Chapter 29

ALL STAR GAME

Kiro's Point Of View:

Maaga pa lang ay gising na ako at hindi maganda ang pakiramdam ko. Napasinghap ako nang maramdaman na parang may kung ano sa aking tiyan ko kaya mabilis akong tumakbo papunta sa banyo. I closed my eyes and I felt like I'm dying dahil sa nararamdaman ko pero kailangan kong maglaro para manalo ang aming school, instead of wasting time here in the bathroom I immediately took a bath. 

Sinuot ko ang black uniform namin dahil kailangan namin pumunta sa school ng mas maaga. Mabilis kong kinuha ang susi ng kotse ko at agad na dinala ang gamot para sa sakit ng ulo. Huminga ako nang malalim at naisip ang pinag-usapan namin ni Athena kagabi, napangiti ako dahil pumayag s'yang mag date kaming dalawa. Mabilis akong nakarating sa school at nandoon na nga ang bus for players kasama ang iba pang students ng school.

"Bro, you okay? You look pale," ani ni Charlie at tinignan naman ako nila Jordan. 

"Tss. I'm good. Nasaan na ba ang mga kasama? May short briefing pa ba?" tanong ko.

"Wala na daw since maaga ang laro sa ibang school," ani ni Austin. 

Marami ng estudyante ang dumating pero isang tao lang ang hinahanap ko at nang sa wakas ay nakita ko na s'ya ay napangiti ako ng maliit. Pupuntahan ko sana s'ya ngunit masyadong maraming tao dahil na rin sa masama ang pakiramdam ko ay hindi na rin ako naglakad papunta sa kanya.

"Babe!" Si Stephanie sa malakas na boses at hinila ako papunta sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang makita si Athena na naglalakad papunta sa akin ngunit huminto s'ya at tinignan si Stephanie. 

"Athena, move!" Napatingin ako kay Alexander nang hawakan niya ang kamay ni Athena na nakatingin pa rin sa akin. 

I was about to smile but she moved away and nod her head to Alexander. My jaw clenched and sighed. Marami na ring estudyante at nakita ko na sina lolo at ang iba pang coach kaya naman agad kaming umayos, lalo na ako. Huminga ako nang malalim at mas lalong niyakap ang sarili dahil hindi ko talaga kaya ang sakit ng katawan ko. 

"Are you okay?" nag-aalala na tanong ni Stephanie. "Oh, my God! You're sick."

I avoided my face and shook my head. "Mawawala rin 'to mamaya. Shut up please, I need peace."

Hindi na rin s'ya nagsalita kaya naman pumikit ako nang mariin at agad na tinignan si coach na nagsasalita sa unahan. 

"It's the third day of the all-star game, so he urged everyone to work hard and be patient. There are many schools that want to win the championship, so I want you to organize the game better," he said. "I know the game is hot when it gets on the court. Let's do this boys. I also want you to prevent fouls and traveling, especially for basketball players." 

Nakarating kami sa isang university malapit dito sa Laguna. Mabilis na lumabas ang mga estudyante habang ako ay hawak ni Stephanie sa braso, hindi na ako nagsalita at hinayaan s'ya dahil mukha s'yang nag-aalala. Tinignan ko si Athena na kasama sina Rina kaya hindi na rin ako nagsalita pa. 

"I'm okay, Steph. Mawawala rin 'to mamaya," iritadong sambit ko. 

"Are you serious? You can't play in that situation! You better excuse yourself and rest. I will call Kayleigh about this," sagot niya sa galit na boses. 

"Don't..." ani ko at tinignan s'ya. "Don't ruin my mood, Steph."

Umalis ako sa harapan niya at mabilis na pumunta sa gym. Naglakad ako at muntik na akong mahulog ng may dalawang kamay ang humawak sa kamay at braso ko, napatingin ako doon at nakita si Athena. Seryoso ang mga tingin niya at agad akong umiwas ng tingin sa kanya dahil malamang sa malamang ay alam niya na ang sitwasyon ko ngayon. 

"Hindi ka dapat nandito," aniya at inalalayan ako maglakad. "Hindi ka maglalaro na ganyan ang kalagayan mo, mas mabuting magpahinga ka."

"I can't watch knowing they might get the championship!" iritadong sambit ko at kumunot naman ang noo niya. "I won't let them! Maglalaro ako at maayos ang pakiramdam ko."

Nagtaas s'ya ng kilay. "Tingnan lang natin kung hindi ka mawalan ng malay sa gitna ng court."

Nagsimula ang laro namin. Huminga ako nang malalim dahil magaling ang mga players sa kabila at matangkad rin, tumakbo ako habang hawak ang bola at mabilis kong na-shoot 'yun. Sumigaw ang mga kasama namin kaya ngumisi ako at agad na ipinasa kay Jordan ang bola. Napatingin ako sa gilid at nakita ang seryosong si Athena habang ang mga braso ay nasa taas ng kanyang mga dibdib. 

"Kiro!" Kinuha ko agad ang bola at tumakbo. Umikot ako at sa ginawa ko ay para akong nahilo pero mabilis rin akong nag slum dunk kaya pumasok ang bola. 

"Boy, may sakit ka baka mawalan ka ng malay dito," nakangising sambit ng isang player galing sa kabila. 

"Kaya ko," mariin na sagot ko kaya mas lalo s'yang ngumisi. "Tang ina!"

Nakuha niya ang bola at agad na tumakbo, hinihingal na agad ako kaya huminto ako at hinabol ang aking paghinga. Tumakbo ako pero nahilo ako kaya hinawakan ko ang mga tuhod ko dahil nagdidilim na ang paningin ko, pinikit ko ang mata ko. 

"Anong nangyari kay Kiro?"

"Oh, my God! Malaki na ang points sa kabila!"

"Is he sick? Bakit ang hina niya ngayon?"

Wala akong marinig dahil para akong nabingi at ang pakiramdam ko ay iba na. Narinig ko ang isang boses at nakita ko si Athena na hinawakan ako at hinila, nagtawag agad s'ya ng break at wala na akong magawa pa ng bigyan niya ako ng tubig. Tinignan niya ako at hinihingal pa rin ako at pawis na pawis. Hindi ako makatingin sa kanya dahil guilty ako, guilty dahil hindi ko s'ya pinakinggan. 

"Anong nangyayari sa 'yo Kiro? You're sick?" tanong ni coach at mukhang may problema na naman. 

"Yes coach..." mahinang bulong ko at napahawak s'ya sa kanyang noo. "...Pero kaya ko, coach!"

"Hindi mo kaya," sambit ni Athena. "Magpahinga ka dito."

Tinignan ko s'ya at para kaming nag-uusap sa aming mga mata. Iniwas ko ang aking paningin at huminga nang malalim. 

"Malaking problema ito, kung wala si Kiro sa court ay baka talagang matalo tayo. Malaki na ang points sa kabila at ilang oras na lang ay end na ng quarter." Napatingin ako kay coach na hawak ang isang white board. "Hindi ka maglalaro, Kiro. Ako ang papagalitan ng lolo mo kapag hinayaan kitang maglaro. Gagawa tayo ng paraan a—"

"Akin na ang jersey mo." Napatingin ako kay Athena. "Ako ang papalit sa kanya."

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap naman ang mga kasama ko. Tinignan ko s'ya na kalmado ang mga mata at mukhang hindi nga s'ya nagbibiro. 

"A-Athena?" tawag ni coach. "Sigurado ka ba sa ginagawa mo? Pwede tayong ma-disqualified kung malaman nila na babae ang papalit kay Kiro."

Ngumisi si Athena. "Marunong ako mag-basketball at sa tingin ko papayag naman sila since ang papalit na member kay Kiro ay marunong. Kung pipilitin ninyo na hindi pwede, paano ang points na lamang sa kabila? Hahayaan niyo na lang ba na matalo tayo? Maraming paraan, coach."

Speechless. Ang galing niyang kumausap ng mga tao sa paligid niya, parang kapag magsasalita s'ya ay kailangan may sagot ka o kaya naman kailangan mong sumunod sa kanya. Tinignan nila ako, kinagat ko ang labi ko lalo pa't nakahalukipkip na si Athena at mukhang ubos na naman ang pasensya. 

"Tsk. Magaling si Athena sa basketball, ikaw ba naman araw-araw na nasa kalsada," ani ni Joy na hindi namin napansin. "Sige na, ako ang sisihin niyo kapag natalo kayo."

Wala akong magawa kundi tanggalin ang jersey ko at natira na lang ay ang itim kong sando. Ngumisi si Athena at nag apir pa sila ni Joy na tumawa nang malakas, sinuot ng mabilis ni Athena ang jersey ko at agad niyang sinuot ang itim na cup. Kinakabahan ako sa kanya pero kagaya ng sinabi ni Joy ay kailangan lang naming manood at magtiwala sa kanya. 

"Basic lang 'yan sa kanya," natatawang sambit ni Joy habang pinapanood namin si Athena na tahimik na nakikinig. "Nung bata pa kami kasama ko na 'yan doon sa bakanteng lote. Kapag bored s'ya ay nandoon s'ya at puro lalaki ang kasama kaya naman natuto rin 'yang maglaro ng basketball."

Mabilis na tumunog ang buzzer at agad na pumunta si Athena sa court. Tumayo kaming lahat, mukhang nawala ang lahat ng sakit ko sa katawan nang makuha ni Athena ang bola at mabilis na tumakbo sa kabila. Napasinghap kaming lahat ng isang tapik niya lang sa balikat ng kalaban ay nagawa niyang lumusot sa kaliwa, mas lalo akong napasinghap nang magawa niyang pasayawin ang kalaban niya.

Mukha pa s'yang nag-enjoy dahil mukhang nahihilo ang kalaban sa kanya. 

"Gago talaga," natatawa ng bulong ni Joy. "Ganyan kapag dancer ka, nagagawang dalhin sa court."

Tumakbo na naman si Athena sa kabila habang dala ang bola. Napailing ako kung gaano niya kabilis na nalagpasan ang dalawang bantay sa harapan niya, umikot s'ya at akmang i-s-shoot ang bola ng umatras s'ya at ipasa ang bola sa team namin. Mukhang nalito ang kalaban at nang tumakbo si Athena papunta sa likod ay mabilis niyang nakuha ang bola at nag slam dunk!

"What the fuck?" gulat na bulong ko nang sumigaw lahat ng tao dito sa ginawa niya! 

"Waaah! Sino 'yang babae? Ang galing!"

"GO! GO! GO!"

"Oh, my God! Girlfriend ata ni Kiro 'yan! Ang galing!"

I clapped my hands and watched her every move. Lahat ng training na ginawa namin sa dance club ay dinala niya sa court kaya mukhang sumasayaw ang mga kalaban kapag sa kanya napupunta ang bola. Nakita kong papatirin s'ya ng kalaban ng tumalon s'ya at palihim na siniko ang kalaban kaya natawa ako at napailing na naman. 

"Damn!" si Jordan sa malakas na boses. The crowd make some noise kaya naman maski kami ay sumigaw dahil sa pinapakita ni Athena sa court. "Monster!"

Nang magkaroon ng break ay tinanggal ni Athena ang kanyang cup. Tumingala s'ya at tinignan ang score, 25 points ang ginawa niya kaya sumigaw kami. Gulat na gulat ang mga audience dahil nakita nila si Athena na pawis na pawis at hinihingal, lumapit agad ako at kinuha ang cup para ilagay sa ulo niya at halikan ang labi niya. 

"Ang galing. Mas lalo akong na in love," bulong ko at ngumiti sa kanya. "I'll treat you after this game."

She chuckled. "Magpagaling ka na lang muna. Tss. Utang na loob 'to."

Natawa ako at hinila na s'ya papunta sa bleachers dahil natapos niya ang laro ng walang ginawa kundi ang maging maangas at kalmado. 

Damn this girl.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top