Chapter 31
Kiro's Point Of View:
Gusto kong magalit kay Athena dahil talagang pumunta pa s'ya dito. Nagagalit ako dahil hindi niya alam ang ginagawa niya at hindi ako papayag na my mangyari na hindi maganda sa kanya. Tinignan ko s'ya na nakatayo sa unahan habang ako ay abala sa kung ano man. Napasinghap ako nang gamit ang isa niyang paa ay tinulak niya ang upuan ko dahilan para mahulog ako at mas naging better ang posisyon ko.
"Gawin niyo na ang gusto niyong gawin sa babaeng 'yan!" si Jaguar sa malakas na boses.
Isa-isa silang sumugod kay Athena na kalmado lang at walang pakialam. Isang malakas na suntok ang ginawa niya sa isang tao dahilan para umatras ito, isang sipa sa tiyan ang ginawa niya sa isa pa, at isang malakas na suntok sa panga ang ginawa niya sa huli. Tumayo ako at naglakad papunta sa gilid dahil masakit ang paa ko at hindi ko kayang maglakad!
"Kiro, fucking move!" si Athena sa iritado ng boses at tumalon para umilag sa kahoy na ginamit ng kalaban.
"I can't!" sigaw ko at umupo sa gilid dahil masakit talaga ang paa ko.
Biglang namatay ang ilaw kaya agad akong kinabahan na baka may mangyari na hindi maganda. Boses lamang ang naririnig ko at hindi pa ako sigurado kung boses ba 'yun ni Athena. I closed my eyes because my head hurts again. Ito na naman ang sakit ko kapag nandyan si Athena, hindi ko talaga maintindihan kung bakit palagi akong ganto.
"Athena..." bulong ko nang may maramdaman akong humawak sa aking mga braso.
"Akala ko ba Dragon ka? Bakit naisahan ka ng mga 'to?" aniya na para bang galit pa dahil sa nangyari sa akin.
"They put me in a garbage bag and tied me up there. Tell me what should I do huh? I can't fight!" iritadong sagot ko.
The lights back and I saw Rina, Chase, and Sky together with my friends. Mga nakaupo pa sila sa lamesa habang pinaglalaruan ang kanya kanya nilang dagger na hindi ko alam saan nila nakuha. Tinignan ko sila na nakatingin sa akin, walang emosyon ang mga mata at diretso lang ang tingin sa akin.
"Are you okay, bro?" tanong ni Austin at kinuha ako kay Athena na seryoso ang mga matang nakatingin sa akin. Tumango na lamang ako.
"Hindi ka namin nakita kanina nung nasa parking lot tayo. Nag-alala kami dahil wala man lang kaming narinig at mabuti na lang at nakita agad namin si Athena," ani ni Matthias.
Tinignan ko si Athena na nakatayo sa gilid at ngayon ko lang napansin na lahat ng tao dito ay wala ng malay at ang iba pa ay puno ng dugo ang katawan. Hinahanap ng mga mata ko si Jaguar dahil hindi ko makita ang mukha niya.
"Kung hinahanap mo s'ya, tumakbo na s'ya na parang aso kasama ang mga tao niya na kasama niya habang nandito kami," ani ni Sky at ngumuso.
Naglakad kami habang hawak ako ni Athena na hindi man lang nagsasalita. Isang malakas na putok ng baril ang narinig ko at nanlaki ang mga mata ko nang muntik nang mawala sa hawak ko si Athena.
"Fuck you!" si Chase sa malakas na boses at binaril sa ulo ang lalaki kaya napangiwi ako at napalunok. "Athena, ayos ka lang?"
"Yeah...a bit," bulong ni Athena at tinignan ako. "You okay?"
Natigilan ako at napatingin sa mga mata niya. Bakit ba palagi niya akong nililigtas at tinatanong kung maayos ba ang lagay ko without asking herself if she's okay? Ganito ba talaga ang isang Buenaventura na katulad niya? Tumango ako at hindi makapagsalita dahil sobra pa sa sobra ang ginagawa niya para sa akin. Ilang beses niya na akong niligtas. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil ito ang unang pagkakataon na may isang tao na nagawa akong iligtas.
"Athena...okay ka lang ba?" tanong ko nang makapasok kami sa kotse.
She looked at me intently. "Hindi ako pwedeng hindi maging okay, Kiro. Hindi ako pwedeng maging mahina kung kaya ko naman maging matapang."
Hindi na ako sumagot at agad na naging tahimik ang byahe namin kahit pa nag-aalala ako sa tama ng baril na nasa braso niya. Nakarating kami sa Sandoval building at agad s'yang bumaba at maya maya ay binuksan niya ang pinto at hinawakan ang kamay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko pero wala akong maramdaman kundi ang pag-aalala sa katawan ko.
"Pwede bang samahan mo ako matulog?" malambing ang boses ko kaya natigilan s'ya at napatingin sa akin.
"Sigurado ka?" bulong niya, tama lang na hindi marinig ng mga kasama namin.
"Gusto lang kitang makasama. Gusto kong bumawi sa 'yo sa gabi na 'to," mahinang sagot ko.
Tinignan niya ako ng matagal kaya ganun rin ako sa kanya. Tumango s'ya at ngumiti naman ako at gusto ko na agad na pumunta sa kusina para magluto. Nang makarating kami ay may kinausap pa muna si Athena bago kami pumasok sa loob, nagpaalam na rin sina Austin at alam kong marami silang tanong pero nanahimik na lang rin.
"Nasaan ang medicine kit niyo?" tanong niya ng makapasok kami.
"Sir? Anong nangyari sa 'yo?" Napatingin kami sa assistant ko at natigilan s'ya ng makita si Athena. "Lady Athena."
Nagtataka ko silang tinignan dahil para na nilang kilala ang isa't isa.
"Ikaw pala, long time no see." Ngumiti ang assistant at yumukod bilang paggalang. "Pwede mo bang sabihin sa akin kung nasaan ang medicine kit? Ikaw na rin sana ang bahala kay Kiro."
"Sure," pormal na sagot ng aking assistant at agad na sumama kay Athena.
Huminga ako nang malalim at agad na sinabi kay Drake na gusto kong umalis muna s'ya para naman makasama ko si Athena. Dahil abala pa si Athena ay agad akong pumunta sa kwarto kahit pa masakit ang paa ko, mabilis akong nagpalit ng damit at agad na lumabas. Wala pa rin si Athena kaya tahimik kong nilabas ang dalawang wine at binuksan ang television para sa music.
Sakit ng paa ko pero ayos lang, makakasama ko naman si Athena.
"Sige na, ako na ang bahala dito. Doon ka muna kina Austin mukhang hinahanap ka nun," ani ko sa kanya.
"Galingan mo," nakangising sagot niya at nagawa pa akong tapikin sa balikat.
Ilang minuto lang ay lumabas si Athena at gulat na nakatingin sa akin. I dimmed the lights at tanging ilaw lang sa malaking bintana sa gilid ang nakikita namin. Tinapik ko ang sofa habang nasa unahan namin ang wines at ibang pagkain.
"Akala ko ba ay matutulog?" tanong niya at ngumisi naman ako. "Kiro!"
"What? I want to treat you about what you did kanina sa basketball court," sagot ko at tinignan s'ya na nakasuot ng sando kaya napalunok ako. "Ang galing mo kanina."
"Hindi naman," aniya sa mahinang boses. "Magaling ka na ba? Hindi ba may sakit ka?"
"Nakita na kita kaya okay na agad ako," natatawa ng sambit ko.
Napailing naman s'ya at s'ya na mismo ang kumuha ng wine at wine glass. Tinignan ko ang braso niya at nakita kong maayos na nakalagay ang isang cloth doon. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang magandang moon sa labas.
Ang ganda nun. Parang 'yung katabi ko lang, hindi nakakasawang tignan.
"Nasabi ko na ata ang tungkol sa buhay ko..." aniya at binigay ang wine glass. "Wala naman talaga akong pakialam kung gusto mo ako, hindi ko nga alam kung paano at bakit dahil una pa lang ay ayaw mo na sa akin."
Natigilan ako at uminom ng wine. "I don't know how it started. I hate you so much dahil pakiramdam ko ay nakukuha mo ang atensyon ng iba. Pakiramdam ko ay nawawala ang spotlight na dapat akin lang, ang yabang yabang mo pa."
"Your reason was too lame to believe. Hindi na ako naniniwala sa relationship that last na 'yan, simula ng mawala sa akin si Kyle ay pakiramdam ko kapag nagmahal ako ay mawawala rin naman."
Tumango ako. Ganun rin ako, pareho kaming galing sa broken relationship at naiintindihan ko kung bakit ganun na lamang ang reaksyon niya. Mahirap nga naman talaga na magmahal kung galing ka sa isang relasyon na nagbigay sa 'yo ng kakaibang trauma at sakit.
"Naiintindihan kita dahil naranasan ko na rin ang mga bagay na 'yan..." mahinang bulong ko at tinignan s'ya na nakatingin sa labas ng bintana. "Pero pwede bang 'wag na natin balikan pa ang nakaraan at mag-focus na lang sa kung anong meron sa atin ngayon?"
Napatingin s'ya sa akin at inaamin kong kinabahan ako sa tingin niya. I want to focus on her kahit pa alam kung babalik na ang isang tao na ayaw na ayaw ko. I want to cherish and love her in a good way, I want her to be at ease dahil pakiramdam ko ay kailangan niya ng pagmamahal na hindi niya naranasan sa pamilya niya. I want to gave the love she deserves.
"Anong meron ba tayong dalawa?" mahinang tanong niya at sumandal sa aking balikat kaya naman nilagay ko ang braso ko paikot sa kanyang balikat. Napangiwi ako sa sakit ngunit huminga lang ako ng malalim. "Hindi ko rin maintindihan ang meron sa ating dalawa ngunit masarap ito sa pakiramdam. I used to live in a palace where love is forbidden and every people fall in love but they don't love the person."
"Loving you is like a wildfire, cause instead of being scared, I’m more attracted to you," I whispered softly because I want to tell her those words again and again. "I fall for you everyday, sugar. Palagi mong tandaan 'yan. I change because of you, I change because I want to prove to you that this gangster will change."
Naramdaman kong ngumiti s'ya at hinawakan ang baywang ko. I kissed her head softly and stared at the beautiful moon outside. Biglang tumunog ang isang malamyos na musika kaya napatingin kami sa isa't isa. Tumayo ako at pinilit ang sarili na makatayo at hinila ang kanyang kamay.
"Sumayaw tayo hangga't sa gusto natin...I want to dance with you forever until we reach the point that we will die together..." bulong ko at marahan na hinawakan ang magkabilang baywang niya.
"Gusto kong sumayaw kasama ka hanggang sa matapos ang gabi na ito pero maganda sana kung hindi na matapos pa," bulong niya at nilagay ang mga braso niya sa leeg ko.
Ang mga mata niya. Marami itong sinasabi na hindi kayang sabihin ng mga labi niya, gustong gusto kong laging nakikita ang mukha niya. Para itong langit sa sobrang payapa at ang kanyang mga mata na kulang na lang ay sambahin ko sa sobrang ganda ng mga ito.
"Ang ganda ganda mo prinsesa ko..." bulong ko at inayos ang bangs niya.
And for the first time I saw her genuine smile together with her dimple. Napangiti ako at niyakap s'ya habang gumagalaw ang aming katawan kasabay ng malamyos na musika. Huminga ako nang malalim at pinikit ang aking mga mata.
"This is me, Kyle..." Kusang lumabas 'yun sa aking bibig ngunit mukhang hindi niya ata narinig kaya napangiti ako. "See you in our next life mi princesa."
And with that my tears rolled down to my cheeks as I closed my eyes. I need to let her go. I need to let her be with Sandoval.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top