Chapter 5
Hinintay ko si Ruh after class pero nalaman ko na nauna na pala itong umuwi. Kaya pala ang tagal kong naghihintay at mahigit 30 minutes na 'kong nakatayo sa labas ng room nila. Patay malisya na nga ako noong makasalubong ko si Aldwin, makasabay ko lang siya.
Kung hindi ko pa tinanong ang mga kaklase n'ya, hindi ko pa malalaman.
Huminga na lang ako ng malalim.
"Problema mo?"
Napasinghap ako bigla at gulat na napalingon sa likuran ko. Nakita ko naman si Tristan na salubong ang kilay na nakatingin sa akin. Hindi pa pala s'ya umuuwi?
"Hihintayin ko sana si Ruruh—"
"Eh?! Kanina pa siyang umalis. Akala ko nga pupuntahan ka n'ya, e!" saad n'ya.
So wala pala talaga siyang balak sumabay sa akin ngayon. Gusto ko sana siyang makausap pero mukhang... galit talaga siya. Kahit sinabi niya kagabi na okay lang, alam kong hindi 'yon okay. Lalo pa’t aminado akong may nagawa akong mali sa kan'ya.
"Alam ko," saad ko.
"Nag-away kayo?" tanong pa n'ya. Nagkibit-balikat naman ako. Wala ako sa mood ikwento ang nangyari. Gusto ko na lang na makauwi.
Sabay na kaming naglakad pauwi ni Tristan. Since malapit lang din naman ang bahay n'ya sa amin, pero madalas kasi gusto nitong umuwi mag-isa dahil dumadaan pa 'to ng computer shop.
Tahimik lang ako habang naglalakad sa gilid ng kalsada.
"Oy," rinig kong tawag ni Tan sa akin.
"Oh?" tugon ko naman, hindi man lang siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nakasunod s'ya sa akin.
"Gusto mo mawala ang tampo ni Ruruh?" tanong n'ya. Natigilan naman ako't agad na lumingon sa kaniya. Salubong ang kilay kong nakatingin sa kaniya. "Bakit gan'yan ka makatingin sa akin?"
"Mukhang hindi ka mapagkakatiwalaan," walang atubiling sagot ko. I'm just being honest. Lahat kasi ng suhestiyon ng taong 'to, puro kalokohan lang.
Napasinghap siya saka bigla na lang nilagay ang kamay sa dibdib niya. Umakto pa siya na akala mo'y nasaktan talaga sa sinabi ko.
"Grabe ka sa 'kin. Nagpapaka-good samaritan na nga ako rito, oh!" sambit n'ya. "Anyway, gusto mo ba o hindi?"
Saglit akong napaisip. Palagi kasing magkasama silang dalawa kaya baka may alam itong si Tristan kung paano mawawala ang pagkabadtrip ni Ruruh sa 'kin. Kaso nga lang hindi talaga mapagkakatiwalaan ang taong 'to.
"'Yan kapag kalokohan, sinasabi ko talaga sa 'yo malilintikan ka talaga sa 'kin!" banta ko pero sa halip ay tinawanan lang n'ya.
"Ito na, unang-una, gumawa ka ng letter. Mahilig sa mga gan'yan si Ruruh, tapos regaluhan mo siya tulad ng bulaklak gano'n!" sabi n'ya pero kapag pinagmamasdan ko ang mukha n'ya ay hindi ko magawang maging seryoso—I mean, lahat ng lumalabas sa bibig niya ay puro kalokohan. "Hoy? Nakikinig ka ba?"
"Nakikinig ako pero hindi kita magawang seryosohon, Tan. Feeling ko pinagtitripan mo 'ko, e," sambit ko.
"Luh? Ito ha, makinig ka." Hinawakan n'ya ang braso ko kaya natigil kami sa paglalakad. "Simple lang naman mga gusto ni Ruruh, basta galing sa 'yo, lalambot 'yon."
Mas lalo pa yata akong nalito sa pinagsasabi n'ya. "Huh?!"
"Sundin mo na lang sinabi ko. Pagginawa mo 'yon, bati na kayo agad," sabi pa n'ya.
Pero nagdududa pa rin ako. Hirap kasi seryosohin ng taong 'to. Sinusubukan ko naman kaso mukha kasi siyang joker.
"Sure?" paniniguro ko pa rin.
"Aba'y oo nga! Ang kulit," tugon naman n'ya. Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.
Pero... bulaklak? Should I give him flower? Flower talaga?
Mukha naman akong nanliligaw no'n.
***
I ended up doing what Tristan told me. Kaso inabot pa ko ng graduation bago natapos ang letter. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kan'ya. Mas nadalian pa 'ko sa paggawa ng time capsule kaysa rito.
Hindi naman ito ang unang beses na nagkatampuhan kami pero bihira lang. Naaayos naman agad at madalas si Ruruh ang unang lumalapit.
Pero ngayon, hindi ko siya mahagilap. Sinubukan ko siyang puntahan sa bahay nila kaninang umaga pero nakaalis na sila ni Tita Cheska.
Pagdating ko namang school, madami na ring tao kaya mas lalo akong nahirapang hanapin siya.
"Sa wakas dumating ka na rin!" wika ni Alice saka hinila ako papunta sa pila. Sinubukan kong hanapin si Ruruh pero sobrang daming tao.
Akmang pupunta sana ako sa pila ng section nina Ruruh at Tristan kaso hindi ako makaalis dahil nakapulupot ang kamay ni Alice sa braso ko.
"Tingin dito be!" tawag ng Grace, ang Ate ni Alice, saka kami kinuhanan ng litrato. "Ay oh! Pak! Ang ganda n'yo!"
Pinakita pa n'ya sa amin ang litrato pero ang mas napansin ko ay si Casper na nakasimangot sa background. Halatang napilitang samahan ako ngayong araw na ito.
Agad ko naman siyang nilingon.
"Hindi ba p'wedeng ngumiti ka naman, kahit konti lang?" tanong ko rito.
Sa kasamaang palad, si Casper ang kasama kong magmamartsa ngayon sa Graduation. Wala pa kasi sina Mama at busy naman si Aiden kaya no choice ako kundi s'ya lang talaga.
"Yeah, whatever," aniya at tinalikuran lang ako.
Napailing na lang ako't nakipagpictur-an sa iba pa naming mga kaklase. Ilang sandali pa, nagsimula na ang program. Mas mauuna ang section namin kaysa kina Ruruh kaya nang sila na ang magmamartsa, saka ko lang siya nakita.
Hindi ko naman napigilang mapa-Wow sa itsura niya ngayon. He look so good. Isama pa na bagong gupit siya. Bumagay sa kaniya ang two block haircut.
"Kung hindi natin kaibigan si Ruruh, baka nagkacrush na 'ko sa kan'ya," rinig kong bulong ni Alice sa akin.
Nagsalubong naman ang kilay ko. "Huh?"
"Bakit? Ang g'wapo kaya ni Ruruh," she said. Oo, g'wapo si Ruruh but not to the point na magkakagusto ako sa kaniya like... he's a friend. My childhood friend. "Anyway tingnan mo, hindi lang si Ruruh ang bagong gupit."
Napadako ang tingin ko sa direksyon ni Tristan. Tulad ng sabi ni Alice, bagong gupit din ito at bumagay rin dito 'yung buzz cut. Mas nagmukha siyang... manly. Lalo pa’t malaki ang katawan nito kaysa kay Ruruh.
"Alam mo kung gan'yan ako kagandang lalaki, jojowain ko 'yung magagandang babae rito sa school," dagdag pa ni Alice habang pinagmamasdan namin silang magmartsa.
Kung sa bagay, ako rin. "Bakit kaya wala silang niligawan 'no? Ni wala silang kinuwento sa atin kung sino nagugustuhan nila," dagdag ko.
Ilang sandali pa, biglang suminghap si Alice at tumingin sa akin. "What if kaya wala silang nililigawan ay dahil hindi babae ang gusto nila? What if sila talaga together—oh sh*t."
"Pinagsasabi mo?" natatawang saad ko. Tinakpan ko pa ang bibig ko para pigilan ang pagtawa ko.
"What if lang naman," ani Alice. Kahit siya ay natatawa na rin.
"Be, dulot lang 'yan ng mga binabasa mong BL," sabi ko, "Itigil mo na 'yan."
Mahilig kasi itong magbasa ng mga Yaoi Manga. 'Yun ang biggest secret niya at kahit ako ay iniimpluwensyahan niyang magbasa. Kaso... I'm not interested with that kind of stuff. Hindi kaya ng utak ko kaya siya na lang.
Naiimagine ko na rin ang mga sasabihin nina Ruruh at Tristan pag narinig nila ang sinabi ni Alice. For sure magmumura 'yung dalawang 'yon.
After ng martsa, nagstart na silang magtawag ng mga honor at high honor each section. Pinaakyat na rin nila kaming lahat para ibigay ang mga diploma namin and lastly, tinawag na rin nila ako for the speech since I'm the valedictorian.
"... Congratulations, class 2019! We did it!" matapos kong sabihin 'yon, naghiyawan lahat ng student at nag-umpisa ng kantahin ang graduation song.
May mga student na nag-iiyakan habang kinakanta 'yon at meroon din namang iba na nagkakatuwaan. Kasama kong kumakanta sina Alice at ang iba pa naming mga kaklase. After naming magpicture, akmang lalabas na kami ng gymnasium, kung saan ginanap ang graduation.
Pero nahagip naman ng mga mata ko sina Ruruh at Tristan. Sumenyas pa sa akin si Tristan na lumapit ako sa kanila at do'n ko lang naalala ang regalo na ibibigay ko dapat kay Ruruh.
"Mauna ka na, susunod ako sa 'yo," sabi ko kay Casper saka nag madaling lumapit kina Tristan. "Ruh! Tan!" tawag ko pa sa kanila nang makalapit ako.
Wala namang emosyong makikita sa mukha ni Ruruh. Wala man lang congrats akong nakuha kundi malamig na tingin lang. Hindi na lang ako umimik pa at inabot ko na lang sa kaniya ang maliit na paper bag.
"Ano 'yan?" takang tanong ni Ruruh sa akin.
"Regalo malamang!" si Tristan ang sumagot. "'Wag ka na pakipot, p're! Tanggapin mo na."
"Para sa 'yo 'yan. Graduation gift," sabi ko. Kaso tiningnan lang n'ya 'yon, parang wala pa yata siyang balak tanggapin ito.
"Ayaw mo yata. Akin na lang—" Bago pa makuha ni Tristan ang paper bag sa 'kin, kinuha agad ito ni Ruruh. "—Oh? Akala ko ba ayaw mo?"
"May sinabi ba akong ayoko? 'Di ba para sa akin 'to? May pangalan ko, oh!" sabi ni Ruruh at parang batang pinakita ang pangalan na sinulat ko mismo sa paper bag. "Aagaw ka pa."
"E, hindi mo kasi kinukuha kaya akala ko ayaw mo." Napakamot pa sa ulo si Tristan. "Ang arte, d'yan na nga kayo!" dagdag pa n'ya saka naglakad paalis.
Naiwan naman kaming dalawa. As in kaming dalawa na lang ang narito sa loob ng gymnasium.
"I'm really sorry, Ruh. Biglaan kasi 'yung nangyari kaya hindi ko kaagad nasabi sa 'yo na nagtake na ako ng exam sa Manila," sabi ko.
Huminga naman siya ng malalim at matipid na ngumiti sa akin. "Okay lang..." he said, but I don't believe that. "Seryoso, Desire. Okay lang talaga... Alam ko kung gaano kaimportante sa 'yo 'yon kaya masaya ako para sa 'yo. Pasensya na... for being insensitive."
Nagsalubong ang kilay ko. "Insensitive of what?"
"Alam ko kung gaano kahalaga sa 'yo ang araw na 'yon, pero nagtampo ako," sagot niya.
"Ruruh, of course may karapatan kang magtampo. Nagpromise ako sa 'yo—"
"Pero una akong nagpromise sa 'yo," putol ulit niya sansinasabi ko. Naguguluhan namang tiningnan ko siya. "Naalala mo ang sinabi ko sa 'yo? Kakampi mo 'ko sa lahat ng bagay. Kung anong gusto mo, susuportahan kita."
"Aww, Ruruh." Hindi ko na alam ang sasabihin kaya niyakap ko na lang siya. "You're so sweet. But seriously, I'm sorry."
"Nah... Ano ba 'tong binigay mo?" pang-iiba n'ya ng usapan saka kinuha ang letter sa loob nito at 'yung keychain ni Bokuto sa Haikyuu. Alam kong mahilig siya sa anime at madalas niyang binabanggit si Bokuto. "Love letter?"
"Ulol! Hindi ah! Sabi kasi ni Tristan na bigyan kita n'yan," sabi ko. Dapat nga flower kaso ang weird naman n'on kaya keychain na lang. At least p'wede n'ya pang dalhin 'yon palagi.
Ngumiti naman s'ya saka may inabot sa akin. Saka ko lang napansin ang red paper bag na hawak n'ya. "Para sa 'yo. Balak ko talaga ibigay sa 'yo 'to bago tayo mag-uwian."
"Anong laman nito?" Bahagya kong binuksan ang paper bag at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. "Oh... my... god..." Namilog ang mga mata kong napatingin sa kaniya nang ilabas ko ang tatlong pirasong paint brush sa loob nito.
Pero hindi lang ito basta paint brush. Ang ganda ng pagkakagawa nito, lalo na 'yung brush na sobrang soft. Tinitingnan ko pa lang, alam ko nang masarap itong gamitin sa pagpinta. Tapos isama pa ang hawakan nitong transparent na gawa sa resin kaya mukhang babasagin at may mga glitters pa! Kaya kumikinam-kinam kapag tinatamaan ng liwanag.
"Sobrang ganda nito, Ruruh! Gustong-gusto ko!" sabi ko at sa sobrang tuwa ko, hindi ko napigilang yakapin siya ng mahigpit. Alam talaga niya kung ano ang mga gusto ko. "Thank you! Thank you so much!"
"A-Ah... W-Welcome..." rinig kong saad n'ya, "May laman pa 'yung bag," dagdag pa n'ya.
Agad akong kumawala sa pagkakayakap at tiningnan ulit ang laman ng bag. Napakunot ang noo ko nang makitang may mga letters dito.
"Love letter?" I teased. Ginaya ko lang siya kanina pero biglang namula ang mukha niya.
"H-Hakdog! Hindi ah! 8 letters 'yan! Pero sa bahay mo na basahin," sabi n'ya.
"8 letters?" takang tanong ko sa kaniya. "Nakagawa ka ng 8 letters para sa akin pero samantalang ako ay hirap na hirap gumawa ng isang letter."
"Nakagawa ka nga para kay Aldwin—"
"Shut up!" Okay na nga e. Magsasalita pa siya ng kung ano-ano.
"Hoy! Bati na ba kayo?!"
Sabay kaming napalingon ni Ruruh sa may exit at nakita namin do'n sina Alice at Tristan na hinihintay kami.
"Tara! Picture na!" yaya naman ni Tristan.
Agad naman kaming lumapit sa kanila at nakipagpictur-an na rin. Hindi ko na mabilang kung ilang picture ang pinaggagawa namin basta ngalay na ang labi ko kakangiti.
After no'n, umuwi na kami. Pagdating sa bahay naabutan namin sa kusina si Aiden na naghahanda.
"Congratulations, Desire!" bati niya sa akin saka niyakap ako ng mahigpit. "Talaga bang sa Manila ka papasok? Hindi na ba magbabago ang isip mo?"
"Nope!" I respond, quickly.
Huminga naman siya ng malalim. "Alam kong tingin mo sa akin ay kontrabida pero gusto lang kitang protektahan," sabi n'ya, "Hindi biro ang Manila..."
"Tama si Aiden," pagsang-ayon naman ni Casper habang tinitira na 'yung manok sa lamesa. "Makikilala mo r'on ang iba’t ibang delata."
Natawa na lang kami pareho ni Aiden sa sinabi nito. "Seriously, guys. I'm gonna be fine," I said. It turns out, they just overprotective on me. Pero tingin ko, kaya ko naman.
After naming kumain, dumiretso na 'ko sa kwarto. Pero nahagip naman ng mga mata ko si Ruruh sa labas ng bintana. Nilalaro ulit niya si Chester sa bakuran nila and since wala naman akong gagawin, bumaba agad ako para puntahan siya.
"Ruh!" tawag ko rito, pagkalabas ko ng bahay.
"Nabasa mo na ang binigay ko sa 'yo?" tanong niya agad sa akin pero umiling ako.
"Nasa kwarto ko pa," sagot ko, "E, 'yung sa akin? Nabasa mo na? Sobrang cringe pa naman ng mga nakasulat do'n."
Bahagya naman siyang natawa saka lumapit sa akin habang nakasunod naman sa kaniya si Chester, gusto pa ring makipaglaro kaso hindi niya magawa dahil kausap niya ako ngayon kaya hinimas na lang niya ang ulo nito.
"Nabasa ko na," sagot pa niya, "Nakakalungkot lang dahil kapag nakapasa ka sa exam, sa Manila ka na talaga mag-aaral."
"Mamimiss mo 'ko?" biro ko sa kan'ya.
"Oo," walang atubiling sagot niya. Medyo hindi ko ineexpect ang sagot na 'yon. "Wala na 'kong aasarin."
"Ulol!" tugon ko. "Kung makapagsalita ka naman parang hindi na tayo magkikita like hello! Uuwi pa rin naman ako rito."
"Yup..." tanging saad niya pero mababakas pa rin sa mukha n'ya ang lungkot. "Pero iba pa rin 'yung palagi tayong magkasama."
"I know..." Saglit kaming natahimik bago ulit ako nagsalita. "... Pero isipin mo, Ruh. Kung palagi tayong magkasama, paano tayo maggo-grow? Saka darating din talaga tayo sa point na kailangan nating maghiwalay ng path."
"Mm-hm, alam ko. Magkaiba ang gusto natin pero natatakot lang ako," sabi niya na ipinagtaka ko.
"Natatakot saan?" takang tanong ko.
"That we grow apart. Iba na 'ko, iba ka na, hindi na katulad ng dati dahil we grow... in different ways," sabi niya, dahilan kaya natigilan ako. I don't know how to respond to that.
Bago pa ako makaimik, bigla namang bumukas ang pinto at lumabas si Tita Cheska.
"Ano pang ginagawa niyo rito sa labas? Pumasok na kayo't mahamog na!" sabi nito. Wala naman kaming nagawa kundi ang sundin si Tita Cheska. Nagpaalam na ako kay Ruruh bago naglakad papasok ng bahay.
Pero nanatili sa isip ang sinabi ni Ruruh. Anong ibig n'yang sabihin do'n? We grow in different ways? Imposible. Sa Manila lang naman ako pupunta.
Walang magbabago sa akin. After ten years, it's still me but... much better and successful.
Pangako ko 'yan sa sarili ko.
________________________________________________________________
To be continue...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top