Chapter 50
Athena's Point of View:
Alam kong may mangyayaring gulo ngunit hindi ko inaasahan ang video na lalabas mula sa malaking screen na nagpapatunay o gawa-gawa lang na ako nga ang pumatay sa lola ni Kiro. Walang may alam kung sino ang pumatay at wala rin akong alam sa kung sino nga ba ang lola ni Kiro dahil pagkatapos mangyari ng aksidente, wala na kami sa mismong lugar. Nakakatawa na kailangan pang gawin ni Stephanie ang bagay na 'to ngunit naging magandang benepisyo para sa akin, masyado ng delikado at kung mananatili pa ako sa tabi ni Kiro, pati sila ay madadamay.
"Y-Yes, I lied." Tinignan ko s'ya sa mga mata niya at aaminin kong ma-mi-miss ko ang mga mata niya.
"A-Athena how could you—You know that I hate liars!" si Kiro sa malakas na boses.
The party was ruined. Everyone's eyes are all on me. The camera, cellphone, and everything was all on me. Masakit sa puso ngunit kailangan kong umiwas, kailangan kong hiwalayan si Kiro at kung ito lang ang tanging paraan para hindi s'ya madamay, gagawin ko. Kahit ikakasakit ko at ng baby sa tiyan ko.
"Tang ina! Akala ko hindi mo magagawa ang bagay na 'yun? Ano pa ba ang maaasahan ko sa isang k-kriminal?" Gusto kong umiyak sa harapan niya, sa mga lumalabas sa bibig niya. "Tinalikuran ko lahat para sa 'yo, hindi ako nakinig sa kanilang lahat para lang malaman mo na nandito lang ako...palagi para sa 'yo. Ito ba ang isusukli mo sa akin? Athena, ito ba?"
I smiled. "Ang isang kriminal ay mananatiling kriminal. 'Wag mo akong aartehan na para bang malaking bagay na ang ginawa mo dahil unang una sa lahat, hindi ko kailangan."
Hindi s'ya makapaniwalang napatingin sa akin. Tinignan ako ng pamilya niya, galit na galit na lumapit sa akin ang chairman at isang malakas na sampal gamit ang likod ng palad niya ang natanggap ko. I smirked and looked at him.
"You killer! Sinasabi ko na nga at hindi ako nagkamali! Mamamatay tao ka—kayo ng pamilya mo!" sigaw niya, nangingilid ang luha sa mga mata niya.
Nanatili akong nakatingin sa kanilang lahat. Isa-isa ko silang tinignan at kahit paano ay kailangan ko silang protektahan. Kung mananatili pa ako dito, baka bumagsak lang ako at bumalik kay Kiro. Nanatili akong nakatayo habang nangingilid ang luha sa mga mata ko.
"Chairman," nakangising sambit ko, hindi pinapansin sila Joy na kanina pa panay ang bulong ng 'tama na' sa likod ko. "Sabi mo nga noon, kriminal ako at papatunayan ko sa 'yo mismo sa gabing 'to, ako ang pumatay sa asawa mo. Pinatay ko s'ya at walang pakundangan kong hinagis ang bangkay niya sa kung saan para hindi niyo—"
"Enough!" Napatalon ako sa sigaw ni Kiro. Galit na galit talaga ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tinuro niya ako gamit ang isa niyang daliri. "I hate you so much, Athena. Sinungaling ka! Pinagkatiwalaan kita, namin ng pamilya ko! B-Bakit...bakit kailangan mong gawin ang bagay na 'to. Anong nagawa ng pamilya—"
Kasi kailangan. "Dahil gusto ko lang. Gusto ko lang makitang mahirapan ang pamilya niyo sa mga kamay ko."
Alam kong walang kwenta ang mga sagot ko, gusto ko lang makaalis na ngunit gusto kong makita na hindi na ako gusto ni Kiro. I want to see the hatred, the disgust, and the rage in his eyes. Gusto kong sagarin ang pasensya niya at gusto kong pagkatapos nito ay wala na akong makikita ni anino niya o kahit na sino sa kanila. Mas mabuti 'yun, wala na akong problema pa.
"W-What?" nauutal na tanong ni dean, ang lolo ni Kiro. "A-Athena...what are you doing?"
Hindi ako nagsasalita at kalmado kong kinuha ang mga gamit ko. Kapag nagsalita pa ako ulit ay baka masabi ko na kailangan kong gawin 'to para sa kanila.
"I want you to get out of here." Napahinto ako sa boses ni Kiro. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. "Mom, I'm getting married to Stephanie. I'll get ready for her wedding tomorrow."
No. Galit lang s'ya.
Natigilan ako ngunit mas natigilan ako nang ibato niya sa mismong likod ko ang singsing na minsan kong binigay sa kanya. Nakagat ko ang labi ko, nangingilid ang luha sa mga mata ko ngunit hinayaan ko 'yun. Tumango ako at tinignan si Joy na humihikbi sa hindi kalayuan, kasama si Charlie na nag-aalala na nakatingin sa akin.
"Ayaw na kitang makita at simula sa araw na 'to, ayaw ko ng makita ang mukha mo, ang mukhang pumatay sa lola ko," mariin at malamig na sambit ni Kiro.
"Wag kang mag-alala...hindi mo na makikita ang pagmumukha na 'to," nakangising sambit ko at agad na tumalikod.
Mabilis ang lakad ko papunta sa kotse na nag-aabang sa akin sa labas. Pinunasan ko ang luha ko at agad na kinuha ang laptop sa kotse. Kailangan kong gawin 'to, kailangan kong panatilihing ligtas sila araw-araw kaya naman habang wala sila sa bahay nila ay nilagyan ko ng CCTV ang mansyon nila.
"You okay?" tanong ni Rina.
I smiled. "I'm o-okay. Kumusta ang paghahanap sa mga taong pumatay kay...Kyle?"
Tinignan niya ako. "Athena, kung hindi mo pa kayang kumilos sa ngayon kami—"
"No, kailangan kong mahanap sila. Ang mga wines? Ang mga Buenaventura? Villacorta—"
She hugged me and I cried all my heart. Nilabas ko lahat ng emosyon na tinatago ko sa loob ng ilang araw. Matagal kong pinag-isipan 'to, matagal kong gustong gawin 'to at ngayon na nagawa ko na, pakiramdam ko ay mas lalong naging doble ang sakit na nararamdaman ko.
She said, "Everything will be okay. The mission, the murders, and the organization all need to be finished; all you have to do is this.
Tumango ako. Mabilis na dumating sila Joy at agad na pinaandar ni Chase ang van papunta sa mansion ng mga Buenaventura. Tahimik akong nakatingin sa labas, masakit pa rin ang puso ko ngunit kailangan kong maging matapang. I'm going to thank Stephanie for editing those videos, nagamit ko s'ya at talaga namang naging mabuti para sa akin na idaan sa biro ang lahat.
"Chairman," sambit ko at agad na yumukod bilang paggalang.
"I got the news. Your face is all over the media now," aniya sa seryosong boses.
Tinignan ko silang lahat. Ang pamilya na meron ako, ang pamilya na kahit kailan ay hindi ko magawa na iwan. Tumango ako at bumuntong hininga, himala at hindi nagsasalita si Victoria at nanatili s'yang nakatingin sa amin.
"Ginawa ko ang bagay na 'yun, chairman dahil wala akong pagpipilian," mahinahon na sambit ko. "I'm sorry if I ruined it again."
"You make it worse, Athena," ani ni Victoria at tumayo. "Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa atin? Tingin nila sa atin ay tayo nga ang pumatay sa asawa ng chairman? Ano na lang ang—"
"Sa tingin mo ba may choice pa ako?" iritadong sambit ko. "Sabihin mo nga sa akin ngayon, Victoria may pagpipilian pa ba ako? We're in danger. Our family is in danger and we have many enemies. Gusto mo ba talagang—"
"Dahil ikaw lang naman ang nagdadala ng panganib sa pamilyang 'to! Ang organization na binuo mo, ang mga kalaban sa palasyo, at ang iba pang may galit sa atin! Ikaw lahat ng may gawa nun, Athena," iritadong sagot niya.
Iritado ko s'yang tinignan. Kung hindi sana nila ako hinanap malamang ay nasa maayos silang kalagayan ngayon, nakakainis lang na kasalanan ko na naman.
"Will you please stop blaming her, Victoria?" si Bruce. "She is the woman of the empire, and she has a big job to do for this family. She will succeed the current empress as ruler of the imperial palace. Laban niya ay laban rin nating lahat. Can you appreciate her a little more? Don't you remember that she protected you while you were carrying Alonzo during the Empire War?"
Natahimik si Victoria. She rolled her eyes on her dad and sipped on her wine. Ngumisi ako kay Bruce at agad na nagpasalamat sa kanya ngunit napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman na parang masusuka ako, mabilis akong tumakbo papunta sa kusina at doon sumuka.
"You're pregnant?!" si Victoria sa malakas na boses.
"What?" si daddy sa malakas rin na boses at mabilis na sinakop ang mahaba kong buhok para hindi malagyan ng suka.
Napapikit ako at napadaing nang maramdaman na bumuka ang sugat ko sa bandang tagiliran. I can feel the pain in my head kaya napapikit ako ulit at napahawak sa ulo ko, nangingilid ang luha sa mga mata ko at kaunti na lang ay babagsak na ako.
"Call our Doctor!" sigaw ni Bruce sa mga maid na biglang lumabas.
Tinignan ko si daddy, nag-aalala ang mga mata niya ngunit lamang ang katanungan doon kaya umiwas ako ng tingin. Inalalayan niya ako papunta sa malaking sofa at napalunok ako sa tingin ng chairman, maging ang isa kong kapatid na si Archer na kadarating lang.
"C-Chairman..." bulong ko. "I...I'm sorry."
Hindi ko alam ang sasabihin ko, pakiramdam ko ay mababaliw ako sa sitwasyon na mayroon ako. These three families of mine must be kept together. For me to be able to put them at peace, I must save them.
"Who's the father?" tanong niya, mas seryoso ang mukha.
"Kiro..." mahinang sambit ko.
He closed his eyes tightly. Napalunok ako at yumuko dahil nakita ko na naman ang disappointment sa mga mata niya, napatingin ako kay daddy na tumulo ang luha at napailing.
"Dad," ani ni daddy. "Let her rest. Bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'to."
"I'm sorry," nanginig ang boses ko at agad akong inalalayan ni daddy papunta sa itaas, sa kwarto. "Dad, I'm sorry."
Nanatiling seryoso ang mga mata ni daddy habang dinadala ako sa kwarto. Galit ba s'ya? Disappointment? Nakagat ko ang labi ko at umupo sa kama ko. Pinagmasdan niya ako at bumuntong hininga, naiiyak ako kaya iniwas ko ang paningin ko.
"Tatawagan ko ang mama mo para kausapin ka," aniya sa kalmado ang boses.
"Galit ka ba?" tanong ko.
"Sasabihin ko sa kanya ang bagay na 'to. Ang gawin mo sa araw na 'to ay mag pahinga at 'wag muna lala—"
"Dad," mahinang bulong ko, parang bata na humawak sa dulo ng polo niyaa.
Mariin s'yang pumikit at umiling. Tinignan niya ako at inayos ang buhok ko.
"Hindi ako galit, Athena," aniya at hinaplos ang buhok ko. "Mag pahinga ka muna."
Hinalikan niya ang noo ko at agad na lumabas ng kwarto. Naiwan akong mag-isa habang nakatitig sa pinto, kinagat ko ang labi ko. Mag-isa na naman ako, sa madilim na silid na tanging buwan lang ang nakikita sa kalangitan. I cried and sob. Pakiramdam ko ay disappointed sila sa pagbubuntis ko at anumang oras ay tatawagan nila si Kiro, tahimik akong pumikit. Tahimik kong kinuha ang medicine at umiiyak na inayos ang bandage sa kaliwa kong braso, tahimik kong ginamot ang sarili ko.
Not until someone called.
[Athena] ani ng isang pamilyar na boses. [It's me, Hanz.]
Natigilan ako at napatingin sa cellphone. Ngayon na lang s'ya tumawag at paano niya nakuha ang telephone number ko?
[I don't want Ezra to hear this, so I'll keep this short. I noticed the Kyle folder that was hidden in her room, and I am confident that you will discover the person who killed Kyle soon.]
"Tell me," nanginig ang boses ko sa galit, mariin ang tingin ko sa cellphone, baka tama ang hinala ko.
[Ezra killed Kyle along with the assassins and mafia who are turning their back on you. She is here, so I must leave. Bye! ]
Natigilan ako at napaawang ang labi. Tama nga ang hinala ko, mas lalong nagtagis ang panga ko at nilabas ang dagger ko. Galit kong hinagis 'yun sa vase at sa mga babasagin na furniture. Lintik lang ang walang ganti, Ezra. Humanda ka sa pagbabalik ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top