Chapter 39
Kiro's Point Of View:
She had things to do, and I had things to do, so we both got busy while we were together. While Athena is recovering, we remain on the same island, and I'm frightened because I don't know what happened to her. Although I've been told what happened, I have the impression that there was more because Athena became busier. Despite the fact that we were all on the same island, they were so busy that I secretly observed Chase repairing weapons and other items for which I had no idea.
"Kailangan natin ng plano. Hindi 'to pwedeng marinig ng kahit na sino dahil alam mong masyado ng delikado at sa tingin ko ay magsisimula sila sa pamilya mo."
Kumunot ang noo ko at nagtago pa sa pader habang nakikinig sa kanila. Gusto kong malaman kung bakit at ano ang mangyayari. I want more information because I want to know everything para hindi ako mag mukhang tanga. Alam kong utos ni Athena ang 'wag magsabi sa akin ngunit hindi ko maalis sa isip ko ang mga tanong tungkol sa pamilya nila.
"Kami na ang bahala sa mga Villacorta ngunit sa tingin namin ay mas kailangan ka doon dahil ikaw ang lady empire."
Lady empire? What is it? I just heard about that and I want to know who Athena really is kaya kailangan ko pang makinig. Akmang bababa pa ako nang makita ko si Athena sa harapan ko. Natigilan ako at napatingin sa kanya na kunot ang noo. Napalunok ako at dahan-dahan na bumaba habang mahigpit kong hawak ang baso.
"I..uh, I was about to go downstairs to get some water..." kinakabahan na sambit ko at tumikhim para mawala ang kaba sa aking dibdib.
Nagtaas s'ya ng kilay at mas lalo pa akong tinignan. "May refrigerator sa kwarto ko at kumpleto ang laman kaya bakit ka pa kukuha ng tubig? Isa pa, hindi ito ang daan papunta sa kusina."
Natigilan pa ako lalo at nakitang sa kabila pala ang daan. Narinig kong ngumisi si Chase at napailing, ngayon ay nasa harapan ko na silang lahat kaya umiwas ako ng tingin at agad na umakyat. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim dahil kapag nalaman nilang kanina pa ako nakikinig ay mas lalo nila akong tatanungin.
"Hello, mom?" kalmadong sambit ko sa tawag ni mommy.
[Where are you? Hindi ka umuuwi ng penthouse mo at hinahanap ka ng chairman.]
Napalunok ako. "I'm on a business trip for my business..."
[Goodness! Chairman is mad right now because you're not here! 'Wag mong sabihin na kasama mo na naman 'yang Buenaventura mong girlfriend?]
I closed my eyes tightly. Huminga ako nang malalim at agad na binaba ang tawag pagkatapos kong sabihin na uuwi ako sa lalong madaling panahon. Natigilan ako nang makita si Athena sa sofa at nakatitig sa akin, hindi ko man lang narinig ang galaw niya.
"Hindi ka nag paalam at basta na lang pumunta dito?" kalmado na tanong niya.
"I was about to say to them but it was too late..." mahinang sambit ko.
"Tapos sasabihin ng mommy mo na bad influence ang girlfriend mo," nakangising sambit niya at nagtagis naman ang panga ko at bago pa ako magsalita ay nagsalita na agad s'ya. "Umuwi ka na mamaya at baka mas lalo pang magalit si Mr. Sandoval."
Tumayo ako at umupo sa tabi niya kaya tumingin s'ya sa akin.
"Uuwi ako kung kasama ka." Tinignan ko s'ya sa mga mata at kumunot naman ang noo niya.
"Hindi ako sasama. May kailangan pa akong gawin dito," seryosong sambit niya.
"I will not go home then," seryosong sambit ko. "Hindi ako uuwi ng hindi ka kasama Athena. Kung akala mo ay susunod ako sa gusto mo, hinding hindi ako aalis dito nang hindi kita kasama."
Huminga s'ya nang malalim na para bang hinahabaan niya ang pasensya niya para sa akin. I show her that I'm dead serious dahil hindi talaga ako uuwi ng hindi ko s'ya kasama.
"Uuwi lang ako kapag katabi na kita sa eroplano pabalik sa lugar natin," sabi ko pa at mas lalo pang nagtagis ang panga niya.
She closed her eyes and sigh. "Babalik ako kung kailan ko gusto. Umuwi ka na at kailangan ka doon."
"Babe!" iritadong sambit ko at masama niya akong tinignan. "Ayaw ko pa ngang umuwi! Gusto ko dito."
Tumayo s'ya at nakita kong napangiwi s'ya kaya nag-aalala akong tinignan s'ya ngunit umatras s'ya at tinignan ako. Mas lalo kong nakita ang pag ngiwi niya kaya agad akong napatayo ngunit umatras s'ya.
"Uuwi ka at kapag hindi..." Lumapit s'ya at ngumisi sa akin kaya kunot ang noo ko.
"Paano kung ayaw ko?" nakangising tanong ko at mas lalong nilapit ang mukha ko sa kanya. Parang walang epekto sa kanya ang ginagawa ko.
"Hindi mo na ako makikita." Nawala ang ngisi ko at napatingin sa kanya. "Hinding hindi mo na ako makikita kapag hindi ka umuwi ngayon sa pamilya mo."
Badtrip, amp. "Babe naman! Gusto ko nga kasi dito—Fine! Uuwi ako pero kasunod ko ay uuwi ka rin."
She just nodded and pointed her pinky finger at me. My smile immediately grew and I stuck my pinky finger at her and we both made a promise. Mabilis niya agad akong inasikaso at kahit gusto ko pang manatili ay alam kong magagalit na s'ya kaya wala akong magawa kundi ang sumakay sa eroplano ni Athena.
"Susunod ka, Athena." Tinignan ko s'ya na tumawa at ngumisi. "Babe."
"Susunod ako at kapag hindi ako nakasunod agad, tawagan mo ako dahil uuwi ako sa 'yo," nakangiting sambit niya.
I gave her a grin and kissed her neck. She moaned and pushed me away, which made me laugh. I then hurried to board the plane wearing the clothes I had been carrying around for a few days. I inhaled deeply and gazed at her through the window while she was speaking to someone. She gave me a smile and a nod, and I responded.
Ang ganda niya talaga.
"Tara na," sabi ng mukhang leader ata nila at agad na pumunta sa unahan.
Ang dami ng text galing sa kambal ko at kay ate kaya bumuntong hininga ako. Ano na naman kaya ang kailangan nila sa akin? Gusto ko pang makasama si Athena ngunit sa susunod na lang. Tinignan ko ang cellphone ko at napangiti dahil mukha ni Athena ang nasa wallpaper ko habang suot niya ang salamin ko.
Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa Buenaventura airport. Bumaba agad ako at mabilis kong nakita si Jordan na nakasandal sa kotse niya, mabilis akong naglakad at agad niya naman akong nakita.
"Amoy isla ha? Nag-enjoy ka ba kasama si Athena?" tanong niya.
"My mother just called and said that the chairman needs me, so I must leave right away," malungkot kong sambit.
Tumawa s'ya at napailing kaya kumunot ang noo ko. "Hindi bagay sa 'yo tanga! Mukhang nahahawa ka na kay Austin. Ganyan pa kapag in love? Yuck."
I said bad words to him at agad naman niyang pinaandar ang kotse habang tumatawa. Tinignan ko ang bintana at huminga ng malalim at panay ang text ko kay Athena na sumunod na s'ya para makapunta kami sa hospital. Gusto kong malaman kung saksak ba ng kutsilyo o tama ng baril ang nasa katawan niya.
From: Madam
Susunod ako pagkatapos ng gagawin namin dito sa isla. 'Wag mo sanang sabihin ang tungkol sa isla ko, maliwanag?
To: Madam
Yes, Madam! I love you po.
Ngumiti ako at agad na huminto ang kotse sa tapat ng bahay namin. Ngumisi ako kay Jordan na kausap na si Claire kaya mabilis na akong bumaba at nagpasalamat sa kanya.
"Good luck na lang sa 'yo," nakangisi at nang-aasar niyang sambit.
I raised my middle finger at agad na pumasok sa loob. May lumapit agad na maid para kunin ang bag ko kaya agad akong naglakad papunta sa dining area at nandoon nga sila. Masyadong seryoso ang mga mukha nila ngunit ang kambal ko lang ang hindi dahil mukhang bad trip pa ang mukha niya habang hawak ang wine glass.
"Umupo ka na hijo," sabi ni Lolo Dean at agad naman akong sumunod sa kanya.
"Ano ang pag-uusapan natin?" nagtatakang tanong ko.
Tinignan ko si Chairman at seryosong seryoso ang mukha niya. Don't tell me this is all about Athena na naman? Huminga ako nang malalim at magsasalita na sana ng magsalita si Chairman.
"The heir of Buenaventura is your girlfriend right?" tanong niya.
"Yes," mabilis kong sagot at umayos s'ya ng upo at tumango. "Why? Is there something wrong with that?"
"Hindi mo pa lubos na kilala ang mga Buenaventura hijo. Hindi sila katulad natin na normal na tao dahil sila, mamamatay tao," seryosong sagot ni chairman.
Natigilan ako at kumunot ang noo kay chairman dahil hindi ko alam ang sinasabi niya.
"Matagal ko ng kilala ang mga Buenaventura ngunit hindi ganun kalaki ang tiwala ko sa kanilang lahat pagkatapos ng nangyari sa lola mo," nakangising sambit niya, bakas ang galit at sakit.
"Hindi...hindi ko maintindihan," naguguluhan na sambit ko, nawawalan ng pasensya dahil ang tagal ng sinasabi niya. "What the hell is happening? Anong mamamatay tao? Si lola?"
"Pinatay nila ang lola mo, Kiro!" si mommy sa malakas na boses at nanlaki ang mga mata ko. "Hindi mo alam ang tungkol doon dahil bata ka pa nung mangyari ang bagay na 'yun. Ang mga Buenaventura ang may dahilan kung bakit namatay ang asawa ng lolo mo at kung bakit ka namin nilalayo sa kanila!"
"No! No...hindi totoo 'yan! Walang ginagawa ang mga Buenaventura..." naguguluhan na sambit ko.
Tinignan ko si daddy na kunot lang ang noo habang nakatingin sa baso niya. Tinignan ko si Kayleigh na walang reaksyon ngunit nababasa ko ang galit sa mga mata niya. Tinignan ko naman si Ate Kylee na nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Tinignan ko si mommy na masama ang tingin sa akin kaya kumurap ako dahil hindi ko maintindihan dahil baka naman aksidente lang?
"Gusto kong layuan mo ang mga Buenaventura lalo na ang anak at apo nilang babae," Si mommy sa mariin na boses. "Dahil kung hindi...alam mo na ang mangyayari sa kanya, Kiro."
"Papatayin niyo rin s'ya?" nakakatawang tanong ko. "If you murder Athena, you are no different from them. Athena is a decent person and is not guilty in this case. You have never met her and will never meet her."
"You don't even understand them the same way we did. Oo at nakakasama namin sila ngunit hindi na katulad noon na kayang kaya namin silang pakisamahan," sagot ni chairman.
Gusto kong tumawa nang malakas dahil sa mga nalalaman ko. Alam kong weird ang pamilyang 'yun ngunit alam ko sa sa sarili ko na hindi nila kayang gawin ang bagay na 'yun, lalo pa't hindi halata sa mga mukha nila.
"They just look nice but they're not..." said Kylee. "They're monsters. A killer and you might be the next one they kill just because you're a Sandoval."
Tinignan ko si lolo at daddy na walang reaksyon kaya matapang kong tinignan si chairman. Bahala na. Kahit na anong mangyari ay hindi ko bibitawan si Athena, hinding hindi ko s'ya iiwan hangga't hindi ko alam ang tunay na nangyari.
"I will never leave her side because I promise and learn one thing with her..." seryosong sambit ko. "To know first the point of view of someone before judging them."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top