Chapter 7
Hindi kinaya ni mama ang sinabi ko kahapon. Muntik pa niya akong hagupitin ng sinturon kung hindi lang siya napigilan ni Faye.
Mga 9:00 am na 'ko nagising since today is the start of my certified unemployed life. Pero 'yung totoo, ginising talaga ako ni Mama dahil galit siya. Inutusan din niya akong magdilig ng mga halaman niya sa labas habang nandoon naman siya sa kabilang bahay, kina Tita Gina. Nakikipaglaro ng Bingo.
Wala naman akong magagawa kaya after kong mag-almusal, diniligan ko na rin ang mga halaman niya.
"Kayo pala mga bagong baby ni mama, ah," sabi ko habang nakatingin sa mga halaman, as if naman sasagot ang mga 'to.
After kong magdilig, pinutulan ko rin ng mga tuyong dahon ang ilang branch ng mga halaman.
"Desire!"
Pero muntik na akong mawalan ng balanse sa gulat nang makarinig ako ng sigaw mula sa likuran ko.
Agad akong lumingon para tingnan kung sino 'yon at hindi ko inaasahan na si Alice pala 'yon, isa sa mga matatalik kong kaibigan.
"Nakauwi ka na!" palakat na saad n'ya. Tumakbo siya palapit sa akin saka agad akong kinulong sa mga bisig n'ya. "Hindi ako makapaniwala!"
"Sandali..." Bahagya kong tinapik ang kamay n'ya dahil 'di na ako makahinga. Sobrang higpit ng yakap n'ya.
"Oops, sorry. Sobrang excited lang ako na makita ka," sabi n'ya at halos tumalon na siya sa tuwa. "'Di ako makapaniwala. Nakauwi ka na!"
"Siyam na taon din kasi e." Napatingin ako sa may likuran niya't nakita ko si Tristan na nakatayo ro'n. Nandito rin pala s'ya.
"Pagkasabi na pagkasabi ni Tan sa 'kin na umuwi ka na, nagpasama agad ako sa kan'ya na pumunta rito," sabi ni Alice at mababakas sa boses n'ya ang pagkasabik. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin. Sa totoo lang, hindi ito ang ineexpect kong reaksyon mula sa kanila.
9 years din akong hindi nagparamdam sa kanila dahil nagpakabusy ako sa buhay ko sa Manila.
"Talaga? Hindi ba kayo nagtatampo?" tanong ko.
Ngumiti lang si Tristan habang umakto naman na parang nag-iisip si Alice. Napangiti naman ako. Hindi pa rin siya nagbabago.
After a moment, she spread her arm as she waiting me to hug her. Pero ginaya ko lang siya. "Sus, alam kong namiss mo rin ako kaya yakap na," ani Alice.
Pero hindi ako kumibo sa halip ay ginaya ko lang siya.
"Mas miss mo 'ko kaya ikaw na yumakap best friend," saad ko. Mas lalong lumawak ang ngiti sa kan'yang labi at muling niyakap ako.
Natawa na lang ako.
"Namiss ko sobra ang best friend ko!" saad ni Alice, "Bakit kasi ngayon ka lang umuwi?"
"Sorry," sabi ko. Magkayakap pa rin kaming dalawa. "Masyado akong nagfocus sa trabaho ko kaya nakalimutan ko na kayong kumustahin. I'm so sorry talaga."
'Yon talaga ang pinagsisisihan ko sa lahat.
"Okay lang 'yon, basta narito ka na," sabi pa ni Alice at tinapik-tapik pa ang likod ko.
"Kaya sulitin mo na ang mga araw na narito pa si Desire, kasi baka next week bumalik na ulit 'yan sa Manila," singit ni Tristan.
"About d'ya-"
"Speaking of susulitin," putol ni Alice sa sasabihin ko. Kumawala siya sa pagkakayakap namin at tumingin sa akin. "Nga pala Desire, naaalala mo si Gio?"
Kunot-noo'ng tiningnan ko sila. "'Yung bunsong mong kapatid?" tanong ko.
"He's turning 21 today," sabi n'ya. Hindi naman ako makapaniwala. Parang dati lang ay totoy na totoy 'yon pero ngayon debut na n'ya. "Doon namin i-celebrate ang birthday n'ya sa Bagsak. Gusto mo sumama?"
"Sa tabing ilog?" tanong ko ulit.
Tumango naman sila. "Si Gio ang nagrequest," sabi pa ni Tristan. "Sama ka na!"
"Kaso kasi-"
"Mamaya na 'yan! Tara!" Hindi man lang ako pinatapos magsalita nina Alice. Basta na lang kinuha ni Tristan sa akin ang host na hawak ko at nilagay 'yon sa loob ng bahay saka sabay nila akong hinila.
Ang bilis ng pangyayari at narito na kami sa may tabing ilog. Bagsak ang tawag dito dahil ang dulo nitong ilog ay talon. Pero malayo naman ang talon dito at safe rin maligo.
Pagdating namin sa munting cabin nila, sinalubong agad kami ng pamilya ni Alice. Hindi pa makapaniwala sina Tita Teresita nang makita ako.
"Ikaw na 'yan, Desire? Grabe ngayon na lang ulit kita nakita ah! Kumusta na?" sabi ng nanay ni Alice.
"Okay lang po," tugon ko.
"Ay s'ya, kuha na kayo ng platito at kumain na kayo. 'Wag kayong mahihiya, ah! Kuha lang kuha!" ani Tita Teresita. Hindi na rin ako nakaimik pa dahil bigla na lang niya akong binigyan ng plastic plate na may laman ng mga pagkain.
Nang makakuha na rin ng pagkain sina Alice, niyaya nila ako sa may batuhan sa may gilid ng ilog at doon kumain.
Parang kagaya lang ng dati tuwing bakasyon maliligo kami sa ilog kaso hindi nga lang bakasyon ngayon. Nasa kalagitnaan kami ngayon ng Ber month. Katatapos nga lang ng birthday ni Faye nitong September.
"So, kumusta ang Manila?" tanong ni Alice sa 'kin.
"Okay lang," sagot ko.
"Ano nga ulit 'yung trabaho mo ro'n?" tanong ulit n'ya.
"Marketing Associate," tipid na sagot ko ulit saka ibinabad ko ang aking paa sa may tubig habang kumakain.
"Ginagawa no'n?" takang tanong naman ni Tristan.
"Basta about sa advertising."
"Pero akala ko ba professional painter ang gusto mo?" singit naman ni Alice.
Saglit akong natigilan. Sa pagtanda pala, na realize ko na tama pala sila Aiden. It's not about what I want. Sa totoong mundo, kailangan talagang maging practical. Hindi lahat ng gusto ay masusunod at may mga pangarap talagang hindi natutupad.
"Wala e, 'yon agad ang nakuha kong trabaho saka... related pa rin naman siya sa Arts, I guess."
"Ang complicated pakinggan n'yan, ah," ani Tristan. Natawa naman ako ng bahagya. "Pero easy lang 'yan sa 'yo. Ikaw pa? E ang galing-galing mo nga."
Biglang nagbago ang ihip ng hangin at bahagya akong natigilan nang marinig ang salitang 'yon. Ngayon ko na lang ulit narinig ang mga salitang 'yon at tila ba bigla na lang sumagi sa isip ko ang mga alaalang pilit kong kinakalimutan.
"Naalala n'yo noong high school tayo? Palaging nanalo si Desire sa mga poster making," kwento n'ya, "Walang makatalo sa 'yo noon."
"Oo nga, ikaw lagi ang pambato ng section natin," dagdag pa ni Alice. Tumatango-tango lang ako sa mga sinasabi nila habang abalang kumakain. "Nakakamiss ang highschool 'no?"
"Mm..." tugon ko.
"Hindi rin," ani Tristan. "Ayoko na mag-aral at ayoko rin magtrabaho. Gusto kong walang ginagawa."
"Mismo!" pagsang-ayon ko saka nakipag-apir sa kaniya habang tumatawa.
"Pero nakakamiss 'yung mga memory, 'yung tipong wala kang iniintindi noon na mga bills," sabi pa rin ni Alice, which is true. Minsan na mimiss ko rin 'yung mga panahon noong nasa highschool pa lang kami. "Tapos naalala niyo noong senior high tayo? Gumawa tayo noon ng time capsule!"
Salubong lang ang kilay kong nakatingin sa kanila. Sa sobrang tagal na, wala na ako masyadong maalala noong high school kami.
"O tapos?" tanong ni Tristan dito.
"Hinintay ko lang talaga na umuwi si Desire to bring up that topic. Hindi niyo ba naaalala?" saad n'ya. Saka ko lang naalala na before kami grumaduate, gumawa nga pala kami noon ng time capsule.
"'Di ba malapit lang dito 'yung pinaglibingan natin no'n?" wika naman ni Tristan saka bigla na lang silang tumayo. "Since lagpas na naman ng ten years, hukayin na natin! Tara!"
Hindi pa ako tapos kumain nang magyaya na naman sila kung saan. Ibinaba muna namin ang mga pagkain namin sa cabin bago nagpunta sa kabilang parte ng ilog. Desidido talaga silang hanapin 'yung time capsule na ginawa namin noong high school. Ni hindi ko na nga maalala kung saan namin nilibing 'yon, e.
Ilang sandali pa, tumigil si Alice. "Okay, dito yata 'yon. Hukayin mo na, Tan!" utos n'ya rito.
"Luh? Bakit ako?" tanong ni Tristan.
"Ikaw ang lalaki kaya ikaw maghukay, saka mga babae kami 'no!" sabi ni Alice rito. Tahimik lang naman akong nakatayo sa likuran nila habang nakapamulsa. Kapag pinagmamasdan ko sila, na realize kong wala pa rin silang pinagbago.
Palagi pa rin sila nagtatalo pero kahit na gano'n, magkasama pa rin sila.
"Babae ka? Sure ka?" pang-aasar ni Tristan dito.
"Aba'y oo!" singhal ni Alice. Hindi ko naman mapigilang mapangiti habang pinapanood sila. "Uupakan talaga kita! Hukayin mo na!"
"Oo na," ani Tristan at hindi na nga namin napigilang matawa. Ngayon ko na lang ulit narinig ang pangalan na 'yon. Akma s'yang susuntukin ni Alice pero agad s'yang nakaiwas.
"Manahimik ka na at magsimula ng maghukay," utos ni Alice rito.
Napailing na lang si Tristan at nagsimula ng maghukay. Kaso lumipas na ang ilang minuto, hindi pa rin namin makita ang mga time capsule namin. Tumulong na nga ako pero wala pa rin.
"Alam ko dito natin nilibing 'yon," ani Alice.
"Kung narito 'yon, e 'di sana nakita na natin!" sabi ni Tristan. Punong-puno na siya ng buhangin sa katawan. "Sigurado ka ba?"
"Oo-"
"Anong ginagawa n'yo?" Natigilan kaming tatlo sa paghuhukay at sabay-sabay na napalingon sa nagsalita. Bahagya naman akong nagulat sa nakita ko.
"Ruruh!" sigaw ni Alice saka lumapit dito. Tulad kahapon, wala pa ring makikitang emosyon sa mukha n'ya. "Hinuhukay namin 'yung mga time capsule natin!"
"Time capsule?" salubong ang kilay n'yang tiningnan kami.
"Uy, kumusta na p're?" tanong ni Tristan then he awkwardly look at me and Alice. So, totoo nga. Kahit kina Alice at Tristan, hindi na rin siya sumasama. "Tagal na rin nating hindi nagkikita, ah."
"Birthday ni Gio, baka gusto mong sumama at makicelebrate?" tanong naman ni Alice. "Tamang-tama narito na si Desire! Kompleto na ulit tayong apat!"
"Hindi ako magtatagal dito," saad ni Ruruh. Mas malamig pa ang tono ng boses niya kaysa sa tubig sa ilog. "Pinapasabi ni Tita Brenda na umuwi ka raw ng maaga. Hindi ka man lang daw nagpaalam na aalis ka."
"Ah kasi hinila lang namin s'ya-" Hindi na natapos ni Tristan ang sasabihin at bigla na lang naglakad paalis. Hindi man lang nagpapaalam. "Sungit talaga."
Nagkatinginan na lang kaming tatlo at sumuko na sa paghahanap ng tine capsule. Wala e, hindi talaga namin makita. Naglakad na lang kami pabalik sa cabin.
"Gan'yan talaga nangyayari kapag may LQ sa magkakaibigan. Damay lahat!" wika ni Tristan pero nagtataka naman akong napatingin sa kaniya.
"Gagi! Hindi nga naging sila, anong LQ?!" saad naman ni Alice, bahagya pa siyang natawa. Habang ako naman ay naguguluhan.
"Sinong pinag-uusapan n'yo?" tanong ko.
"Wala!" sabay nilang sagot sa akin. "Nga pala, kailan ka ulit babalik ng Manila?" tanong naman ni Alice sa akin.
"Hindi na," mabilis na sagot ko. Dahilan kaya bigla silang napatigil sa paglalakad. "Bakit?"
"Anong hindi na?" takang tanong naman ni Tristan sa akin.
"Hindi na ako babalik. Dito na 'ko for good," saad ko. Saglit silang natigilan pero agad din namang nakabawi.
"E 'yung trabaho mo?" tanong ulit ni Tristan.
"Wala na 'kong trabaho," sagot ko na para bang wala lang.
"Nag resign ka?" singit naman ni Alice. Bakit kaya laging gano'n ang tinatanong nila sa akin? Kung nagresign ba ako?
Hindi ako sumagot. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nakasunod naman sila sa akin.
"Anyway, anong sabi nina Tita Brenda about dito?" pang-iiba ni Alice.
"S'yempre galit 'yon!" si Tristan ang sumagot. "Palagi pa namang sinasabi no'n sa bingo-han na 'Ang anak kong si Desire ay nagtatrabaho sa malaking kompanya'- Sa totoo lang, ipinagmamalaki ni Tita Brenda lahat ng mga anak n'ya."
"Pero bakit ka umalis sa trabaho?" tanong ulit ni Alice, mas lalong nagsalubong ang kilay n'ya.
"Napagod ako," simpleng sagot ko.
"Napagod?" nagtatakang inulit ni Alice ang sinabi ko. "Hindi gan'yang Desire ang kilala namin."
"Well, tell me... sinong Desire ang kilala niyo noon?" tanong ko. Dahil kahit ako, hindi ko na rin kilala ang sarili ko ngayon.
"'Yung Desire na kilala namin, hindi sumusuko. Kahit pagod na. Gagawin pa rin niya ang lahat para makuha ang pangarap n'ya-"
"Anong pangarap?" putol ko sa sinasabi ni Tristan.
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Alice at mababakas sa mga mata nila ang pag-aalala.
"Desire, may nangyari ba?" balik na tanong ni Alice. "Kaya ka nga nagpunta ng Manila, 'di ba? To pursue your dream... anong nangyari? Okay ka lang ba?"
Huminga naman ako ng malalim para marelax ang aking sarili. Ayokong isipin nila na hindi ako, okay... pero hindi ko rin alam sa sarili ko kung maayos ba ako o hindi.
"Walang nangyari, Alice," I said, saka pinilit kong ngumiti kahit hindi ko feel ngumiti ngayon. "Okay ako. Sadyang... namiss ko lang kayo kaya umuwi na ako! A-Anyway, mauna na ako. Badshot pa 'ko kay mama kaya aalis na 'ko. Pakisabi na lang kay Gio na happy birthday ulit!"
"Desire-" Hindi ko na sila pinatapos at nagmadali na akong naglakad paalis.
Hindi ko na rin sila nagawang lingunin, dahil baka mahuli pa nila akong lumuluha. I don't want to talk about my problem. All I want is to forget.
___________________________________________________________
To be continue...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top