Chapter 56

Athena's Point of View:

Naglakad ako papunta sa kusina at agad kumuha ng tray. Lahat ng makikita mo dito ay ginto na maski ang mga plato, kutsara, tinidor, at mga baso ay ginto. Bahay de palasyo ang tawag sa bahay namin dito sa Spain at lahat ng tao dito ay sa amin kumukuha ng mga prutas at gulay dahil mahilig ang asawa ng Chairman na magtanim at magbenta ng mga pagkain. Did he say sorry? At ano naman ngayon? Lalambot na ba ako sa sorry niya? Pakiramdam ko ay nanlambot ako sa mahinahon niyang boses. 

Napailing ako. Hindi kailanman mababago ang desisyon ko. Lalayuan ko silang lahat nang sa ganun ay maging ligtas sila. Wala akong gusto kundi ang katahimikan, katahimikan na makapag plano nang maayos at makapag isip ng mga possible na gawin para matapos na. 

"Saan mo dadalhin 'yan?" tanong ni daddy nang makita ako. 

"Kay Kiro," maikling sagot ko. 

Nagtaas s'ya ng kilay at uminom ng kape sa kanyang baso. "Has the child been mentioned to him? What do you suppose the judges will find against you if they decide to throw you away?" 

Natigilan ako at napatingin sa kanya. "Hindi ko pa sinasabi sa kanya. Tsaka na siguro kapag trip ko ng sabihin dahil sa ngayon, hindi kami maayos. I have a lot of things to finish and to solve."

Tumango s'ya at hindi na rin nagsalita kaya agad akong naglakad paalis. Pumunta ako a kwarto at naabutan ko si Kiro na nakatingin sa labas, sa veranda. Pinagmasdan ko s'ya at nakitang mas lumaki ang katawan niya kapag nakatalikod. Nakatupi ang sleeve ng polo niya hanggang siko na nakikita ko ang mga braso niya ng punong-puno ng tattoo. 

"Here's your food," sambit ko at nilagay sa side table ang pagkain. 

"This place is beautiful," aniya at hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan niya. 

The distance between us was wide since I knew he didn't want our bodies to touch, so I moved over and stood next to him. I consider my past experiences every time I'm at this place. I shall be required to begin training and have a daughter for the palace's future. I witnessed the battles between the kings and queens of the palaces as well as the battles between the various palaces themselves. 

"Nagkaroon ng war dito noon. Away ng mga reyna at hari ng iba't ibang palasyo dahil gusto nilang makuha ang trono ng emperador ng Buenaventura. Paano, naging asawa ng emperor ang pinakamataas na reyna ng imperyo. Ang reyna ng pinagsisilbihan ng lahat at kinatatakutan ng lahat..." kwento ko kahit alam kong hindi naman s'ya nakikinig. 

"Nasabi nga noon sa akin ni lolo na niligtas mo ang pamilya mo..." aniya. 

Ngumisi ako. "Niligtas ko si Victoria nung pinagbubuntis niya si Alonzo. I keep them safe in order to fulfill my promise to the empire that no matter what happens, kahit pa malagay sa delikado ang buhay ko, kailangan ko silang iligtas."

"Bakit mo laging ginagawa ang bagay na 'yun? Kailangan bang mamatay ka muna bago nila ma-realize na hindi mo dapat ginagawa ang bagay na 'yun? Do you want to die?" nagtataka ng tanong niya. Tuluyan na s'yang napatingin sa akin. 

Ngumisi ako at pinagmasdan ang mga puno sa paligid. Noon, gustong gusto ko ng tapusin ang buhay ko. Walang kulay ang buhay ko, punong-puno ng trahedya, punong-puno ng sakit at galit, at higit sa lahat walang rason para mabuhay ako ngunit nang makilala ko si Kiro, nagbago lahat ng 'yun. 

I sighed. "Dahil 'yun ang nasa prophecy. Isa sa member ng pamilya ang kailangan mag buwis ng buhay para sa pamilya nila at dahil ako ang nag-iisang babae, nilagay nila lahat sa balikat ko. Walang rason, kulay, at gamit ang buhay ko noon kaya pumayag ako dahil pakiramdam ko...maging tahimik lang ang kaluluwa ko kapag nalagay na sa tahimik ang buhay ko."

He looked at me in awe. Napailing ako at nag-iwas ng tingin bago naglalakad papunta sa sofa, tinignan ko s'ya na kumakain na at mukhang gutom pa. Napailing ako at inasikaso ang mga business kong nasira dahil sa mommy ni Kiro. Nahahalata na masyado ang tiyan ko ngunit nanatili itong nakatago dahil ayaw kong malaman ni Ezra ang tungkol dito.

[Hello, Lady Athena. I got the news days ago and it's all about your bar.]

"What about that?" kinakabahan na tanong ko at nagtipa agad sa laptop ko. 

[Someone placed a box containing a variety of drugs on your bar. The reason the cops discovered the boxes was because Mrs. Sandoval noticed something odd about her family's drink when they visited your bar with her friends.]

"What?" Napalakas ang sigaw ko kaya napatingin sa akin si Kiro. Iniwas ko sa kanya ang paningin ko at mabilis na tumayo at pumunta sa office room ko. 

Pati ang bar ko? What the heck? Nagtagis ang panga ko nang makita ang mga pictures at interview ni Mrs. Sandoval sa isang article kasama ang mga kaibigan niya. Nangingilid ang luha ko sa galit na nararamdaman ko para sa kanya. Malakas ang kutob kong silang dalawa ni Stephanie ang gumagawa sa akin nito. 

[I will check the other side of the club. We will wait for you to settle this.]

"Thank you. I will be there tomorrow afternoon," mahinahon na sambit ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapag handa para makapunta agad ako sa bar ko. Nasabi ko rin kila daddy ang nangyari at gulat rin sila dahil alam nila kung paano ako humawak ng negosyo ko sa iba't ibang bansa. Mabilis akong nagbihis ng simpleng damit at agad akong bumaba dahil nandoon na sila Kiro. 

"Nakahanda na ang eroplano at ang sasakyan pabalik," sambit ni daddy. 

Sabay-sabay kaming lumabas at sa gilid ko ay ang mga royal guards. Kailangan ko ring pumunta sa hideout nang magawa ko na ang plano at nang matapos na. Umupo ako sa loob katabi si Rina at ang iba pang royal guards. 

"Pina-check na namin ang CCTV at hidden camera sa bawat table. Kailangan lang natin i-check kung tama ba ang kutob natin. Athena, kailan ka ba mags-sched ng isang family dinner with a twist?" nakangising tanong ni Rina.

"Soon," nakangising sagot ko habang nakatingin sa mga Sandoval.

"Nasa amin na ang mga ebidensya at hindi na namin sinabi sa 'yo ang ilan dahil kagaya ng sinabi namin, kami na ang bahala sa dinner. Guess that they just barged the detectives huh?" natatawang sambit ni Alexander at umiling. 

Nakarating kami sa helipad ng mansion ng mga Buenaventura. Bumaba agad ako kasama ang mga kasama ko at sabay-sabay kaming sumakay sa malaking elevator exclusively para sa Chairman. Tahimik kaming lahat at tahimik kong pinagmamasdan ang pamilya ni Kiro, maraming beses na 'to.

"Thank you for accommodating us," ani ni daddy at yumukod ng kaunti. 

"May maghahatid sa inyo papunta sa mansion niyo. Have a great day ahead," ani ng daddy ni Victoria.

Hindi ko na sila pinansin pa at agad akong naglalakad papunta sa labas. Naabutan kong nakatingin sa akin si Kiro kaya iniwas ko kaagad ang paningin ko at mabilis na sumakay sa motor ko. Pinaharurot ko 'yun papunta sa bar kung nasaan ang assistant ko na nag-aasikaso ng kaso. Nagtataka ako kung bakit nagkaroon ng droga ang bar ko kung punong-puno 'yun ng security galing sa palasyo at mga tao ko. 

"Athena," tawag ng assistant ko nang makarating ako. 

"What happened? Is everything okay?" tanong ko. 

"No. We're still investigating about what happened days ago. Mrs. Sandoval complain everything and as I said earlier, kinausap na namin ang head ng team na nag-aasikaso ng bar mo at ang sabi nila, hindi nila napansin na may ibang pumasok," sagot niya. 

Tumango ako at agad na tiningnan ang box ng mga droga. Nandito ang mga pulis at ani ng isa sa kanila ay kailangan nila akong imbitahan sa presinto para makausap, pumayag ako ngunit hindi ngayong araw dahil kailangan kong puntahan ang hideout para tingnan ang mga gamit. Huminga ako nang malalim at napapikit nang makaramdam ako ng hilo. 

"You okay?" tanong niya. "I'm really sorry kung tinawagan pa kita—"

"No. Trabaho ko ang i-check ang kalagayan ng bawat negosyo ko. Thank you. Paki-check na rin ang ratings at sales ng alak sa iba't ibang branches. Maging sa bake shop at coffee shop," nakangiting sambit ko. 

Ilang oras ang ginugol ko sa pag-aayos ng lahat at ng gabi na ay agad akong umalis para puntahan ang hideout. Sabi ni Rina, may hindi magandang nangyari sa hideout ni Ezra dahil kailangan naming makuha ang taong iniingatan nila, 'yun ay si Raven. Hindi namin s'ya makuha dahil lagi s'yang may bantay at kasama palagi si Ezra, gusto kong makausap s'ya ngunit gusto kong makapag isip s'ya nang maayos. Nakakapagtaka na nandoon s'ya kila Ezra kung wala s'yang plano.

"What the heck!" sigaw ko nang muntik na akong mahulog sa motor ko. 

Nasa madilim akong lugar kung saan walang mga sasakyan at tao. Papunta na ito sa hide out ngunit malayo pa rin. Tinignan ko ang unahan at napalunok nang makitang marami sila at pawang mga nakatingin sa akin. Hinawakan ko kaagad ang tiyan ko, ano ngayon ang kailangan nila sa akin?

"Sumama ka sa amin. Hindi ka masasaktan," malamig na sambit ng isa. 

"Bakit ko gagawin ang bagay na 'yun?" tanong ko. Alerto sa paligid at baka bigla na lang akong matumba dito. 

"Kung sasama ka, hindi masasaktan ang mga mahal mo sa buhay. Ayaw mo naman siguro sila makita na naliligo sa sarili nilang dugo hindi ba?" Nilabas ang isang cellphone at nakita ko ang mama ko kasama ang mga kapatid ko sa isang mall. 

Napalunok ako at inayos ang tracker ng motor ko sa ilalim. Marahan akong naglalakad papunta sa kanila ngunit marahas nila akong hinila at pinapasok sa van. Tahimik akong sumunod sa kanila at hinarangan ang tiyan ko sa ambang pagpalo nila sa akin. I memorize all the roads that we've been at kinabisado ko rin ang ilan sa mga signs na nasa gilid ng kalsada. Kumunot ang noo ko nang pumasok sa gubat at sa dulo non ay isang kubo, nag-iisang kubo sa gitna ng dulo ng gubat.

"Ilabas niyo na!"

Marahas nila akong nilabas at kinaladkad papunta sa kubo. Tinali nila ako sa loob at iniwan na para bang may kukunin sila sa labas. Hindi nga ako nagkamali, kumuha sila ng matigas na bagay at napalunok ako nang makita ang isang latigo sa kamay ng isang malaking lalaki. 

"Anong gagawin niyo?" tanong ko. Kinakabahan ako para sa anak ko ngunit kailangan kong makatakas dito. 

"Pasensya na, pinag-utusan lang kaming pahirapan ka. Sinabi niyo na ba kay boss na hawak na natin s'ya?" tanong ng isang lalaki sa harapan ko. "Sayang 'to, maganda pa naman at makinis. Baka pwede nating paglaruan muna o kaya naman—alam niyo na, pagpasa-pasahan."

"Gago! Hindi pwede! Kung pwede lang ay baka inumpisahan ko na. Sabi ng boss natin, kailangan nating pahirapan 'yan at papuntahin sa kulungan!" sigaw ng isa sa kanila.

Napalunok ako nang lumapit sila sa akin at sinampal ako kaliwa't kanan. Napadaing ako at napayuko at isang malakas na sipa sa likod ko ang natamo ko. Napadaing ako sa sakit! Humiga ako para takpan ang tiyan ko at ang ulo ko. Kahit nakatali ako ay malaya kong nagagawa ang takpan ang ulo ko at ang tiyan ko. Napapikit ako. Wala akong laban! Mahigpit ang tali sa aking katawan ngunit paano ako makakalaban kung marami sila at isa lang ako?

"Pahirapan niyo 'yan! Kailangan makita ni boss na pinahihirapan natin ang gaga na 'yan. Video-han niyo!" sigaw ng isa sa kanila. 

Napapikit ako at napasigaw sa sakit ng latigo! Naka-fetus position ako para takpan ang tiyan ko kahit alam kong 50/50 na mapro-protektahan ko ang anak ko. Napasigaw ako sa hapdi at sakit ng malakas na latigo sa likod at mukha ko. 

"Tama na!" sigaw ko. "T-Tama na!"

Hindi nila ko pinakinggan at patuloy pa rin sila sa paghampas, suntok, sipa, at latigo sa aking katawan. Nangilid ang luha ko at napapikit dahil wala na akong makita dahil sa sakit na nasa mata ko. Wala akong makita! Blurred ang lahat sa akin. 

"Tama na 'yan! Baka mamaya hindi makaabot 'yan sa kulungan!" sigaw ng isa at naramdaman ko ang mga yapak nila. 

Hinahabol ko ang hininga ko at tinignan ang tiyan ko dahil alam kong natamaan s'ya ngunit na-protektahan ko ito. Tinanggal nila ang tali sa aking kamay at paa tsaka nila ako nilagyan ng sign board na nakalagay na "Drug user ako" nangilid ang luha sa mga mata ko. 

"Isakay niyo na 'yan at ipadala na sa mga pulis," aniya at nilagay sa balikat ko ang isang duffle bag na naglalaman ng drugs kaya napalunok ako. 

Ilang oras ang naging byahe bago makarating sa police station sa Laguna. Tinulak nila ako sa labas ng police station tsaka sila sumunod sa akin habang naglalakad ako. Tahimik akong nakasunod sa kanila papasok sa loob. Hindi ako nakilala ng ibang police at kahit pa sabihin kong si Athena ako ay hindi nila ako makikilala dahil sa mask at cup na suot ko. 

"Boss, nahuli namin 'to sa isang transaction na nagbebenta ng droga. Ang tanga na 'to binentahan kami!" mayabang na paliwanag ng lalaki. 

"Ganun ba? I-imbestigahan namin at maraming salamat. Babae pa man din ang nakuha niyo," ani ng isang pulis. 

Napatingin ako sa labas nang makita ang isa kong pinsan na Villacorta. Nagtama ang paningin naming dalawa ngunit kumunot ang noo niya at nalagpasan ako, napapikit ako at naiwan akong mag-isa. Hindi ko alam kung sino ang may gawa nito at anong dahilan kung bakit. 

Anak, patawarin mo si mommy. Hindi kita nagawang protektahan laban sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top