Chapter 57
Kiro's Point of View:
Naging abala ako sa pagiging college student at dahil 1 year na lang ay graduate na ako, kailangan ko na rin i-manage ang kumpanya namin. Sila daddy ay kinausap na ako sa magiging position ko sa kumpanya dahil kakabalik lang ni kuya kasama ang kanyang asawa, isa sa lawyer ng mga Villacorta. Hindi ko na nakita si Athena simula nung mangyari sa emperyo nila at simula nung naging tahimik na rin ang usap-usapan sa pagkawala ng empress ng mga Villacorta, mas naging pribado ang dalawang pamilya.
"Maiwan muna kita. I-review mo ang mga dapat at hindi dapat tungkol sa kumpanya at nandyan na rin ang mga papel na kailangan mong i-check. Tumawag sa akin si Diana at ngayon ang check up niya," sambit ni kuya.
Tumango ako. "Congratulations."
"Ikaw na ang susunod," nakangising sagot niya at tinapik ang balikat ko.
Simply smiling, I shook my head. Because Athena and I have broken up and there seems to be no chance of us healing in light of what happened, what he is stating is impossible. It was harder for me not to talk to her than it was for me to want to. I let out a sigh and focused on the papers in front of me. These include sales, reports, sample proposals, theses, and other information about actual states.
The Villacorta have been a huge assistance to our business because they are also honest regarding their own, which is why my brother was able to unite our two businesses. We decided to give it a try because the two families had both decided to do so, and we weren't let down because both companies' results were successful.
"Kiro!"
Nagulat ako sa isang malakas na sampal mula sa kapatid ko. Gulat akong napatingin sa kanya na galit na galit na nakatingin sa akin.
"What are you doing?" iritadong tanong ko at pinunasan ang labi ko dahil naramdaman ko ang dugo.
"Look!" si Kayleigh sa malakas na boses. Pinakita niya sa akin ang cellphone niya at nagsimula na naman s'yang umiyak. "Look at Athena! Tignan mo kung paano nahihirapan ngayon si Athena dahil sa pamilya natin! Look how pain she is!"
Naguguluhan akong napatingin sa kanya ngunit agad ko ring kinuha ang cellphone niya. Napalunok ako nang makita si Athena na pinaliligiran ng mga tao at sa tabi niya ay si Rich na seryosong nakatingin sa mga pulis na nasa unahan nila. Kumpleto ang mga royal guards at nandoon rin si Joy na nasa tabi ni Athena. I look at my girl. Parang may kung ano sa aking puso nang makita s'yang gulo-gulo ang damit. Puno ng sugat ang kanyang mukha at may posas rin ang mga kamay niya. Natigilan ako nang makitang pagod na pagod ang mga mata niya at panay ang takip sa kanya dahil sa camera na nasa loob.
"Where is...she?" tanong ko. Hindi ko tinignan ang kapatid ko at nanatili akong nakatingin sa cellphone.
"Jerk..." bulong niya at mabilis na naglalakad papunta sa pinto. Napatingin ako sa kanya but she just rolled her eyes. "Sasama ka ba o mananatili ka dyan and act like a stupid again?"
Mabilis akong tumayo at kinuha ang susi ng kotse ko. Sinuot ko ang coat ko at agad na sumunod sa kanya palabas ng opisina ko. Sumakay kami sa elevator at nanatiling tahimik ang kapatid ko, nang makarating sa ibaba ay nauna pa s'yang sumakay sa kotse ko kaya napa buntong hininga ako. Pinaandar ko kaagad ang kotse ko papunta sa presinto ng mga Villacorta kung nasaan si Athena.
"You're so stupid, Kiro! Hanggang ngayon wala ka pa ring alam sa nangyayari," aniya sa galit na boses.
"What? Ano ba ang gusto mong malaman ko? I know nothing, Kyleigh!" iritadong sagot ko.
She didn't answer and just cried. I shook my head and parked my car in front of the police station right away. The Villacortas have the largest precinct in this city and are surrounded by competent police officers and soldiers from other nations.
They trusted Villacorta so much when it came to security.
"Excuse me," malamig na sambit ko habang hawak ang kamay ni Kayleigh.
Pinilit kong makapasok sa loob kahit pa sobrang daming tao at nang makapasok ay unang nagtama ang paningin naming dalawa ni Athena. Gulat s'yang napatingin sa akin at parang may kung anong kirot ang naramdaman ko sa aking puso nang matitigan s'ya nang mas malapit. She looks like a mess. Napalunok ako nang yumuko s'ya at umiling na para bang ayaw niyang nandito ako.
"Kayleigh," rinig kong tawag ni Joy. Napatingin s'ya sa akin at nakita ko ang pagbabago ng emosyon niya. "Nandito ka rin pala, Kiro."
"What happened?" tanong ng kambal ko. "The investigation? How was it?"
"Maayos naman. Nung una ay hindi nila nakilala si Athena dahil nakasuot ng mask at cup pero kalaunan, nakilala s'ya ng pinsan niya. Maraming kaso ang nakapatong sa ulo ni Athena kaya hinihintay namin ang lawyer niya at ang iba pang Buenaventura kasama ang mga Villacorta," paliwanag ni Joy.
"Tinawagan ko na rin ang mga taong gusto mong kausapin. I hope she's okay..." nag-aalala na sagot ni Kayleigh.
Nanatili akong nakatayo sa gilid habang pinagmamasdan si Athena. Nakaupo s'ya doon at sa harap niya ay ang daddy niya na kadarating lang. Huminga ako nang malalim at nakinig sa pinag-uusapan nila.
"We need to talk to you about the implant drugs we saw on your bar, Miss Athena, even if the investigation into your business is still ongoing."
"I told you already that I don't have any idea who put the drugs. Kung meron man, sigurado akong pupunta s'ya dito."
Napalunok ako nang makitang nakatingin sa akin si Athena. I can see the wrath, hatred, and disgust to her eyes that's why my heart aches.
"Alright. We will discuss this later together with your law—"
"Don't bother her. Her conversation with our attorney will be initiated by me. Restart your workday." Napatingin ako kay Rich na seryoso ang mukha. Agad s'yang pumunta kay Athena at hinaplos ang buhok nito. "Everything's gonna be alright. For now, kailangan mong magpatingin sa doctor lalo na't marami kang sugat."
"Ayos lang ako. Kaya ko—"
"Athena, 'wag na matigas ang ulo. Tara na, pumunta na tayo sa hospital."
I was alerted as soon as Athena stood up, but she swiftly corrected her balance after nearly falling. I let out a sigh and kept my body on guard in case she collapsed. She passed right in front of me as they continued to walk, and I gasped when our eyes connected. I was shocked when she abruptly lost consciousness.
"Athena!"
The moment I hurriedly took her up in my arms, the crowd erupted in fear. Immediately, Joy, who was riding in my car and talking nonstop, and I hurried to my car.
"Sinasabi ko na nga ba! Ang tigas kasi ng ulo at ayaw makinig," natataranta na sambit ni Joy.
"Kayleigh, drive the car," ani ko at agad naman s'yang tumango.
"Malas nga naman. Nakakairita! Gusto kong manuntok ngayon, promise," aniya sa iritadong boses at tinignan ako. "Ayusin mo si Athena. Hindi s'ya pwedeng magalaw dahil nga...sa ano, sa likod niya."
Tumango ako at agad na inayos ang pwesto ni Athena sa hita ko. Huminga ako nang malalim at aaminin kong nag-aalala ako sa kanya ng sobra. Hinawakan ko ang kamay niya, nanginginig man ay hinawakan ko nang maingat at maayos. Kinagat ko ang labi ko nang mabilis kaming nakarating sa hospital kung nasaan si Kylee.
"Hurry up!" si Kayleigh sa nagmamadaling boses at agad na lumabas.
Mabilis akong lumabas at binuhat si Athena papunta sa loob. Agad na tinawag ni Joy ang mga nurse at doctor, halos ata lahat na ay tinawag niya sa sobrang OA niya. Agad nilang inasikaso si Athena na ngayon ay walang malay, napasinghap ako nang mapansin ang napakaraming dugo sa aking kamay kaya natulala ako doon.
"Nasabi mo na ba sa kanya Kayleigh?" narinig kong tanong ni Joy.
"Not yet...I'm distancing myself from my family because...nakakahiya ang ginawa ni m-mommy," pahina nang pahina ang boses ni Kayleigh.
"Dapat lang na mahiya. Gusto ko man na magalit sa 'yo ngunit hindi, baka tuluyan akong mawalan ng malay kung pati ikaw ay masasampal ko. Masyado kang mahal ni Athena," sagot ni Joy at inirapan si Kayleigh na ngumuso.
Nanatili akong nakatulala at nakatingin sa mga kamay ko. Anong nangyayari? Bakit nangyari ang lahat ng 'to? Wala akong alam sa kung anong nangyayari sa kanya. Wala ako sa tabi niya, at ito ang makikita ko? Naguguluhan ako sa dami ng nangyari. Hindi ko alam kung sino ang papakinggan ko o kung kanino ba ako magtitiwala.
"The baby is okay." Natigilan ako at nag-angat ng tingin kay Jonas. Seryoso s'yang nakatingin sa akin.
"W-What did you say?" tanong ko. Nanginginig ang mga kamay ko at mga tuhod ko.
He sighed and looked at Joy who nodded her head. "She's 9 weeks pregnant with your child, Kiro."
Nanlaki ang mga mata ko at tuluyang bumigay ang mga tuhod ko. Napaupo ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya na seryosong nakatingin sa akin.
"W-What?" My voice broke.
"Tinago ni Athena ang tungkol sa bata. Naalala mo ba ang nakita mo sa locker ko ang pregnancy kit? Kay Athena ang lahat ng 'yun at doon pa lang, gusto ko ng sabihin sa 'yo na may responsibilidad kang dapat gawin, Kiro," sambit ni Charlie na nasa tabi ni Joy.
"Hindi rin namin masabi sa 'yo dahil mismong si Athena ay ayaw. She will raise your kid by herself and she will be going to Spain at doon sila maninirahan ng anak niya," sambit ni Joy. "Kaya sinabi ko sa 'yo na tatawanan talaga kita kapag nalaman mo ang totoo."
I didn't listen to them and run towards Athena's room. She's sleeping. I run and hugged her while crying, I held her hands and kissed it. Hindi ako makapaniwalang buntis s'ya at hindi niya man lang sinabi sa akin ang tungkol dito. I remember those times that I push her because she fought with Stephanie. Napapikit ako at mas lalong tumulo ang mga luha sa mga mata ko habang nakalagay ang mukha ko sa kanyang tiyan.
"I'm sorry..." I burst out. "Baby, I'm sorry."
I cried and caressed her stomach. Kinagat ko ang labi ko at pinagmasdan si Athena ngayon ay natutulog. Pinagmasdan ko ang katawan niya, punong-puno ito ng sugat at pasa lalong lalo na ang mukha niya. Nanginginig kong hinawakan ang pisngi niya maging ang labi niya. I planted a soft kiss on her lips and cried.
"How is she?" Natigilan ako nang makilala ang boses ng chairman ng mga Villacorta.
"Sir," ani ko at agad na umayos ng tayo bago yumukod sa kanya.
He nodded his head. "She's been living like a princess before she came here in the Philippines. She was brave, fearless, and quiet dangerous. Everyone in this place was scared to her because she has a blood of Villacorta and Buenaventura. Hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan niya ang sarili niyang saktan lang ng ibang tao, lalo na ang taong malapit at minsan na niyang tinulungan."
Hindi ako nakasagot at nanatili akong nakatingin sa kanya na nakatingin kay Athena. Sa dulo ng kama ay nandoon s'ya nakatayo habang hawak ang kanyang sumbrero, tindig pa lang ay prinsipe na at ang kanyang itsura ay tila nanghihinayang.
"You didn't know everything?" tanong niya.
"N-No, sir. I didn't know everything after we broke up," nahihiyang sagot ko.
He smirked. "She's good at hiding secrets but for us, the empress knows everything from the start. Ngayon ko lang nakita si Athena na nagbigay ng daan na saktan s'ya...hindi mo ba alam hijo? She's protecting you back when you turn around and push her away. I know nothing but I'm always watching her."
"Why are you saying this to me, sir?" Hindi ko mapigilan na magtanong.
He smiled and looked at me directly. Napaatras ako ngunit nanatili akong matapang na nakatingin sa kanya.
"Kalabanin niyo na ang lahat 'wag lang ang pamilyang maraming ebidensya. See you around."
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng chairman ngunit mas hindi mawala sa isip ko ang mga salita na binitawan niya habang dalawa lang kaming nag-uusap. Dumating ang mga magulang ni Athena lalong lalo na ang kanyang mama. Pakiramdam ko ay masama ang loob nila sa akin ngunit wala akong alam sa nangyayari. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang nangyari nung wala ako. I was so busy pursuing my dream and busy watching myself to heal and move on.
"Ang empress na ang may hawak sa lahat, tita. We will set a date ayon sa gusto ni Athena," sambit ni Rina.
"Make sure please," ani ni tita at iniwas ang paningin sa akin. "I want her to rest after this. Gusto kong mag pahinga s'ya—"
"Hindi rin po s'ya makakapag pahinga tita. Nasabi ko—namin sa inyo ang lahat, na hindi pa ligtas sa ngayon," sambit ni Sky.
Nanatili akong nakatayo at tahimik na nakikinig sa kanila. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila ngunit ayon sa pagka-intindi ko ay may plano silang ginagawa. Nung nasa isla pa lang kami ay napag-usapan na nila ang plano at pakiramdam ko, ito na ang sinasabi ni Chase na isang malaking laban.
"Kiro, hijo, kumain ka na ba?" tanong ni tita.
"Busog pa po ako. Hihintayin ko lang po sila mommy," sambit ko.
Tumango s'ya at hindi na rin nagsalita. Umupo ako at nanatiling nakatingin kay Athena na mahimbing ang tulog. Maya Maya lang ay dahan-dahan s'yang gumising at lahat kami ay napatayo nang makitang gising na s'ya. Napalunok ako ng unang magtama ang paningin naming dalawa, nag-aalangan pa akong lumapit ngunit nakita kong unti-unting umalis sila tita at hinayaan kaming dalawa.
"Uh...do you want water?" tanong ko.
"Y-Yes please," aniya sa mahina at namamaos na boses.
Mabilis akong pumunta sa side table at agad kinuha ang mineral water. Agad kong binigay sa kanya ang mineral water at inalalayan ko s'ya sa pag-inom. Napalunok ako ng magtama na naman ang paningin naming dalawa.
"You're pregnant..." I sound bitter because I didn't know that thing. Napansin niya 'yon kaya nanahimik s'ya sandali bago ako tignan.
"9 weeks, I guess. Sinabi ni Jonas?" tanong niya. Parang normal lang sa kanyang makita ako ngayon. "Hindi ka ba aalis? Ngayon ang kasal diba?"
"No." I look at her intently. "Walang kasal na mangyayari, Athena. Hindi ko plano ang magpakasal kay Stephanie...sinabi ko lang 'yun dahil...galit ako. Galit na galit ako."
She looked at me and raised her brow. She nodded and sighed.
"I see," nakangising sagot niya kaya nagtataka akong napatingin sa kanya na may kinuha sa ilalim ng unan niya.
Nagtataka ko s'yang tinignan nang ibigay niya sa akin ang itim na envelope na naglalaman ng family dinner invitation.
"I want you to come together with your family. I want to see your family lalong lalo na si Mrs. Sandoval."
She looked at me coldly and I knew for sure that something would happen to the dinner she's talking about.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top