Epilogue

"Welcome ma'am and sir."

Athena smirked after nodding her head to the guard which is one of her people. Hawak niya ang braso ni Kiro na tahimik na naglalakad papasok sa isang pamilyar na hall. It was Sky's play room. Dito nila ginawa ang video game para kay Ezra na sila rin naman ang humahawak. Malawak, black and white theme, at hindi mo akalain na isa lang itong video room. Athena looked for her family at nakitang nasa iisang table lang ang mga ito. They planned it all. Simula sa mga taong robot hanggang sa venue na akala mo nasa isang video game ka. 

"It was all settled. All we have to do is to act," sabi ni Rina. Isa ito sa mga nag-plano na nasa isang basement lang ang kani-kanilang pamilya. 

"Ilang minuto na lang at alam naming naghahanda na sila Ezra. Hanz gave me their location at ang sabi, dala ni Ezra ang mga inaasahan mong bisita," sagot ni Chase na abala sa wine. 

Athena nodded her head. Alam niyang magiging matagumpay ang plano niya dahil walang madadamay na pamilya nino man sa kanilang dalawa ni Kiro. Tinignan niya si Kiro na seryosong nakatingin sa unahan, all the guests are robots. Lahat ng makikita nila sa venue ay pawang mga gawa lang nila Sky at Chase. It was all computerized. Sa lugar na kung nasaan sila, si Chase o si Sky lang ang mastermind. Sila lang ang pwedeng mag-control sa lahat. 

"Are you okay?" tanong ni Athena sa tahimik na si Kiro.

"I'm worried about our baby," sagot ni Kiro sa mahinang boses. Nag-aalala kasi ito para sa anak nila at naiintindihan naman ni Athena ang tungkol doon. 

Athena smiled and kissed his lips. "Nakasuot ako ng bulletproof para sa tiyan ko. Isa pa, nandito ang lahat ng tauhan ko. Wala kang dapat ipag-alala, okay?"

He sighed and looked at her. "After this. We will move to our house kasama ang mga bata. After I graduated, magsasama na tayo sa isang bahay. You will also finish your study hanggang sa makuha mo ang gusto mong pangarap."

Athena smiled and nodded her head. The Black roses are hiding now. Alam niyang maabutan ito ng mga anak niya kaya gusto niyang makilala at makita ang mga kakayahan ng kambal, kung kambal nga ang magiging anak nila. Gusto niyang makita kung hanggang saan ba ang kaya ng mga anak niya lalo na ang babae niyang anak. Her red eyes will be inherited by her dahil alam niyang mas makapangyarihan ang pulang mga mata sa anak niya. Natatakot man ay kailangan niyang tanggapin na nasa dugo na niya ang pagkakaroon ng pulang mga mata. 

"The show started. Relax and watch." They heard Sky's voice on their earpiece. 

Umupo sila Athena habang nasa lamesa nila ang mga gamit na gagamitin nila kay Ezra. They watched how the robot Athena and Kiro welcomed the guests. Nakaupo lang sila doon kasama ang kanyang mga royal guards habang pinapanood ang mga robot na gumalaw. Athena chuckled nang makita ang robot na Sandoval, Villacorta, at Buenaventura. Hindi niya inaasahan na ganito kagaling ang ginawa nila Sky at Chase para sa laban na ito. 

"Good evening everyone! Today is my birthday and I would like to thank all of you for your warm greetings and gifts. I really appreciate it and thank you so much to Athena and my grandsons for making this day very special. As we continue to celebrate my birthday, I would like to announce the opening branches of our Buena Wine Company with our president, Athena Buenaventura." 

The robots clapped their hands and smiled at each other. Athena cleaned her guns and knives while the royal guards and Kiro were also cleaning their samurai and knives. Tinignan nila ang buong hall at sa isang table, nandoon sila sa tago na lugar na kung saan hindi sila mapapansin. The robot Athena came to the stage as she held the microphone. 

"Good day, everyone. As we launched the Buena Wine Company. I would like to introduce you to the wines, production test, design team, and staff from Buena Wine Company who were dedicated to their works under my authority. We—"

Athena heard a multiple gunshot from somewhere. She knew that it was from Ezra and her company. Ngumisi s'ya at inayos ang dagger niya at ilang poison needle na magagamit niya mamaya. Kalmado s'yang umupo habang hawak ang kamay ni Kiro as they both watched the scene. Tumayo si Ezra mula sa pagkakaupo sa kanyang kotse at agad itong lumabas. Panay ang putok ng baril sa kahit saan dahilan para magulat ang mga tao sa venue. 

"Athena, Athena, Athena!" Tumawa nang malakas si Ezra habang nakatingin sa stage. Lahat ng tao ay nagtatago at mas lalo lang ngumisi si Ezra nang makita na nagtatago ang lahat ng tao. "Napakaganda ng party na ito para sa Emperor huh? Sayang, masisira at magkakaroon ng dugo!"

"Anong kailangan mo?" sigaw ni Athena mula sa pagkakatago. "Sinabi kong tigilan mo na ang pamilya ko!"

"Bakit kita susundin? Walang may sabi sa 'yo na titigilan ko ang pamilya mo! Uubusin ko kayong lahat. Kaya ano pang hinihintay mo? Magtatago ka na lang ba na parang pusa?" sigaw ni Ezra habang hawak ang malaking baril. 

Lumabas si Athena at kalmado na nagpakita sa kanya. Lahat ng mata ay na kay Athena at Kiro na naglalakad. Tinignan niya ang dami ng tao at higit kumulang na mas marami ang dala ni Ezra kaysa sa kanila. Ngumisi si Athena at may tinignan sa likod ni Ezra kaya doon napunta ang tingin nito. 

"Hanz? Raven? Drake? Anong ginagawa niyo? Bakit kayo pumunta dito?" nagtatakang sigaw ni Ezra. Naglalakad papunta sila Hanz kay Athena na ngayon ay malamig ang tingin sa kanya. Gulat na napatingin si Ezra sa kanilang tatlo. "Mga traydor!"

"Hinding-hindi kailanman naging totoo sa 'yo Ezra. Totoong naging mabuti kang kaibigan sa amin. Totoong naging mabuti kami sa 'yo ngunit naisip namin na hindi ka naging mabuting leader," sabi ni Drake. 

"Ano? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa inyo? Para sa ating lahat? Pagkatapos ko kayo bigyan ng magandang posisyon sa organization?" galit na sigaw ni Ezra at sa galit nito tinaas niya ang baril niya. "Ito ang igaganti niyo sa akin? Sige, sama-sama tayong mamamatay dito sa venue na ito! Sama-sama tayong sasabog!"

Isa-isa na lumapit ang mga tauhan ni Ezra. Sipa, suntok, tadyak, saksak, at aray ang naririnig sa buong venue. Nilabas ni Athena ang kanyang dagger na nakasabit sa lalagyan na nasa kanyang hita. Tumakbo s'ya at isa-isang sinaksak ang mga taong malapit sa kanya. Sinipa niya sa tagiliran ang isa at agad niyang hinila ang braso ng isa para ihampas sa sahig. Tumawa s'ya at agad na sinipa sa leeg at batok ang dalawang nasa malapit. 

"Hinding hindi kayo mabubuhay!" sigaw ni Ezra at sumugod kasama ang mga tauhan niya kila Athena. 

Tumalon si Athena sa dibdib ng lalaki para sipain sa mukha ang nasa likod niya. Marahas niyang hinila ang buhok ng lalaki para ihampas sa lamesa na punong-puno ng baso. Tinignan niya ang mga kasama niya at agad niyang nilabas ang ilang poison needle na hawak niya. Mabilis at alerto ang bawat galaw niya dahil natatakot s'yang matamaan ang isa sa mga mahalaga na tao na kasama niya. 

"Athena!" sigaw ni Ezra at agad s'yang hinila papunta sa gitna. 

Nagsalitan sila ng sipa at suntok sa isa't isa. Panay ang ilag at hawak ni Athena sa braso at kamay ni Ezra. Nang makakuha ng tamang pagkakataon si Athena ay mabilis niyang sinipa sa dibdib si Ezra, dahilan para umatras ito at galit s'yang tinignan. Ngumisi si Athena at mabilis na kinuha ang samurai na binigay ni Kiro sa kanya. 

"Kahit kailan ay madumi kang maglaro, Ezra. Kahit kailan ay hindi ka marunong lumaban ng patas. Tandaan mo...hindi kailanman naging mabuti ang pag-agaw ng trono at organization," hinihingal na sabi ni Athena habang pinaglalaruan ang samurai. 

Silang dalawa na lang ang nasa gitna habang ang iba ay abala sa pakikipaglaban sa mga tauhan niya. Tinignan ni Ezra si Athena habang pinaglalaruan ang mahabang espada na binigay ng tauhan niya. 

"Hindi ka nararapat sa posisyon na dapat ay sa akin, Ezra. You're selfish," mariin na sabi ni Athena. 

"Akin ang trono, Athena! Akin ang lahat ng dapat ay sa 'yo. At kung ayaw kong makuha ko ang lahat...patayin mo muna ako!" 

Biglang sumugod si Ezra kay Athena. Nagsalitan silang dalawa sa paghampas ng mga espada. Rinig na rinig ang bawat tama ng bawat espada. Seryoso ang mga matang nakatingin sa isa't isa. Umiwas si Athena sa pag-ambang sipa ni Ezra sa kanyang tagiliran. Ginamitan ni Athena ng malakas na dipensa ang bawat hampas na binigay ni Ezra sa kanya. Natamaan s'ya ng espada sa kaliwang pisngi dahilan para mapaatras s'ya. 

"Akala ko ba ay marunong ka? Wala na bang lakas?" natatawang asar ni Ezra. Binilisan niya ang paggamit ng espada hanggang sa matamaan ulit si Athena. "Ano, Athena? Lalaban ka pa ba?"

Tinignan ni Athena ang bawat paligid at hindi s'ya makapaniwala na ubos na ang mga kasama niya. Tinignan niya si Ezra at sa pagtingin niya, hawak na ni Ezra ang leeg niya. 

"Papatayin kita...hindi pwedeng mabuhay ka ayon sa gusto mo. Athena... hindi ka kailanman magiging masaya dahil habang nandito ako, babawiin ko lahat ng kinuha mo." Mahigpit ang hawak ni Ezra sa leeg ni Athena na ngayon ay nakatitig lang sa kanya. 

Athena smirked. "Talaga?"

Sabay-sabay na tinutok nila Athena, Kiro, Rina, Sky, Chase, Alexander, at iba pang tauhan ni Athena ang kani-kanilang armas kay Ezra. Bakas sa mukha nito ang gulat, lito, at kaguluhan. Hindi maiwasan ni Athena na ngumisi nang malaki habang pinapanood na maglaho lahat ng robot, lamesa, tao, at iba pang nasa sahig. 

"You're living with your imaginations, Ezra." Mababakas sa boses ni Athena ang lamig at galit habang nakaharap kay Ezra na ngayon ay nakaawang ang labi. 

"A-Anong nangyari? Bakit naglalaho lahat ng nandito?"

Sabay-sabay nilang pinanood ang unti-unting pagkawala ng mga robot na ginawa nila Chase at Sky. Gulat na napatingin si Ezra sa harapan niya nang makita ang palaso at pana ni Athena na nakatutok sa kanya. Athena looked at her with her red eyes. The red eyes that she's been controlling for the rest of her lives. She looked at Ezra who was more shocked to see them around her.  

"Gawa mo ang lahat ng 'to?" galit na tanong ni Ezra. The anger, curiosity, and question was evident to her black eyes. 

"Madumi kang maglaro...mas madumi ako kung maglaro, Ezra," sagot ni Athena sa malamig na boses. "Lahat ng nakikita mo kanina ay tanging naglalaro lang sa isip mo. You're thinking na kaya mo akong patayin dahil sa paghawak mo sa leeg ko."

"Ang venue na ito ay isang video game na maaaring maglaro sa isip mo. Ang hall na ito ay para paglaruan ang isip ng mga tao at dalhin sila sa imahinasyon na gusto nila," sagot ni Sky habang nakangiti. "Maganda hindi ba? Sa imahinasyon mo...kaya mong patayin si Athena."

Athena made her way to Ezra. She pushed the arrow and she hit Ezra's stomach. Napasigaw si Ezra sa sakit habang si Athena ay nakangisi lang. Kumuha si Athena ng isang samurai at agad na tinanggal ang isang kamay ni Ezra. Lahat ng kasama niya ay napalunok dahil sa ginawa ni Athena, dahilan para umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Ezra. 

"Dude… pigilan mo ang asawa mo."

"Ikaw na. Pigilan mo si Athena."

"Kapag kayo narinig ni Athena… hindi k-ko kayo sasagutin!"

Athena put a fire on her dagger as she looked at poor Ezra. Alam niya at ramdam niyang hindi niya kontrolado ang kilos na ginagawa ng demonyo sa katawan niya. Ang mga kasama niya ay nanatiling nakatingin sa kanya ngunit, hindi makagalaw. 

"Kulang pa 'yan sa lahat ng ginawa mo sa akin lalo na sa lola ko, Ezra. Kulang na kulang pa!" sigaw ni Athena at nilagyan ng apoy ang kalahati ng mukha ni Ezra na nakatali ng kadena sa harapan niya. 

"Athena!" malakas na sigaw ni Ezra. Umiiyak itong nakatingin sa kanya. Walang awa s'yang umiyak kay Athena. "Athena! Tama na! Tama na—ang mukha ko!"

"Sinunog mo ang lola ko...doble ang gagawin ko sa 'yo." Pinanood ni Athena na masunog ang kalahati ng mukha ni Ezra bago niya hugutin ang samurai na nasa likod ni Kiro. 

She stabbed Ezra's stomach. Alam niyang mas mariin at mas malalim ang saksak niya kay Ezra. 

"Die in my hands, Ezra. Kagaya ng ginawa niyo sa pamilya ko lalong lalo na sa lola ko. Suffer like you did to my lola. Die like you killed my lola."  

She looked at poor Ezra. The contentment on her face as she looked at poor Ezra who was looking at her. 

She's now finally done. 

She's now free from Kyle's death. 

She's now done killing people.

The Long Lost Empress was done to be a killer.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top