Chapter 4

"Hindi ikaw ang magdedesisyon dito, Ben."



Kauuwi pa lang ni Ben, pero nag-aaway na agad sila ni Aiden. Bakit? Dahil lang naman sa akin. Ayaw kasi ni Aiden na isama ako ni Ben sa Manila.










Pero sa totoo lang, lahat naman pinagtatalunan nang dalawang ito. Wala na silang pinagkasunduan. Kahit sina mama at papa ay hindi na sila masaway. Kaya noong nagdecide umalis si Ben, medyo nagkaroon naman kahit papaano ng peace ang bahay sa wakas.




Nakaupo lang ako sa sofa, katabi si Casper, habang nagtatalo sa harapan namin 'yung dalawa. Kapag sina Aiden at Ben na ang nagdedebatehan, wala ng umiimik or hindi na namin tinatangkang sumingit. Basta tahimik na kami at hinihintay na lang namin kung sino ang mananalo.




"You're right." Tumango si Ben habang may halong sarkastiko ang tono ng boses n'ya. For sure mas lalong maiinis nito si Aiden. "Hindi ako at mas lalong hindi ikaw. Si Desire dapat ang magdecide kung anong course ang kukunin n'ya."




'Yan ang dahilan kaya si Ben ang pinakapaboritong kapatid. Napangiti naman ako kaso nawala rin nang magsalita ulit si Aiden.



"Seryoso ka ba? Fine arts? Anong mapapala n'ya sa kursong 'yon?!" he exclaimed. Napapitlag pa kami ni Casper sa pagtaas ang boses nito. "Mag-isip nga kayo! Desire—" Lumingon s'ya sa akin. Grabe ang kaba ko nang magtama ang paningin namin. Para bang kakainin ako ng buhay. "—Tinawagan mo ba si Ben?!"

Agad akong umiling. "H-Hindi..."

Paano ko tatawagin si Ben? E, wala nga akong phone. Kahit ako ay nagulat sa pag-uwi n'ya at kung paano n'ya nalaman na balak kong mag-aral sa Manila.

Wala akong ideya.




"'Di ba sinabi ko na hihintayin muna natin sina Mama, saka natin pag-uusapan ang tungkol dito?" mariing sambit n'ya, galit na galit. Tumango naman ako dahil sa takot.


"Stop being dictator Aiden," singit ni Ben, "Hayaan mo si Desire sa gusto n'ya at isa pa, nakausap ko na sina Mama about this," dagdag n'ya. Sabay kaming napatingin sa kan'ya.




"Ano?" hindi makapaniwalang tugon ni Aiden.

"Nakausap ko na sina Mama," ulit n'ya, "At sinabi n'ya na okay lang sa kanila kung anong gusto ni Desire, as long kasama niya ako sa Manila."



"Magsasayang lang kayo ng pera—"

"Aiden, wala pa nga e. Paano mo nasabi na magsasayang ng pera?!" inis na saad ni Blade. Bigla namang tumayo si Casper at wala man lang paalam na bumalik sa silid n'ya. "At kung pera lang naman ang pinoproblema mo, don't worry! Ako na bahala sa pag-aaral ni Desire."

"Fine! Whatever!" pagsuko ni Aiden, pero halatang naiinis pa rin siya. Gano'n ba talaga ka-big deal sa kan'ya ang pagkuha ko ng kursong Fine Arts.



Wala man lang paalam na lumabas siya ng bahay kahit gabi na. Kaming dalawa na lang ni Ben ang naiwan sa sala.



"Paano mo pala nalaman na mag-aaral ako sa Manila?" tanong ko rito. Dahil hindi na sila nagtatalo ni Aiden, p'wede na 'ko magsalita.




"It doesn't matter," tanging tugon n'ya, saka tumabi sa akin. Nagbuntong-hininga pa siya at napahilamos sa mukha. "Saan mo pala balak mag-aral? Malapit lang ba sa Apartment ko 'yan?" tanong naman n'ya.



Kaagad akong tumango. "Sa Technological University of the Philippines. Malapit lang," sagot ko.


"Ah... malapit nga lang, p'wede na. Kailan mo balak mag entrance exam?" tanong ulit n'ya.

"Actually... sa Monday," I answered.

"E 'di dapat pala umalis na tayo bukas ng hapon," sabi n'ya saka tumayo. "Nakakapagod makipag-away kay Aiden kaya..." Kinuha na niya ang bag sa kabilang upuan at sinukbit 'yon sa kaniyang likuran. "...Magpapahinga na 'ko. Ikaw rin."



"Yup. Aakyat na rin ako maya-maya sa k'warto ko," sabi ko.


"Ikaw bahala, pero h'wag kang magpupuyat."


Tumango ako bago s'ya tuluyang umakyat sa hagdan papunta sa k'warto n'ya. Napasilip naman ako sa bintana. Iniisip ko kung saan nagpunta si Aiden. Nasa labas pa ng bahay ang motor niya. Siguro naglakad-lakad ito, nagpapalamig ng ulo.



After a few moments, wala pa rin si Aiden kaya dumiretso na ako sa kwarto ko para matulog. Baka nagpunta siya sa mga kaibigan niya.


***




Kinabukasan, mga bandang hapon ay lumuwas na kami ni Ben papuntang Maynila at halos maggagabi na ng makarating kami sa apartment n'ya. Paniguradong mahihirapan na naman ako nitong matulog.

Kapag iniisip kong bukas na ang entrance exam, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Na eexcite ako and at the same time, kinakabahan din.

Kapag talaga napasa ko 'yon, ito na ang simula para maabot ko ang pangarap ko. Gustong-gusto ko talaga ang pagpipinta. Lalo na ang abstract painting. Nasasatisfy ako sa pagguhit at sa pagstroke ng brush sa mga blangkong canvas while playing with the color.





Wala pa akong sariling art style. I'm still exploring and discovering things. Pero I'm sure sa paglipas ng panahon, mas maiimprove ko pa ang skill ko lalo na kung pinursue ko itong kursong 'to.









Kaso, simula ng umalis kami ni Ben galing San Pablo ay hindi naman maalis sa isip ko si Aiden. Natatakot ako na baka tama si Aiden? What if magsasayang lang ako ng oras dito?






Isama pa na hindi man lang ako nakapagsabi kina Ruruh na hindi ako makakapasok bukas. Wala silang ideya na narito ako ngayon sa Manila para mag-exam. Feeling ko trinaydor ko si Ruruh dahil nagpromise ako sa kaniya na sabay kaming mag-eexam bukas sa LC.







Pero hindi... okay lang naman siguro kay Ruruh. Magsosorry na lang ako pag-uwi ko sa San Pablo.





Kinabukasan, sinamahan ako ni Ben sa TUP at tumambad nga sa amin ang mahabang pila sa labas ng school. Hindi ko inaasahan na ganito pala karami ang mag-eexam.


"Mahaba-habang araw 'to," ani Ben habang nakapila kami. "Okay ka lang? Nagugutom ka ba?" tanong pa n'ya.






"Yup!" tugon ko. "Pero ikaw, hindi ka kumain ng umagahan kanina."






"Nah, busog pa 'ko—" Hindi na natapos ni Blade ang sasabihin niya nang tumunog ang phone n'ya. "Sagutin ko lang," paalam pa niya sa akin.




Tumango lang ako bago siya bahagyang lumayo sa pila. Nakatingin lang ako sa kaniya nang sagutin niya ang kaniyang phone. Kung titingnan, mukhang importante  'yon kahit hindi ko naririnig. Ang seryoso kasi ng mukha niya.




"Hi."




Napatingin ako sa unahan nang biglang nagsalita 'yung babaeng nasa harapan ko. Maikli ang kaniyang buhok na hanggang balikat lang niya. Nakasuot lang din siya ng puting tshirt at itim na pantalon. Nakasalamin din siya habang nakangiting nakatingin sa akin.





"U-Uhm... hello?" tugon ko kahit medyo nalilito ako. Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya. Kung extra ballpen, yare. Wala akong mapapahiram sa kan'ya.



"Sorry, okay lang ba sumingit 'yung mga kaibigan ko?" tanong niya. Saka ko lang napansin 'yung dalawang student na wala sa pila. Isang babae't lalaki. Nakatingin sila sa amin habang hinihingal at pawis na pawis.



Anong nangyari sa dalawang 'to?




"Pasensya na talaga. Galing pa kasi sila sa Quirino, nilakad lang nila mula ro'n," dagdag pa niya. Napaisip ako kung gaano kalayo 'yon mula rito sa Luneta Park.




Anyway, nahiya naman akong tumanggi baka magmukha pa 'kong masama rito kaya tumango na lang ako. Wala naman mawawala sa akin kung magpapasingit ako ng dalawang tao.




"Thank you so much!" masayang tugon no'ng babae sa akin. "Ako nga pala si Chrissy, tapos ito naman sina Angelo at Ariel." Pinakilala pa n'ya 'yung dalawa niyang kasamahan sa akin.





"Oh... ah... Hello..." tanging tugon ko. Hindi ako magaling sa mga pagpapakilala.



"Anong name mo?" tanong nung Ariel sa akin.


"Desire."


"Cute name," sabi bigla nung Angelo. Ngumiti pa 'to sa akin kaya lumabas tuloy ang dalawang dimple sa kaniyang pisngi. Infairness naman sa kaniya kahit pawis na pawis na siya, ang cute pa rin niyang tingnan. "Anyway, anong course kukunin mo?"

"Fine Arts—"


"Ay hala! Kami rin!" biglang singit nitong si Chrissy. Napatingin pa sa amin 'yung ibang mga nakapila sa lakas ng boses n'ya. "Ang galing naman!"


Pero kung sabagay, kahit ako ay mabibigla rin. But at the same time, nakakatuwa rin dahil kahit papaano ay may kakilala na 'ko rito.


"What a coincidence?" dugtong pa ni Ariel.


Ilang sandali pa, natapos din si Ben at lumapit na sa akin. "I'm sorry, Desire pero kailangan kong umalis muna saglit. Nagkaroon lang ng problema sa office," sambit n'ya. 



"W-Wait... iiwan mo 'ko?"

"Babalik naman ako kaagad, emergency lang talaga," sabi pa niya. Pero hindi ko pa gamay ang lugar na ito. Paano kung maligaw ako?




Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Mukhang kailangan talaga niyang umalis pero ayoko namang magpaiwan. Napansin naman niya 'yon at bigla na lang may inabot sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang abutan n'ya ako ng cellphone.



"Pinaglumaan kong phone 'yan pero sa 'yo na," sabi niya. Gusto kong magtatalon sa tuwa dahil ito ang first cellphone ko! Hindi ko na kailangan pang manghiram kay Casper!




"Seryoso ba?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya.





Tumango naman siya. "Yup. Saka na lang kita bibilhan ng bago kapag graduate ka na sa College," sabi pa niya pero okay na sa akin 'to kaysa wala. "Sige na, aalis na 'ko. Tawagan mo na lang ako kapag tapos na para masundo kita," bilin pa niya sa akin.




"Okay," sabi ko at nagpakabusy na ako sa pagkalikot ng phone na binigay niya. Hindi ko na nga napansin na nakaalis na siya ng tuluyan e.



"May facebook ka?" Napatingin ako kay Angelo nang magsalita ito. Kahit nagtataka ay tumango naman ako.




"Meroon pero hindi ko masyado binubuksan," sagot ko. Wala naman kasi akong phone kaya hindi ako masyado active ro'n.


"Add kita, accept mo 'ko ha," sabi pa niya saka mabilis na inalabas ang phone niya. Inadd nga niya ako sa facebook kaya wala na 'kong nagawa kundi ang iaccept siya at dahil do'n, ginaya naman siya no'ng dalawa niyang kasamahan na sina Chrissy at Ariel.





Napansin ko naman na active sa facebook si Ruruh at ilang saglit pa, bigla itong nagmessage sa akin.




Ruruh: San ka? Wala ka sa inyo.









Pero bago pa ako makapagreply, pinapasok na kami sa loob ng school kaya isinilid ko na lang muna sa loob ng bag 'yung phone ko. Pinadiretso na nila kami sa kani-kaniyang classroom para magtake ng exam.





Mamaya ko na lang siguro ime-message si Ruruh.





After a few moments, natapos na rin ako sa wakas. Hindi naman gano'n kahirap ang exam kaya natapos ako kaagad. Palabas ko pa ng school, nakaabang na pala sa akin si Ben. Nakangiti pa siyang kinawayan ako.


"Kumusta?" tanong pa niya nang makalapit ako.



"Okay lang naman, nakaya ko naman," sagot ko.






"S'yempre, ikaw pa ba? Tara, kain tayo," yaya pa niya kaya umalis na kami.


Kumain muna kami sa may SM Manila bago umuwi sa apartment niya at ng mga bandang hapon, hinatid na 'ko ni Ben sa may terminal sa Buendia. Mag-isa na lang akong uuwi sa San Pablo since may trabaho pa siya kaya hindi na niya ako masasamahan.



"Kapag inaway ka ni Aiden, message mo 'ko," sabi pa niya. Natawa na lang ako bago sumakay ng bus. Nakita ko pa siya sa may bintana na kumaway sa akin bago tuluyang umalis ang sinasakyan kong Bus.




Mga 4 hours din ang naging biyahe at gabi na ng makarating ako sa Plaza sa San Pablo. Hindi ko naman inaasahan na nakaabang na pala sa akin do'n si Aiden habang nakasakay sa motor n'ya.


"Kumusta?" bungad agad niya sa akin. Walang emosyong makikita sa mukha n'ya nang tanungin ako no'n. Para bang napilitan lang s'ya. "Tingin ko naman okay ka na, napagbigyan na ang nais mo," may halong pagtataray ang tono ng boses niya.





Hindi naman ako nakasagot at sa halip ay tumango na lang.


"Sakay na," malamig na utos niya sa akin. Agad naman akong kumilos at sumakay ng motor. Ilang sandali pa, pinaandar na n'ya ito paalis.




Tahimik lang kami buong biyahe hanggang makarating kami sa bahay. Wala man lang umiimik. Ramdam ko talaga ang pagtatampo ni Aiden kanina pa, kaso nga lang hindi ako marunong manuyo kaya... bahala na.



Balak ko sana magpahinga na pagkapasok sa kwarto ko since gabi na rin naman kaso nahagip ng mata ko si Ruruh sa labas ng bintana. Nakatambay siya ngayon sa may bakuran nila habang nilalaro ang aso n'yang si Chester.




Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang message niya kaninang umaga. Nakalimutan ko na siyang replyan.




Agad akong lumabas at nagtungo sa likod ng bahay para puntahan si Ruruh. Halos magkatabi lang kasi talaga ang bahay namin at tanging ang maliit na pader lang ang humihiwalay rito.


"Ruh!" tawag ko sa kan'ya.




Nagsalubong naman ang kilay niyang lumapit sa akin. "Saan ka galing? Pinuntahan kita kaninang umaga para sabay tayong pupunta ng school pero sabi ni Casper, wala ka raw," saad n'ya.





Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko. Paniguradong magtatampo rin ito sa akin.


"About d'yan, Ruh... I'm so sorry," I said, "Sinama ako ni Ben sa Manila at nagtake na 'ko ng entrance Exam sa TUP."




Hindi nga ako nagkamali. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya nang sabihin ko 'yon. "Ruruh... pasensya na talaga..." paghingi ko ulit ng tawad. Sobra akong nakokonsensya habang pinagmamasdan ang mga mata niya.


"A-Akala ko ba magkasama tayo sa Laguna Colleges?" tanong niya at para bang piniga ang puso ko nang marinig ang malungkot niyang boses.


"I know but... biglaan kasi at alam mong hindi ko papalagpasin ang opportunity na 'yon," sabi ko. Pero bigla naman siyang nag-iwas ng tingin.





"Alam ko," sagot n'ya, "Actually, o-okay lang."

"Ruru—"

"Goodnight, Desire," he cut me off.


Pumasok agad s'ya sa loob ng bahay nila at hindi man lang ako pinatapos or lumingon man lang sa akin. Naiwan lang ako rito kasama si Chester.


"Mali ba ang nagawa ko, Chester?" tanong ko rito pero tanging tahol lang ang nakuha kong tugon. Mukhang pati rin si Chester ay galit sa akin.


Huminga na lang ako ng malalim.






Dapat pala nagreply agad ako sa message ni Ruruh.






______________________________________________________________

To be continue...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top