Chapter 42
Athena's Point Of View:
I hastily exited the museum and turned to face the people who had been following me. Those are assassins for sure, and if not, they are definitely mafia. A blade nearly struck my face, causing me to jump. When I started walking and turned to look, I saw that I had been right—it was another squad of killers. His strikes came at me swiftly, and I was aware that there were many of them in this area, so I carefully examined each side, front, and back.
"Sino nagsabi sa inyong sundan kami?" mariin na tanong ko at nahawakan ang isang espada kaya napunta sa akin ang isa.
"Hindi naman bago sa 'yo ang ganto, black widow..." nahihimigan ang tuwa sa kanyang boses.
I take up a guarding stance and draw my blade. They swiftly surged in my direction, so I instantly adopted the positions I had learnt from the Empress. I punched his stomach using a back stance and an inside stance, and when he backed away, I grinned. I turned my head upward and watched the other assassins dropping to the ground frequently, so I moved back and used my body to form a barrier with the tight stance.
"Kung nandito kayo para patayin ako, alam niyong hindi niyo kaya dahil isang pikit at kilos ko lang ay patay kayong lahat," malamig na sambit ko.
Umatras ako at dinepensahan ang sarili sa bawat atake ng espada nilang lahat. Nasa gitna ako kaya konting galaw ko lang ay panigurado na matatamaan ako. Tumalon ako sa espada at sinipa sa mukha ang isa, gamit ang espada ay ginagamit ko ang hanging stance at nagtagis ang panga ko nang matamaan ko sila.
"Nandito lang kami para bigyan ka ng pangalawang pagkakataon. Mainit na ang mga mata sa 'yo ng mga kalaban at utos ng aming queen na patayin ka..." Natamaan niya ang braso ko kaya napaatras ako at tinutok ang espada ko sa kanila.
"Tell your Queen to show me...is she afraid to die?" I asked with a smile.
I knelt down, got to my feet, and stabbed each of them in the neck, drawing blood onto me. My red eyes were staring at them when I closed my eyes and opened them. I held the two swords in front of them and stared at them directly; despite covering their faces, I could see the fear in their eyes.
"Athena..." Napatingin ako sa boses na 'yun at mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Kiro na diretso ang tingin sa akin. "A-anong nangyayari?"
Kumurap ako at natigilan nang makita ang kalituhan at mga tanong sa mga mata niya habang nasa malayo. Napalunok ako at nakita ang dalawang assassins na tumakbo papunta sa kanya, sa galit ko ay tumalon ako sa dibdib ng nasa harapan ko at mataas na tumalon para putulan ng ulo ang dalawang assassins.
"Leave." Tinignan ko sila habang nasa harapan ako ni Kiro. "I wouldn't want to lose control while wearing my blood - red eyes, would you?"
While holding the two swords, I was out of breath. Kiro was gazing at me with disbelief in his eyes as I slowly turned to face him. Hindi pa rin humuhupa ang galit ko kaya hindi pa rin bumabalik sa normal ang mga mata ko, kinakabahan ako sa mga tingin niya kaya huminga ko ng malalim.
"I told you...I'm not as good as the other girls yo—"
He hugged me.
"Did they hurt you? I don't care if you're the most dangerous woman...I just don't care," he said softly with the hint of tenderness.
Napasinghap ako at kay bilis ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong binitawan ang dalawang espada at dahan-dahan s'yang niyakap. Nilagay ko ang mukha ko sa kanyang dibdib at doon nagtago dahil pangalawang beses niya na akong nakitang ganito. He always understand me, the situation. He always gave me an assurance that I'm not a bad girl. Hindi ako kriminal at hindi ako masamang tao.
"I kill again..." I sighed. "...and you witnessed it."
Binitawan niya ako at natakot ako sa ginawa niya kaya hinawakan ko agad ang dulo ng long sleeve niya. Tinignan niya 'yun at may dugo na ang kanyang sleeves bago s'ya tumingin sa akin.
"You killed them because they harmed you. You're not at fault because you defend yourself," mahinahong sambit niya.
Tinignan ko s'ya. He smiled a bit and held my hands. Huminga ako ng malalim nang ilabas niya ako sa museum at dinala sa kanyang kotse. Tahimik s'ya at ganun rin ako ngunit hindi pa rin panatag ang loob ko dahil nakita niya na naman ang tunay na ako.
"Ihahatid na kita," sambit niya at inayos ang seatbelt ko.
Napalunok ako at napatingin sa kanya na kalmado ang mukha. Iniwas ko ang paningin ko at hinawakan ang braso kong patuloy pa rin ang agos ng dugo. Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ako sanay sa katahimikan niya. Wala rin na naman akong magagawa dahil hindi ko nababasa ang nasa isip niya at kung ano ang nararamdaman niya.
"Kiro..." malambing na tawag ko. Tinignan niya ako at binalik rin ang tingin sa harapan. "Wag mo na akong ihatid. Mag-t-taxi na lang ako."
Kumunot ang noo niya at napalunok ako ng tumigil ang kotse niya. Hindi ko s'ya tinignan dahil nasasaktan lang ako. Nasasaktan ako sa maraming dahilan at ayaw kong tignan ang mukha niya.
"Mag-ingat ka," aniya sa malamig na boses at nagulat ako ng halikan niya ang pisngi ko.
Ngumiti ako at agad na lumabas ng kanyang kotse. Mabilis akong naglakad at napatingin sa kotse niya na mabilis na umalis sa harapan ko. Tumingala ako para pigilan ang luha sa aking mga mata, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Galit ba s'ya? Ano kayang nasa isip niya ngayon? Ano kayang nararamdaman niya?
"Kakausapin ko na lang s'ya kapag okay na..." Ngumiti ako ng maliit.
I carried my arm as I walked. I'm accustomed to the dark and few crowds in this place. I make fun of myself because, although it's my fault, I feel like I'm all by myself right now. However, there's always a chance that even those who are close to me could leave me as well. Tinignan ko ang braso ko at ngumisi dahil dalawang espada ang tumama sa akin. Mas masakit pa ito sa tama ng kutsilyo dahil alam kong malapit sa kanya ang may gawa nito sa akin.
"Joy..." mahinang sambit ko.
[Athena? Nasaan ka? Wala ka dito sa penthouse mo nung pumunta ako.]
"Hindi ko alam kung nasaan ako..." sambit ko at huminga ng malalim. "Walang sasakyan dito."
[Anak ka naman ng tokwa! Sabi mo nasa museum kayo diba? Pupuntahan ka namin -Charlie bilisan mo na diyan! Kailangan ako ni Athena!]
Natawa ako at napailing na lang dahil kasama niya si Charlie. Napapikit ako at agad na napaupo dahil masakit na ang braso ko at wala na ata akong dugo. Pinikit ko ang mga mata ko at inisip ang mukha ni Kiro. Ang mga mata niyang punong puno ng katanungan at kalituhan. Ang mga mata niyang naghahanap ng sagot at higit sa lahat, ang mga mata niyang punong puno ng kakaibang emosyon.
Joy's Point Of View:
Mabilis akong sumakay sa kotse ni Charlie. Nag-aalala ako kay Athena, alam kong hinahanap na s'ya ng mga taong gusto s'yang patayin ngunit nag-aalala ako na baka isang araw hindi ko na lang s'ya makita. Alam kong marami s'yang responsibilidad sa kanila dahil s'ya ang lady empire. Minsan nga ay naawa na ako kay Athena dahil pakiramdam ko ay nahahati na ang katawan niya sa kakabantay ng dalawang pamilya.
"Call her again," ani ni Charlie habang ni-t-track namin si Athena.
"Hindi nga s'ya sumasagot! Mukhang mayaman pa naman ang kaibigan kong 'yun. Paano kung na-kidnap s'ya? Paano kung kinuha s'ya ng mga taong gustong puma—"
Natigilan ako nang tumingin s'ya sa akin, kinagat ko ang labi ko at masungit s'yang tinignan. Secret nga lang pala 'yun dahil pa-mysterious ang Athena. Ayaw na ayaw niyang sinasabi sa iba ang mga nangyayari sa kanya. I wonder kung alam na ba ni Kiro ang nangyayari sa kanya.
"Athena is strong. Kung sumuntok ang kamao niya ay tumba agad ang kalaban niya, let's think positive." Hinawakan niya ang hita ko kaya ngumuso ako dahil ito na naman s'ya sa mga haplos haplos niya.
"Charlie!" masungit na sambit ko at natawa naman s'ya. "Eh kasi naman, nag-aalala ako sa kaibigan kong 'yun. Lagot ako nito kay emperor kapag pinabayaan ko si Athena."
Isa sa utos ng emperador sa akin ay bantayan si Athena. Kahit hindi sila close ng apo niya, palagi niya naman itong kinukumusta sa mga kaibigan niya. Mukha lang talaga s'yang walang pakialam sa babae niyang apo ngunit bantay sarado naman ito. Ewan ko ba sa pamilyang 'yan at panay ang away, pwede naman na magkasundo sila diba? Sumasakit ang ulo ko sa kanilang lahat.
"Is that Athena?" Napatingin ako kay Charlie at napatingin sa bintana.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Athena na naliligo sa sarili niyang dugo. Charot. Mabilis akong lumabas at napasinghap at napatakip sa aking bibig dahil ang daming dugo sa kanyang braso at sa kanyang paa.
"Oh, My God!" sigaw ko. "Athena! Ano ka ba namang babae ka at anong ginagawa ng isang 'to dito!"
"Let me carry her. She's running out of blood, we need to bring her to the hospital." Binuhat ni Charlie si Athena.
"Anak ng tokwa 'yang kaibigan mo ha! Walang hiya. Iniwan si Athena dito. Gosh, ano bang nangyari?" naiinis na tanong ko, naiiyak na rin ako dahil kawawa talaga ang itsura ni Athena.
Mabilis akong sumakay sa kotse at agad na nag-text kay Rina.
To: Rina
Pumunta kami sa hospital. Mamamatay na si Athena! Oh My God!
Tinignan ko ang kaibigan ko, may sugat pa ang pisngi niya. Kinagat ko ang labi ko dahil nakita ko ang baril sa kanyang boots ang isang maliit na dagger sa kanyang hita, nakatago sa dress niya.
"Bilisan mo, Charlie! Wala kang kiss sa akin yawa ka!" sigaw ko kay Charlie.
"What? No way!" si Charlie sa malakas na boses at napahawak naman ako sa gilid nang paliparin niya ang kotse niya papunta sa hospital.
Mabilis kaming nakarating sa hospital na mismong ang Kuya Alfred niya ang may-ari kaya kinakabahan ako. Mabilis akong bumaba at nakita ko agad si Chase na nakahalukipkip, nang makita niya kami ay mabilis silang tumakbo sa amin at sabay-sabay pa silang napasinghap ng makita si Athena.
"Damn it! What happen?" si Alexander sa galit na boses.
"Nakita lang namin s'ya sa tapat ng isang park. Hindi ko alam ang nangyari dahil kasama niya si Kiro," paliwanag ko.
"Assassins..." bulong bulong ni Rina. "Nurse, paki-dala si Athena Buenaventura."
Mabilis na lumabas ang mga doctor at iba pang nurse nang marinig nila ang pangalan ni Athena. Huminga ako ng malalim at hindi ako mapakali lalo pa't baka makita nila ang sugat ni Athena sa kanyang tagiliran at sa kanyang dibdib. Nalaman ko 'yun nung una ngunit hindi ko pinansin dahil ang sabi niya dati pa ang mga sugat na 'yun.
"Kukunin namin ang CCTV sa museum. 'Wag na 'wag niyong papapuntahin si Kiro dito sa hospital." Napatingin ako kay Chase at seryoso na ang mga mata niya at sobrang lamig na ng dating nilang apat.
"Wag sanang makalabas ang tungkol dito. Tatawagan namin ang emperor," sambit ni Sky.
Minsan nakakatakot ang aura ng mga 'to. Kung hindi ko lang sila kilala ay baka nanginig na ang tuhod ko sa takot pero dahil kilala ko sila, kalmado lang ako dahil mabuti naman silang tao.
"Hindi kaya magalit ang emperor?" tanong ko, nag-aalala.
"This is a serious case at hindi dapat tayo maging kalmado. We need to move lalo pa't hinahanap na si Athena," sambit ni Rina.
Tinignan ko si Charlie na kunot ang noo kaya hinawakan ko ang kamay niya at tinignan s'ya sa mga mata niya. Hindi kasi pwedeng malaman ng iba ang tungkol dito, seryoso na ito at kapag lumala pa ay baka mapano na si Athena.
"Hello, Cathalina. Can you do something for us? Gusto naming magkaroon ng mga lista ng assassins na binigay ni Athena sa 'yo," narinig kong sambit ni Rina. "Yes...hindi ba binigay sa 'yo ni Athena? Uh, yes, oh, okay. Sinusubukan ko lang naman na hingiin sa 'yo pero salamat pa rin."
Si Athena at Cathalina ay close friends at kung pagtatabihin mo ang dalawa ay para na silang magkapatid. Ang dalawang 'yun ay isang spy agent at sa tingin ko mukhang makikita ko na naman si Cathalina. Sana talaga ay maging maayos na ang lahat dahil kung hindi baka makita na namin si Athena na bangkay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top