Chapter 55

Kiro's Point of View:

Hinihingal akong nakatingin sa kanilang lahat. Ilang beses kong pinag-isipan 'to ngunit hindi ako mapakali hangga't hindi ko malalaman ang nangyari dito mismo sa tinatawag nilang palasyo. Tinignan ko silang lahat at mabilis akong tumakbo papunta kay Athena ngunit natigilan ako nang sabay-sabay nilang nilabas ang mga espada nila at tinutok sa akin ang mga matulis na espada nila, napalunok ako.

"Quien eres y qué derecho tienes de gritar y armar escándalo aqui en palacio?" malamig na sambit ng isa sa mga royal guards.

Translation: "Sino ka at anong karapatan mong sumigaw at magdala ng eskandalo dito sa palasyo?"

Natigilan ako at napatingin sa kanilang lahat, takot na baka matamaan ako ng mga espada nila. Tinignan ko si Athena na nakatingin sa akin, may bahid na pagtataka at kaguluhan sa mga mata niya. Napalunok ako at huminga ng malalim.

"Let him." Ang boses ng Emperor ang narinig ko. Hindi man s'ya nakatingin sa akin ngunit alam kong para sa akin ang mga salitang 'yun kaya mabilis akong tumakbo at pumunta kay Athena.

I hugged her.

"A-Anong ginagawa mo?" iritadong bulong niya, hindi s'ya mayakap pabalik dahil sa mga nakalagay sa mga kamay niya.

"I went here because Joy told us about the punishment. Tang ina. Hindi ako papayag na mamatay ka na lang! Hindi mo kasalanan ang nangyari!" iritadong sagot ko at binitawan s'ya.

She smirked. "Ito naman ang gusto mo hindi ba? To see me die. Kaya anong pinagsasabi mo dyan? You can go. Hayaan mo ako."

Nagtagis ang panga ko at umiling. Tinignan ko silang lahat at agad akong tumayo, hindi ko alam kung anong gagawin ko ngunit ito na lang ang tanging paraan. Sinunod ko ang sinabi ni lolo sa akin, para mailigtas si Athena ay kailangan niyang mabuntis nang sa ganun, wala ng magagawa ang mga hukom dahil ang dinadala ni Athena ang magiging sunod na prinsipe o hari ng palasyo.

"She's pregnant." Sa sinabi kong 'yun ay gulat silang napatingin sa akin, hindi man halata ngunit alam kong gulat sila.

"Kiro...hindi mo alam-"

"Kung papatayin niyo si Athena, paano na lang ang anak naming dalawa na s'yang susunod na magiging emperor o lady...empire ng palasyo," matapang kong sinabi sa kanila kahit hindi ko alam kung tama ba o hindi ang pinagsasabi ko.

Nanatiling tahimik ang mga hukom hanggang sa napatingin ako sa isang babaeng hukom na nasa kabaong ng empress. May kinuha s'ya don at marahan s'yang naglalakad papunta sa mga kasama niya dala ang isang piraso na papel, kumunot ang noo ko nang magsipag ayos sila pabilog at nag usap-usap.

"Sira na ba ang ulo mo? Hindi mo alam ang ginagawa mo!" Si Athena sa galit na boses.

"Hushed! Alam ko ang ginagawa ko! Hindi mo kailangan sumigaw at pagalitan ako dahil para sa 'yo ang ginagawa ko!" singhal ko.

Natigilan s'ya at nakita ko ang paglunok niya. Umiwas ako ng tingin at agad na napatingin sa mga hukom na ngayon ay nakatingin sa amin.

"Maaari na kayong umalis." Gamit ang salitang Spanish ay sinabi 'yun ng isa sa pinakamataas na hukom.

Gulat kaming napatingin sa kanila lalo na si Athena. Lahat ng sundalo ay nagsipagalisan na para bang walang nangyari. Ang mga tao ay umupo na at ang ilang guards ay nasa kani-kanilang pwesto na.

"Umalis na kayo at 'wag kayong babalik dito hangga't hindi namin nakikita ang susunod na magiging lady empire ng palasyo," ani ng pangalawa na hukom at malamig kaming tinignan.

"Ngunit-"

Pinanlakihan ng mata ng daddy ni Victoria ang daddy ni Athena. Mabilis kong inalalayan si Athena na tahimik at nagtataka pa rin sa nangyari. Nakakapagtaka talaga dahil biglang nagbago ang desisyon ng mga hukom. Tahimik kaming lumabas habang nasa tabi ko si Athena na tahimik at malalim ang iniisip. Nang makarating kami sa labas kung nasaan ang pamilya at mga kaibigan ko, agad silang nagtanong.

"Anong nangyari?" tanong ni Daddy. Nagtataka ng nakatingin sa amin.

"Hindi rin namin alam dahil biglang nagbago ang desisyon ng mga hukom. Pinaalis na lang kami ng hindi nag-iiwan ng kahit na anong salita," sagot ng daddy ni Athena.

"May hindi sila sinasabi." Napatingin kami sa emperor. Kasama niya ang asawa ng empress na ngayon ay tahimik. "May hindi magandang nangyari at sigurado akong may nalaman ang mga hukom-Athena, gusto kong alamin mo ang bagay na 'yun."

Tumango si Athena. "Masusunod."

Tinignan niya kami at agad akong tumingin sa kanya. Bumuntong hininga s'ya at agad na may binulong kila Rina na agad rin namang tumango.

"Manatili muna kayo dito dahil bukas na bukas ay babalik agad tayo sa Laguna," sambit niya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Kayleigh.

"Bakit naman hindi?" malamig na sagot ni Athena. Napalunok ang kapatid ko.

Maya Maya lang ay dumating ang mga kabayo at karwahe kung saan kami sasakay. Napalunok ako ng tumalon si Athena sa kabayo at ngumisi habang tinatapik ang puting kabayo. Agad kaming sumakay sa malaking karwahe at ang iba ay nasa kabila dahil hindi kasya. Tahimik akong nag-isip dahil sa nakita ko, ano kaya ang mayroon sa papel na kinuha sa kabaong ng empress? Kumunot ang noo ko. Hindi kaya dahil doon? Hindi kami paalisin kung walang nangyari na hindi maganda o maganda.

"Nandito na tayo."

Sa sobrang tulala ko ay hindi ko na napansin na nasa mismong bahay de palasyo na kami ng mga Buenaventura. Ang kanilang bahay ay mas malaki kaysa sa palasyo, sa unang bungad ay nandoon na ang simbolo ng mga Buenaventura. Ang espada at palaso na pinagsama sa taas ng malaking gate ang unang bumungad sa 'min. Naglakad kami papasok at unang bumungad sa loob ay ang mga sundalo. Napalunok ako nang mapunta sa akin at sa mga kasama ko ang paningin nila.

"Athena, ikaw na ang bahala sa kanila," sambit ng daddy ni Athena.

Magkahalong pula, puti, at itim ang makikita mo sa palasyo. Maganda rin ang bawat pasilyo dahil sa sunod-sunod na larawan ng mga Buenaventura. Napatingin ako sa larawan ni Athena, noon pa man ay hindi na mapagkakaila ang ganda niyang taglay lalo pa't nakasuot s'ya ng pula na damit na may kapa sa likod habang hawak ang espada at ang kanyang palaso, ang tanging simbolo ng mga Buenaventura. Naglakad pa kami at nakita ko ang iba't ibang klase ng espada at palaso na makikita mismo sa isang lugar sa loob ng malaking shelves.

"Sa kwarto ko ikaw matulog dahil wala ng kwarto," malamig na sambit ni Athena.

"H-Huh?" tanong ko. Napansin kong nasa labas na kami ng pulang kwarto, marahil ito ang kwarto niya.

Imbes na sagutin ako ay agad niyang binuksan ang pinto ng kwarto at bumungad sa akin ang malaki niyang kama. Punong-puno ng mga gamit sa pakikipaglaban ang kwarto niya na para bang anumang oras ay may papasok sa kwarto niya na kalaban. Pumasok ako at tinignan ang buong paligid bago lumunok at dahan-dahan na tumingin sa kanya, halata pa rin ang mga sugat niya na hindi ko man lang alam kung saan nangyari. Nakita ko sa side table ang gamot, kunot ang noo ko at agad na hinawakan 'yun.

"Pain killer?" tanong ko habang pinagmamasdan ang gamot.

"H'wag mong pansinin 'yan." Kinuha niya agad ang gamot at tinago sa cabinet kaya kumunot ang noo ko.

"Why are you taking pain killer?" nagtatakang tanong ko.

Umiwas s'ya ng tingin at umupo sa sofa. Kunot noo akong nakatingin sa kanya dahil hindi niya sinagot ang tanong ko. Kinuha niya ang isang libro at ang kanyang laptop kasama ang napakaraming papel na nasa table niya.

"Pwede kang matulog kung gusto mo. Nandito lang ako sa sofa kapag may kailangan ka," aniya.

Tinignan ko lang s'ya na seryoso na nagsusulat at nagtitipa sa kanyang laptop. Huminga ako ng malalim dahil kahit saang anggulo tignan ay hindi pa rin kami maayos at hindi kami maging maayos. Mahal niya pa rin kaya ako? Kung ako ang tatanungin ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Maaaring galit ako, nasaktan, at kung anu-ano ang sinasabi, hindi mawawala sa akin ang pagmamahal na s'ya lang ang taong dahilan nito.

"Got an invitation about your wedding. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Stephanie na gawin akong maid of honor," aniya sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.

"I don't want to marry her. It was...just a trapped," ani ko sa nahihiyang boses.

"But you did say it to my face, Kiro." Napalunok ako at dahan-dahan s'yang napatingin sa akin. "Kung nag-aalala ka na baka galit o nagseselos ako dahil binuksan ko na naman ang usapin na 'to, nagkakamali ka. You can marry her anytime dahil in the first place, you are her fiancé."

Napalunok ako at tinignan s'ya. Pagod ang mga mata niya ngunit hindi mawala ang lamig sa mga 'yun. She's so strong in everything she's been through. Wala akong narinig na reklamo sa kanya o narinig man lang na umayaw s'ya sa mga utos at responsibilidad na pinapasa sa kanya. I want to ask her is she's okay. I want to ask her if she's tired dahil pwede naman s'yang magpahinga sa akin but then again, she's angry with me and I am too. We can't make things right because we're mad at each other.

"Simula nung maging tayo, pinunit ko ang marriage contract na binigay sa akin ng mga magulang niya. I want you, Athena. Ikaw ang gusto-"

"You want me? I doubt that. After that night you said b-word towards me, I hate you. Hinding hindi kita mapapatawad sa mga pinagsasabi mo sa akin, Kiro. Kayo ng pamilya mo sa pamilya ko. Galit na galit ako sa pamilya mo dahil hindi kayo marunong tumanaw ng utang na loob pagkatapos kong ibuwis ang buhay ko para lang mailigtas 'yang nanay mo!" si Athena sa mariin na boses. Kada salita ay may diin at galit.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nanatili akong tahimik dahil tama s'ya. Ayaw na ayaw ng pamilya ko sa kanya dahil isa s'yang Buenaventura ngunit anong pakialam ko? Basehan ba ang apelyido sa taong nagmamahalan? Alam kong may mali ako at ang pamilya ko ngunit magiging maayos rin naman kaming dalawa hindi ba? I want to please her.

"I'm really sorry." Three words came to my mouth as I looked at her gently.

Gulat s'yang napatingin sa akin ngunit ngumisi lang s'ya at umiling. Napalunok ako at mahigpit ang hawak ko sa bed sheet dahil alam kong hindi niya ako mapapatawad sa lahat ng ginawa ko. Naging tahimik ang paligid at agad akong umiwas ng tingin sa kanya at inabala ang sarili sa kama niya na malinis.

"Lalabas lang ako para kumuha ng pagkain mo," malamig na sambit niya at agad na tumayo para lumabas.

Umawang ang labi ko ngunit agad ko ring tinikom at hinayaan s'yang gawin ang mga gusto niya. Huminga ako nang malalim at pumikit nang mariin dahil kahit anong subok kong humingi ng tawad sa kanya, manatiling matigas ang puso niya.

Buenaventura is always a Buenaventura.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top