Chapter 33
Kiro's Point Of View:
Lahat pa rin ay gulat at hindi makapaniwala sa mga nangyayari na maski ako ay naguguluhan sa lahat. Naging tahimik ang mga Buenaventura sa lahat na maski ang buong estudyante ay takot na baka may mangyari ulit. Hindi ko alam kung sino at ano sila pero mukhang alam ng mga Buenaventura ang lahat. Pagkatapos ng lahat ng 'yun ay wala kaming natanggap na salita mula sa kanila, magaling sila sa salita dahil kinausap nila ang mga teacher at ang mga estudyante.
Ang alam ko lang ay kalaban daw 'yun ng pamilya ni Athena. Based sa kwento ni Sky ay mahigpit na ipinagbabawal sa kanila na ang magsalita tungkol sa kanilang empire palace dahil maaari na magkaroon ng punishment. Ang kailangan kong gawin ngayon ay ang kausapin sina Jaguar dahil mas lalo silang hindi titigil lalo na't alam ko na babalikan nila si Athena.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Kayleigh dahil mukhang may pupuntahan na naman ang pamilya amin.
"Mommy said that we will go to Buenaventura's house to talk about something, kasama si lola." Tinignan niya ako at nagtaas ng kilay. "I'm sure Athena will understand that your date will be re-scheduled the other day."
"I have a question," seryosong tanong ko. "Matagal mo na bang kilala si Athena at mukhang hindi ka nagulat na nakita na nila Chairman ang apo nila."
Natigilan s'ya kaya umayos ako ng tayo at nagtaas ng kilay, bumuntong hininga s'ya at tumingin sa salamin.
"Matagal ko ng kilala si Athena at matagal na rin akong mayroong connection sa kanya..." aniya sa mahinang boses. "I promised her na I won't tell anybody that I see her everyday."
"Why?" tanong ko. "Alam mong hinahanap nila si Athena at matagal na nilang hinahanap ang apo nila. Why did you keep this as a secret?"
"Because she wants to keep it a secret!" si Kayleigh sa iritado ng boses. "I keep everything as a secret para lang hindi magalit si Athena sa akin. Tinago ko lahat dahil 'yun lang ang paraan para maging ligtas ang pamilya niya."
Pagkatapos ng mahabang usapan ay agad na kaming pumunta sa mansion ng mga Buenaventura. Marami pa rin akong tanong sa kung ano man ang mayroon sa mga Buenaventura dahil masyado silang pa-mysterious. Huminga na lang ako ng malalim nang makita ang gate tsaka lang nag-sink in sa akin na nandito na nga pala kami at ako na lang ang hinihintay.
"Come on! What are you thinking?" iritadong tanong ni Ate Kylee kaya iniwas ko ang paningin sa kanya dahil kasama niya ang walang kwenta niyang boyfriend.
"Nothing," ani ko at tinignan si Jonas. "Back off."
Naglakad ako papasok at malaki ng talaga ang mansion ng mga Buenaventura. Napapaligiran ito ng mga puno at halaman at malulula ka sa taas ng bahay nila na para kang nakatira sa palasyo. Naglakad ako at nakita ko sa gilid ang malaking duyan na punong puno ng unan at sa gilid nun ay isang malaking shelves at mayroong mga bow at arrow? Napailing na lamang ako at agad na pumasok sa loob at ang gold staircase nila ang unang bubungad sa iyo pagpasok mo.
"Wow!" Narinig ko ang boses ni mommy sa hindi malayo Sinong hindi mamangha sa bahay nila? Puro ginto ang makikita dito lalo pang naging maganda dahil sa mga furniture at iba pa. I wonder about kung saan ang room ni Athena dito.
"Magandang umaga, hinihintay na kayo ng emperador sa dining area," ani ng isang maid na mukhang galing pang Spain dahil sa angking itsura nito.
Mabilis kaming sumunod sa kanya at nandoon na nga sa mahabang lamesa ang mga Buenaventura kaso kulang sila, wala kasi ang nag-iisang babaeng apo ng Chairman. We bowed our heads at pumunta sa aming upuan, sa aking harapan ang kaibigan kong si Archer na tumango at tinaas ang baso ng cocktail.
"May hinihintay pa tayo," ani ng daddy ni Mrs. Buenaventura. "Ang batang 'yun ay palaging lamang huli, hindi na natuto."
"She's so busy with her business that's why..." ani ni Archer at natawa naman ang kanilang mommy.
Hindi rin naman nagtagal ay narinig namin ang malakas na busina ng motor at alam kong kay Athena 'yun. Umayos ako ng upo at agad na nakita si Athena wearing high waist pants, black halter top, chelsea boots, and her hair is in crimper style. She looks like a fairy but in a gangster look, idagdag mo pa na alam kong may baril s'yang nakalagay sa kanyang belt kaya mukhang maangas na naman ang entrance niya.
"Lo siento, llego tarde," aniya sa magalang ngunit pormal na boses.
Translation: "I'm sorry, I'm late,"
Damn. Gusto ko na tuloy umuwi kasama si Athena, she screams like a powerful lady with a bow and arrow. Huminga na lang ako ng malalim dahil baka makalimutan ko na nandito ang pamilya niya. Tinignan ko s'ya na hindi man lang ako tinignan kaya naman napanguso ako ng kaunti.
Sungit.
"Kinausap ko ang mga tao sa school at ang sabi ay wala silang nakita o naramdaman man. Sinabi ko rin sa kanila na magbibigay ako ng mga tao para kung sakali man na mapagod sila ay may papalit sa shift nila, ayon sa utos mo emperor," bungad ni Athena nang makaupo na s'ya.
"Uh, hindi namin maintindihan ang nangyayari." Napatingin sila kay lolo. "Alam kong hindi kami pwedeng magtanong ngunit gusto kong malaman kung bakit nangyari… kung ano man ang nangyari kanina sa gym ng school."
Bruce cleared his throat. "Isa lang 'yun sa aming mga kalaban na nais na makuha ang position bilang emperor. Alam niyo na naman ang tungkol doon ngunit ang mga anak ninyo ay hindi. Gusto ko rin namin kayong makausap dahil dito, nais namin na tumulong dahil hindi namin inaasahan ang tungkol dito."
"Wag kayong mag-alala dahil hawak ko ang ibang tao at nandyan ang empire guards para na rin sa kaligtasan ng inyong pamilya," ani ni Athena at tinignan ako. "At hindi ko hahayaan na maulit ulit ang nangyari."
My heart skipped a bit that's why I bit my lip and stared at my cocktail glass. Nag-usap sila tungkol sa business at maging sa kung ano ang dapat gawin sa school, marami na rin ang takot pumasok ngunit ani ni Bruce ay sila na mismo ang kakausap sa mga magulang. Alam kong kaya nilang gawin na kalmado ang mga to dahil malaki ang tiwala ng mga tao sa pamilya nila.
"Balita ko ay madalas na kayong magkasama ng anak ng mga Sandoval, Athena?" biglang tanong ni Mrs. Buenaventura.
Natigilan ako at napatingin kay Athena na kalmado ang mukha ngunit ang mga mata ay wala na namang emotion kagaya ng nakasanayan ko.
"Hindi ka ba nahihiya sa iyong ginagawa? Nitong taon lang namatay ang fiancè mo at ngayon, kasama mo naman ang anak ng mga Sandoval?" sarkastik ang tanong ni Mrs. Buenaventura.
"We're dating," seryoso at malamig na sambit ni Athena. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya. "Ano naman sa 'yo ngayon? Akala ko ba wala kang pakialam sa akin? Hindi mo naman ako anak hindi ba?"
"Hindi kita magiging anak dahil anak ka sa ibang babae. The flirty, ambitious, and very hypocritical woman kaya hindi ko matanggap na nandito ka sa harapan naming lahat," nakangising sagot niya.
Napalunok ako ng makita na masyadong mahigpit ang hawak ni Athena sa baso habang nakatingin sa plato. Tsaka s'ya nag-angat ng tingin at doon lumabas ang pula niyang mga mata, kami lang ang nakakita nun dahil nakatalikod s'ya kina mommy. Napalunok ako at nakita ko ang kaba at takot ng tatlong lalaki na Buenaventura lalo pa sila Rina na lumapit na at halatang napansin ang nangyari.
"Wag na 'wag mong idamay ang nanay ko dito, Victoria. Alam mo ang kaya kong gawin sa mga katulad mo at kung tutuusin ay wala ka dapat dito sa mansion..." nakangising sambit ni Athena, titig na titig ang mga pula niyang mg mata sa kanya. Napalunok ako. "Wala kang alam sa nangyayari at kung meron man, konti pa lang 'yun sa katotohanan. 'Wag kang umasta na para bang alam na alam mo kung sino ako dahil simula ng ginawa mo ang bagay na 'yun sa mama ko, nakalimutan kong Buenaventura ka."
"Stop it!" si emperor.
Natigilan si Athena at unti unti na ring bumalik sa normal ang mga mata niya bago s'ya umiwas ng tingin.
"Kung sasabihin niyo na naman na bawal ang pagmamahal..." nagsalita na naman si Athena. "I'm in a relationship with him and I will do anything for him."
Literal na tumigil ang aking mundo sa kanyang sinabi. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya na nakatitig sa aking mga mata.
Ngumisi s'ya.
"Hindi niyo na kailangan pang magtanong ng paulit-ulit dahil totoo ang sinabi ko," aniya sa seryosong boses. "At kung sino man ang maging hadlang sa kung anong meron kaming dalawa, hindi niyo nanaisin na mas lalong gumulo ang pagitan nating dalawa."
Hindi ko alam ang aking sasabihin, para akong nakalutang sa ere. Hindi ko alam kung totoo ang mga sinasabi niya, gusto ko s'yang puntahan at yakapin ngunit alam kong nasa akin ang mga mata nila. Naghihintay ng confirmation kung totoo ba ang sinabi ni Athena sa kanila.
"Yes..." I said seriously, hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngunit masaya ako. "I'm in love with her, very much in love."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top