Chapter 32

Athena's Point Of View:

Napatingin ako kay Kiro na masarap ang tulog habang nasa ibabaw ko. Nawalan s'ya ng malay kagabi at hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Ang alam ko lang ay may luha sa mga mata niya. Huminga ako nang malalim dahil ngayon ang awarding namin sa school at sana walang mangyaring masama sa aming lahat. 

"Athena..." bulong ni Kiro sa aking tainga, ang sarap at kalmado sa aking pandinig.

"Good morning," mahinang sambit ko at umalis na naman s'ya sa ibabaw ko ngunit nanatili ang braso niya sa aking baywang na para bang mawawala ako kaya napangiti ako. 

This is our third day of dating and I don't know how to feel. May parte sa akin na gusto ko ang ganitong pakiramdam ngunit natatakot ako na baka hindi niya ako matanggap kapag nalaman niya ang tungkol sa akin. Ganito siguro ang pagmamahal na tinatawag ng ilan, ito 'yung pakiramdam na masarap ngunit masakit. 

"We'll be late kaya tara na," ani ko at inayos ang buhok ko. "Bakit ka nga pala nawalan ng malay kagabi?'

Kumunot ang noo niya. "I don't know. Ganon ako minsan at kung minsan naman ay binabanggit ko ang pangalan na Kyle."

"What?" Natigilan ako at napatitig sa kanya dahil sa kaba na nararamdaman ko. 

Tinignan niya lang ako habang ako ay hindi alam ang gagawin dahil sa kaba na nararamdaman ko. Mali siguro ang narinig ko pero bakit ganito ako kung kabahan? Magsasalita sana ako ngunit naunahan niya na naman ako. 

"I realize it's strange, but I can't help it. When I see you, my head sometimes hurts, and if we are that close, my memories become foggy," aniya sa seryosong boses. 

"You are not joking right?" natatawang tanong ko at ramdam ko ang pangingilid ng luha sa aking mga mata. 

"I am not," aniya sa malamig na boses. "Can you please leave?"

Mas lalo akong napasinghap at tinignan s'ya na nakatingin sa malayo. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at ako na mismo ang umalis, naguguluhan ako at nagtataka. Tinignan ko s'ya na tumayo at pumunta sa banyo, napalunok ako at agad na tumakbo papunta sa elevator at sa hindi malamang dahilan, nasasaktan ako. 

Palagi kong iniisip na hindi sila pareho dahil gusto kong mas makilala pa si Kiro at gusto kong maging fair. Ayokong isipin na pareho sila dahil alam ko sa sarili ko na  hindi maganda ang result ng lahat ng ito. 

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Joy. 

Nandito na agad ako sa school at hindi ko alam kung bakit wala akong gana, hindi ko alam kung bakit tamad na tamad akong kausapin si Joy. Tumango na lamang ako at hindi nagtagal ay nakita ko sa hindi kalayuan si Kiro. Napatingin kami sa isa't isa at 'yun na naman ang kakaibang pakiramdam na s'ya lang ang nakakagawa sa 'kin. 

"Himala at hindi kayo magkasamang dalawa? Dati ay halos hindi na namin kayo mapaghiwalay at mga walang hiya sa harapan ko pa naghahalikan!" si Joy sa madaldal na boses. 

"Dapat pala bumili ako ng tape para naman manahimik ka," pabiro kong sambit kaya naman masama niya akong tinignan. 

"Ano ba kasing nangyari? Nalaman niya na ba na assassin ka?" nakangising tanong niya. "At ikaw ang nag-iisang lady empire ng inyong weirdong palasyo?"

Natawa ako at napailing na lamang. Maya maya ay dumating na ang mga bisita at mga players sa aming school, hindi mawawala ang mga Buenaventura sa kanilang maroon na casual suit. Tinignan ko si Kiro at hindi ako mapakali na hindi niya ako kinakausap. Ano ba kasi itong nararamdaman ko? Ito na ba 'yung sinasabi nila na in love?

We all gasped at what I heard because we thought it was okay, that we had won but it turned out to be false. "Good morning to all of you! I just wanted to congratulate you because you were able to take the championship but we had a tie and had to fight again with two basketball players and volleyball players with billiards." 

Tinignan ko ang mg players at sa dulo nun ay nakita ko si Jonas. Isa pa 'to, lagi akong binibigyan ng sakit ng ulo. Hindi ko rin talaga maintindihan ang ugali na meron s'ya dahil may girlfriend na s'ya ngunit ang tigas pa rin ng ulo niya. Huminga ako nang malalim at agad na tinignan ang coach na nasa unahan. 

The coach looked at us, and I knew what he was looking at us for—that was to make the school win against them. "The first players will be the billiards players, which will have two sets, and then next will be the volleyball and basketball players. We expect a good and equal game from you, thank you." 

"Athena," tawag sa akin ni Alfred kaya agad akong tumayo at pumunta sa kanila. Kasama niya pala sila Alonzo at Archer. "After this, lolo wants you to join our family dinner and he wants to learn about your business operations around the world."

"Pupunta ako kay mama mamaya at kailangan ko ring mag-aral dahil malapit na ang exam namin," sagot ko sa mahinahon na boses. 

He sighs in irritation. "You must go whether you want to or not since the Empress also wants to see you."

I looked at him and I was about to speak when he walked away. I sighed and rolled my eyes mentally. Pumunta ako sa labas at 'yun na naman si Jonas, huminga ako nang malalim at agad s'yang tinignan.

"Bakit mas pinili mo ang volleyball kaysa sa billiard?" tanong niya. 

"Kailangan ko pa bang sabihin ang dahilan?" tanong ko at nagtaas ng kilay. "Alam ba ng girlfriend mo na palagi kang nandito at nanonood sa laro?"

"She didn't know that I was here but anyways..." he said. "Nakita ko kayo kausap ang mga gangster at alam mong galing ka rin doon. Alam mo rin na delikado ang mga tao ni Jaguar dahil alam mo na hawak nila ang naging kaaway mong boss noon."

"May atraso sa akin ang mga 'yun dahil sa nangyari kay Kiro," sagot ko.

Natigilan s'ya at tinignan si Kiro na nakatingin sa amin kaya iniwas ko ang aking paningin at tinignan si Jonas. Maglalakad na sana ako ng isang tanong ang nagpatigil sa akin. 

"It was obvious that he looks like your ex-fiance...are you in love with him to the point na akala mo ay s'ya si Kyle?" tanong niya at seryosong seryoso ang mga matang nakatingin sa akin. 

"Labas ka sa kung anong meron kami ni Kiro at oo, I fell in love with him so please, leave me alone and go to your girlfriend." Tinignan ko sa malayo si Kylee na may hinahanap, maliit akong ngumiti sa kanya at agad na pumasok sa gym dahil nakalimutan ko kung bakit ako lumabas. 

Naglakad ako at isang matigas na kamay ang humawak sa akin at hindi ako nagkamali na si Kiro 'yun. Tinignan niya ako nang masama at tinignan ko naman s'ya ng malamig dahil hindi ko nakakalimutan ang ginawa niya kagabi. 

"I'm sorry..." He said sweetly and bit his lip. Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil may parang kung ano sa aking puso ang nagustuhan ang kanyang ginagawa. "I didn't mean to do that. Athena, hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero gustong gustong kita bilang ako, bilang isang Sandoval."

Mabilis ang tibok ng ang aking puso habang nakatingin sa mga mata niya. Napasinghap lamang ako nang tumunog ang buzzer kaya natawa s'ya. Hinila niya ako para sa isang yakap kaya para akong nakahinga ng maluwag sa ginawa niya. 

Wow isang sorry lang maayos agad. Iba ka, Athena. 

"Tara doon," aniya at agad akong inalalayan papunta sa mga kaibigan namin. "Let's date tomorrow. My treat of course."

"O-okay..." mahinang sagot ko at ngumisi naman s'ya at hinawakan ang baba ko. 

"Hindi ko dapat ginawa sa isang Athena Buenaventura ang bigla na lang paalisin ng walang sabi," aniya at ang kanyang mga mata ay mapupungay. "I'm really sorry, sugar, I won't do that again."

I smiled and nodded my head. We watched the game and we both enjoyed it at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko dahil nga kinakabahan ako. Tila naging mabilis ang lahat at bigla na lamang nawala ang mga ilaw at lahat ng estudyante ay sumisigaw at nagsimula na akong kabahan.

"Shit!" sigaw ko at mabilis kong kinuha ang cellphone ko ngunit bago 'yun ay napasinghap ako ng bumukas ang ilaw sa gitna at doon nakita ko ang mga kalaban kong assassins. 

Napasinghap ako dahil lahat ng tao ay puro dugo at ang iba ay walang malay. I gulped at tinignan sila Rina sa kabila na nakaharang sa Emperor na nakatayo at malamig ang tingin sa lahat. Ang mga estudyante ay takot na takot dahil ang iba sa kanila ay kanya kanya na ang alis at takbo ngunit isang malakas na putok ng baril ang narinig namin. 

"Long time no see Lady empire," malamig na sambit ng nakasuot ng dragon mask. "Due to your foolish actions, I haven't been able to find you for a month."

"This is not a good place..." malamig na sambit ko at tinignan ang mga tao na nasa gilid. "There are a lot of civilians here, so keep this school by itself."

"What if we don't?" aniya na para bang nang-aasar. Ang limang tao na kasama niya ay nakapalibot sa kanya at dahil matangkad s'ya ay nakikita ko ang katawan niya. Nakasuot s'ya ng black at red na hanggang tuhod nila ang haba. Kanya kanya silang hawak ng samurai at ang iba ay may latigo at axe pang hawak. 

Mariin ko s'yang tinignan at akmang maglalakad nang may nakuha silang isang teacher at nanlaki ang mata ko nang gamit ang axe ay ginilitan nila ito sa leeg. Huli na para maligtas ko ang teacher na 'yun dahil sumirit ang dugo sa aking damit at ganun rin sa sahig. 

"Damn it!" si Alfred sa malakas na boses at napalunok ako ng tumawa sila nang malakas. 

"Being the lady empire of Spain. I bet you won't see us killing people right?" aniya at gumalaw ang mask tanda na nakangisi ito na para bang nag-eenjoy sa kanyang ginagawa. "See you in hell, lady empire. You better watch out or never turn around."

At bigla na lamang silang umalis habang ako ay nakatulala na lamang. Ang mga itim at pula na lamang mga tela ay nasa sahig kasabay nun ang pagbubukas ng ilaw. Lahat ng tao ay umiiyak at nakatingin sa akin. I clenched my fist and stared at my family. They never want me to do this but I can't help but to stare at them using my red empire eyes. 



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top