Chapter 51
Kiro's Point of View:
Nanatili akong nakatulala sa bintana at nag-iisip kung papasok ba ako o hindi. Ilang linggo na nung nangyari ang gabing hindi ko kailanman makakalimutan. She lied obviously but I'm so guilty because of the words coming to my mouth. Galit ako dahil kahit baliktarin mo man ang mundo ay hindi mawawala ang katotohanan na sila ang pumatay sa lola ko. Before, I thought she wouldn't act in such way. Since I am confident in the goodness of her heart, she would never do something like that. Hindi s'ya gagawa ng bagay na alam niyang hindi niya pagsisisihan.
Sa huli, nakikita ko na lang ang sarili ko na nagsusuot ng uniporme. Huminga ako nang malalim, dapat na akong mag focus sa mga bagay na kailangan. Napapikit ako nang maalala na sinabi kong papakasalan ko si Stephanie, kinagat ko ang labi ko. Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay hindi ko na napapansin ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.
Kailangan kong panindigan ang bagay na 'yun.
[Bilisan mo na, late ka na naman!]
Napanguso ako at agad na binaba ang tawag. Mabilis akong tumakbo papunta sa labas at sumakay ng elevator. Sa sobrang late ko ay baka makalimutan kong finals na namin, third year na ako sa susunod na taon at ngayon ang kaarawan ko. Nang makasakay sa kotse ay agad akong natigilan, hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang mga ginagawa namin ni Athena sa kotse. Ang mga tawanan at kwentuhan tuwing madaling araw kapag may problema kami.
I sighed.
"Happy birthday!" Napatingin ako sa labas at nakita agad ang mukha nila Jordan.
Natawa ako at agad na naglalakad papunta sa kanila. Napatingin ako sa gilid ko at natigilan nang makita ang motor ni Athena, napatitig ako doon at kalaunan ay pinilig ko ang ulo ko.
"Kanina ka pa namin hinihintay. Akala nga namin ay hindi ka na papasok," ani ni Austin.
"Kumusta naman ang ikakasal after graduation?" sarkastik ang tanong ni Charlie at nagtaas ng kilay.
Napangiwi ako. "Shut up."
Natawa s'ya at kalaunan ay sabay kaming pumasok sa loob. Pumunta kami sa kanya kanya naming classroom at sa pagpasok ko ay agad kong nakita si Chase. Diretso ang tingin niya sa unahan at pinaglalaruan niya ang kanyang ballpen. Iniwas ko ang paningin ko at agad na umupo sa upuan ko.
"Ang tahimik, hindi ako sanay," natatawa ng sambit ni Jordan.
"Masanay ka na," nakangising sambit ni Mattias. "Sabagay, malungkot rin naman ang buhay kung may dalawang taong naghiwalay."
Hindi ko sila pinansin at agad na dumating ang aming prof. Bumuntong hininga ako at agad na nakinig ngunit ang isip ko ay lumilipad na naman. Hindi ako makapag focus at kung ako ang tatanungin, naiinis ako sa sarili ko dahil hinahanap hanap pa rin s'ya ng katawan ko.
"In the late 1800s, the traditional school of criminology's influence started to decline. The failure of modifications to the legal system based on classical theory to lower crime was one factor for this fall. More significantly, the fundamental tenet of the classical school—that action was the outcome of deliberation—was challenged for being overly straightforward. Scientists like Galileo and Newton produced important discoveries concerning the functioning of the physical world during the 1700s. These proofs of cause-and-effect connections were about as a result of diligent observation and examination of natural phenomena. Scholars soon extended the social world's use of this scientific technique beyond the realm of the physical. Positivism is the application of the scientific method to the study of the factors that influence human conduct."
Pinikit ko ang mata ko dahil naiinis na talaga ako. Parang anytime ay may mangyayaring hindi maganda sa araw na 'to at nag-aalala ako na hindi ko maintindihan.
"Kiro." Natigilan ako at napatingin sa babae naming prof. "Can you give me an illustration of how Darwin's theory of evolution has been influenced?"
Tumikhim ako at tumayo. "Franz Joseph Gall and other phrenologists looked at the arrangement of the bumps on the skull and tried to link them to criminal activity. Cesare Lombroso contended that some criminals were evolutionary relics of a more primitive species, relying on Darwin's theory of evolution.
She grinned while nodding her head. "Are you okay? You seem to be zoning out, and I'm concerned that it could be affecting your grades. Ikaw pa naman ang mataas sa klase."
I smiled. "I'm okay ma'am."
Nagpatuloy ang klase at napatingin ako kay Laurel na nakataas ang kilay sa akin. Sa tabi niya ay si Chase na seryosong nakatingin sa unahan. Iniwas ko ang paningin ko at agad na nagsulat, sinulat ko ang mga bagay na kailangan i-memorize at mga ideya tungkol sa mga theories.
"MAY PATAY NA NAMAN!"
"Grabe na talaga! Hindi matatapos ang taon na 'to na walang namamatay na estudyante! Grabe na."
Napatingin kami sa labas dahil nagtatakbuhan ang mga estudyante at bago pa kami nakatayo ay nauna ng lumabas si Chase. Out of curiosity, we walked outside to see some students covering their mouths. Pumunta kami sa dulo ng hallway kung nasaan ang malaking bathroom para sa mga estudyante. Napasinghap ako at nakita sila Sky na may dalang malaking wheelchair na galing pa sa clinic.
"Ano na naman ang nangyari?" tanong ni Jordan.
"Someone died a—Kiro!" si Stephanie sa malakas na boses at agad na yumakap sa akin. "Oh my, God. I witnessed it!"
Ngunit hindi sa kanya napunta ang atensyon ko, kay Athena na marahan na naglalakad papunta sa loob. Napa kurap ako, mag nagbago sa katawan niya. Tinignan ko silang lahat at dumating si lolo, kinausap niya sila Chase na seryosong nakikinig sa kanya. Nilabas nila ang isang babaeng estudyante at kagaya nung una kong nakita, nakalabas na naman ang kanyang dila. Napangiwi ako at kinagat ang labi ko nang makita si Athena palabas ng banyo, nakasuot ng itim na gloves at sa kamay niya ay plastic na may nakalagay na ebidensya.
"Stephanie," tawag ni Athena, natigilan pa s'ya nang makita ako ngunit nag-iwas lang s'ya ng tingin at tinignan si Stephanie na mahigpit ang hawak sa braso ko. "Gusto kong malaman kung alam mo ba ang nangyari."
"When a few groups of guys started to come, I was preparing to leave the room to retouch my makeup. They dress in uniforms, just like we do..." aniya at mas yumakap pa sa braso ko, hinawakan ko ang baywang niya kaya napatingin doon si Athena. "Tapos...may narinig akong sumigaw at ang nakita ko na lang ay mga kutsilyo, malaking samurai, at...at tinatanong nila ang pangalan mo sa isang student. Nang...wala silang makuhang sagot, they kill her."
Tumango si Athena at pinakita ang isang picture na hawak niya. "Sila ba?"
Tinignan ko 'yun at pareho lang rin nung nakita ko nung nasa museum kaming dalawa.
"Yes, sila. Kiro, takot na takot ako," ani ni Stephanie at yumakap sa akin.
Natigilan ako at napatingin kay Athena, niyakap ko si Stephanie at hinaplos ang likod niya. Nakita kong umiwas s'ya ng tingin at dahan-dahan na umalis sa harapan namin, napalunok ako. Tinignan ko s'ya na kinakausap ang mga kasama niya. To ease everyone, nagkaroon ng mahabang break dahil kailangan malibang ng mga estudyante at makalimutan kahit sandali ang nangyari sa bathroom.
"Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari—Charlie, bakit may mga prutas at isang box ka ng gatas dyan?" Napatingin ako kay Austin na nakatingin sa locker ni Charlie.
"P-Para kay Joy," aniya at tinignan ako.
"Huh? Buntis ba si Joy?" tanong ni Jordan at tiningnan ang mga prutas. "You have things about pregnancy. 'Wag mong sabihin na magkakaroon ka na ng anak?!"
Nanlaki naman ang mga mata ni Charlie. "Gago! Baka mauna ka pa sa akin."
Nanatili akong nakatingin sa kanila at napailing na lang. Tinignan ko pa ang locker ni Charlie, marami ngang gamit sa isang buntis, may isang kit pa doon na nakalagay 'About pregnancy' kaya napailing ako. Pumunta kami sa canteen at napasinghap nang makita si Stephanie, sa unahan niya ay si Athena na nakatayo sa harapan niya.
"Stephanie!" sigaw ko at agad na pumunta sa kanya. Tinignan ko si Athena. "Anong ginawa mo?"
"Wala naman ako—"
"No! You hurt me, you slap me! I was inviting you to our wedding. Pinag-uusapan niyo si Kiro that's why I interrupted," paliwanag ni Stephanie.
Tinignan ko si Athena, tinulungan kong tumayo si Stephanie at tinignan si Athena na kalmado na nakatayo.
"Ano, papatayin mo rin s'ya?" galit na tanong ko, nanlaki ang mata niya at napatingin sa akin. "You will hurt her? Bakit? Hindi mo matanggap na ikakasal na kami?"
"Ano bang sinasabi mo?" iritadong tanong niya.
"Why, are you jealous?" iritadong tanong ko rin sa kanya. "Hindi mo matanggap na hindi na ako kailanman babalik sa 'yo? Sa isang mamamatay tayo na kagaya mo?"
Nanatili s'yang tahimik. Galit akong tumingin sa kanya dahil kahit kailan, hindi ko matanggap na s'ya ang pumatay sa lola ko at s'ya rin ang dahilan kung bakit hindi pa rin namin makalimutan si lola.
"She doesn't want to accept that we're getting married. Sinasabi mo pang, wala kang kasalanan? You ruined his family, you—"
Napasinghap ako nang dumating si Laurel at dalawang magkabilang sampal ang ginawa niya kay Stephanie. Gulat akong napatingin sa kanya na iritadong nakatingin sa akin at kay Stephanie.
"Are you that paranoid?" tanong niya at tinuro si Athena. "Athena is way better than you at kung tutuusin, kayang kaya ni Athena na makuha si Kiro sa isang pitik o salita galing sa kanya. Ikakasal na kayo kaya ano pang pinuputok niyang bibig mo?"
"Wag kang mangialam," mariin na sambit ko sa kanya at tinignan si Athena na nakaiwas ang tingin.
"No, nangingialam ako dahil grabe na 'yang ugali mo, Kiro! Kailangan bang ipamukha na mamamatay tao si Athena? Alam mo na ba ang nangyayari? Ang kwento?" iritadong tanong niya.
Natigilan ako at napatingin sa kanya. Iritadong iritado ako dahil wala naman s'yang alam. Wala s'ya nung gabing 'yun at wala rin s'yang karapatan na basta na lang magsalita.
"Hindi na kita kilala, Kiro. 'Wag mo lang hintayin na lumabas ang totoo," ani naman ni Joy. "Sobrang sama ng ugali mo. Ako talaga ang tatawa kapag nalaman mo ang totoo. Hinding hindi kami magdadalawang isip na ilayo si Athena mula sa 'yo. Tara na, badtrip na araw."
Umalis agad sila at naiwan kaming apat dito sa canteen. Inis kong binitawan si Stephanie at agad na umalis ng canteen, mabilis akong pumunta sa parking lot at agad na sumakay sa kotse ko. Doon inilabas ko lahat ng galit na nararamdaman ko. Galit sa hindi ko malamang dahilan at guilty dahil napagsalitaan ko na naman s'ya ng masama at hindi angkop. Pinikit ko ang mga mata ko at bumuntong hininga.
Mabilis akong lumabas ng kotse ko at agad na pumunta sa loob. Pumunta ako sa library at agad na pumasok ngunit natigilan nang makita si Athena. May medicine kit na nakalagay sa lamesa at napalunok ako ng itinaas niya ang damit niya, nakita ko ang sugat sa dibdib niya at sa tagiliran niya.
What happened?
"Sinabi ko naman kasi na mag-ingat ka," narinig kong sambit ni Joy. "Hanggang kailan mo ba itatago ang lahat ng 'to?"
"Hangga't hindi natatapos ang laban namin ni Ezra. Kailangan kong protektahan ang dalawang pamilya kasama na ang pamilya ni Kiro," aniya sa mahinang boses.
Natigilan ako at napatitig sa kanya. Nilalagyan ng bandage ang kanyang braso at maingat na nilalagyan ni Joy ng ointment ang kanyang ulo. Kumunot ang noo ko. Is she acting? Tinignan ko pa muli ang kanyang mukha.
"Inumin mo na 'to para hindi na sumakit ang ulo mo. Sinabi ko naman kasi sa 'yo na iwasan mo na lang sila Stephanie, nahawakan niya tuloy ang ulo mo. Sinabi na ni Alfred diba, hindi pwedeng hawakan ang ulo mo dahil nga sa nangyari sa 'yo," galit na sambit ni Joy.
"I protected myself, Joy. Sinong tanga ang hahayaan na lang na hampasin ka sa ulo? Siraulo ka ba talaga?" galit na sagot ni Athena.
Hindi ko alam bakit nangingilid ang luha sa mga mata ko. Tinignan ko pa s'yang muli bago ako dahan-dahan na lumabas sa library, punong puno ng pagtataka at katanungan sa isip ko.
Anong nangyari sa kanya habang wala ako?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top