Chapter 9

Athena’s Point Of View:

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit galit si Kiro sa akin. Wala akong makita na dahilan para magalit s’ya sa akin dahil wala naman akong ginagawa sa kanya. Ngayon pa na ako ang magiging partner niya at hindi ko rin naman gustong maging partner ang isang katulad niya. I want to tease him more to know his reaction, nagugustuhan ko kasi ang reaksyon ng mukha niya kapag nakikita kong iritado ang facial expression niya. 

Umupo ako sa unahan at nakinig sa sinasabi ng coach. Kahit may pera naman ako para sa tuition, gusto ko pa rin na mag-save ng pera para sa building na gagawin ko. I want to help other people lalo na ang mga matanda at mga bata na walang bahay, pagkain, damit at iba pa. Gusto kong magkaroon sila ng sarili nilang bahay, sariling pagkain, at sariling damit. When I was young I always dream to have my own building where people will live on it, gusto ko na magkaroon ng isang charity to help people around me lalo na ang mga mahihirap. 

“Okay. Ngayon na alam na natin ang magiging partner ninyo ay mas mabuti na maging komportable kayo sa isa’t isa para hindi tayo mahirapan sa practice. To Athena, please make sure na maging komportable ka kay Kiro at ganun rin s’ya sa ‘yo,” aniya sa mahinahong boses. 

“Can I have another partner? I don’t work with unprofessional person,” ani ni Kiro at ngumisi sa akin. 

Tahimik akong nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. If he wants to see me dance baka gawin ko ‘yun sa harapan niya kaso lang baka makita ko na naman ang galit niyang reaksyon kaya ‘wag nalang. Tinignan ako ng coach nila at hindi ako nagsalita dahil baka ano na lamang ang masabi ko kay Kiro na walang magawa kundi ang kumunot ang noo. 

“Isa pa, baka mapahiya ang group natin. Wala s’yang experience sa pagsasayaw kaya naman gusto ko na mag-stay na lang sa previous part—”

“Do you want me to dance in front of you?” Tumayo ako at tinignan s’ya na napalunok. “What do you want me to dance? Hip hop, jazz, ballroom, or do you want me to show my sexy dance?”

Ngumisi ako nang makitang ilang beses s’yang napalunok. Ngumisi ako at agad na bumalik sa upuan dahil hindi na s’ya makatingin sa akin. Natawa ako at agad na tumayo dahil tapos na ang meeting. Bakit ba kasi ganito ang taong ‘to? Parang laging may sama ng loob sa mga taong nasa paligid niya. 

“Hi, Athena!” Si Matthias sa masayang boses. “I didn’t know that you could dance. I mean, your body seems fat. Don’t get me wrong.”

“Hindi naman problema ang katawan ko, ang partner ko ang may problema sa katawan ko.” Tinignan ko si Kiro na nakakunot ang noo. “Don’t worry dahil magiging maayos naman ang training ko. I won’t disappoint him.”

Ngumiti na lamang ako at agad na pumunta sa parking lot ngunit agad akong natigilan nang may makita ako. Hindi pa pwedeng sa ibang lugar na lang? Bakit dito pa sa school sila pumunta? Tinignan ko sina Kiro na natigilan rin at nagtataka akong tinignan kaya napalunok ako at kalmadong inayos ang cap na suot ko. 

“Nandito ka na pala. Kanina pa kami naghihintay,” sambit nung isang na nasa gitna. “Mukhang ikaw lang mag-isa.”

Assassins. Ilang rank mayroon ang mga ‘yan at kami ang nasa una at ako ang queen. Dahil sa maraming ayaw sa akin ginagawa nila ang lahat para kunin sa akin ang pagiging queen ko. Sa mga assassins, sila ang may talagang galit sa akin dahil ako palagi ang gusto ng mga tao na nasa arena at sa hideout namin. Lahat sila ay under ko at lahat sila ay ako ang sinusunod kaya hindi na ako nagulat nang pumunta sila dito dahil alam kong kahit saan ako magpunta ay nandito sila. 

“Anong kailangan ninyo?” Alam kong nasa likod ko sina Kiro ngunit wala akong oras para pansinin ’yon dahil masyadong delikado ang mga taong nasa harapan ko. 

Ngumisi ang nasa gilid. “Wala naman, gusto lang namin na malaman kung ayos ka lang ba dito sa bago mong teritoryo. Gusto lang namin malaman kung kamusta ba ang buhay ng aming queen.”

I closed my eyes. Panigurado ng iniisip ni Kiro na isa akong gangster at mamamatay tao. Nakita ko sa kanyang likod ang mga surujin at fail, mukhang hindi nila ako hahayaan na umalis dito. 

“Athena anong nangyayari?” tanong ni Matthias kaya napalunok ako. “Sino kayo at anong ginagawa ninyo dito?”

Natawa silang anim sa aking harapan. Napalunok ako at nanatili sa harapan nila Kiro dahil ayokong makita nila na natatakot ako dahil baka madamay sila. I licked my lower lip at huminga ng malalim bago ako nagsalita. 

“Wag dito,” ani ko sa mahinahong boses. “Hindi ko alam kung bakit kailangan niyo pang pumunta dito. Pwede niyo naman akong bisitahin sa hideout ko.”

Ngumisi ako at agad na tumakbo para suntukin sa panga ang isa. Tumakbo ako sa kabilang gilid at hinila ang surujin na nasa isa at mabilis na nakuha ‘yun. I smiled at tinignan sila isa-isa at alam kong hindi nila nakikita ang mukha ko dahil sa cap na suot ko. Tumalon ako ng muntik na akong tamaan kaya mabilis akong umatras at hinampas sa kanila ang hawak ko. Huminga ako nang malalim at tinulak si Kiro dahil sa kanya papunta ang fail na hawak ng isa pa. 

“Ano bang ginagawa mo?!” si Kiro sa malakas na boses. “Kung gusto mong mamatay, ‘wag dito!”

“Shut up!” sigaw ko at natigilan naman s’ya. “Sumakay ka sa kotse mo at ‘wag na ‘wag kang maingay!”

Hinagis ko ang dagger ko at mabilis na umilag sa suntok ng isa. Napaatras ako nang tamaan ako sa tiyan ngunit hindi ko man lang naramdaman ang sakit sa aking katawan. Nagtagis ang panga ko at mabilis na hinila ang buhok ng dalawa ngunit napasinghap ako nang makita si Kiro. Nanlaki ang mata ko nang makitang sinipa niya sa leeg ang isa at sinuntok niya sa ilong ang isa pa. 

“Ang tigas ng ulo mo!” singhal ko at agad na umupo at sinaksak sa hita ang pang-apat na lalaki na nasa gilid ko. 

“Konsensya ko pa kung mamatay ka dito,” ani ni Kiro at malakas na sinipa sa baywang ang isa habang ang isa naman ay dinamba niya sa dibdib kaya lumabas ang dugo sa bibig nito. 

Hinihingal akong umupo habang ang dalawa kong braso ay nasa tuhod ko. Tinignan ko silang lahat na nasa semento at wala ng malay. Tinignan ko si Kiro na inaayos ang kanyang buhok at ang kanyang bag kaya iniwas ko ang paningin sa kanya. Totoo nga na magaling s’ya at ang bilis ng kilos niya bagay na bagay sa kanya ang Dragon na palayaw. 

“You don’t have to thank me,” aniya sa seryosong boses. “Binalik ko lang ang ginawa mo sa mga lalaki kaninang—”

“Mauna na ako,” ani ko at agad na sumakay sa kotse ko, hindi ko s’ya pinansin. “Sana hindi makarating sa kahit na sino ang nakita mo.”

Hindi ko na s’ya pinansin at mabilis na pinaandar ang motor. Nakita ko kasing may kotse sa gilid at alam kong isa sa mga Villacorta ang kotse na ‘yun. Alam na nila na nandito ako at kapag nagkataon na malaman ng buong Villacorta ang tungkol sa akin, malaki itong gulo. Dumaan muna ako sa dalawa kong shop at tinignan ko kung maayos ba ang lahat doon, maraming customer at marami rin akong nakikita sa second floor. 

“Maayos naman po dito, ma’am. Isa pa po may dumating po dito at hinahanap kayo ngunit ang sabi ko po ay wala ka po at mamaya pa po kayo pupunta dito,” ani ni Clare.

“Sino raw?” tanong ko habang hawak ang records ng buong shop. 

“Buenaventura raw po.” Natigilan ako at napalunok, ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ako pwedeng makita ng mga Buenaventura dahil ayokong sumama sa kanila dahil na rin sa ginawa nila sa akin at sa buong pamilya ko. 

Mabilis akong nagpaalam sa kanila at ang lakas ng tibok ng aking puso. Mabilis kong tinawagan si Sky na i-delete lahat ng documents ko at lahat ng pwedeng sign na nakita ako ni Rich Villacorta. Huminga ako nang malalim at mabilis na sumakay sa elevator nang makarating ako sa condominium. Ayokong makita sila, ayokong mag-explain sa kanila, at ayokong magkaroon ng koneksyon sa kanila dahil sapat na ang nalaman ko. 

Iniwan ni daddy ang mama ko para lang kay Victoria, ang asawa niya ngayon. Hindi ko alam kung sino ako at ano nga ba ang tunay na ako, naguguluhan ako sa tunay kong pagkatao. Tinignan ko ang picture ng aking fiancé at nakikita ko talaga sa kanya si Kiro lalo na’t kapag malapit. Ang kanyang mukha ay pareho ng kay Kiro at ayokong isipin na pareho nga sila. Mula sa mga mata pababa sa kanyang panga ay parehong pareho talaga. 

Anong gagawin ko ngayon, love? Ano ba talaga ang purpose ni Kiro dito? Bakit pakiramdam ko ay iisa kayong dalawa? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top