Chapter 35

Kiro's Point of View:

Dinala kami sa isang malaking warehouse na hindi ko alam kung saan. Malaking kalaban sa organization ang nakilala ni Athena, if I'm not mistaken ay ito ang mga grupo na naging kalaban namin noon. Tinignan ko ang malaking warehouse at akmang tatayo ako nang mapatingin ako sa mga kamay ko, mayroon itong kadena at nakita ko rin sina Claire na ganun rin ang posisyon katulad ng sa akin. Napalunok ako dahil kami lang ang nandito at lahat kami ay nakaupo sa mga monoblock chair. 

"Wake up!" sigaw ko at pilit na tinatanggal ang kadena. "Rina, Claire, Abigail wake up!"

Isa-isa silang gumising at kagaya ko ay gulat rin silang napatingin sa mga kamay nila. Tinignan ko si Rina na galit ang mga matang nakatingin sa kadena, huminga ako ng malalim at napapikit ng bumukas ang mga ilaw. 

"Kylee?" gulat na tawag ko nang makita ko ang mga kapatid ko. "Ate!"

"Kiro?!" si Kylee sa malakas na boses at kagaya ko ay nakaupo rin s'ya at ang mga kamay ay may kadena. "What are we doing here?"

"May paparating," ani ni Rina kaya natahimik kaming lahat at panay ang tingin ko sa mga kapatid ko. Biglang ngumisi si Rina kaya nagtataka ko s'yang tinignan. "Athena."

Malakas ang tibok ng puso ko dahil tama s'ya. Si Athena kasama niya ang mga kaibigan namin, lahat kami ay napatingin sa unahan nang lumabas sila Jaguar. Nagtagis ang panga ko at mariin silang tinignan, marumi talaga sila kung maglaro. Ngumisi sa akin si Jaguar at blangko ko naman s'yang tinignan dahil naiinis ako sa pangit niyang mukha. 

"Itali niyo ang mga 'yan. Gusto kong matira ang babaeng maganda na 'yan," nakangising sambit ng taong hindi ko naman kilala. 

"Athena!" si Joy sa malakas na boses ngunit diretso ang tingin niya sa amin. "Ano ba? Pwede bang dahan-dahan lang? Ang sakit kaya!"

"Ang ingay mo!" sigaw ng lalaki at mabilis silang nilagyan ng kadena sa kanilang mga kamay. 

"Fuck you for shouting at her!" Si Charlie sa malakas na boses habang nakatali rin ang mga kamay niya. 

Tinignan ko si Athena na nasa gitna habang sa hindi kalayuan ay ang lamesa at upuan kung nasaan nandoon sina Jaguar at mga hindi ko kilalang tao. Gusto kong s'yang tulungan ngunit paano ko aalisin ang kadena sa mga kamay ko? Damn. I'm so frustrated and I don't think I can handle this. Tinignan ko ang mga kapatid ko at nagagalit ako dahil maski sila ay nandito pa. 

"Long time no see, Nixon," nakangising sambit ni Athena habang suot ang kanyang itim na hoodie. "Akala ko patay ka na, buhay ka pa pala."

"Magkakilala kayo niyan boss?" tanong ni Jaguar. 

Ngumisi si Nixon at binitawan ang sigarilyo na nasa bibig niya. "Matagal na kaming magkakilala ni agila. Kung hindi lang talaga ako trinaydor ng babaeng 'yan, hindi sana mangyayari ang bagay na 'to."

Tumawa si Athena at bigla na lang itong naging seryoso. Isa-isang bumukas ang pintuan at napasinghap ako nang makitang marami sila at may mga hawak na kahoy at iba pa. Napalunok ako dahil marami sila at mag-isa lang si Athena. 

"Tigre!" Napatingin kami sa main gate at nakita si Jonas. Gulat akong napatingin sa kanya dahil pumunta pa talaga ang gago para na naman magpasikat. "Kumusta ang pagiging doctor ha? Ayos ba?"

"Dapat pinatay na kita noon pa," galit na sagot ni Jonas. Mas lalo ko tuloy gustong malaman ang kanyang pagkatao. "Sinabi ko sa inyo, 'wag na 'wag ninyong gagalitin ang agila. Sinabihan ko na kayo."

Para akong nanonood ng action movie sa aking harapan. Dalawa silang nakatayo sa kanan habang sa kaliwa ay sina Jaguar at Nixon kasama ang kanilang mga tao. Tinignan ko sina Rina na may ginagawa s'yang hindi ko maintindihan. Tinignan ko naman si Chase na nasa labas at kararating lang. 

"Don't you know that I'm savage?" Hinawakan ni Athena sa leeg ang isa hanggang sa hindi ito makahinga, gulat kaming napatingin doon ngunit ngumisi s'ya at unti-unting binitawan ang lalaking hawak niya. 

Patay na ito. 

"Agila!" si Nixon sa galit na sigaw at isa-isa niyang inutusan ang mga tao niya para sumugod kay Athena. "Gago kang babae ka!"

Sumugod sila kay Athena. Sinuntok ni Athena sa mukha ang isa habang sinipa ni Athena sa tiyan ang pangalawa tsaka niya ito hinagis papunta sa mga lumang drum. Nanlaki ang mata ko nang tumalon si Athena at niyakap ng kanyang isang hita ang leeg ng lalaki bago niya ito suntukin sa ulo. Napakurap ako dahil hindi ko inaasahan ang galaw niyang 'yun dahil masyadong mabilis ang mga galaw niya. 

Naglakad ulit si Athena at sa bawat daraanan niya ay panay ang suntok ng kamao niya at sipa sa bawat lalaking nakaharang sa daan niya. Sa kabilang banda naman ay napansin ko ang mabilis na galaw ni Jonas, katulad ni Athena ay ganun rin ang bilis nya. Kayang kaya niyang tumbasan ang bilis ni Athena, hindi ko alam kung bakit naiisip ko na mga assassins ang mga taong 'to. Sa nakikita ko, ganun ang galaw nila, maski ang mga mafia na minsan na naming naging kalaban.  

"God! Be careful!" Si Kayleigh sa malakas na boses at bakas sa kanyang mukha ang galit at frustration dahil kagaya ko, wala rin s'yang magawa. 

"Athena, damn it!" galit kong sigaw dahil marami na sila. Sinusubukan kong tanggalin ang kadena hanggang sa makita ko si Sky sa gilid. "Sky!"

Tinignan niya ako at tumango. Tumakbo s'ya at napansin kong namumutla na s'ya marahil sa tama ng baril. May kinuha s'ya sa kanyang bulsa at napanganga ako ng ilabas niya ang isang bagay na kamukha ng lalagyan ng colgate. 

"What's that?" galit na bulong ko. "We're in hurry! Goodness."

"Shut up." Napanganga ako lalo nang lagyan niya ng paste ang kadena at mainit 'yun at mas lalo akong nagulat ng bigla na lamang natunaw ang kadena. "See? Mainipin ka talaga. Hindi marunong maghintay."

Napailing na lamang ako, weird talaga nilang lahat. Kinuha ko ang maliit na drum at hinagis 'yun sa gitna at mabilis akong tumakbo at sinipa sa tiyan ang isa, binigyan ko naman ng isang malakas na suntok sa kaliwa ang isang lalaki. Hinila ko sa collar ang isa at hinagis sa mga drum na nandito, tinignan ko naman si Athena at napasinghap ako ng may sugat ang pisngi niya at may dugo ang kanyang leeg. 

"Ahh!" malakas na sigaw ng lalaking nasa harapan ko ngayon ng paikutin ko ang braso niya dahilan para tumunog ito nang malakas. 

Marami sila at tatlo lang kami dahil ang iba naming mga kaibigan ay nahuli. Tinignan ko si Rina na sinipa sa pisngi ang isa at sumakay pa ito sa leeg ng lalaki at napangiwi ako ng patunugin niya ang leeg nito. 

"Brutal..." bulong ko at hinila si Athena para mapunta sa akin dahil muntik na s'yang matamaan sa ulo. "Careful babe."

I thought she will be mad but she just smirked and kissed my cheeks. I smiled at binuhat si Athena para sipain niya ang limang taong nakapalibot sa aming dalawa. Hinihingal kaming dalawa at napatingin kina Jaguar na nakatulala kasama ang mga bata niya. 

"Aray!" Sabay kaming napatingin kay Chase ng bigla itong sumigaw at laking gulat namin ng makita ang dugo sa kanyang tuhod pababa sa kanyang mga paa. "Gago ka! Hintayin mo lang akong makalakad!"

"Tama na, Nixon!" si Athena sa malakas na boses at napalunok ako dahil sa lamig nun, batid kong galit na talaga s'ya. 

"Sa tingin mo ba na basta mo na lang akong mauutusan? Kung dati ay pumayag akong utusan mo ako ngayon hindi na. Gawin niyo na!" Napasigaw ako ng isa-isa nilang hinampas sa likod ang mga kaibigan namin lalo ang mga kapatid ko. 

"Tang ina mo!" si Athena sa malakas na boses at sa isang takbo niya ay naabot ng kanyang mga kamay ni Nixon at binigyan ng isang malakas na suntok. 

Masyadong mabilis ang pangyayari, halos hindi ako makagalaw ng makita ang mga pulang mata ni Athena. 'Yun na naman ang mga mata niya, lahat kami ay natigilan dahil tila ibang Athena ang nasa aking harapan. Isang malakas na suntok sa mukha ni Nixon ang binigay ni Athena at galit na galit talaga s'ya. 

"A-Athena.."

Napatingin ako sa gilid at napasinghap ng makita ang tatlong Buenaventura. Natigilan ang lahat na para bang may kung anong dumaan, mabilis akong tumakbo papunta sa mga kapatid ko ngunit isang matalas na kutsilyo ang sumalubong sa akin na hindi ko napansin. Napasinghap ako nang makita ang mukha ni Marlon, ang kanang kamay ni Jaguar. 

"Kuya?" boses ni Athena ang aking narinig bago ako bumagsak habang hawak ang aking tiyan. "Anong ginawa niyo?"

"Hindi pa tayo tapos Athena...hindi tayo matatapos kung walang exciting part," natatawa ng sambit ni Nixon at tinulak si Athena na nakatulala. "Yan ang gusto ko Athena, ang nakikitang mahina ka pagdating sa mga kapatid mo. Kawawang Athena...hindi ka ba naawa sa mga kapatid at kaibigan mo? Lahat sila ay nakatingin sa 'yo na para bang umaasa silang ililigtas mo silang lahat."

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin dahil maski sila Jonas ay nasa sahig na at mga pagod na pagod. Napalunok ako at tinignan sila Rina na nakakuyom ang mga kamay habang nasa likod ni Athena. 

"Ano na kaya ang gagawin ng isang Athena? Ang mga kaibigan mo o ang mga kapatid mo? Pagod ka na ba?" nang-aasar na tanong ni Nixon at mas naging marami pa ang mga tao na nasa kanyang likod. 

"Nakiusap ako sa inyo noon na 'wag na 'wag niyong gagalawin ang pamilya ko...pero hindi mo ako sinunod," kalmadong sambit ni Athena at mas lalong naging pula ang mga mata niya. "Hindi mo sinunod ang utos ko kaya magdusa ka ngayon."

Napaatras silang lahat nang makita kung gaano naging pula ang mga mata nito, nakita ko ang takot at kaba sa mga mata nila lalo pa't ng suotin ni Athena ang hood ng kanyang suot. Hindi nagtagal ay may mga lumipad na palaso na hindi namin alam kung saan galing. Sunod-sunod 'yun at nakita ko kung gaano ngumisi ng malaki sina Sky, naririnig na rin namin ang siren ng mga pulis sa labas. 

"Black widow..." Isang boses babae ang narinig namin. Isa-isang pinalibutan ng mga hindi naming kilalang tao ang mga tauhan ni Nixon at Jaguar na ngayon ay napapalibutan ng mga palaso. "Paumanhin at ngayon lang kami dumating kasama ang mga pulis." 

"Tama lang ang dating ninyo." Tinignan ako ni Athena at nakita kong nagbago ang expression ng mga mata niya. Isang malakas na suntok ang ginawa ni Athena at napasinghap kaming lahat ng saksakin ni Athena sa tiyan si Nixon at isang saksak sa kanyang leeg ang ginawa niya. "Sasabihin mo sa mga pulis na ikaw ang pumatay sa kanya dahil kung hindi, isusunod ko ang pamilya mo."

Nanginginig na kinuha ni Jaguar ang kutsilyo at sa pagtalikod ni Athena ay hindi namin akalain na nahawakan ni Marlon ang isang palaso at tinusok sa likod ni Athena. 

"Athena!" sabay-sabay na sigaw namin at kasabay nun ay ang pagdating ng mga pulis.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top