Chapter 54
Athena's Point of View:
Kinaumagahan ay maaga akong nagising at natulala sa bintana ng kwarto. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang empress, ang taong naging sandalan ko sa lahat maging sa mga problema ko. Huminga ako ng malalim at napatingin sa tiyan ko, kinagat ko ang labi ko nang maalala na wala pa akong kain simula kahapon. Napapikit ako at mabilis na bumangon para pumunta sa banyo at maligo. Pagkatapos ay nagbihis ako ng flare pants, white turtle neck, and itim na single breasted french coat na hanggang tuhod ko ang haba.
I sighed.
Bumaba agad ako at nakitang kumpleto na ang mga Villacorta at mga Buenaventura. Tumango ako sa kanilang lahat at yumukod bilang pagbati. Pumunta agad ako sa kusina at naghanda ng gatas ko kahit may maid naman na nag-aasikaso nun. Sumandal ako sa sink habang pinaglalaruan ang baso na may laman na gatas.
"She's pregnant?" tanong ni Chairman Villacorta.
"Yes, weeks pregnant. Ang pangalawa sa anak ng Sandoval ang ama," sagot ni daddy at napa buntong hininga.
Napalunok ako at agad na pumunta sa dining area. Ang anak nila Chairman Villacorta ay lima habang ang apo nila ay higit kumulang na labing dalawa, hindi pa ako kasama. Kaya naman masaya dito sa bahay kapag pasko o bagong taon dahil kumpleto. Mas marami ang lalaki kaysa sa mga babae at puro sundalo ang karamihan at ang ilan naman ay modelo. Si Gladys ay tahimik na nakaupo, marahil sa trauma na nangyari sa kanya nung gabing 'yun.
"Gladys," tawag ko at tinapik ang balikat niya.
Napatingin s'ya sa akin.
"Ayos ka lang?" tanong ko at marahan na umupo sa tabi niya habang pinapakinggan ang pinag-uusapan ng mga matanda sa unahan.
"I'm okay...I'm not used to wake up when lolo is not by my side," malungkot na sambit niya. "I'm thinking that is my fault. Na hindi ko naisip—"
"Hindi mo kasalanan." Tinignan ko s'ya ng mariin at umiwas naman s'ya ng tingin. "Walang may gusto sa nangyari at alam natin pareho na wala kang kasalanan dahil biktima ka rin. Gladys, hindi natin kailanman malalaman kung kailan at saan mangyayari ang aksidente kaya please, don't blame yourself dahil wala kang kasalanan."
She hugged me. S'ya ang bunso sa lahat ng apo ni empress dahil malapit s'ya kay empress, naiintindihan ko kung bakit ganito ang emosyon niya. Empress is spoiling her too much at kahit kailan, hindi mahiwalay si Gladys kay empress dahil palagi itong nakadikit sa kanya.
"Ihahatid na ang kabaong ng empress papunta sa airport. Tinawagan na namin ang mga guards at hinihintay na tayo ng mga hukom." Tinignan ako ni Chairman Buenaventura. "Handa ka na?"
I sighed. "Yes. Handang-handa na ako."
Sabay-sabay kaming lumabas papunta sa garage kung saan nandoon ang mahabang sasakyan para sa amin. Kasama ko sa isang sasakyan ang mga Buenaventura kasama ang tatlo kong kapatid at si daddy. Tahimik akong tumingin sa labas habang haplos ko ang tiyan ko, ilang weeks na 'to ngunit hindi ko pa rin masabi kay Kiro dahil natatakot ako na hindi niya ako matanggap. Iniisip ko pa lang na hindi niya tatanggapin ang anak ko, sigurado akong malulungkot ako at baka lumayo ako sa lugar na 'to.
"Dad, is there no way that the counselor will change their mind about Athena's punishment?"
Napatingin ako kay Alfred. Seryoso ang mga mata niya habang nakatingin kay daddy na diretso ang tingin sa unahan. Alam kong ayaw niya ang parusa ngunit ito ang pinirmahan ko bilang lady ng empire ng Empire Palace.
"As long as Athena was the lady of the empire, the penalty she approved would be in force. We will all be angry at them, so punishment cannot be undone," sagot ni daddy at tinignan ako. "Athena, anak, paano ang dinadala mo?"
Natigilan ako at inisip ang anak ko. "Gagawa ako ng paraan, dad. Gagawa ako ng paraan para iligtas ang anak ko."
Iniwas niya ang paningin niya dahil nangilid ang luha sa mga mata niya. Kahit anong sabihin namin ay hindi namin mac-control ang rules at regulations ng mga hukom. Nasa ilalim kami ng pamumuno nila at kapag lumabag kami doon, lahat kami ay mawawala sa pwesto sa Empire Palace. Agad kaming nakarating sa airport at agad akong lumabas habang hawak ako ni Archer, kumapit ako sa braso niya. I waved at the people around us and they're happy to see me, lalo na ang dalawang chairman na nakasuot ng kani-kanilang malaking sumbrero.
"How are you? Nag-usap na ba kayo ni Kiro?" tanong ni Archer. "Nabalitaan kong naghiwalay kayong dalawa dahil sa maling akala niya."
I smirked. "Hindi ko s'ya masisisi dahil kahit anong sabihin ko, maniniwala pa rin s'ya na ako ang pumatay sa lola niya."
Napailing s'ya at napa buntong hininga kaya natawa ako. Sumakay ako sa eroplano at agad na huminga ng malalim bago pinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin doon at sana makaisip agad ako ng paraan para iligtas ang anak ko. Kung sasabihin kong may anak ako, pati ang anak ko ay dadaan sa mahabang proseso na pinagdaanan ko bilang lady empire ng palasyo. Kung sasabihin man nila na ipapakasal ako sa isang prinsipe ng royal family at magiging ama s'ya ng anak ko, tatakas ako at pupuntahan ko si Kiro.
"We're here."
Nagising ako sa tapik ni Archer sa balikat ko. Napatingin ako sa unahan at naghahanda na sila sa pagbaba sa eroplano. Inalalayan ako ni Archer at agad kaming bumaba at sakay na ng isang sasakyan ang kabaong ng empress. Sa pagbaba namin ay nakahanda na ang mga kabayo kaya agad kong hinahanap si Benedict, ang kaibigan kong kabayo. Sumakay agad ako sa kanya at hinaplos ang balahibo niya.
Mabilis kaming nakarating sa Empire Palace at agad akong kinabahan ngunit hinayaan ko ang sarili kong tignan ang mga tao. Panay ang tingin nila sa akin habang ang iba ay nagbubulungan dahil sa pagkamatay ng empress. Marahan na naglakad ang mga kabayo habang ang mga guards ay hawak na ang malaking kabaong ng empress. Huminga ako ng malalim nang makita ang anim na hukom sa unahan.
"Magandang umaga." Sabay-sabay kaming yumukod sa harapan nila.
Sa Empire Palace ay malalim na tagalog ang ginagamit na lenggwahe kapag nagsasalita at kung minsan naman ay Spanish words kapag naisipan nila. Nilapag ang kabaong ng empress sa tabi ng trono ng empress at agad na tinignan ito ng mga hukom. Kinakabahan ako habang nakatayo at katabi ang pamilya ko, hindi ako kinakabahan para sa akin kundi sa anak ko. Hinaplos ko ang tiyan ko at huminga ng malalim.
"You okay?" bulong ni Alfred. "We're here."
Tumango ako at ngumiti ng maliit. Tinanggal ng isang hukom ang singsing na may pendant na bow at arrow at agad niya itong nilapag sa pulang maliit na box. Tinignan nila kami at agad na naglalakad papunta sa unahan ang isang hukom, ang pinakamataas sa kanilang lahat.
"Ano ang nangyari at bigla na lang nawala ang empress?" tanong niya. "Gusto kong malaman kung sino at ano ang nangyari at may gawa sa biglaan niyang pagkawala."
Pumunta si Bruce sa unahan at nagsimulang mag kwento. Nakatingin lang ako sa kanilang lahat habang hawak ang tiyan ko. Hindi ako papayag na makuha nila ang anak ko o kung papatayin man nila.
"Ano ang silbi ng lady ng imperyo kung hindi niya na iligtas ang empress? Marahil wala ka ng kwenta at wala ng kakayahan mag ligtas?" tanong ng isang lalaking hukom.
"Aksidente ang nangyari." Hindi ko mapigilan ang sumagot. Tinignan ako ni daddy ngunit diretso ang tingin ko.
"Tungkulin mo ang iligtas ang empress ng imperyo sa anumang aksidente na mangyayari. Tila mahina ka ng sa mga naunang empire lady. Akala ko ba ay kaya mong iligtas ang dalawang—"
"Dalawa silang nasa panganib mahal na hukom. Konektado ang tali sa pagitan nilang dalawa, hindi naman siguro nahahati ang aking katawan sa dalawa para—"
"Wala kang respeto kahit kailan, Lady Athena."
Natigilan ako at napatingin sa pangalawang babaeng hukom. Hindi ako nagsasalita at nanatiling malamig ang tingin sa kanilang lahat. Kung sana, nandoon sila ay makikita nila ang nangyari. Lumapit ang babaeng hukom sa singsing ng empress at kinuha ito at pinagmasdan.
"Alam kung alam mo ang parusa sa ginawa mo, Lady Athena. La emperatriz y las dos familias que te rodean son tu responsabilidad. Crees que puedes cuidar el anillo de la emperatriz si te doy su anillo Tal vez sí pero tal vez no te lo mereces," aniya sa malamig na boses.
Translation: "Responsibilidad mo ang empress at ang dalawang pamilya sa paligid mo. Sa tingin mo ba ay kaya mo ng pangalagaan ang singsing ng empress kung ibibigay ko sa 'yo ang singsing niya? Maaaring oo ngunit maaaring hindi ka nararapat."
"Todos sabemos de lo que es capaz mi nieto. Todos sabemos que es bueno en la lucha, bueno en inteligencia y bueno para liderar un imperio. Fue un accidente y todos sabemos lo que puede hacer un solo Buenaventura," sambit ni Chairman Buenaventura.
Translation: "Alam nating lahat kung ano ang kaya ng apo ko. Alam nating lahat na magaling siyang makipaglaban, magaling sa katalinuhan, at magaling mamuno sa isang imperyo. Aksidente iyon at alam nating lahat kung ano ang kayang gawin ng nag-iisang Buenaventura," sambit ni Chairman Buenaventura."
Gulat akong napatingin sa kanya. Aaminin kong nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa boses niya. Ngayon niya lang ako pinagtanggol sa lahat ng tao, napatingin ako kay Archer na nakangiti sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Ngunit alam mo ang kaparusahan sa lady ng imperyo, Emperor." Ngumisi ang lalaking hukom, pangatlo sa pinakamataas. "Kamatayan."
Natahimik ako at napatitig sa kanya. Alam ko na hindi na magbabago ang isip nila ngunit kailangan kong tanggapin na lang ang parusa para sa akin.
"Está embarazada no?"
Translation: "Buntis s'ya hindi ba?"
Gulat akong napatingin sa pang-apat na hukom, ang laging nakabantay sa pamilya ko at sa akin. Tinignan niya ako pababa sa tiyan ko kaya mabilis kong niyakap ang tiyan ko at kinakabahan na napatingin sa kanya. Naglakad ng kaunti sila Alfred papunta sa akin at lahat ng sundalo ng imperyo ay nasa gilid na namin at nakaabang sa utos ng pinakamataas na hukom.
"Ang parusa ay mananatiling parusa. Kung isasama ang anak mo sa bangkay mo, maaari ngunit hindi mababago ang utos ng itaas sa ganitong klase ng pangyayari. Ang parusa ay nakalaan sa sulat na pinirmahan mismo ng lady ng imperyo. Buntis man o hindi," seryosong sambit niya. "Masasaksihan mismo ng dalawang pamilya na kunin ang buhay mo. Buhay ng empress kapalit ng buhay ng lady empire."
Napapikit ako nang hawakan ako ng apat na sundalo. Nilagyan ng bakal ang dalawa kong kamay para hindi ako makawala. Rinig na rinig ko ang iyakan ng mga tao sa paligid ko at ang pamilya ko.
"Dad, do something!"
"They can't kill her! Dad, chairman!"
"Dad, my daughter!"
Hinawakan na ng mga sundalo ang mga braso ng dalawa kong kapatid. Nakita ko si Victoria na panay ang hila sa mga anak niya na panay ang punta sa unahan. Ngumiti ako at tumango at nakita ko mula dito ang emperador na nangingilid ang luha sa kanilang mga mata. Lumuhod ako sa unahan nilang lahat habang hawak ako ng mga sundalo.
"Athena!" sigaw ng mga kapatid ko na halos lumuhod na sa harapan ng mga hukom.
Umiling ako dahil kapag lumuhod sila mismo sa harap ng mga hukom, maski sila ay madadamay. Napatingala ako nang tumama sa leeg ko ang matulis na espada ng isang sundalo, ang pinakamataas na sundalo sa kanilang lahat.
"Walang sinuman ang tututol dahil ito ay mahigpit na pinagkasunduan ng lady ng imperyo at ng palasyo! Ang sino man ang tumutol maski ang miyembro ng pamilya ay madadamay!" malakas na sambit ng pinakamataas na hukom.
Kinagat ko ang labi ko at tumulo ang luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga tao sa unahan. Tumingala ako para hindi tumama sa akin ang matulis na espada at napapikit nang tumunog ang malakas na musika. Sa pagpikit ko ay isang malakas na boses ang nakapag padilat sa akin.
"No, Athena!"
Dahan-dahan ay napatingin ako sa unahan at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kiro, kasama ang kanyang pamilya at ang ilan naming mga kaibigan. Mabilis s'yang tumakbo papunta sa akin ngunit hinarangan s'ya ng mga sundalo. Tumulo ang luha sa mga mata ko at napangiti, hindi ko inaasahan na darating s'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top