Chapter 11

"Ikaw magpapagas pag-uwi, ah," ani Tristan.

"Oo nga, ako bahala sa motor mo," sabi ko naman.

Kanina pa n'yang sinasabi sa 'kin 'yan bago kami umalis ng bahay. Akala mo naman ay tatakasan ko siya. Niyaya ko kasi s'yang kumain sa labas, libre ko. Since nabo-bored na ako sa bahay at parang gusto kong lumabas kahit papaano.

Gusto ko sana yayain rin si Alice kaso duty siya ngayon sa hospital. Kaya si Tristan na lang since wala naman siyang biyahe ngayon. Sumama naman siya agad sa akin, basta pagdating sa pagkain at libre.

"Saan tayo?" tanong ko sa kan'ya.

Nakakatawa kasi wala akong plano kung saan kami kakain. Basta ko na lang siya niyaya sa Mall at pagdating namin, hindi ko naman inaasahan na marami pa ring tao rito sa San Pablo Malls kahit weekdays. Puno
ang mga kainan.

Tinaasan naman n'ya ako ng kilay. "Aba, malay ko? Saan mo ba gusto?" balik na tanong n'ya sa akin.

Huminga lang ako ng malalim at napatingin sa paligid. Wala akong maisip. Maghahanap lang kami ng makakainan pero na-iistress na 'ko.

"Kung wala kang maisip, may alam ako kung saan," biglang sabi ni Tristan nang hindi ako nakasagot agad. "Doon tayo sa Paseo," dagdag pa niya saka naglakad paalis.

Sumunod naman ako sa kan'ya at sumakay ulit sa tricycle n'ya. Pinaandar naman n'ya ito kaagad at habang nasa biyahe kami, ngayon ko lang napansin ang mga palamuti n'ya rito sa loob ng tricycle niya. May mga keychain na nakasabit sa salamin pero ang mas nakakuha ng pansin ko ay ang keychain na may nakasulat na Siargao.

"Ang cute ng mga key chain," puna ko. Pero hindi ako sigurado kung narinig niya dahil abala siyang nagmamaneho at masyadong maingay ang makina ng motor. "Alam mo galing daw ng Siargao si Casper. Nakakatawa kasi hindi ko alam."

"Huh?!" tugon ni Tristan. Hindi nga ako naririnig.

"Sabi ko, galing Siargao si Casper!" sigaw ko, baka sakaling marinig na niya ako.

"A-Ah... Ngayon?"

"Wala lang, share ko lang," saad ko. Napagtanto ko na kahit sa mga kapatid ko ay hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa buhay nila.

Sa sobrang busy ko, nakakalimutan ko na silang kumustahin. Ni hindi ko na nga maalala ang huling pag-uusap namin ng mga kapatid kong lalaki. Nagbe-base na lang ako sa mga k'wento ni Faye.

Ilang sandali pa, dumating na kami sa sinasabi nilang Paseo. Sa totoo lang, ito ang unang beses na pumunta ako rito. Naririnig ko lang ito sa mga kwento ni Faye noon kapag magkausap kami sa Phone.

"Maganda rito paggabi," sabi ni Tristan kaya napatingin ako sa kaniya. "May mga pailaw," dagdag pa n'ya.

Bumaba na ako ng tricycle pagkaparada n'ya. Agad akong tumingin sa paligid at ang unang nakakuha ng atensyon ko ay ang mga payong na nakasabit sa may kisame.

May iba’t ibang kulay ito na agaw pansin talaga kaya maraming tao ro'n ngayon na kumukuha ng mga larawan. Ito talaga siguro ang attraction dito.

"Gusto mong magpicture?" biglang tanong sa akin ni Tristan.

"Kaso 'di ko dala ang phone ko ngayon, nakacharge sa bahay," sagot ko.

Napakamot naman siya sa noo. "Ano ba 'yan? Umalis ng bahay walang dalang cellphone? Paano kapag nawala ka? Paano kita tatawagan?" sabi niya.

Pero napakunot-noo ako. "Alam mo ba ang number ko?" takang tanong ko.

"Ay, oo nga pala. Bigay mo sa 'kin mamaya! 'Yung phone ko muna gamitin natin," sabi naman niya saka nilabas ang cellphone niya. Nilagay agad n'ya ito sa camera saka inangat para magselfie. "Oh, smile!" utos pa n'ya.

Ngumiti naman ako kaagad habang nakap'westo sa likuran niya. Pero natawa ako kasi ang dami ng click niya sa camera samantalang isa lang ang pose namin do'n.

"Ang dami naman!" sabi ko at bahagya pa siyang hinampas sa braso.

"Aba'y minsan lang 'to kaya damihan na natin," sabi naman n'ya, "Doon naman tayo sa mga payong!" yaya pa n'ya saka hinila ako. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kan'ya.

Ipinuwesto pa niya ako sa wala masyadong tao. "Nak, smile ka r'yan," biro n'ya. Dahilan kaya napangiti talaga ako sa camera. Akala mo'y magulang talaga siya na inuutusan ang anak at kinukuhanan ng larawan.

Sinakyan ko na rin ang trip niya at nagpeace sign sa camera.

"Yan! Oh, another angle naman!" Bahagya pa talaga siyang umupo at umakto na parang isang photographer. "Hawak sa baywang. Parang model."

Pinagtitripan na talaga n'ya ako. Tapos ako naman, sinusunod lahat ng sinabi n'ya. Napapatingin na nga sa amin 'yung mga tao. Nawiwirduhan na siguro.

"Tama na, Tristan!" saway ko. Nahihiya na rin kasi ako dahil ang dami ng taong nakatingin sa amin.

"Wait, isa pa!" sabi n'ya.

Hindi ako nakinig. Sa halip ay lumapit na ako sa kaniya pero patuloy lang siya sa pagkuha ng mga larawan. For sure ang epic ko na sa mga kuhang 'yon. "Tara na," yaya ko saka ipinulupot ang kamay ko sa braso n'ya.

"Sige na nga," saad naman niya habang nakatingin pa rin sa screen ng phone n'ya. "Ipopost ko 'to sa facebook, hehe."

"Tag mo 'ko."

"Kahit hindi mo sabihin, gagawin ko talaga 'yon," sabi pa n'ya saka nilagay ang phone sa bulsa n'ya.

Dumiretso na kami sa may food court at bumili agad ng pagkain. Nagcrave sa takoyaki si Tristan kaya napunta kami sa may Ichibang Takoyaki. Si Tristan na lang ang pinaghanap ko ng table habang ako naman ang umorder dahil ako rin naman ang magbabayad. Nagulat pa siya nang makitang 'yung 40 pcs na Cheesebomb ang binili ko. Umorder pa ako ng dalawang chowpan toppers.

"Sinong uubos n'yan? Tayo?" hindi makapaniwalang tanong n'ya sa akin nang makaupo ako sa tabi niya. Tumango ako. "Kaya mo? Kasi ako, Oo. Ewan ko lang ikaw."

"Ano ka ba? Kaya kong ubusin 'to 'no," sabi ko.

"Ikaw bahala," tanging tugon n'ya. Ngayong malaya na ako sa corporate company at hawak ko na ang oras ko, ayoko ng tipidin ang sarili ko. Lalo na sa pagkain. "Nga pala, na-upload ko na sa online 'yung mga piksur. Nakatag ka na rin."

"Talaga?" Kinuha ko 'yung phone niya at tiningnan ang tinutukoy n'ya. Nakaupload na nga ang mga picture namin at isinama pa talaga niya 'yung mga epic picture ko. "Delete mo 'to! Ang panget!" Ibinalik ko sa kanita ang phone n'ya.

"Ayoko. Memories 'to! Memories!" tanggi n'ya. Napairap na lang ako. Memories daw, samantalang ang panget ko ro'n. "Saka bakit pala wala kang mga post sa facebook? Last post mo, noong graduation mo pa sa College, 2023. Ano na ngayon? 2029 na!"

Sumubo muna ako ng pagkain bago ko siya sinagot. "Hindi kasi ako masyado nag-oonline noon or pumupunta kung saan kaya wala ako masyadong pinopost," sagot ko. Grabe ang sarap ng Takoyaki nila rito. Sumubo pa ako ng isa dahil do'n. "Isama pa na umikot lang ang buhay ko noon sa trabaho," dagdag ko.

"Masyado ka naman masipag magtrabaho," komento niya, "Anong akala mo sa sarili mo? Ipapamana sa 'yo 'yung kumpanya? Dapat nagsaya ka pa rin kahit papaano. Kaya ka napapagod, e. Mabuti na lang 'di ka pa nagkakasakit kakatrabaho."

Bahagya akong natigilan at tiningnan siya sandali. Hindi lang ako sanay na sinasabihan n'ya ako ng gano'n. Na para bang nag-aalala s'ya sa akin. Pero kung si Ruruh 'yan o si Alice, gan'yan din sasabihin nila sa akin. Mas sanay kasi ako na puro kalokohan lang sinasabi nito.

"Naks naman, concern yarn?" biro ko. Bigla naman niyang pinitik ang noo ko. "Aray! Sakit no'n!"

He let out a chuckle. "Ilang taon ka naming hindi nakita kaya malamang hindi mo maaalis sa amin na mag-alala, lalo pa na bigla ka na lang umuwi tapos wala ka man lang sinasabi tungkol sa nangyari," sabi n'ya na biglang sumeryoso. Hindi talaga ako sanay.

Napangiti na lang ako. "E, ano pa lang plano mo? Narito ka na't walang balak bumalik sa Manila. Anong gusto mong gawin?" biglang tanong niya.

Dahilan kaya napaisip din ako. Inaamin kong pabigla-bigla nga ang desisyon ko pero hindi ako nagsisisi na umuwi.

I shrugged. "Ewan."

"Gagsti. Anong ewan?"

"'Di ko pa alam," sagot ko sabay subo ng pagkain. "Parang gusto kong gawin 'yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa dahil busy pa 'ko sa trabaho."

"Tulad ng?"

"Ewan ko," muling sagot ko.

Napakamot naman siya sa ulo. Mababakas sa mukha niya kung maiinis ba s'ya sa akin o ano. Bigla na lang niyang kinuha ang phone niya't may tinawagan. Nang silipin ko ang screen ng phone niya, nakita ko ang pangalan ni Alice. Nagtaka tuloy akong tiningnan siya.

"Bakit mo tinawagan si—"

"G*go ba't ka tumawag?" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang marinig ang boses ni Alice. Gano'ng words pa talaga ang bumungad sa amin at ang nakakaloka pa ay nakaloud speaker pa ang tawag.

"Ikaw na kumausap kay Desire," sabi ni Tristan.

"Magkasama kayo ni Desire? Nasaan kayo?" tanong nito.

"Nasa Paseo," ako na ang sumagot at lumapit pa ako ng bahagya sa phone. "'Di ba nakaduty ka?"

"Breaktime namin kaya okay lang," saad n'ya, "Tungkol saan pala 'yung pag-uusapan at napatawag kayo?"

"Ewan ko rito kay Tristan bigla na lang tumawag," sabi ko. Saka tumingin kay Tristan na inuubos na ang pagkain niya. Bahagya ko pa s'yang siniko para makuha ang atensyon n'ya.

"E kasi itong kaibigan mo, hindi alam ang gagawin," sagot ni Tristan. Pinagpatuloy ko na rin ang pagkain ko habang nag-uusap silang dalawa.

"Huh? Anong gagawin?" takang tanong ni Alice. Huminga muna ng malalim si Tristan bago kinuwento ang buong pinag-usapan namin. Halos paubos ko na ang pagkain ko nang matapos siya pagkukwento. "Ah... Ang gawin na lang ni Desire, ilista niya lahat ng mga bagay or isang bucket list pala."

Napaisip ako sinabi niya't napatango. Hindi na masama, mukhang magandang ideya 'yon.

"Ano kayo? Mga bata?" biglang saad ni Tristan. Kung narito lang mismo si Alice, tinapunan na siya nito ng masamang tingin.

"Desire, pakibatukan nga 'yan para sa akin," rinig kong sabi naman nito mula sa kabilang linya. Bumaling pa lang ako kay Tristan, agad naman itong lumayo. Akala talaga niya babatukan ko siya. "Ay kailangan ko na pa lang umalis. Tapos na break ko. By the way, ang cute niyo sa picture lalo ka na Desire."

Napakunot-noo ako. Tinutukoy yata niya 'yung post ni Tristan. "Anong cute ro'n?"

Sa halip na sagutin ako, tumawa lang sila. Pinaglololoko naman ako ng mga 'to.

"S'ya sige na, alis na 'ko. Bye!" paalam n'ya. Nagpaalam na rin kami bago tuluyang pinatay ni Tristan ang tawag.

"Bucket list daw," sabi pa n'ya, "Magsimula ka ng maglista."

"Pag-uwi ko na lang," tugon ko saka kinuha ang last takoyaki sa plato. "But I'm not sure if I can do this."

"'Wag mo 'kong iniingles sa sarili kong bansa," sabi ni Tristan, dahilan ng pagtawa ko.

"I mean, hindi ako sigurado kung mafufullfill ko 'yung bucket list kung gagawa ako," I said.

Nagsalubong naman ang kaniyang kilay. "E 'di tutulungan kita, duh!" sabi niya, in girly tone pa. Mas natawa pa 'ko dahil hindi bagay sa kan'ya, because of his masculine appearance. Idagdag pa na g'wapo rin si Tristan. Kaya nga napapatingin 'yung ibang mga babae sa kan'ya. Mukha siyang model kahit nakasuot lang siya ng puting tshirt at pantalon.

"Ang amos mo!"

Kinuha niya ang tissue sa may table. Akala ko ibibigay niya sa akin 'yon pero bigla na lang niyang pinunasan ang labi ko. "Kaya kong punasan ang sarili ko," reklamo ko saka kinuha ang tissue mula sa kaniya.

Nakakahiya. Ang dami ko pa lang sauce sa labi. Akala ko kay Tristan napapatingin 'yung mga taong dumadaan. Sa akin yata dahil ang dumi na ng mukha ko. Abala akong nagpupunas sa sarili nang biglang sumulpot mula sa kung saan si Ruruh. Pareho pa kaming napapitlag na napatingin dito.

He was dressed black polo with long sleeves. Kahit nakapolo siya, halata ang well-tones chest and shoulders niya. Medyo magulo ang buhok niya ngayon, dahil siguro sa hard hat na suot niya kanina na ngayon ay hawak na niya.

"Uy p're! Kumusta?" bati ni Tristan saka pasimple kaming nagkatinginan. Hindi namin inaasahan na makikita namin siya rito even though, aware naman kami na malapit dito ang site nila.

Nakatayo lang ito sa tabi ko. Hindi ko alam kung ako lang ba or guni-guni ko lang na ang talim ng tingin niya kay Tristan habang 'yung isa naman ay walang kaalam-alam na nakangiti rito.

Kinabahan ako ng verylight. Para bang gusto niyang magpasimula ng away sa mga titig n'ya lalo pa't badshot si Tristan sa lalaking ito. I cleared my throat to get their attention.

"Well, ano pa lang ginagawa mo rito? Ruh?" tanong ko. Bumaling siya ng tingin sa akin at 'yung kaninang parang puno ng tensyon na mga mata ay biglang huminahon.

"Katatapos lang namin sa site," malamig na sagot niya.

"Ay oo nga pala! Malapit ka lang dito!" Tumango si Ruruh sa sinabi ni Tristan.

"E kayo? Bakit nandito kayo?" tanong niya.

"Niyaya ako ni Desire kumain sa labas," si Tristan ang sumagot, which is totoo naman. Pero bakit may kakaiba sa aura ni Ruruh ngayon?

"Ah... Okay," malamig na tugon n'ya at wala na siyang ibang sinabi. Aalis na nga sana siya kaso naalala kong tanghalian na.

"Wait, Ruruh! Kumain ka na ba?" tanong ko. 

Halatang nabigla pa siya sa sinabi ko. Hindi niya yata inaasahan na itatanong ko 'yon. "Hindi pa," sagot naman niya.

"Tamang-tama, sumabay ka na sa amin," yaya ko. Pang-apat na tao naman itong table namin kaya kasya kaming tatlo.

Tumingin muna ito kay Tristan bago binalik ang tingin sa akin. "Mamaya na. May trabaho pa 'ko."

Nagsalubong ang kilay ko. "Anong mamaya na? Anong oras na, oh?" Tumayo ako mula sa kinauupuan ko't hinila siya paupo sa table namin. Ano kaya 'yon?! Wala ba silang Lunch break?!

"Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. Sumabay ka na sa amin, libre ko na," I insist.

"Naks." Sabay kaming napalingon kay Tristan na agad namang nag-iwas ng tingin. Nahuli ko pa ang nakakaloko niyang ngiti.

Hindi ko na lang siya pinansin. "Ano pa lang gusto mo? Takoyaki din ba o may iba ka pang gusto?"

"Ikaw raw," sabat ni Tristan. Kunot-noo'ng nilingon ko siya. "Ibig kong sabihin, ikaw raw ang bahala."

Hindi ko alam kung pinagtritripan ba ako ng taong 'to o ano. Napailing na lang ako't bumaling ulit kay Ruruh.

"Chowpan Topper na lang," sabi ko, since hindi naman kasi sumasagot agad si Ruruh.

Tumango na lang ito pero bago pa ako makaalis ay muling humirit si Tristan. "Ako na lang bibili, Desire," alok niya, "Bibili rin ako ng maiinom."

Pagkasabi n'ya no'n, binigay ko na nga sa kaniya 'yung pera at bumalik sa upuan ko. Kami na lang ni Ruruh ang naiwan sa table.

"Saan dito 'yung ginagawa niyong building ni Casper?" tanong ko, may mapag-usapan lang kami. Napatingin pa ako sa buhok niya at may ilang strand ng buhok niya ang magulo.

Napansin ko rin na mahaba na ang buhok niya, umabot na nga sa kilay niya. Naalala ko noon kapag umabot na sa gan'yan kahaba ang buhok niya, magpapagupit na siya.

"Malapit lang dito," sagot naman n'ya.

Hindi na talaga ako nakatiis. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko at tinulak papunta sa likuran. Nakaharang kasi sa mukha niya. Hinayaan naman niya ako at wala akong narinig na reklamo mula sa kaniya.

In fairness naman, malambot ang buhok niya. Ano kayang shampoo ang ginagamit nito?

"Ayaw mong magpagupit? Medyo mahaba na ang buhok mo," komento ko nang matapos kong ayusin ang buhok n'ya.

"Saka na, kapag may time," sagot naman niya. Linyahan ko rin 'yan dati. "Nasaan pala si Alice? Bakit hindi n'yo siya kasama?"

"May duty siya sa hospital ngayon kaya si Tristan ang niyaya ko since wala raw siyang pasada ngayon," sagot ko.

He nodded and then he avoided my eyes again. "Ah... sa malayo, mukha kayong nagde-date," he said in low voice.

Hindi ko naman napigilang magtaas ng kilay. "Anong date? Hindi kami nagde-date ni Tristan," sabi ko.

I would never date a friend, 'no!

Pero kung date man ito, maybe not in romantic way. Siguro friendly date. Since magkaibigan naman kami ni Tristan.

"May pagpunas pa s'yang nalalaman," parang batang bulong pa rin niya. He lingered his finger and lick his lower lip.

It's sound crazy but is he jealous?

Kung umasta siya ay parang nagseselos siya kay Tristan. Tapos 'yung isa naman ay walang kaide-ideya. Napatingin tuloy ako kay Tristan na bumibili ng pagkain at maiinom namin.

"May amos kasi ako," dahilan ko na lang. Napapa-explain tuloy ako ng wala sa oras. Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang hinihintay namin si Tristan na bumalik.

"May amos ka ulit," sambit niya.

"Saan?" tanong ko saka kumuha ng tissue. Pupunasan ko na sana ang buong labi ko pero inagaw niya ang tissue sa akin at siya na ang nagpunas.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Makalat ka pa rin kumain," puna niya, while he gently wiping the side of my lips. But the weird thing is... hinahayaan ko lang siya.

Our eyes locked. At nakita ko ulit ang mala-tsokolate niyang mga mata. I don't know why but I'm always mesmerised with his eyes. "Ang ganda ng mga mata mo," I said it out loud.

Natigilan siya bigla at nahuli ko ang bahagyang paglaki ng mata niya. Sadya namang maganda ang mga mata niya lalo na siguro kapag natamaan ng liwanag. Mas lalong halatang kulay brown ang mga 'yon.

Magsasalita sana siya pero hindi na natuloy nang dumating si Tristan. Agad niyang inilayo ang kamay niya sa mukha ko habang ako nama'y nanatili lang sa kinatatayuan ko.

"Ang sweet niyo naman," komento ni Tristan habang mapang-asar na nakangiti sa amin. "Oh bossing, pagkain niyo."

Tumikhim muna si Ruruh. "Salamat," casual na tugon nito.

Umupo na rin si Tristan pero hindi na sa tabi ko kundi tumabi na ito kay Ruruh. "Nga pala, alam mo ba gagawa ng bucket list si Desire," kwento n'ya. Nanlaki naman ang mga mata kong tinitigan ang lalaki. Kailangan pa ba talaga niyang banggitin iyon kay Ruruh?

Magsasalita na sana ako kaso bigla namang nagtanong si Ruruh. "Bakit?"


Nagsimula na nga ulit ikwento ni Tristan ang mga pinag-usapan namin kanina. "So 'yun na nga, tutulungan ko si Desire sa bucket list niya. Baka gusto mo rin tumulong?"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Unang-una sa lahat, nakakahiya kay Ruruh at pangalawa, parang hindi naman niya gawain ang mga ganito. Mga childish thing. Kung noon nayayaya pa namin siya sa mga ganito, ngayon ay iba na.

He changed. He look matured now.

I was about to refuse when he abruptly cut me off. "Sige," pagpayag ni Ruruh, saka bumaling sa akin. "Ano ba una sa listahan mo?"

Medyo nabigla pa ako kaya hindi agad ako nakatugon. 'Di ko inaasahan na papayag siya sa isip-bata'ng ideya na 'yon. "U-Uhm... wala pa akong nasusulat," sagot ko.

"Sige, sabihan mo 'ko," sabi n'ya. Sabihan ko raw siya? Akala ko ba galit siya sa akin? Ayaw na niya akong maging kaibigan. Tapos ngayon bigla niyang sasakyan ang trip namin.

Nagsimula na siyang kumain habang napatingin naman ako kay Tristan.

Nawirduhan pa ako sa ngiti niya. Parang ngiting nagwagi sa kung ano man 'yon. Feeling ko may pinaplanong kalokohan ang lalaking 'to.

Pinanliitan ko siya ng mga mata saka bahagyang sinipa ang binti niya para kunin ang atensyon nito pero nagulat ako nang si Ruruh ang tumingin sa akin.

Maling binti.

"A-Ay sorry... may kumagat na langgam sa paa ko," pagsisinungaling ko habang pigil naman sa pagtawa si Tristan.

Umayos pa ito ng umupo at malokong nakangiti sa 'min ni Ruruh. "Masyado kasi kayong matamis kanina kaya nilalanggam na kayo."

Siraulo.

______________________________________________________________________

To be continue...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top