Chapter 48
Athena's Point of View:
Nandito kami sa hideout kung nasaan si Raven. Kailangan namin s'yang makuha sa lalong madaling panahon dahil alam kong gagamitin s'ya sa isang malaking laban ng mga assassins. Tinignan ko ang bawat sulok at masasabi kong malaki ang pinagbago ng hideout na 'to nung nawala kami. Punong puno ito ng itim at pula na dati ay isang kulay lang 'to. Gusto kong makausap si Raven, gusto kong malaman niya ang plano ni Ezra para sa kanya. Gusto kong iligtas s'ya sa mga kalaban at maging kasapi namin, s'ya lang ang tanging paraan para matalo namin sila Ezra.
"Sigurado ka bang papasukin natin 'to?" tanong ni Rina.
"Kailangan natin silang makita lalo na sila Drake," sagot ko.
Mabilis kong nilabas ang dagger ko at agad kaming pumunta sa likod kung nasaan nandoon ang isang sikretong daanan kung gusto mong makarating agad sa mismong hideout. Huminga muna ako ng malalim dahil masakit ang katawan ko. Kailangan ko pang mag pagaling ngunit masyado ng nauubos ang oras. Nilabas ni Rina ang isang lalagyan ng toothpaste na kapag dinikit mo sa isang bagay, nalulusaw.
"Tara na." Dahan-dahan kaming pumasok at panay ang tingin sa kaliwa at kanan dahil baka may bigla na namang lumitaw at kalabanin kami.
Nakarating kami sa loob at tama nga ako, nagkaroon sila ng meeting. Meeting na kung saan sama-sama ang mga mafia, assassins, at sindikato. Nanliit ang mga mata ko nang makita si Hanz at Drake na magkatabi, minsan ko silang tinulungan kasama ang emperor. Alam kong malaki ang utang na loob nila sa amin, nakakapagtaka lang na hindi pa rin sila umaalis sa ilalim ni Ezra.
"Ano mang oras ay alam nating kumikilos na si Athena. Hindi tayo pwedeng maunahan sa bawat transaction na meron tayo sa loob at labas ng bansa. Hindi natin alam kung kailan s'ya magpapakita ngunit may isang tao akong nakausap na tutulong sa atin kung paano mapapabagsak si Athena," nakangising sambit ni Ezra.
Doon lumabas si Raven. Titig na titig ako sa kanya habang naglalakad s'ya sa unahan suot ang pula niyang jacket. Isa s'ya sa may malaking koneksyon sa malalaking organization sa loob at labas ng bansa at dahil kailangan namin s'ya, kailangan naming makuha si Raven.
"Si Raven ang magsisilbi nating connection sa lahat ng transaction ng mga armas. Isa si Raven sa magtuturo sa atin kung saan at paano natin makukuha ang nag-iisang black widow." Tinapik niya si Raven at hinaplos ang balikat nito, bagay na lagi niyang ginagawa sa mga lalaking naging malapit sa kanya.
Tinignan ko silang lahat. Ngumisi ako at agad na kinuha ang palaso at pana kay Rina na nakataas ang kilay. I positioned myself and closed my own eye, I gave a look at them at saktong pag bitaw ko sa palaso ay tumama 'yun mismo sa dulo ng mahabang gown ni Ezra.
"Sinong nandyan?"
Ngumisi ako dahil lahat sila ay napatingin kay Ezra na ngayon ay hinahanap kung sino ang may gawa ng bagay na 'yun.
"Hanapin niyo! Alam kong si Athena ang may gawa nito! Lumabas ka dyan!" si Ezra sa malakas na boses. "Papatayin kita at ang buong pamilya mo! Lintik lang ang walang ganti dahil uunahan na kita, bantayan mo ang mga mahal mo sa buhay dahil baka isa sa kanila ang mawala."
Nagtagis ang panga ko at mariin na nakatingin sa kanya. Sa gilid niya ay si Raven, hindi ko alam kung bakit mabilis niyang nahanap ang mga mata ko. Nakita kong napaawang ang labi niya at nanlaki ang mga mata niya. I looked at him using my red eyes, I smirked.
"Hanapin niyo ang tarantadong babaeng 'yan! Hindi pa 'yan nakakalabas ng hideout!" sigaw ni Ezra.
Natawa kaming dalawa ni Rina at mabilis na tumakbo papunta sa labas. Natatawa ako dahil kahit anong gawin ni Ezra sa pagbabago sa hideout, hinding hindi niya matutumbasan kung paano ako naging pinuno sa organization na pinaghirapan namin ng emperor. Sumakay ako sa kotse ko dahil si Rina ay nasa motor niya.
"Mauna ka na, may pupuntahan lang ako," nakangiting sambit ko. "Salamat!"
"Mag-ingat ka," nakangising sambit niya at binaba ang helmet niya.
Bumuntong hininga muna ako bago ko pinaandar ang kotse. Hindi pa magaling ang mga sugat ko at kada araw na lalabas ako ay para akong nakikipagsapalaran sa kamatayan. Sa tuwing mag-isa ako ay parang may mga matang nakatingin sa akin, mga taong gusto akong patayin. Maraming nangyari, ang mga negosyo ko ay unti-unti ng bumabagsak sa hindi ko malaman na dahilan. Umalis ako sa kumpanya dahil iniisip ko na baka bumagsak ang kumpanya na pinaghirapan ng mga Buenaventura at Villacorta.
"What—Fuck!" Pinaandar ko nang mas mabilis pa ang kotse dahil isang tama ng baril ang tumama sa side mirror.
Ito na naman. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong nagpalit ng kotse dahil sa maraming beses na aksidente na nangyayari sa akin. Niliko ko ang kotse at dalawang side mirror na ang basag, hating gabi na at wala ng masyadong tao. Madilim na rin sa kalsada kung nasaan ako, tinignan ko ang salamin sa unahan ko at nakita ang dalawang kotse, sa labas nun ay dalawang lalaki na nasa bintana habang hawak ang mga baril nila.
"Kailan ba sila titigil?" bulong ko at napamura dahil wala dito ang baril ko, nasa motor ang baril ko at ang baril na nandito sa kotse ay nawala dahil sa labis na pagmamadali namin.
Tumama ako sa isang malaking sign post na nasa kalsada kaya napahinto ako. Napamura na naman ako at agad na tinapakan ang speed at mabilis na umalis doon at hindi ko na mabilang kung ilang kotse ang sumusunod sa akin.
"Damn it!" Hinawakan ko ang manibela ngunit may narinig akong tunog sa ilalim ng upuan ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa naisip na baka bomba ang nasa upuan ko ngunit paano? Paano nila nalagyan ng bomba ang upuan ko at paano nila nalaman na kotse ko nga ito? Naguguluhan na ako. Dalawang tao lang ang pumasok sa isip ko, kung hindi si Stephanie, ang mommy ni Kiro. Napalunok ako at nanlaki ang mata ko nang mawalan ng preno ang kotse ko, napahawak ako sa upuan ko at dire-diretso ang takbo ng kotse ko. Binuksan ko ang pinto dahil malapit sa gubat ang pwede kong talunin para lang makalabas sa kotse ko.
Hindi 'to pwede. Hindi ako pwedeng mamatay ng ganun lang.
Tinanggal ko ang seatbelt ko at agad kong binuksan ang pinto ko at napangiwi pa nang may tumama na bala ng baril sa braso ko, tanging suot ko lang ay isang all black fitted jumpsuit. Tinignan ko ang mga sumusunod sa akin at nang makita ko na may hawak silang bomba ay nanlaki ang mga mata ko at napalunok.
I jumped.
Puno ng sanga at matulis na bagay ang pinanggulungan ko. Niyakap ko ang sarili ko at isang malakas na pagsabog ang narinig ko kaya napapikit ako at tinakpan ang tiyan ko maski ang ulo ko. Hindi pa nakuntento at gumawa pa sila ng ingay gamit ang mga baril nila. Napadaing ako at sa dulo ng bangin ay isang malaking bato.
Tumama ako doon.
Hindi ko na alam ang kasunod at napatingin na lang ako sa langit. Napalunok ako at unti-unti ay pinikit ko ang mata ko, masakit ang puso ko. Hindi ko alam kung anong nagawa ko at bakit kailangan kong maranasan ang bagay na 'to. I smiled, karma na siguro 'to sa pagiging masama kong tao at mamamatay tao.
"Hindi pa rin gising? Ano na bang nangyayari? Nag-aalala na ako! Araw-araw na lang s'yang may sugat at kung hindi sugat, tama ng baril!"
"Calm down."
"Hindi ako kakalma! Tignan mo nga ang kalagayan niya! Wala bang kumikilos sa inyo? Ang mga royal guards?!"
Kumunot ang noo ko. Si Joy ba 'yun? I thought I was dead? Hindi pa? Bakit hindi pa? Gusto kong tumawa. Hinayaan ko ang sarili kong pumikit. Hinayaan ko ang sarili ko na marinig ang iyak ni Joy sa aking tabi, it somehow calmed me. Marinig ko lang ang iyak niya ay nagiging kalmado ako, hindi ko alam, siguro ay pakiramdam ko ay may isang taong nag-aalala sa akin.
"Simula...nang magkaroon sila ng relasyon ni Kiro, nagsimulang maging magulo ang lahat at ngayon na buntis si Athena, ano na? Paano na 'to?"
I froze when I heard that. Napalunok ako at pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko. Hindi ito pwede! Ano na lang ang mangyayari sa baby na nasa tiyan ko? No. Ayaw kong magkaroon ng anak at ano naman ang magiging reaksyon ni Kiro? Shit. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at sa pagdilat ng mga mata ko, ang ilaw at puting kisame ang bumungad sa akin.
"A-Athena..." Joy's voice filled my ears.
Dahan-dahan kong binalik ang tingin sa kanya at natigilan ako nang makitang punong puno ng luha ang mga mata niya, kasama niya si Charlie na napalunok at nakatitig sa akin. Hindi ako makapagsalita sa gulat, bakit s'ya umiiyak? Hindi pa naman ako patay.
"Nag-aalala kami! May tumawag sa amin na hindi namin kilala at sinabi na nasa gubat ka at naliligo sa sarili mong dugo! Ano ka ba naman at ano na naman itong pinasok mong gulo!" si Joy sa galit na boses at kung hindi lang masakit ang katawan ko ay baka isang malakas na hampas ang matanggap ko sa kanya.
Napatingin ako sa pinto at nakita ang isang matandang lalaki. Ngumiti s'ya sa akin at napakurap naman ako, siguro s'ya ang taong nakakita sa akin. Napangiti ako at marahan na tumango sa kanya.
"Saan ka ba galing? Nawala ka na lang bigla! Athena naman, papatayin mo ba ang sarili mo? Lintik ka! Sa kakasugod mo sa mga kalaban mo nakalimutan mong may anak ka na sa loob ng tiyan mo!" sigaw ni Joy at umiyak na naman.
Napasinghap s'ya at binigyan naman s'ya ng tissue ni Charlie.
"3 weeks kang buntis, Athena. Sinabi sa amin ng doctor na muntik ng mawala sa 'yo ang anak mo! Nag-iisip ka ba? Ano ba kasing nangyari sa 'yo? Please lang, kung papatayin mo ang sarili mo, isipin mo naman kami—"
"Shhh." I rolled my eyes and winced when I felt a little pain in my head. My right arm was in a cast. "Joy...bakit ako may anak? Hindi ito pwede!"
Masama niya akong tinignan. "Kahit ang anak mo man lang ang isipin mo, Athena. Diyos ko! Ano bang nangyari at napadpad ka dito sa isang lumang baryo?"
I confessed what happened. Simula sa pagpunta ko sa hideout at kung paano ako nakarating dito. Gulat na gulat s'yang napatingin sa akin kaya ngumiti ako nang maliit at iniwas ang paningin sa kanya.
"Don't tell me—Oh my God!" si Joy sa malakas na boses at napangiwi kaming dalawa ni Charlie sa kanya.
Napailing ako at napapikit dahil sa sakit ng ulo ko. Maya maya lang ay dumating ang doctor at sinabi ang mga bawal at dapat gawin ngayon sa kalagayan ko. Tahimik akong nakinig habang haplos ang maliit kong tiyan. Totoo bang may anak ako? Ano naman kaya ang gagawin ko sa batang 'to? Should I call Kiro and tell him?
No.
"Ang mabuti ay mag pahinga ka nang maayos. Iwasan ang stress at kumain ng prutas at gulay para maging healthy ang baby na nasa tiyan mo. Hindi mo sinabi na isa kang Buenaventura, masaya akong maging doctor mo," nakangiting sambit niya at inabot ang reseta kay Joy.
"Wala bang naapektuhan sa ulo niya, Doc? Maayos ba ang lagay niya? Walang bali o pilay sa katawan?" sunod-sunod na tanong ni Joy.
"Wala naman bukod sa kailangan niyang manatiling naka-cast at manatili ang bandage sa kanyang ulo. May mga gamot akong binigay na kailangan bilhin at may binigay rin akong mga vitamins for her baby," sagot niya.
Pagkatapos naming mag-usap ay kinausap ko ang taong tumulong sa akin at nag-offer ako ng trabaho para sa kanya. Nung una ay ayaw niya at nakakahiya ngunit nang sabihin kong magpapatayo ako ng malaking plantasyon sa baryo nila ay doon lang s'ya pumayag. Nagpasalamat ako sa kanya at aniya ay walang anuman.
"Nag text si Kiro," sambit ni Joy habang hawak ang cellphone ko. "Nasaan ka raw at kanina ka pa niya hinihintay sa penthouse mo."
Napatingin ako sa kanya at s'ya na mismo ang nag text kay Kiro.
"May balak ka bang sabihin sa kanya na may anak kayo?" tanong niya habang umaandar ang kotse.
"Wala," sagot ko.
"Bakit wala? Ama s'ya ng dinadala mo at hindi naman pwedeng hindi niya alam. Bukas na birthday ni Kiro, hindi mo ba s'ya is-surprise?" tanong niya.
Umiling ako. Hangga't kaya kong itago ang batang 'to ay gagawin ko, hindi ako papayag na makilala niya ang isang mundong hindi nababagay sa kanya. Ang mundong minsan ng sumira sa akin.
"I'll keep this baby with or without him. I will never tell them about this so please, keep this as a secret," ani ko at tinignan silang dalawa. "Please."
Wala silang nagawa kundi ang tumango na lang at sabay pang napa buntong hininga kaya maliit akong napangiti at hinaplos ang tiyan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top