Chapter 37
Kiro's Point Of View:
Ilang araw simula ng mangyari ang gulo sa pagitan namin nila Jaguar at Nixon at simula noon, hindi ko na rin nakita si Athena at hindi ko alam kung nasaan s'ya at anong ginagawa niya. Iniwan niya ako sa room namin at wala man lang letter na binigay sa akin kung nasaan s'ya at kung ano ang dahilan kung bakit s'ya umalis. Wala akong ideya kung bakit at ano ang kanyang dahilan kung bakit niya ako iniwan at ganun rin sila Rina at Sky, hindi rin alam kung nasaan s'ya.
Buong araw akong tulala at hindi mapakali dahil wala si Athena. Naiinis na ako dahil kahit anong tanong ko kila Rina ay wala akong makuha na tamang sagot, palagi nilang sinasabi na hindi nila alam at wala silang clue kung nasaan s'ya. Tinignan ko ang palad ko at parang nung nakaraan lang ay hawak ito ni Athena habang nasa tabi ko s'ya, gusto ko na tuloy mag break time dahil gusto kong kausapin si Rina.
"Kailangan niyo ng tapusin ang lahat ng research paper niyo dahil malapit na kayong mag-college at malapit na rin ang totoong survival."
Ilang araw o linggo na lang ay college na ako at matutupad ko na rin ang gusto ko, ang maging isang CEO slash soldier. Gustong gusto kong maging katulad ng mga Villacorta dahil gusto ko rin ma-experience ang magkaroon ng sariling team. Gusto ko rin na maging maayos ang business namin nila daddy dahil mukhang kasal na ni kuya sa anak ng Villacorta. Gusto rin ng chairman na maging katulad ako nila ate ngunit ayoko dahil gusto kong maging sundalo.
"Nahanap mo na ba si Athena?" tanong ni Austin na abala sa kanyang ballpen. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanya kaya bumuntong hininga s'ya. "Masyado s'yang mysterious kaya naman kung minsan ay hindi natin mabasa ang mga tumatakbo sa isip niya. Baka naman abala lang 'yung tao."
"Sinubukan kong tanungin si Joy pero masyado s'yang iwas sa topic na 'yun," sambit naman ni Charlie.
I let out a deep sigh. I don't know what to do anymore because even me, I don't know what is in her mind. What's her plan, what's her thought, and what's her problem. Minsan gusto kong magtanong ngunit hindi niya naman ako binibigyan ng tamang sagot dahil panay change topic s'ya.
"Class dismissed. Don't forget all your requirements and exam next week."
It was still fresh. Naalala ko pa ang nangyari nung nakaraan. Kung paano dumating ang mga Buenaventura at ang mga Villacorta para kay Athena. Kung paano nagalit ang emperador sa nangyari at sa marami pang revelations na nalaman naming lahat. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga nangyari at ang mga nalaman ko, masyadong magulo ang pamilya nila. Pakiramdam nilang lahat ay naging mas magulo pa dahil dumating ang nag-iisang babae sa pamilya, 'yun ay si Athena.
"Sila Rina." Napatingin naman ako sa canteen at nakita ko nga doon sila Rina na mukhang nagtatawanan pa. Parang walang problema at parang hindi nawawala si Athena.
"Kiro!" si Matthias sa malakas na boses at akmang hahawakan niya ang braso ko ng mabilis akong naglakad.
Galit at iritado kong tinignan sila Rina at mabilis na natapon ang mga pagkain sa kanilang lamesa. Gulat silang napatingin sa akin.
"Nasaan si Athena?" nagpipigil kong galit na tanong. "Sabihin niyo sa akin kung nasaan si Athena."
Seryoso akong tinignan ni Rina. "Hindi namin alam."
Galit kong sinipa ang upuan at napasinghap silang lahat. "Tang ina naman! Ilang araw na akong naghihintay at Ilang araw na akong nagtatanong sa inyo!"
"Dahil hindi nga namin alam!" si Joy sa malakas na boses. "Kung alam lang namin ay sana sinabi na namin sa 'yo. Kaibigan kami ni Athena pero hindi ibig sabihin nun ay alam namin ang lahat ng ginagawa niya!"
Tinignan ko sila at galit kong hinagis ang mga lamesa. Galit na galit na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko at pakiramdam ko ay nangingilid ang luha sa mga mata ko.
Gusto ko na s'ya makita. Gusto ko s'yang yakapin at kung gusto niyang magmakaawa ako para bumalik s'ya sa tabi ko, gagawin ko.
"I'm begging," mahinang sambit ko, lahat ng estudyante ay takot na nakatingin sa akin at ang iba pa ay nagbubulungan na habang nakatingin sa amin.
"Kiro, mahigpit na sinabi sa amin ni Athena noon na hindi kami pwedeng mangialam sa mga ginagawa niya," mahinahon na sambit ni Sky. "Hindi kami pwedeng basta na lang magbigay ng impormasyon kung wala namang permiso ni Athena. Sana maintindihan mo kami dahil hindi sa lahat ng oras ay alam namin."
My tears was about to fall when I immediately wiped it. "Gusto ko s'yang makita. Gusto kong tanungin s'ya kung maayos ba s'ya o hindi. Gusto kong malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya sa mga oras na 'to at kung maayos ba ang lagay niya ngayon."
Nanghihina akong umupo at pinagmasdan ang mga kalat na ginawa ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko talaga s'yang makita sa mga oras na 'to dahil nag-aalala na talaga ako. Aaminin kong natatakot ako na baka kung ano na ang iniisip ni Athena sa mga oras na 'to at kung ano na ang nangyayari sa kanya.
Kumakain ba s'ya? Natutulog ba s'ya nang maayos? Sinong kasama niya ngayon?
"All right." Napatingin ako kay Chase na may hawak ng cellphone. Tinignan niya ako at tinignan niya rin sila Rina na napabuntong hininga at napailing. "Sasamahan ka namin sa kanya."
Napasinghap ako at napatingin kay Chase. Tinapik niya lang ang balikat ko at nauna na s'yang maglakad kasunod sina Rina na walang emosyon ang mga mukha. Wala sa sariling napangiti ako at agad naman akong tinulungan nila Jordan na tumayo at agad naman akong naglakad palabas para sumunod sa kanila
I can't wait to see her.
"Kiro!"
Nanlaki ang mata ko nang makita si Stephanie at bigla niya akong niyakap. I softly push her and she just smiled at me at niyakap rin si Charlie. Huminga ako nang malalim dahil alam ko na ang ngiti niya, mukhang tungkol na naman ito sa kasal na mangyayari after college.
"I talked to auntie earlier and she said to me na tuloy na ang kasal natin. She even buys rings and everything kaya naman you and I will be getting married after college. That's exciting right?" nakangiting sambit niya at pinakita ang singsing na binili ni mommy para sa kanya.
"Steph..." ani ko at napatingin naman s'ya sa akin. "I won't marry you. I have a girlfriend and I love her."
"What?!" si Stephanie sa malakas na boses at unti-unti kong nakita ang galit sa kanyang mga mata. "That cheap girl? Goodness! Wala ka bang taste? Noon pa man ay napag-usapan na natin ang kasal at pumayag na sila mommy at daddy dito at para na rin sa company!"
"I won't marry a girl like you because for me, you're my little sister!" Hindi ko na s'ya hinintay pang magsalita at mabilis na pumunta sa susunod na class ko.
Buong mag hapon ay nag-review kami at puro discussion sa gaganapin na exam sa susunod na linggo. Hindi na rin ako makapag focus dahil ang nasa isip ko ay si Athena at kung nasaan s'ya. Tinignan ko ang black na box na kung saan nandoon ang promise ring na balak ko sanang ibigay sa kanya. I want this on her finger. This ring will good at her. Napangiti ako dahil ngayon ko lang na-realize na mahal ko nga talaga si Athena, na mahal ko talaga ang babaeng 'yun kahit pa minsan ay hindi ko maintindihan ang takbo ng utak niya.
Pagkatapos ng klase ay agad akong umuwi sa penthouse ko at agad na hinanda ang mga gamit na dadalhin ko sa isla. Ang sabi sa akin ay secret island daw 'yun dito sa Pilipinas at tanging si Athena lang daw ang may alam nun, lalo na ang mga royal guards na kasama niya. I'm so curious about that island because when I searched it on google, there's nothing. Walang result na lumabas at private pa kaya napailing na lang ako dahil ibang babae nga pala si Athena, hindi katulad ng iba. Natatangi. At walang kapantay lalo na sa puso ko. Hehe.
"Pababa na ako," ani ko nang tumawag si Sky.
Mabilis akong bumaba at agad na pumunta sa lobby. Nakita ko agad sa labas ang isang van at sa driver seat ay si Chase na seryosong nakatingin sa unahan habang ang cellphone ay nasa tainga niya. Mukhang may seryosong usapan at nang makalapit ako ay agad kong narinig ang boses ni Athena.
Napasinghap ako.
"Get him and bring him here," ani ni Athena sa malamig na boses.
Napalunok ako at agad na pumasok sa van. Nandoon ang royal guards na tahimik at may kanya-kanyang ginagawa. Umupo ako sa malaking van. May dalawang mahabang upuan sa loob na magkaharap, may entertainment rin. Nakita ko pang may kinuha si Alexander sa gilid ni Rina at namangha naman ako ng lumabas doon ang isang maliit na shelves na kung saan nandoon ang mga wines.
"Sabi ni emperor ay babalik daw si Athena sa paggawa ng wines. Sa susunod na pasukan ay mas magiging abala s'ya." Hindi ko alam kung kay Rina niya 'yun sinasabi o sa akin dahil nakangisi s'ya.
"Sinabi niya rin sa amin 'yan. Alam mo naman na masamang umayaw sa emperor dahil magkakaroon ng parusa ang mga lalabag sa utos niya," ani naman ni Sky na abala sa kanyang laptop.
"Hmm. Masyadong mataas ang expectations kay Athena and as her royal guards, we need to at least keep her safe," ani ni Rina na abala sa wines.
Tahimik ako hanggang sa makarating sa airport na pagmamay-ari ng Buenaventura at mabilis kaming dumaan sa private hall at doon nakita ko ang isang malaking eroplano. My lips parted lalo na nung lumabas ang maraming guards sa loob, tinignan nila ako at napalunok naman ako.
"Lady Empire quiere verla. Emperor sabe que ella se ha ido y este tipo justo aquí...” Tinuro ako ni Rina at mas lalo akong napalunok ng lahat sila ay tumingin sa akin na para bang isa akong kalaban. Napaatras ako nang dahan-dahan dahil nakakatakot silang tumingin."...El próximo príncipe del imperio. Su novio.”
TRANSLATION: "Lady empire wants to see her. The Emperor knows that she's gone and that guy..." "The empire prince. Her boyfriend."
Tumango ang mga lalaki na mukhang royal guards rin bago sila pumasok sa loob. Tinignan ako ni Sky at agad akong tumango sa kanya habang dala ko ang mga gamit ko, wala akong maisip kundi si Athena. Once I see her, I will punish her. Ilang linggo ko s'yang hindi nakita. The airplane is moving kaya naman tahimik akong nakatingin sa wine glass na nasa lamesa sa harapan ko, sila Rina ay tahimik habang may kung anong ginagawa.
"Okay ka lang?" Napatingin ako kay Chase na lumipat pa sa harapan ko para lang kausapin ako. Marahan akong tumango, bumuntong hininga naman s'ya. "Pasensya ka na kung kailangan pang usisain ng mga guards ang pagkatao mo at kung sino ka sa buhay ni Athena. Hindi kasi nila basta pinapayagan si Athena lalo na't masyadong matigas ang ulo niya. Kailangan naming mag-ingat dahil alam mo naman ang tungkol sa mga mata niya hindi ba?"
"Alam ko..." mahinang sambit ko dahil hindi maalis ang kaba sa katawan ko. "Salamat...Chase."
Ngumisi s'ya. "Thank her later. Deserve mong malaman ang tungkol sa kanya. Ikaw kaya ang manok ko."
Natatawa na lang ako at napailing sa kanya. Alam kong hindi ko pa kilala si Athena ngunit handa ako sa lahat, handa ako sa lahat malalaman ko at sa mga bago ko pang matutuklasan. Gusto ko rin na mas makilala s'ya at ang mga sikreto niya. Gusto kong malaman kung bakit napaka importante niya sa mga Villacorta at kung bakit takot na takot sila kay Athena na wala namang ginagawa kundi ang bigyan sila ng blankong mukha.
"Nandito na tayo," ani ni Alexander at tinignan ako. "Ready yourself."
I rolled my eyes. Kanina pa ako naiinis sa kanya. Kung hindi ko lang nalaman na ex-boyfriend pala ito ni Athena ay malamang sa malamang iisipin kong may gusto pa s'ya kay Athena. Pero what if? Fuck. Ayokong mag-isip dahil ako ang boyfriend. Ako naman ang mahal at gusto ni Athena, wala sa sariling napangisi ako. Bumaba agad ako at namangha sa lugar, hindi pa kami nakakapasok ngunit nakikita ko na sa loob ang mga tao.
"Tara," ani ni Sky.
Pumasok kami sa parang restaurant ngunit hindi naman restaurant ang loob. Tanging puti at itim ang nakikita ko, may second floor pa nga at mamahaling chandelier at kaunti na lang, iisipin kong isa itong hotel na kapag may birthday ay dito gaganapin. Naglakad pa ako ngunit napahinto ako nang ilang baril ang nakatutok sa akin ngayon at literal na nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanila. Napadaing ako nang suntukin ako ng isa sa mukha at hinawakan ang kamay ko.
"Stop!" sabay-sabay na sigaw nila Rina at naramdaman kong tumakbo sila papunta sa akin. "Shit!"
Napapikit ako dahil aaminin kong masakit ang suntok sa akin lalo na ang dagok na naramdaman ko sa leeg ko. Napalunok ako dahil parang bakal ang mga kamay ng isang 'yun at nagawa niyang saktan ang katawan ko. Mas malala pa sa suntok na natatanggap ko sa mga kalaban ko.
"What the heck?!" si Chase at agad akong hinawakan. "You didn't know this guy! If the lady empire know ab—"
Isang malaki at gintong palaso ang napunta sa gitna. Narinig ko ang mura ni Chase sa gilid ko at ramdam kong naging tahimik ang buong hotel o kung hotel ba ang tawag dito. Tinignan ko kung anong dahilan ngunit natigilan ako nang makitang hawak na ni Athena ang leeg ng lalaki na gumawa sa akin nito. Nanlaki ang mata ko nang makita kung paano niya galit na galit na tinignan ang lalaki na halos hindi na makahinga sa hawak niya.
"B-babe, stop!" sigaw ko dahil mukhang hindi niya ako nakikita. Tumakbo ako at hinila ang baywang niya papunta sa akin. "Stop. Hindi niya sinasadya."
Tinignan ko sila Chase at mukha silang nakahinga ng maluwag. Kinagat ko ang labi ko nang humiwalay sa akin si Athena at tinignan ako. Her emotion changed again for the second time. I saw the fear, nervous, and softness on her eyes.
"Mananatili ka pa rin ba sa akin pagkatapos ng nakita mo?" tanong niya. Ngayon ko lang napansin na may band aid ang kanyang pisngi at mukhang hindi maayos ang lagay niya. "Kiro?"
"I've seen the worst of you, babe." Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi niya.
Wala kaming pakialam kung maraming tao ang nanonood sa amin ngayon. Ang mahalaga ay may momentum kami dito sa lugar na 'to. Mamaya ko na kakausapin ang mga tao dito dahil hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako.
"Pipiliin mo pa rin ba ako ngayong alam mong masama akong tao?" tanong niya at natigilan naman ako. "Mamamatay tao ako Kiro, at lahat ng taong lumalapit o may kasalanan sa akin ay pinapatay ko. Ayaw ng nila sa akin, ayaw ng mundo sa akin."
I smiled. She's drunk. I know because her cheeks are so red.
Hinalikan ko ang noo niya bago tingnan ang mga mata niya. "Ako ang pipili sa 'yo tuwing pakiramdam mo inaayawan ka na ng mundo..."
I smiled softly and she smiled bago s'ya mawalan ng malay sa harapan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top