malamang si Chester 'yon. Pero bakit ang ingay n'ya?
Tumayo ako para tingnan ang dahilan. Nakita kong mag-isa lang sa labas ng bahay si Chester at tumatahol siya sa may pinto nila. Gusto yatang pumasok kaso nakasara.
Wala bang tao ngayon dito? Parang kanina lang sinundo ako ni Ruruh sa bagsak.
Baka umalis na siya.
"Chester!" tawag ko rito.
Agad naman itong lumingon sa akin at 'di na tulad kahapon, hindi na nʼya ako tinatahulan. Kumakawag-kawag pa ang buntot nitong lumapit sa akin. Ang cute! Kaso may maliit na pader nga lang na nakaharang sa pagitan namin, so I can't pet him.
"Hello Chester Jr.," I said then he wag his tail more. Kulang na lang talunin na niya 'yung pader makalapit lang sa 'kin. "Ang cute mo naman."
I can't believe it. Kamukha talaga nito si Chester. Para silang carbon copy.
"Wala na pala ang Papa mo, akala ko ikaw 'yung Chester na alaga ni Ruruh noon," I said then I tried to reach him. "Alam mo ba, kamukhang-kamukha mo s'ya, sayang lang... hindi ko na siya naabutan."
"Desire?" Natigilan ako't napatingin sa nagsalita. Bahagya pa akong nabigla nang makita si Tita Cheska. "Ikaw na ba 'yan?"
"Hello po Tita?"
"Nakauwi ka na nga, nakakatuwa naman," sabi n'ya saka mahinhing ngumiti sa akin. Wala pa rin s'yang pinagbago maliban lang sa iilang white hair na makikita sa hanggang balikat niyang buhok. She look so gorgeous. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit magandang lalaki si Ruruh.
May pinagmanahan kasi.
She was moving gracefully. Halatang kalkulado lahat ng kilos at galaw niya. Halatang professional. Naalala kong teacher nga pala siya. "Nakilala mo na pala si Chester Jr. Kamukha n'ya ang Ama n'ya 'di ba?" sabi niya.
Tumango ako. "Opo."
"Kumusta ka na?" tanong n'ya. Kapag naririnig ko ang sophisticated voice ni Tita Cheska, kumakalma ako.
"Okay lang po," sagot ko.
"Akalain mo nga naman... Dati lang narito kayong dalawa ni Ruruh sa bakuran, mga naglalaro. Hindi kayo mapaghiwalay noon at may sarili kayong mundo," k'wento niya habang pinagmamasdan ang bakuran nila. Dati nga naman namin itong palaruan ni Ruruh noon. "Pero ngayon, malalaki na kayo. May kani-kaniya na kayong trabaho at susunod magkakaroon na rin kayo ng sarili niyong pamilya."
Napangiti naman ako. "Sobrang bilis po ng panahon," sabi ko naman. "Pero wala pa po akong balak mag-asawa, Tita."
Natawa siya bigla. "Pareho kayo ng sagot ni Ruruh," sabi niya habang umiiling-iling pa, "Magkaibigan nga kayo."
Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. 'Di ka sure, Tita. Si Ruruh na ang nagsabi na ayaw na niya akong kaibigan.
"Tamang-tama nasa loob si Ruruh, gusto mo ba siyang kausapin?" tanong n'ya pero umiling agad ako. "Bakit? Matagal din kayong hindi nagkita kaya marami-rami kayong pagkuk'wentuhan."
"Naku, Tita kasi-"
"Halika na. Pumunta ka na rito, bubuksan ko 'yung gate," sabi ni Tita Cheska. Hindi man lang ako pinatapos at nagmadaling pumunta sa may harapan nila. Wala naman akong nagawa kundi ang pumunta sa kanila.
Agad akong pinagbuksan ni Tita Cheska ng gate at pinapasok sa loob ng bahay nila. Siya na ang nagyaya at nakakahiya namang tanggihan.
"Ruruh! Narito si Desire!" sigaw pa ni Tita.
Medyo nagulat ako ro'n. Talagang tinawag pa niya ang anak n'ya. For sure, sobrang awkward nito.
Walang ideya si Tita Cheska na F.O na kami ni Ruruh. Ayoko namang sabihin 'yon kasi malamang magtatanong siya at kahit ako, hindi ko rin alam ang dahilan.
"Juice?" tanong ni Tita Cheska sa 'kin. Tumango naman ako habang pinagmamasdan ang mga larawan na nakadisplay sa sala nila.
Puro larawan lang ni Ruruh ang narito kasama sina Tita Cheska at Tito Romel, ang Papa niya. Pero may isang larawang nakakuha ng atensyon ko.
"Pinaframe n'yo 'to, Tita?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kinuha ko pa 'yung frame para ipakita sa kaniya ang larawan namin ni Ruruh noong graduation namin ng Elementary, High school at Senior Highschool. Naka collage 'yon sa iisang frame at ang cute namin tingnan dito.
Nakakatouch naman dahil naitabi pa nila 'to.
"S'yempre," tugon nito saka inabot sa akin ang baso ng juice. "Ang cute niyo kaya r'yan."
Pinagmasdan ko muli ang larawan bago ko ito ibalik sa p'westo nito kanina. Samantalang ako ay walang naitabi na larawan namin ni Ruruh, kahit sina Alice at Tristan ay wala rin. Sa totoo lang, wala ako masyadong larawan kung ano nangyari sa akin this nine years. Puro lang ako trabaho kaya wala na akong time para magsaya or magpost sa social media.
Sobrang boring ng buhay ko.
"Ruruh? Anak? Nasaan ka na? Narito si Desire," ulit ni Tita. Ilang sandali pa, nakarinig na lang kami ng yabag ng paa na pababa ng hagdan. Maya-maya pa'y bumaba na nga si Ruruh at naguguluhang nakatingin sa amin.
"Hi," bati ko rito, "Inimbita ako ni Tita," dugtong ko bago pa siya makapagtanong.
Napatango na lang siya habang walang emosyon ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa kung naiinis ba siyang makita ako o ano. But his cold action, it's hurting me.
Okay lang naman na cold ang ibang tao sa akin pero pagdating sa kan'ya... para may kung anong mabigat sa dibdib ko kaya anh hirap huminga.
Ilang sandali pa, lumapit naman si Tita rito at bigla na lang siyang hinampas sa braso. "Aray-Mama?"
"Umayos ka. Kababalik lang ni Desire rito," sermon ni Tita Cheska sa anak n'ya. "Kumustahin mo naman s'ya," bulong nito pero narinig ko pa rin.
Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya nang magtama ang mga mata namin, agad akong napaiwas. Halata namang ayaw akong makita or kausapin ng anak niya.
Natigil naman ang mata ko sa tatlong bingo card na nakapatong sa may coffee table. "Tita? Nagbibingo rin kayo?" pang-iiba ko ng usapan. Natigil naman siya sa pangungulit sa anak niya't agad na lumapit sa may lamesa.
"Ay oo nga pala. Nakalimutan ko, naglalaro nga pala kami nina Brenda at Gina," sabi niya saka agad kinuha ang mga card sa table. Hindi ko maimagine na naglalaro pala ng Bingo si Tita Cheska. Kung 'yung nanay ko at nanay ni Tristan, p'wede pa! "O siya! Iwanan ko na muna kayo. Alam kong namiss n'yo ang isa't isa."
Pagkasabi n'ya no'n, agad nga siyang umalis. Iniwan niya talaga kaming dalawa rito ni Ruruh.
Ay pagkakagaling nga naman.
Walang umiimik sa amin ni Ruruh. Hindi talaga niya ako pinansin pagkaalis ng nanay niya. Nagtungo lang siya sa may kusina nila't kumuha rin ng maiinom sa may ref. Kung umasta siya parang wala ako rito.
Ano bang dapat kong gawin para lang hindi na siya magalit sa akin?
"U-Uhm... hindi namin nakita 'yung time capsule kanina," sabi ko, may mapag-usapan lang. Tinapunan lang niya ako ng tingin at kitang-kita sa mga mata niya na wala siyang pakialam.
Kung anumang sabihin ko, wala siyang pakialam.
Ayos lang naman sa akin kung ibang tao or si Casper, pero pagdating sa kaniya... ang bigat sa dibdib. Hindi ako makahinga ng maayos.
Hindi ko na kinaya ang bigat ng atmosphere. "A-Ah Ruruh, alis na 'ko, ha?" paalam ko saka ibinaba ko lang sa may coffee table nila ang hawak kong baso.
Wala talaga akong narinig kahit tugon mula sa kaniya kaya naglakad na ako palabas ng bahay nila. Noong sinabi niyang ayaw na niyang makipagkaibigan sa akin, ang hirap tanggapin.
He was my best friend who always support me, but now, we're like stranger.
Na mimiss ko na 'yung dati.
Akala ko pag-uwi ko ay magiging maayos na ang lahat. Akala ko magiging madali ang paglimot ko sa naging buhay ko sa Manila pero hindi pala.
Gulong-gulo na 'ko at hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Bumalik na lang ako sa kwarto ko pero sa hindi inaasahan, napatid ako bigla sa maleta ko.
Hindi pa pala ako nakakapag-ayos ng gamit. Dapat kagabi ko 'to gagawin kaso maraming nangyari kagabi kaya nawala sa isip ko.
Dahan-dahan kong nilagay sa ibabaw ng kama ang maleta at agad na binuklat 'yon. Sinimulan ko na ring ilagay ang mga damit ko sa loob ng cabinet. Pero nang buksan ko 'yon, nagulat na lang ako nang may mahulog mula sa taas.
Mga paint brush pero ito 'yung mga paint brush na bigay ni Ruruh noong graduation namin. Alam kasi niya na mahilig akong magpinta kaya niregaluhan niya ako ng fancy paint brush noon.
Hanggang ngayon kumikintab-kintab pa rin ang mga glitters sa loob nito at mukha pa ring bago.
Kaya pala hindi ko na ito makita, naiwan ko pala rito.
Habang pinagmamasdan ko 'to, naalala ko kung gaano ko kagusto ang pagpipinta noon. Napatingin ako sa paligid at natigil ang mga mata ko sa mga canvas na nakasabit sa silid. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang mga painting na 'to noon. Ang bawat stroke ng mga brush, mga kulay, at linya na narito... hindi ko maalala kung paano ko nagawa.
At lalo nang hindi ko na maalala ang pakiramdam o saya noong ginagawa ko ang mga 'to. Unti-unting pinatay ng panahon ang interest ko sa pagpipinta o sa mga bagay na gusto ko noon.
Pero sa totoo lang, kasalanan ko naman ang nangyari sa buhay ko. Masyado akong nagtiwala. At dahil dito, muling sumariwa lahat ng alaala na nais kong kalimutan. Kahit anong gawin ko para bang minumulto ako ng nakaraan ko.
Bigla na lang may luhang tumulo mula sa mga mata ko at lahat ng bundok-bundok na emosyong pilit kong tinatago ay bigla na lang gumuho. Tinakpan ko ang aking bibig para walang makarinig.
Kahit anong mangyari, ayokong may makakita sa akin sa ganitong sitwasyon. Ayokong isipin nila na maarte ako or mahina at alam kong isa lang din naman ang sasabihin nila.
Na mahirap talaga ang buhay.
Walang madali.
Na kailangan kong maging matatag.
Minsan hinihiling ko na lang na sana, ibalik ako sa nakaraan.
Kung saan masaya pa ako.
_______________________________________________________________________
To be continue...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top