Chapter 5

Athena's Point Of View:

Nang makarating ako sa aking penthouse ay magulo pa at walang gamit. Sinabi ko na rin kina Rina na dito ako mananatili dahil na rin kailangan kong maging maingat sa aking kilos para hindi ako mahanap ng mga kalaban namin. As the queen of assassins and the lady empire ay kailangan ko talaga na maging maingat sa mga gagawin ko dahil alam kong darating ang panahon, malalaman nila na nandito ako.

I cleaned my penthouse before I went to our motor race. I love to ride motors and I really love to join a motor race. Dahil may pera na involve doon. I stopped being a model dahil ayokong magkaroon ng connection pa sa mga Buenaventura, they lied to me. Ang buong akala ko ay pamilya ako at tunay na anak ni daddy kay auntie, kaya pala ganun na lamang ang galit niya sa akin dahil anak ako sa labas.

"Papunta na ako," ani ko sa aking kausap habang inaayos ang damit ko.

I wear black halter tops, black skinny jeans, sneakers and my double ride jacket. Mabilis kong kinuha ang susi ng motor ko at agad na lumabas ng penthouse. Mabilis akong sumakay sa elevator at agad na nakarating sa labas habang nasa ulo ko ang helmet ko dahil kailangan. I drove my motor at the motor racing arena at nandoon na ang mga kasama ko kaya napailing ako, hindi man lang nila ako hinintay.

Nang makarating ako ay marami ng tao at ang iba pa ay may kanya kanyang babae at lalaki sa tabi. Hindi ko rin alam kung bakit nandito sina Kiro, nagm-motor ata sila? Nagkibit balikat na lamang ako at sinuot ang mask ko. Naglakad ako at hindi na ako nagulat nang makita ko si Joy na kausap sina Sky.

"Nandito na pala si Athena," sambit ni Chase. "Apat na lalaki ang gustong makalaban ka."

Nagtaas ako ng kilay. "Ang dami. Anyways, nasaan sina Rina?"

May tinuro s'ya sa kanan at nakita ko nga si Rina na may kausap na lalaki. Sa aming lima s'ya ang gumagawa ng paraan para makalapit kami sa mga kalaban namin dahil 'ganda' ang gamit niya para makapasok kami sa territory nung kalaban. Sina Chase at Alexander ay ang bahala sa plano at si Sky naman ay ang mata naming lahat dahil bukod sa magaling sa computer ay mabilis namin na papasok ang system.

"Ready, Set, Go!" Tumunog ang baril at agad kong pinaandar ang motor ko. Apat sila at nag-iisa akong babae kaya naman hindi naging madali para sa akin.

Pumunta ako sa kanan at iritado ng tiningnan ang tatlo na nasa gilid ko. Pinatalon ko ang aking motor at ngumisi nang mawala ang nasa unahan ko. Hindi ako kailanman natalo sa ganito dahil noon na nasa ibang bansa ako ay ito ang ginagawa ko. Tumayo ako sa motor ko at agad na pinaikot sa kaliwa para makadaan ako sa pagitan ng dalawang motor na nasa unahan ko.

"Go LA!" Narinig ko ang sigaw ng mga tao at napangisi na lang ako dahil sa kanila. Simula ng makapunta ako dito kasama ang ex-boyfriend ko ay nakilala na nila ako at ang nickname na ginagamit ko.

Nanlaki ang mata ko nang muntik na akong matumba sa motor ko. Nagtagis ang panga ko at agad na niliko ang motor ko. Sa malakas na impact ay natumba ang rider na nakasakay sa motor. Tumawa ako at agad na pinaandar ang motor ko dahil malapit na ako sa finish line. Nang matapos ang race ay agad akong huminga ng malalim dahil aaminin ko napagod ako. I shook hands with them at tumango.

"Good job," ani ni Alexander kaya ngumisi ako at inayos ang mask ko.

"Basic," natatawang sambit ko at natawa na rin s'ya.

The emcee announced the winner at ang nickname ko ang ginamit niya. Yumuko ako at agad na kumaway sa kanila, they all screamed my name kaya ngumisi ako at agad na pumunta sa gilid. Mayamaya ay pumunta kami kina Joy at natigilan ako nang makitang kasama na niya ang group nila Kiro.

"Bakit ba kasi nandito kayo? Ang pangit na nga ng araw ko dumagdag ka pa!" si Joy sa galit na boses at mukhang palagi silang nag-aaway nitong si Charlie.

"I didn't do anything about you," ani ni Charlie at napatingin sa akin. "Oh, you're here. Congrats!"

Tumango ako at mabuti na lamang at nakasuot ako ng black wig na palagi kong sinusuot kapag nandito ako. Tinignan ko si Kiro na nakatingin sa akin, napalunok ako at iniwas ang paningin sa kanya. He had a muscular body, malilito ka kung maputi o maitim ang balat niya, a marble gray eyes na akala mo may contact lens dahil sa sobrang ganda nun. A defined jaw, thin lips, and his piercings.

Bakit ba ganito ang lalaking ito? Kahit saang anggulo ay mukhang model. Napailing na lang ako dahil may kasama itong isang babae at panay ang halik sa kanyang panga. Kahit ako ay gusto ang panga niya ngunit ang mukha niya ay hindi.

"You look familiar," ani ni Kiro kaya lahat sila ay napatingin sa akin. "Did we met?"

"We didn't." Ngumisi ako. "If we met, I'll make sure na hindi mo makikita ang mukha ko."

Nagkaroon lang ng maliit na celebration at agad rin naman kaming umuwi dahil may morning class ako. Binigay na rin ang uniform namin at naiinis ako dahil knife pleated ang kailangan sa ibaba at kalahati ng legs ko ang nakikita. Isang white turtleneck, black blazer, and a gray knife pleated kasama na ang boots ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung suot ko ang mga 'yun bukas.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil kailangan kong kausapin ang principal na sabihin sa akin kung kailan pupunta ang mga Buenaventura. Hindi rin maganda ang kutob ko dahil alam kong magkaibigan ang mga Sandoval at Buenaventura. Iniisip ko pa lang na makikita ko sila ay hindi ko pa ata kaya dahil masama pa rin ang loob ko.

"What's your problem? Kayo ang pumunta dito at ano ba ang kailangan ninyo sa mga kasama ko?"

I stopped when I saw Kiro at sa kanyang harapan ay sampung lalaki. Nilagay ko ang daliri ko sa aking labi at umupo sa motor ko para makita kung anong klase ba na gangster ang isang 'to. Akala ko sa telebisyon lang ako makakita ng gangster, sa totoong buhay rin pala.

Tignan natin 'yang maangas mong dating.

"Ang lakas ng loob mong magalit ha? Ikaw na nga itong kinuha ang chicks ko ha?! Tarantado ka pala eh!" Ang lalaki na nasa gitna sa malakas na boses.

Tumawa nang malakas si Kiro at pinaglaruan ang kanyang lip ring. "Hindi ko kasalanan kung gwapo ako at sa akin lumalapit ang chicks na sinasabi mo."

Tss. Kung ganyan ang ugali niya talagang magkakaroon s'ya nang kaaway. Kung ako sa kanya, hindi dapat sila dito dahil maraming estudyante ang dumadaan at nakikita sila lalo pa't anak ng may-ari ng school itong si Kiro. Mga tao talaga ngayon, ang tapang akala mo naman ay kaya na nila ang mga buto nila.

"Hi Miss!" Napatingin ako sa likod ko dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Tinuro ko ang sarili ko at tumango naman sila kaya umayos ako ng upo. "Mukhang kanina ka pa diyan. Bakit hindi ka pa pumasok?"

"Gusto kong manood," nakangising sambit ko. "Anong ginagawa ninyo dito?"

Hindi nila ako nakikita dahil nakasuot ako ng helmet at tanging mga mata ko lang ang nakikita. Tumayo ako at lumapit at nakita ko agad ang pagtatagis ng panga ni Kiro, palagi na lang galit ang isang 'to, wala naman akong ginagawa.

"Ito kasing gago na 'to inagaw ang chicks ko! Ang lakas pa ng loob niyang bugbugin ang mga bata ko ng s'ya lang mag-isa!" sigaw niya at tinuro si Kiro.

"Hindi ko kasalanan kung tanga at mga bobo ang kasama mo!" si Kiro sa galit na boses. Tinignan niya ako at kumunot ang noo niya. "Ano bang ginagawa mo dito ha? Kasali ka ba?"

"Kilala ko ang mga 'yan," ani ko at natigilan naman s'ya. "Umalis na kayo."

Iritado akong tinignan ni Kiro ngunit wala akong magawa kundi ang tanggalin ang aking helmet. Gulat na napatingin sa akin ang mga lalaki na nasa harapan at ang iba pa ay napaatras nang makita ako. Ngumisi ako at pinaglaruan ang aking piercing habang seryosong nakatingin sa kanilang lahat.

"I will count one to ten..." mahinahong sambit ko. "School ito at kung gusto ninyong bugbugin ang isang 'to." Tinuro ko si Kiro na gulat na napatingin sa akin. "...Sa ibang lugar na lang, maliwanag?"

Tinignan ko silang lahat at tinignan pa muna nila nang masama si Kiro bago sila umalis. Nang umalis sila ay agad akong naglakad ngunit agad akong hinila ni Kiro kaya napapikit ako at bumuntong hininga dahil naiinis talaga ako. Galit ang mga mata niya at nanliliit ang maliit niyang mga mata habang nakatingin sa akin kaya bumuntong hininga ako.

"Bakit ba nangingialam ka?" mariing bulong niya malapit sa mukha ko kaya agad akong tumingin sa kanya. "Alam mo ba na ayaw na ayaw ko ang pakialamera huh? Ayaw na ayaw ko ang iniistorbo ako lalo pa't sa ganitong oras."

Tinulak ko s'ya. "At alam mo rin ba na ayaw na ayaw ko sa lalaking basta na lang akong hinihila?"

I looked at him without any emotion written on my face. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at aaminin kong ang gwapo niya ngunit walang isip. Paano na lang kung nakita ko ang kotse ng principal?

"Kung gusto mong bugbugin ng mga taong 'yun 'wag dito." Galit niya akong tinignan. "Nasaan ba ang utak mo? Ginagamit mo ba ng tama o talagang nasa paa lang?"

"What?" galit na tanong niya at ako naman ang ngumisi. "You don't know me woman."

"Ano ang pakialam ko kung sino ka? Do I need to know you?" Inayos ko ang blazer ko. "Sana isipin mo ang lolo mo. 'Ayun na ang kotse niya at kung nakita ka niya dito, ewan ko nalang sa 'yo."

Iniwan ko s'ya doon dahil baka masuntok ko ang mukha niya. Napailing na lamang ako dahil wala talaga siyang utak. Ano naman kung hindi ko siya kilala? Ikakayaman ko ba kapag nakilala ko siya? Minsan wala rin sa ayos ang taong 'yun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top