Chapter 44
Athena’s Point Of View:
“Sa tingin ko ay hindi lang basta pagpatay ang ginawa sa kanya. There’s must be something or they’re finding someone,” sambit ni dean.
Nagkatinginan kaming lahat dahil alam ko kung ano ang balak nila. Alam ko kung sino ba ang hinahanap nila, alam nilang nandito ako sa school na ’to kaya naman lahat ng estudyante ay nasa panganib dahil sila ang gagamitin bilang babala sa ’kin. Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang idamay ang mga taong walang ginagawa ngunit ano pa ba ang nakakagulat doon? Gawain na nila ang pagpatay kaya kahit sabihin kong itigil nila ang ginagawa nila ay hindi pa rin sila makikinig.
“Tatawagan ko ang ambulance para dalhin ito sa morgue. Ako na rin ang kakausap sa kamag-anak niya, kung meron man. Hindi natin pwedeng pabayaan na lang ang katawan niya dito. It can cause trauma to other students,” paliwanag ko.
“This is what I want to discuss with you. I want to know more specifics regarding her death since I know you are aware of what's happening,” he said seriously.
Tumango na lang ako at mabilis na tinignan ang katawan ng babae. Huminga ako ng malalim at tinignan si Kiro na ngayon ay nakatingin sa ’kin. Dalawang buwan niya akong natiis samantalang ako ay hindi mapakali kung maayos ba ang lagay niya o ligtas ba s’ya. Malaki ang pagtatampo ko sa kanya dahil sa loob ng dalawang buwan ay mukhang nakalimutan niya na may girlfriend s’yang naghihintay sa tawag o text niya.
“Do you have plans to tell the emperor about this?” tanong ni Sky.
“Kapag nalaman niya ang bagay na ’to ay ako na naman ang sisisihin niya. Hindi niya alam na binuo ko ulit ang assassins at hindi niya rin alam na ako ang queen,” kalmadong sambit ko.
Tinignan ako ni Rina. Maya maya ay binigay niya ang isang piraso ng papel kaya alam kong sulat ’to galing sa pumatay sa babaeng ’to.
“Threat. Sanay ka namang makatanggap ng ganyan kaya wala lang sa ’yo ang mga banta na galing sa ibang tao ngunit seryosong usapan na ’to dahil dito mismo sa school na nila ginagawa ang pagpatay,” seryosong sambit niya.
Huminga ako ng malalim at kinagat ang aking labi.
“Gagawa ako ng paraan at kung babantayan ko ang bawat isang estudyante ay gagawin ko,” mahinang sambit ko. “Hindi lang nila pwedeng galawin ang mga kaibigan ko, Rina. Alam kong hahanapin nila ang mga taong kahinaan ko at ’yun ang magiging paraan nila para palabasin ako.”
“Kami na ang bahala dito, puntahan mo na si dean at mukhang galit...” si Chase.
As I continued to move, my gaze was fixed on Kiro and Joy. Because I miss him so much, when he simply glanced at me, my heart began to race once more. He gently and cautiously grabbed my arm, which caught me off guard. I turned to face him at once.
“I’ll go with you,” kalmadong sambit niya.
Nauna pa s’yang maglakad sa akin kaya wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya sa paglalakad. Tahimik kaming dalawa, tinignan ko ang likod niya at nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa. Tumikhim s’ya at naging mabagal ang paglalakad niya para lang maging pantay kami.
“Kilala mo ba kung sino ang gumawa sa kanya nun?” tanong niya.
“Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko sa loob ng dalawang buwan?” Imbes na sagutin ang tanong niya ay nagtanong rin ako.
Natigilan s’ya at nakita kong napalunok s’ya ngunit hindi naman sumagot. Ngumisi ako at napailing.
“Iniisip mo ba na ako ang pumatay sa lola mo?” malamig na tanong ko, dahan-dahan ngunit mariin ang pagkakabigkas ko ng mga salita.
“W-what? Of...course not!” Tinignan niya ako at huminga ng malalim. “Hindi ko kailanman inisip ’yan, Athena.”
Athena huh? Nasaan na ang love? Babe? Nawala na rin ba ’yun kagaya ng ghosting text, messages, at pagpunta niya sa penthouse ko? Mas lalo lamang akong naging malungkot kaya imbes na magtanong ay hindi na lang ako nagsalita. Nauna akong maglakad at hindi na s’ya pinansin dahil baka kung ano pa ang sabihin ko.
“Dean,” pagbati ko at tumango naman s’ya at umupo sa kanyang swivel chair.
“I want to know every single detail during your investigation,” aniya sa mahinahon na boses.
Tumikhim ako at umupo muna bago gumawa ng paraan para maging malinis ang paliwanag ko sa harapan niya.
“During our investigation, marami kaming nakitang saksak, pasa, gasgas, at iba pa na nasa kanyang katawan. Hindi lang isa ang kayang gumawa ng ganung klase ng pagpatay. Kung kami o ako ang tatanungin ay kayang kaya ng isang tao ang gumawa nun ngunit sa tingin ko ay hindi...” paliwanag ko.
“Isang estudyante lang ang target. Kayang kaya ng isang tao ang ganun, Athena,” sagot niya.
“Hindi s’ya pupunta dito ng mag-isa lang, dean. Kahit pa sabihin mo na isa lang ang target niyang estudyante makakapasok ba s’ya dito kung ang mga bantay dito sa eskwelahan ay mga tao ko?” sarkastikang sambit ko.
Kumunot naman ang noo niya at uminom ng kanyang kape. Ramdam ko ang nakikinig na si Kiro kaya naman nagsalita agad ako ngunit naunahan niya ako.
“You’re the most skilled detective in the Philippines, Athena.” Natigilan ako dahil sa narinig at mas lalong napalunok dahil kitang kita ko ang gulat sa mga mata ni Kiro. “Nagtitiwala ako sa mga salita mo dahil alam kong magaling ka. Gusto ko lang malaman ang mga detalye kung paano sila nakapasok sa paaralan ko, bakit sila nandito, at ano ang kailangan nila. Hindi sila pupunta dito kung wala silang hinahanap na tao. Kilala mo ba kung sino ito?”
Tumikhim ako at napalunok bago nagsalita. “Kagaya ng sinabi ko, delikado silang tao at kayang kaya nilang pumatay ng hindi man lang makikita ang pagsisisi sa kanilang mga mata. Wala pa kaming lead sa mga taong ’yun ngunit may nakita kaming itim na matulis na bagay sa bandang dila ng babae at sa tingin ko ’yun ang palatandaan para makilala ang grupo nila.”
Tumango s’ya. Mabuti na lang at natapos na ang pagtatanong niya dahil baka kung ano pa ang masasabi niya. Kilala ko ang dean at alam ng dean ang nangyari ilang taon na ang nakalipas ngunit ang kanyang daddy, si Chairman ay hindi pa rin makalimutan ang nangyari sa asawa niya.
“I want an update everyday,” aniya at tinignan si Kiro. “Hmm. You’re here and I’m sure you have so many questions in your head again.”
Hindi ko na tinignan si Kiro at mabilis na akong nag-paalam kay dean. Yumukod ako at agad na lumabas dahil kinakabahan ako, unti-unti ng nakilala kung sino nga ba si Athena Buenaventura at ang mga naging trabaho ko noon. Napalunok ako at kinagat ang labi bago naglakad ngunit narinig ko na naman ang boses ni Kiro.
“Detective...” malamig na sambit niya. “Why didn’t you tell me about this?”
“Nagtanong ka ba?” sarkastik ang tanong ko, kinakabahan sa tingin niya. “Hindi ka naman nagtanong kaya wala rin akong dapat sabihin sa ’yo.”
“You’re my girlfriend and I should have known you...every single detail of—”
“Girlfriend? Bakit pakiramdam ko ay hindi na?” Naging malungkot ang boses ko at napatingin sa kanya. “Hindi ko na maramdaman na girlfriend mo ako, Kiro.”
Nakita kong natigilan s’ya at napatingin sa akin. Ngumiti ako at alam ko na malungkot ang ngiti na binigay ko dahil kitang kita ko kung paano s’ya natigilan, napaawang pa ng konti ang mapula niyang labi.
“Babe...” Parang dun lang s’ya natauhan at nakita kong suminghap s’ya. “I...I...”
“Kung iniisip mo ang sinabi ng Chairman tungkol sa pamilya ko...” Natawa ako at napailing. “Tama ka, kami nga ang may kasalanan kung bakit namatay ang lola mo at ako rin ang pumatay sa kanya.”
Natigilan s’ya lalo kaya ngumiti ulit ako at napailing. Hindi naman totoo ang sinabi ko dahil sobrang bata ko pa nung mangyari ang aksidente na ’yun.
“No...you didn’t kill her,” His voice broke and bowed his head. “I’m sorry...I’m sorry.”
“Dalawang buwan mo akong natiis habang ako ay halos sumugod na sa bahay niyo para lang makita ka. Paano mo magagawa ang tiisin ako, Kiro? Kasi ako...makita ko lang nasaktan ka ng kaunti, makakapatay na ako.”
He didn’t answer me.
“Paano ka nakakatulog nang maayos sa dalawang buwan? Kasi ako...hindi ako mapakali hangga't hindi ko nakikitang ligtas ka sa umaga at gabi. Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko kapag wala ako sa tabi mo ay hindi ka ligtas. You’re so being unfair to me! Anong ginawa ko? May kasalanan ba ako?” malungkot kong tanong. “Pati ba ikaw ay iiwan ako? ’Yan ba ang paraan mo para hiwalayan ako?”
“What? No!” Lumapit s’ya sa akin at nanginginig na hinawakan ang mga kamay ko kaya napatingin ako doon. “No baby, I’m not leaving you...I already told you that.”
“Ayaw mo na ba sa akin?” Nagiging malambot ako kapag nandiyan s’ya. Hindi ito ang Athena na nakasanayan ng katawan ko, nagiging mahina ako kapag nandiyan s’ya sa harapan ko. “Ayaw mo na ata sa ’kin dahil dalawang—”
He hugged me and put his face on my neck. Nanghina agad ako. Pakiramdam ko ay isang yakap at halik niya lang ay babalik na naman ako sa kanya. Nangilid ang luha sa mga mata ko nang maramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin.
“Mahal kita...” bulong niya. “When I hear your name, my heart is entirely for you, and I keep coming back to you. I apologize profusely for ghosting you. I'll keep loving you forever, baby.”
Natigilan ako at napalunok. Ang sarap marinig ang mga salitang ’yun galing mismo sa kanya, parang nawala lahat ng galit at pagtatampo ko sa kanya. Nawala lahat ng inis, lungkot, at sakit sa katawan at isip ko maging sa puso ko. Dahan-dahan kong inalis ang mga braso niya at nakita ko ang agad ang takot sa mga mata niya.
“Athena...” nanghihina ang tawag niya nang lumayo ako. “Babe.”
“Babalik na ako sa klase ko,” sambit ko at hindi man lang tingnan ang mga mata niya. Ayaw kong tignan ang mga ’yun. “Bumalik ka na rin at baka mahuli ka.”
“Babe...” He murmured softly.
Nangingilid ang luha sa aking mga mata at pikit mata akong tumalikod sa kanya at mabilis na naglakad. Hindi ko na s’ya pinansin pa at naglakad papunta sa klase ko ngunit bago ’yun ay nakita ko ang babaeng kasama niya kanina lang. Tinignan niya ako at tinignan si Kiro na nandoon pa rin, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
“It’s nice to me—”
Hindi ko na s’ya pinatapos pa at mabilis na naglakad dahil baka mandilim ang paningin ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at hindi na lumingon pa sa kanila. Masaya na naman s’ya sa babaeng ’yan at baka nga naghalikan na ’yang dalawa na ’yan dahil mukhang malapit sila sa isa’t isa.
“Athena!” Napatingin ako sa labas ng classroom ko nang makita sila Chase, Sky, Alexander, at Rina.
Natigilan ako ng kaunti at pinagmasdan silang apat. Sila ang naging royal guards ko sa loob ng ilang taon at naging kaibigan ng ilang taon. Hindi ko kaya na pati sila ay madamay sa gulong ‘to at kahit pa sabihin kong assassins sila at kaya na nila ang kanilang mga sarili, hindi pa rin ako papayag na madamay sila.
“Bakit?” kalmadong tanong ko nang makalapit ako.
Binigay sa akin ni Chase ang isang itim na roses, silver ang tangkay nito at isang hawak mo lang sa dulo ay masusugatan ka. Pinagmasdan ko ’yon dahil masyadong creepy at higit sa lahat nagsusumigaw ito ng panganib.
“Black rose,” ani ni Sky. “Sila ang nasa likod ng pagpatay sa mga estudyante at sa tingin ko ay mafia o assassins ang mga ’to ayon na rin sa lumabas sa imbestigasyon.”
“Mukhang sila ang bago mong kaaway pagdating sa trono,” seryosong sambit ni Rina.
Pinagmasdan ko ang itim na rosas na ’yun at pakiramdam ko ay mas malaking group ito kumpara sa iba. Sino naman ang queen ng mga ’to? Kailangan kong maghanda para sa sarili ko.
Nandito na sila...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top