Chapter 8

Kiro’s Point Of View:

Umaga palang ay gising na gising ako dahil sa lakas ng kalabog sa pinto ng penthouse ko. I got up immediately kahit pa boxer lamang ang suot ko, mabilis akong bumaba agad na binuksan ang pinto to see my mommy outside. Gulat akong napatingin sa kanya na masama na ang tingin sa akin kaya napa buntong hininga ako at mabilis na naglakad papunta sa loob. Ano na naman ang kailangan niya?

“I was waiting for you,” aniya. “15 minutes akong nasa labas at ngayon na may morning class ka, late ka na naman gumising! Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo na don’t bring girls here? You already have your fiancèe.”

“I don’t have.” Umupo ako sa sofa at tinignan s’ya na nakakunot na ang noo. “Did Stephanie tell you to come here just to say that?”

Araw-araw na lang ganito. Napapagod na akong magsalita at sabihin na hindi ko kailanman gusto si Stephanie at sinabi ko na kay Charlie ang tungkol dito. If ever na magkaroon ako ng girlfriend, I want a matured one. Kayang tanggapin at baguhin ang buong ako. Who will love my soul, my darkness, and everything and I don’t want to settle with that girl. 

“Ganyan ba ang tinuro ko sa ‘yo? Do not insult me and Stephanie dahil sinabi ko na sa ‘yo ng ilang beses na si Stephanie ang gusto ko para sa ‘yo!” si mommy sa iritado ng boses at halos tumayo na mula sa sofa. 

I sighed. “I don’t care mom, if you only came here just to tell me nonsense things, please get out.”

Nanlaki ang mata niya ngunit hindi ko na pinansin pa at agad na naglakad sa pinto, binuksan ko ‘yun at tinignan s’ya. Wala akong pakialam kung magalit s’ya pagkatapos ng ginawa ko. She marched angrily at tinignan ako nang masama bago s’ya umalis ng penthouse ko. Bumuntong hininga naman ako at agad na pinilig ang ulo dahil kailangan ko pang pumasok para sa training. Hindi naman ako nagdala ng babae dito sa penthouse ko, doon sa unit ko sila dinadala dahil ayoko ng may babae dito sa lugar ko. 

Iniisip ko si Beatrice. Is she doing well? Kung sana hindi niya ako niloko ay baka kami pa hanggang ngayon. Nagtagis ang panga ko nang maalala ang nangyari sa amin at ang mga oras na hindi ko alam kung bakit nagawa niya ang bagay na ‘yun. She’s also a gangster at kasama ko s’ya sa Dragons ngunit ng dahil sa gago na ‘yun, nawala sa akin si Beatrice. 

Tingnan lang natin kung hindi ka bumalik sa akin pag nakita kita, paparamdam ko sa ‘yo kung sino ang sinasayang mo. 

Sumakay ako sa kotse ko at mabilis na pinaandar papunta sa school. Ano na naman kaya ang mangyayari? Pinarada ko ang aking kotse sa tapat ng isang motor, sa tingin ko ay kay Athena ang isang ‘to dahil sa malaki nitong hugis. Katabi nito ay ang isa pang motor na sa tingin ko ay kay Joy. Bumaba ako at kinuha ang bag ko, sa hindi kalayuan ay nakita ko si Athena na may kausap na lalaki. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar ang lalaki. 

“Hindi ko kailangan ng kahit na sino sa tabi ko,” ani ni Athena at dahil nakaharap s’ya sa akin ay nakikita ko ang mukha niya. 

“Please, the Buenaventura’s are now worried.” Napasinghap ako nang marinig ang sinabi ng lalaki na nasa harapan niya. “You didn’t tell us that you’re here. Ako pa lang ang may alam na nandito ka at sa tingin ko—”

“Wala kang sasabihin sa kanila, Rich.” Natigilan ako, isa itong Villacorta. “Wala kang ibang sasabihin kundi patay na ang hinahanap nila. Patay na ang babaeng hinahanap nila.”

Mabilis akong pumasok sa isang eskinita dahil muntik na akong makita ni Athena. Huminga ako nang malalim at parang tanga na nakatulala. Anong connection niya sa Villacorta maging sa Buenaventura. Kilala ang mga Villacorta bilang isa sa mga mayaman dito sa lugar namin, sila rin ang pangalawa sa mayaman dito kasunod ng mga Buenaventura. Ano naman ang kailangan nila kay Athena na mahirap lang? Hindi ba ang mayaman ay hindi kailanman pwede sa mahirap?

Laman pa rin ng utak ko ang maraming tanong hanggang sa makarating ako sa gymnasium ng school. Isang malaking question mark para sa akin ang katauhan ni Athena dahil sa tingin ko masyado s’yang maraming sikreto at kailanman hindi malalaman ng kahit na sino. Napadaing ako sa lakas ng suntok ni Charlie sa braso ko kaya napakurap ako at tinignan s’ya nang masama na nakangisi. 

“Makakarating ka na niyan sa ibang bansa sa sobrang lalim ng iniisip mo,” aniya at napatingin naman ako sa lahat dahil sa akin pala sila nakatingin. “May bago tayong member, si Chase.”

“Fuck you,” ani ko sa iritado ng boses at tinignan si Chase na kausap ni Jordan at mukhang komportable sila sa isa’t isa kaya naman tumango ako. “Morning, coach.”

Umupo ako sa tabi ni Matthias na abala sa kanyang cellphone. Balita ko ay may girlfriend ito na model kaya naman napangiti ako dahil minsan na lang namin s’ya makasama sa bar, kung minsan naman ay palagi itong nasa Spain. Tinignan ko si coach na naglalakad kasama ang isa pang teacher namin sa HOPE at s’ya rin ay coach ng volleyball team. 

“Ano ka ba? Hindi mo ba alam na kilala ito si Athena bilang isang sikat na volleyball player?” Napatingin kami sa gilid dahil sa malakas na boses ni Joy. 

“Nandito na naman ang babaeng ‘yan,” iritadong bulong ni Charlie. 

Athena’s eyes and I met. Natigilan ako nang makita ang mga mata niya, kahit kausap s’ya ni Joy ay nasa akin ang paningin niya kaya mabilis akong umiwas ng tingin dahil sa puso kong parang may karera ng mga kabayo. Huminga ako nang malalim at tinignan sila na nasa kabila lang bench kasama ang mga kaibigan nila. 

‘Wag mo sabihin na magiging player s’ya ng volleyball team? Napangiwi ako dahil ang upo niya ay pang-lalaki na akala mo ay hindi nakasuot ng skirt. 

“The Volleyball team is here!” masayang sambit ni Mr. Fernand. “Since nandito naman ang lahat gusto ko lang sabihin na si Miss Athena ay bagong player ng volleyball. Nabasa ko ang pangalan niya sa social media years ago and it was a big opportunity for us to have you here and we’re hoping we can look forward to your techniques and other steps on how to win the game.”

Napatingin ako kay Athena na tumango lamang at agad rin namang napunta sa akin ang tingin niya. I rolled my eyes at her, nakita ko ang ngisi niya kaya kumunot ang noo ko. Mamayang hapon ay may dance practice kami at kailangan kong pumunta dahil sinabi sa akin ni lolo na sa Friday ay pupunta rito ang mga Buenaventura. 

“Sa iisang gym lang ang dalawang team para mas makita namin. Nag-announce na rin ang head na baka magkaroon ng isang Larong Pambansa kaya naman kailangan nating mag-practice at kailangan tayo pa rin ang champion.” Tumango kami dahil ilang beses nang naging champion ang school namin. “Kaya kailangan natin ng cooperation at simula sa Monday, kailangan suot na ninyo ang mga uniform ninyo para sa una nating training.”

Tumango na lamang ako at huminga ng malalim. Matagal na akong umalis sa team ngunit ito ang passion ko at mahal ko ang basketball kaya babalik ako. Huminga ako nang malalim dahil naiinis ako kay Joy dahil sa ang ingay niya at kung anu-ano pa ang ginagawa niya. Matagal na naming kilala si Joy at hindi na bago sa amin na malaki ang bibig niya kaya naman normal na lang sa amin na maingay s’ya. 

“May dance practice ako mamaya, kasama ko si Matthias.” Tumango sina Austin dahil isa lang naman sa kanila ang kasama ko dahil sina Austin at Jordan ay abala na sa iba nilang sports. 

Pagkatapos ng practice namin ay agad akong tumayo at nagpaalam kay coach na aalis na ako. Napatingin ako kay Athena na tumayo na rin kaya nagtaka ko s’yang tinignan ngunit agad ko ring pinilig ang ulo ko. Sa tuwing nakikita ko talaga ang mukha niya ay para bang may question mark ang ulo niya kaya napailing ako at natawa nang mahina dahil sa naisip ko. 

Mabilis kaming pumunta sa studio at agad kong nakita si Athena na papunta rin doon kaya nagtaas ako ng kilay. Huminga ako nang malalim at agad na pumasok dahil iba naman ang direction niya. Bumati ako sa mga kilala ko at agad na pinisil ang pisngi ng palagi kong partner. Natawa s’ya at napailing sa akin bago umupo sa tabi ko. Kaagad na dumating ang coach namin kaya mabilis akong umupo ng maayos at ganun rin ang katabi ko. 

“So guys! May bago nga pala tayong member. Nag-audition s’ya kanina at so far, isa s’ya sa mga hinahanap kong talent. Nagsasawa na kasi ako sa mukha ng partner ni Kiro, kidding.” Natawa kaming lahat sa nakasimangot na si Lara. “I want a new face. I want Kiro to have a new partner para naman may bago s’yang kilala dahil ilang taon na kayong partner kaya gusto ko naman ng bago since maganda naman ang babaeng ‘to. Pasok!”

Lahat kami ay napatingin sa pinto at ganun na lamang ang gulat ko nang makita kung sino ang babaeng ‘yun. No other than my enemy. Athena Dizon. Napasinghap ako at tinignan s’ya na kalmadong naglalakad sa unahan habang suot ang kanyang beanie at ang orange na buhok niya ay naka bagsak sa kanyang likod. 

“This is Athena Louise Dizon, our new member!”

Fuck. No way in hell na s’ya ang magiging partner ko! I better quit than to be with her every damn day. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top