Chapter 2

"Hindi p'wede," madiing sabi ni Aiden matapos kong sabihin na balak kong mag-aral sa Manila.







Halos mag dikit na nga ang kilay n'ya habang pinapakinggan ako kanina pagkatapos naming kumain ng hapunan.




"Ano namang naisip mo't Fine Arts napili mo, Desire?" hindi pa makapaniwalang tanong n'ya sa akin.

"Aiden, I-I want to be a professional painter and to pursue that, I need to learn more about Arts. Alam mong important ang Arts para sa akin," sabi ko. Nagbuntong-hininga naman siya saka hinilot ang kaniyang sintido.

"Naririnig mo ba ang sinasabi, Desire?" he said.

"Aiden, please... ito talaga ang gusto ko," pilit ko. Halos lumuhod na ako sa harap n'ya, mapapayag ko lang siya.


Anim kaming magkakapatid at si Aiden ang panganay sa aming magkakapatid. Sumunod sa kaniya si Ben na nasa Manila ngayon, nagtatrabaho. After magretiro nina Mama at Papa, silang dalawa na ang umako ng responsibilidad sa bahay. Pero apat na lang naman kaming nag-aaral ngayon.





"Desire, this is not about what you want. Maging practical ka naman, walang pera sa Fine Arts at magastos pa," he said, and that's really hurt. 'Yan naman ang sinasabi ng lahat about sa kurso na ito pero bakit pa nagkaroon ng ganitong kurso kung wala naman pa lang trabaho rito?






"At saka saan naman siya titira kung do'n s'ya mag-aaral," singit naman ni Casper na abalang naghuhugas ng pinggan.






"Kay Ben! Malapit ang University ro'n sa apartment niya," sabi ko. Na search ko na rin sa google ang mga daan kung paano pumunta sa University mula sa apartment ni Ben.


"Hindi pa rin," sagot pa rin ni Aiden.


"Aiden please..." ulit ko.



"Aiden please..." panggagaya ni Casper sa sinabi ko. Nais lang mang-asar. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin. Kahit kailan talaga, napaka-epal nito. Kaya siya ang pinaka least favorite ko sa aming magkakapatid.




Kahit noong mga bata pa kami, s'ya talaga ang pinakapasaway at hindi ko kasundo. Palagi n'yang sinisira ang mga gamit ko noon—kahit ngayon pa rin naman.




"Casper!" saway ni Aiden dito, "Kung tapos ka na maghugas ng pinggan, pumunta ka na sa kwarto mo at 'wag na 'wag kitang maaabutan na naglalaro pa ng ML, ha!"




"Okay, tsk," tanging tugon nito nang matapos maghugas. Hindi na rin niya kami pinansin na umakyat ng hagdan.

"Aiden, please payagan mo na 'ko. Promise mag-aaral ako ng mabuti at kapag nakapagtapos ako, maghahanap agad ako ng trabaho. Tutulungan kita kaagad na pag-aralin sina Earl at Faye," sabi ko, mapapayag lang siya. Pero nagbuntong-hininga lang s'ya. "Bigay n'yo na sa akin 'to, please."



"Desire ganito na lang, hintayin na lang nating makauwi sina Mama at Papa. Sila na ang bahala kung papayag ba sila o hindi," sabi n'ya saka tumayo na siya. Magsasalita pa sana ako kaso pinigilan n'ya 'ko. "Tapos ang usapan."


Umakyat na siya papunta sa kwarto niya kaya naiwan na lang akong mag-isa rito sa kusina. Ngayon another problema na naman. Kung s'ya nga hindi pumayag, sina Papa pa kaya? Isama pa na nakaschedule next Monday ang entrance exam ko sa TUP. Baka hindi na ako umabot.


Kaming tatlo lang nina Aiden at Casper ang nasa bahay dahil umuwi sila Mama at Papa sa Leyte kasama ang dalawa pa naming kapatid na sina Earl at Faye. Sa kasamaang palad, hindi inaasahang pumanaw na si Lolo dahil sa cancer. Ang Ama ni Mama kaya kinailangan nilang umuwi sa probinsya nito. E hindi naman p'wedeng lahat kami ay uuwi.


'Di ko nga rin sigurado kung aabot sila sa graduation ko dahil may balak pa yata silang magstay ro'n ng isang buwan. Pero okay lang naman kung hindi sila makakauwi, understandable naman.


Bahala na nga si Batman kung anong mangyayari.

***

Seven pa lang ng umaga ay nasa school na 'ko. Wala lang, trip ko lang. Saka maaga rin kasing umalis ng bahay si Aiden para pumasok sa trabaho tapos ayoko namang maiwan mag-isa kasama si Casper. Hindi kasi talaga kami magkasundo ng taong 'yon. Ewan ko ba kung bakit parang ang init ng dugo no'n sa akin palagi kahit wala naman akong ginagawa. Para bang wala na 'kong nagawang tama sa kan'ya.

Pagdating ko ng gymnasium, nagsisisi na agad akong dito ako dumiretso. Hindi ko naman alam na narito na pala ang buong section Sampaguita. Ang section nina Ruruh. Ibig sabihin, narito na rin si Aldwin at siya pa nga ang una kong nakita pagpasok ko.

Nagtama pa nga ang mga mata namin kaya agad akong napaiwas ng tingin. Lalabas na sana ako nang tawagin naman ni Tantan ang pangalan ko.

"Desire! Good morning!" sigaw nito.

Ako lang naman ang may pangalan na Desire, pero halos lahat ng student ay napalingon sa kan'ya dahil sa lakas ng boses n'ya.


Wala naman akong nagawa kundi ang kumaway na lang sa kan'ya. Anong trip ng lalaking 'to?! Hindi naman siya gan'yan tuwing umaga na bigla na lang maggogood morning.

Maliban na lang kung may hidden agenda 'to.


"Tara dito!" yaya pa n'ya.

Pero nagdadalawang-isip akong lumapit. Ang dami kasi nilang kasama saka medyo malapit sa kanila si Aldwin kaya parang ayoko. Nanatili lang akong nakatayo malapit sa may exit at ilang sandali pa, silang dalawa na ni Ruruh ang lumapit sa akin.


"Ikaw pa lang? Nasaan si Alice?" tanong ni Ruruh sa akin.

"Mamaya pa siguro 'yon," sagot ko. Pero hindi ako sure kasi wala na namang klase at practice na lang kami. Wala naman akong phone para ichat s'ya kung nasaan na siya. Baka late na 'yon papasok. "E, kayo? Bakit ang aga n'yo?"








"Si Pressy kasi, masyadong strikto. Ngayon pa siya naging gan'yan kung kailan malapit ng matapos ang taon," sabi naman ni Tristan. Halos kompleto na nga sila sa section nila, e. "Tara do'n sa mga upuan."








"Dito na lang ako," sabi ko habang iniiwas ang tingin sa direksyon nina Aldwin. Napansin naman nila 'yon at sabay na tumingin kina Aldwin. Agad ko naman silang hinampas sa braso. "H'wag n'yong tingnan," saway ko.







"Sino? 'Yon?!" tanong ni Tristan at hindi pa na kontento, tinuro pa niya ang direksyon ng mga 'to. Kaaga-aga, sinusubok agad ni Lord ang pasensya ko.


Kaagad kong kinurot ang tagiliran ni Tantan. Hindi kasi marunong umintindi o sadyang nang-aasar lang.






"Aray!" sigaw n'ya.




"Talagang tinuro mo pa," inis na sabi ko pero tinawanan lang n'ya ako. Parang hindi yata s'ya nadala sa kurot ko.





"Ayaw mong ituro ko? E, kung lapitan ko—"




"Tristan!" saway ko.



"Joke lang! Joke lang!" natatawang saad n'ya.



Pasalamat siya maraming tao dahil kung hindi ay sasakalin ko na talaga siya. Umupo na lang kami sa may bench sa gilid ng gymnasium habang naghihintay na mag-umpisa ang practice.


"Ano pa lang nagustuhan mo sa kan'ya?" curious na tanong ni Ruruh. Napatingin naman ako sa kan'ya.

"Oo nga," segunda naman ni Tristan.


Napaisip naman ako sa tanong nila. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila kung bakit. Nakakahiya kasing ikwento sa mga lalaking kaibigan ang mga ganitong bagay.

"Kasi... mabait s'ya," sagot ko.

"Paano mo nasabi?" sabay na tanong nilang dalawa.

"Naaalala n'yo noong grade 8 tayo na sumali ako sa Poster making competition? 'Yung may nagtago ng mga art material ko kaya muntik na akong hindi makasali?"


"Ah oo! Siraulo 'yung mga taong nagtago nang gamit mo noon. Mga takot matalo ulit," komento ni Tristan, "Pero paano ka nga ulit nakasali?"


Napangiti naman akong tumingin sa direksyon nina Aldwin. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang unang interaction ko sa kan'ya.

"Pinahiram sa akin ni Aldwin ang mga gamit n'ya kaya nakasali pa rin ako. Also, he didn't hesitate to help me," sabi ko.

Halos maiyak na ako noong time na 'yon kasi akala ko hindi na ako makakasali sa paligsahan. Pero hindi man lang nagdalawang isip si Aldwin na ipahiram sa akin ang mga art materials niya kahit magkalaban kami noong time na 'yon.




"Para 'yon lang? Nagkagusto ka na? Si Ruruh nga lagi kang tinutulungan n'yan!" ani Tristan, "E 'di ibig sabihin may gusto ka rin kay Ruruh—Aray!"




Siniko na lang bigla ni Ruruh si Tantan habang ako nama'y natawa sa sinabi nito. "Hell no! Magkaibigan lang kami ni Ruruh at natural lang sa kan'ya na maging mabait sa akin, 'di ba?" Tumingin pa 'ko rito para malaman ang sagot n'ya at tama naman ako nang tumango s'ya. "See?"

"'Di ka sure—" Sinamaan agad ng tingin ni Tristan si Ruruh nang sikuhin ulit ito. "—namumuro ka na p're, ah!"




"Ayaw mo kasing tumahimik," inis na saad ni Ruruh dito. Nagkibit-balikat na lang ako't tinuon ulit ang atensyon sa grupo nina Aldwin. Ang swerte siguro ng girlfriend nito dahil may mabait itong boyfriend.





Ilang sandali ay dumating na lahat ng teacher at iba pang mga students kaya nagsimula na nga kaming magpractice. Agad kong pinuntahan si Alice pagkarating nito.



"Nasaan sina Tristan?" tanong n'ya.




"Nasa kabilang row ng upuan, bakit?"






"Wala lang... may plano ako," sabi niya, out of nowhere. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya.

Magtatanong sana ako kaso nagsimula na ang practice at nang matapos na kami, biglang nagyaya si Alice na lumabas ng school. Akala namin ay pupunta lang kami sa tindahan sa labas ng school pero bigla na lang siyang nagyayang pumunta ng basketball court, malapit sa Banaad Elementary School.


Ang layo nito sa school namin tapos tanghaling tapat, nilakad pa namin ito. 15 minutes walk sa initan.










"Gusto ko Milktea, kayo?" ani Alice.

"Ngayon ka pa nagtanong kung kailan narito na tayo," saad naman ni Tristan.

May sikat kasi na milktea-han dito sa may basketball court ng Brgy. San Bartolome. Ang alam ko palagi itong dinadayo ng mga estudyante after school since nag-iisa lang itong milktea shop sa lugar na ito.




"Akala ko naman kung saan tayo pupunta, dito lang pala," sabi ko naman pagkapasok namin sa shop. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang planong sinabi n'ya sa akin kanina. "Ano pa lang planong sinasabi mo kanina, Alice?"



"Hmm... gusto n'yo magcutting?" biglang tanong n'ya, hindi ko sure kung nasagot ba no'n ang tanong ko.

Natulala lang ako sa kaniya habang sina Ruruh at Tristan naman ay natawa lang.




"Tara!" sagot kaagad ni Tristan, talagang go na go siya na mag cutting.

"H-Ha?! W-Wait lang—"

"Cutting! Cutting!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsimula na silang magchant ni Tristan. Kung kailan naman nagtatapos na ang taon saka naman sila naging ganito.

"Ano pang ika-cutting n'yo? Wala na naman tayong klase saka voluntary lang naman ang pag attend ngayon ng practice," saad naman ni Ruruh. Saka ko lang narealize na practice na nga lang pala ngayon.



"Pero wait lang! Anong nakain mo Alice at gusto mong magskip ng practice?" takang tanong ko.

"Basta," tanging sagot niya saka umorder ng apat na milktea.

At nang maibigay na sa min, tumambay muna kami rito since sobrang init. Pero nagtaka kami nang may iabot na piraso ng papel sa amin si Alice.


"Ano 'to?" tanong ko ulit. Sa halip na sagutin ang tanong ko, may pinakita lang s'ya sa aming capsule. Hindi ko naman napigilang matawa nang marealize kung ano 'yon. "Seryoso ka?" hindi makapaniwalang saad ko sa kan'ya.

Tumango naman siya and very proud pa.

"Bakit? Ano ba 'yan?" curious na tanong ni Tristan saka kinuha ang Time Capsule kay Alice.



"Isa 'yang time capsule guys. Ngayon, magsimula na kayong magsulat kasi ilalagay natin 'yung mga papel dito sa loob," utos ni Alice.

"Baduy," komento ni Tristan. Pero para sa akin ang cute nito. Hindi ko inaaasahan na gagawin namin ito.

"Ano namang ilalagay namin dito?" tanong naman ni Ruruh habang ako'y nagsimula ng magsulat. Gano'n din si Alice.

"Magsulat ka ng letter para sa 'After 10 years' na ikaw," sagot ni Alice.

"Huh?"




"Alam mo Tristan, ang liit talaga ng utak mo. Basta magsulat ka na lang tapos babasahin na 'tin 'to after 10 years," sabi ni Alice rito.


"Ah," tanging tugon na lang ni Tristan at nagsimula na nga ring magsulat.


After naming magsulat ay nilagay na namin ito sa time capsule. Sina Tristan ang pinaglocked namin since sila ang malalakas. Para hindi talaga mabuksan.



And since wala na nga kaming balak bumalik ng school, pumunta na lang kami sa ilog. Hindi para maligo kundi ililibing namin sa may tabing ilog 'yong time capsule. Ito lang kasi ang lugar na naisip namin na ilibing ito. Ayaw nina Alice na malapit sa mga bahay namin dahil baka hukayin daw namin 'yon.


"Oh! After ten years ha! Babalik tayo rito para hukayin 'to," sabi ni Alice. Pang-ilang beses na n'yang sinabi 'yan at panay tango lang kami.




Silang dalawa ni Tristan ang naglibing sa time capsule habang kami naman ni Ruruh ay nanonood lang. Saka kaya na naman nila 'yan, hindi naman kailanganh apat ang maglibing do'n.

"Kumusta pala? Anong sabi ni Aiden?" tanong ni Ruruh, tinutukoy ang plano kong pag-aaral sa Manila.

Nagbuntong-hininga naman ako. "As usual, hindi pumayag pero pinilit ko pa rin siya," sagot ko.



"So... napilit mo?"

"Sabi niya pag-uwi na lang daw nina Mama galing Leyte saka namin pag-uusapan ulit," I said.

"Awit, kawawa ka naman," pang-aasar niya, pero inirapan ko lang s'ya. "Pero paano kung hindi talaga sila pumayag? May plan B ka ba?"



Umiling ako. Sa totoo lang, hindi ko pa naiisip 'yan. Nakafocus kasi ako na pilitin silang payagan akong kumuha ng kursong Fine Arts. Ni wala akong second choice or third choice na courses. Fine Arts lang talaga.



"Ganito na lang." Napatingin ako sa kaniya nang magsalita s'ya. "Kung hindi ka papayagan... tara na lang sa Laguna Colleges."


"Ano namang kukunin ko ro'n?" takang tanong ko.



"Civil Engineering tulad ko," sagot n'ya, "May drawing din naman do'n... may math nga lang pero matalino ka naman kaya okay lang. At least may plan B ka na."



He had a point. Kung hindi nga ako papayagan nina Mama, baka nga sa LC na rin ang bagsak ko at kukuha na lang din ako ng civil engineering tulad ni Ruruh.

"O sa LSPU, magkasama silang dalawa ni Tantan," singit naman nina Alice na katatapos lang sa ginagawa nila. Narinig pala nila ang pinag-uusapan namin. "Pero kung 'di ka lang papayagan," dagdag n'ya saka ako inakbayan.

"Tingin mo?" tanong ni Ruruh sa akin.


"Tingin ko... okay naman. Maganda rin kung may pagpipilian ako," sagot ko.


Pero sa totoo lang, medyo na didismaya ako. Para bang palayo ng palayo 'yung pangarap ko sa akin. I want to chase my dream pero... ang daming humaharang. Ni hindi ko nga alam kung magiging masaya ako sa mga kursong sinasuggest nila.


And honestly speaking... ayokong hanggang dito na lang ako. Gusto kong maging successful at hindi ko magagawa 'yon kung narito ako sa probinsya.
















____________________________________________________________

To be continue...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top