Chapter 41

Kiro's Point Of View:

We went straight to the mansion with two extended families from our region after graduation. Upon understanding what I happened, I became anxious and unsure of what to do. Because I didn't want to start an argument with Athena, I kept that from her. I don't want to have a poor relationship with her right now. Tinignan ko si daddy at mommy na ngayon ay nakaupo na sa dining table at kasama namin ang mga kaibigan namin lalo na si Stephanie na ngayon ay katabi ko. 

"How are you hija?" tanong ni Chairman kay Stephanie. 

"I'm okay, lolo. I'm really excited be with you all during lunch. Besides, gusto ko rin po kayong makita at ang buong Sandoval," nakangiting sambit niya. "If you don't mind me asking, why is Athena here?"

I frowned and looked at her, unable to believe what she was saying. Chairman laughed and shook his head then looked at Athena who was now playing with the spoon. 

I knew she was listening.

"We just want to invite her family. She's part of their family so I think that it is not a bad idea to invite her," aniya. "Besides, you're my grandchild's fianceè."

"I'm not." Napatingin sila sa akin. Tinignan ko si Chairman. "Athena is here and she's the only one I can considered as my girl."

Tinignan ko si Athena na nakatingin sa akin. Wala na namang emosyon ang kanyang mga mata, palagi na lang kapag nakikita niya ang pamilya ko. I wonder if she knew that her family do that thing to my family. I wonder if she's okay? I wonder if she's okay being with us. Gusto ko na lang yakapin s'ya at ilabas dito sa mansion.

I wanna be with her. 

Mommy chuckled. "Kiro, after your college graduation you and Stephanie will getting married."

Tumikhim ang emperador ng mga Buenaventura kaya napunta sa kanila ang usapan. Huminga ako nang malalim dahil ayaw kong pag-usapan ang tungkol doon, nangako ako sa sarili ko na hindi ko sasaktan si Athena. Hindi ako gagawa ng mga bagay na magseselos s'ya o magagalit. 

"I doubt that would be acceptable to Athena. I doubt my granddaughter would find what you're saying appealing because of the two of them's deep relationship," Bruce said with a smirk.

"A Buenaventura, she is. My son is getting married to Stephanie, therefore I don't believe it would be nice if they saw them together," si mommy sa mahinahon na boses. "She's a grade 12 student. Hindi magandang tingnan kung ang anak ko ay may girlfriend na repeater, bulakbol sa klase, at higit sa lahat hindi tinuruan ng magandang asal."

"Tama nga naman na hindi bagay ang anak mo kay Athena," natatawang sambit ni Mrs. Buenaventura. "Nag-usap na kami ni Beatrice tungkol dito."

Napatingin ako kay Athena, wala man lang ba s'ya sasabihin? Huminga ako nang malalim dahil kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako sa mga sasabihin niya at natatakot ako na makita na naman ang galit sa mga mata niya. 

"Hindi rin naman ako papayag na makuha ang dapat sa akin..." Napatingin lahat kay Athena nang mag-angat ito ng tingin at diretso ang tingin kay Chairman. "Kung magpapakasal ang apo ninyo sa babaeng nasa harapan ko ngayon...ngayon pa lang, handa akong makipag patayan para lang sa apo ninyo."

As I stared at her, the hairs on my body stood up. I forced a hard swallow, not knowing why I wanted to smile but couldn't. Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya na nakatingin kay Chairman. 

"May maipagmamalaki ka na ba sa amin hija? Marami akong nalaman tungkol sa 'yo at nararapat nga lang na layuan mo ang apo ko. You're a bad influence to him at hindi rin ako papayag na makasama ng apo ko ang isa sa mga mamamatay tao." Gulat akong nakatingin kay Chairman. Walang halong pagsisisi sa kanyang mga mata nung sinabi niya ang mga salitang 'yun. 

"Dad!" si lolo sa nanunuway na boses. "Calm down."

I observed Athena gripping her glass more firmly. The intense hatred between the two families caused me to puke. I turned to gaze at the empress who had just sipped green tea and her husband, who was now focusing on Athena. The Emperor's face was expressionless, but I could see the anger in his eyes. 

"Pangalan at apelyido lang ang alam mo sa pagkatao ng pamilya ko...Chairman." Galit at mariin ang tingin ni Athena kay Chairman. "Baka gusto mong malaman ng mga anak mo kung ilang beses ka naming niligtas nung mga panahon na hinahabol ka ng mga sindikato at terorista sa inyong lugar?"

"Ngayon ay nanunumbat ka sa pagkakamali ng iyong pamilya hija," natatawa ng sambit ni Chairman. 

"Sinasabi ko lang ang nararapat, Chairman." Bumalik na naman sa walang emosyon ang kanyang mga mata. "Maaaring alam mo ang pangalan namin ngunit hinding hindi mo kami kilala. Konti pa lang 'yan sa mga nalalaman mo tungkol sa pamilya ko, kung tutuusin ay wala pa sa kalahati ang nalalaman mo. Kung babastusin mo ang pamilya ko mismo sa harapan ko, hindi namin kailangan ng pamilyang hindi kayang magtanaw ng utang na loob mula sa pamilyang tumutulong sa inyo simula sa umpisa."

When Athena got to her feet, they both stood. I was about to stand up when Kayleigh grabbed my hand and gave me the stink eye. I was left with no choice but to irritate the Chairman. Without giving us a glance or engaging in conversation, they left together. I looked at them and felt irritated.

"Did you see her true color? 'Yan ba ang babaeng ipinagmamalaki mo sa amin?" natatawang sambit ng Chairman at sumandal sa kanyang upuan. 

"Hindi s'ya magsasabi ng mga ganung salita kung hindi mo sinimulan," iritadong sagot ko. 

Galit niya akong tinignan. "Mas lalong hindi kita papayagan na lumapit sa pamilyang 'yun! Hinding hindi ko hahayaan na magkakaroon ng isang kriminal at mamamatay tao ang pamilyang 'to!"

Galit akong tumayo at diretso ang tingin sa kanya. 

"Hinding hindi niyo rin ako mapipigilan na lapitan si Athena..." mariin at malamig kong sambit. "Hindi ngayon, bukas, sa susunod na bukas, at sa mga susunod pang mga araw dahil s'ya at s'ya pa rin ang taong palagi kong lalapitan."

Mabilis akong umalis at iritadong napatingin sa labas dahil wala na sila. Huminga ako nang malalim at mabilis na sumakay sa kotse ko papunta sa penthouse. Sinubukan kong tawagan si Athena ngunit hindi niya rin naman sinasagot. Nag-aalala na ako dahil baka masama ang loob niya sa pamilya ko o baka pati na rin sa akin. 

To: Madam

Babe, call me. 

To: Madam

Pupuntahan kita. 

Mabilis akong nakarating sa penthouse ko. Tinawagan ko ang kaibigan ko para i-reserve ang magandang spot sa isang museum. Mabuti at pumayag s'ya dahil maraming tao ngayon sa museum. Gusto kong ipakita kay Athena ang mga paborito kong paintings at gusto ko rin s'yang dalhin doon para kahit paano ay makapag usap kami.

"Hello babe, papunta na ako sa penthouse mo. Be ready." Hinawakan ko ang steering wheel ng kotse ko at tiningnan ang side mirror. 

[Wait, what?]

"No buts. Papunta na ako," sambit ko at agad na binaba ang tawag. 

Pinarada ko ang kotse ko sa tapat ng condominium ng mga Buenaventura at pinaglaruan ang susi ng kotse ko. I texted her to go down dahil ayaw kong naghihintay ako. Kinagat ko ang labi ko at inayos ang long sleeve polo na suot ko. Huminga ako ng malalim at tinignan ang bouquet ng iba't ibang kulay ng tulips. 

"Kiro..."

Athena was standing in front of me when I turned to look at the caller, and she nearly stopped me in my shoes. Her body curves are visible despite the formal clothing she is wearing. Her little bag was slung over her shoulder, and her hair was pulled back in an untidy bun. Her beauty caught my attention right away, and I was unable to look away.

Damn. Ang sexy. 

"Uh, a-ang ganda mo..." 'Yan ang unang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa kanyang mukha. 

"O-okay na ba ang suot ko?" nahihiyang tanong niya. Tinignan ang aking mukha pababa sa aking suot kaya umayos ako ng tayo at tumikhim. 

"Bagay na bagay sa 'yo..." sambit ko at kinagat ang aking labi. Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil hindi ko talaga maalis ang paningin sa kanya. "So, uh, let's go?"

I escorted her to my car as soon as she nodded. When she stepped inside my car, my fingers was still trembling from holding her back, but I immediately broke a huge smile since today I would be with her once more—alone.

"There's a museum near here...I want to take you there because we haven't had a good date these past few days," I said.

"Hmm. Gusto ko rin makita ang loob ng isang museum," sambit niya. 

Ngumiti ako. "You'll love it there, babe. I am sure."

Nakarating agad kami sa magandang museum dito sa lugar namin. Mabilis akong bumaba at agad na binuksan ang pinto ng kotse para lang makita si Athena. Kinagat ko ang labi ko ata agad na hinawakan ang siko niya para alalayan s'ya sa pagbaba. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha dahil kitang kita ko ang saya ang pagkamangha niya sa lugar. 

"This is your first time?" I intertwined our fingers kaya napatingin s'ya doon pabalik sa mga mata ko. 

"Ikaw ang unang taong nagdala sa akin dito," malumanay na sambit niya. 

I nodded and grinned. There were many people inside, so we moved fast and I managed to avoid making a mistake. I walked with Athena as she talked to me about her early life. She didn't get to experience being here and traveling elsewhere, which makes me feel sorry for her. 

"Wala kaming pera noon para pumunta sa mga ganitong klaseng lugar. Hindi rin naman ako lumalabas dahil tinutulungan ko noon si mama sa mga ginagawa niya. Ito ang unang beses na pupunta ako dito...at ang ganda pala talaga dito 'no?" kalmadong sambit niya, bakas na bakas ang saya sa kanyang mga mata. 

"Look at it, my love." Tinuro ko ang isang painting ng isang kilalang pintor. "If you look closely, the picture by Frida Kahlo, El Autobus, appears to be a reference to the disaster itself, which occurred in 1925. The person in the blue suit who is working is thought to be the man who removed an iron handrail from Kahlo's abdomen after the accident. The woman seated in the right corner is thought to be Kahlo herself."

Tuwang tuwa s'yang makita ang iba't ibang painting kaya hindi ko maiwasan na mapangiti. At least, ako ang unang taong nagdala sa kanya dito. Habang buhay kong dadalhin ang bawat momento na kasama s'ya sa paborito kong lugar. 

"That is, L. S Lowry’s ‘Matchstick Men’ Paintings..." Sambit ko. 

"Ano naman ang meaning ng larawan na 'yan?" tanong niya habang nakakapit ang kanyang kamay sa braso ko habang ang kanyang daliri ay nakaturo sa painting na nasa unahan. 

"Yes babe..." nakangiting sambit ko. "Since we are all alone, our suffering has no purpose. The secret meanings embedded in Lowry's work are as relevant today as they were when the artist first applied paint to canvas, despite the gap between industrial England and modern life."

Marami pa akong pinakilala sa kanya na paintings at natutuwa akong makita ang mga reaksyon niya. Minsan ay natatawa ako dahil halatang hindi niya alam ang iba ngunit namamangha ako sa tuwing s'ya na ang nagsasalita. 

"Ang sakit na ng paa ko," natatawang sambit niya pagkatapos niya akong halikan sa harapan ng isang painting. "Pwede ba tayong umupo muna?"

I wiped the lipstick stain from my lips before nodding at her. I held her waist and kissed her lips before we walked to a bench. I held her thigh and looked at her feet.

"Next time, wear rubber shoes." Lumuhod ako sa harapan niya at hinaplos ang paa niya dahil namumula na ito. 

Tinignan ko s'ya na nakatingin sa akin. Napatingin tuloy ako sa kanya na seryosong nakatingin sa akin, pinagmamasdan ko ang maganda niyang mga mata. I really like her foxy eyes. It's tempting and at the same time, she always seduce me using her eyes. 

"Yes babe?" malambing na tanong ko at hinaplos ang pisngi niya. "What's bothering you?"

She smiled a bit. She's uneasy. Parang kinakabahan ang kanyang mukha ngunit kalmado naman ito. Kumunot ang noo ko dahil kakaiba ang kilos niya. 

"May restroom ba dito?" biglang tanong niya, halatang hindi komportable at panay ang tingin sa kanyang gilid. 

"Yes, do you want me to accompany you?" tanong ko, nag-aalala dahil may kakaiba talaga. 

Umiling s'ya at tumayo. Tumayo ako at umupo sa tabi niya, pinagmasdan ang kanyang mukha bago ako bumuntong hininga. 

"Mabilis lang ako..." nakangiting sambit niya at hinalikan ang pisngi ko. Akala ko ay tatayo na s'ya ngunit nilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga. "If I didn't came back after 30 minutes, call the royal guards."

She licked my earlobe kaya napalunok ako. Tinignan niya ako at mabilis na naglalakad papunta sa malayo. Hindi ko masyadong maintindihan ang sinabi niya ngunit agad na akong tumawag sa mga royal guards.

 Shit. Ano na naman ba ito? Masisira na naman ba ang date namin?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top