Chapter 28
ALL STAR GAME
Athena's Point Of View:
Pinanood ko si Kiro sa basketball at tinignan ko ang bawat galaw niya at kung paano s'ya maglaro. Ilang taon na s'yang MVP at base sa aking narinig ay halimaw raw si Kiro pagdating sa basketball kaya naman gusto kong makita ang galing niya. Umupo ako sa bleacher kasama ang mga volleyball player. Bukas ay wala akong laro sa umaga at sa hapon lang ang laro ko. People here are screaming his name, sinong hindi? Kitang kita ang arm tattoo niya kahit pa may suot itong arm gloves.
"Bakit ang tagal mong dumating kanina?" tanong ni Joy.
Natigilan ako at naalala na naman ang nangyari sa room. Did I just twerk? Hindi ko pa nagagawa ang bagay na 'yun at ngayon lang, naramdaman ko na naman ang kamay ni Kiro sa aking katawan. Pinikit ko ang ulo ko at ilang beses na umiling. Isang hampas sa aking braso ang naramdaman ko kaya napatalon ako sa gulat.
"Hoy, 'te, okay ka lang?" naguguluhan na tanong ni Joy. "Ito ha, napapansin kong may something sa inyong dalawa. Nag-kiss na ba kayo?"
"Hindi ha!" Nanlaki ang mata niya at napatitig sa akin kaya napalunok ako at tumikhim. "I mean, hindi naman...uh, hindi kami nag—"
"OMG!" si Joy sa malakas na boses kaya inis ko s'yang tinignan. "Alam mo ha? Feeling ko may gusto sa 'yo si Kiro. Na-f-feel ko lang na may gusto s'ya."
Napailing na lamang ako at agad na nanood kina Kiro. Nakita kong nandoon sa unahan si Stephanie at panay ang sigaw, balita ko rin na fiancèe pala s'ya ni Kiro. Bumuntong hininga ako, bakit parang may parte sa akin na ayaw ko? May kung anong bumubulong sa 'kin na, nasasaktan ako kapag may ibang babae si Kiro. Ang gulo ng nararamdaman ko pero mas magulo s'ya.
"Punta muna ako sa canteen," paalam ko at agad naman s'yang tumango.
"Isang mineral water sa 'kin," aniya kaya tumango rin ako at kinuha ang hoodie ko para suotin.
Tinignan ko muna si Kiro at nang makuntento ako ay agad akong lumabas ng gym. Maliit akong ngumiti sa mga taong bumati sa akin at sa mga taong tinatawag ang aking pangalan. Tinignan ko pa muna ang room kanina at nakitang malinis na. Huminga ako nang malalim at nilagay sa magkabilang bulsa ang aking kamay.
"S'ya ba?" Narinig ko ang kung sino man bago ako pumasok sa canteen. "Puntahan niyo!"
Pumunta ako sa counter at sinabi ang mga gusto ko, bumili rin ako ng gatorade para kay Kiro. I was about to walk when someone blocked my way. I look at them at nakita kong hindi sila estudyante ng school, ang iba sa kanila ay nakaupo sa lamesa. Ang iba naman sa kanila ay nakatayo at nakatingin sa akin, habang itong dalawa naman ay nasa aking harapan.
"Totoo nga na maganda ka," natatawa ng sambit ng isang lalaki. Malaki ang katawan, medyo pula ang mga mata, at maraming tattoo sa katawan.
"Anong kailangan niyo?" tanong ko, hindi ko kilala ang mga 'to dahil mukha silang gangster.
"Balita ko ay malapit kayo sa isa't isa ni Dragon?" Napatingin ako sa nakaupo sa upuan habang nakataas ang paa sa lamesa. "Jowa ka ba niya?"
Nagtaas ako ng kilay. Dragon. Kilala ito ni Kiro at hindi ako pwedeng magkamali na isa ito sa mga gangster. Huminga ako nang malalim at napatingin sa unahan nang makita ang galit na si Kiro. Tapos na ang laro nila?
"Jaguar!" si Kiro sa malakas na boses, galit na galit ang mga mata niya. Kasunod niya ang mga seryosong sina Charlie.
Naglakad s'ya papunta sa aking harapan at ang nakikita ko na lang ay likod niya. Tumawa nang malakas ang Jaguar na tinawag niya at tinignan si Kiro.
"Wala pa kaming ginagawa sa chick mo at grabe ka kung mag-react," natatawang sambit niya. "Akala ko ba ay wala lang sa 'yo ang mga babae? Nagbago na ba ang pananaw mo ha, Dragon?"
"Did I tell you to come here? Sino namang tanga ang nagpapasok sa inyo dito?" galit at mariin ang boses ni Kiro.
Hinawakan niya ang braso ko na tila ba masasaktan ako. Napangiti ako nang maliit at hinayaan s'yang gawin 'yun, iba ito sa pakiramdam ngunit kakaiba ang dulot nito sa akin.
"Gusto lang namin na tingnan kung maayos at humihinga ka pa," ani ng isang lalaki na may benda ang kamao. "Naalala mo pa ba ang nangyari nung nakaraan? Inubos mo ang mga tao ko. Maraming nawala sa amin dahil sa 'yo. Anyways, long time no see, Dragon."
"Don't touch this woman." Napasinghap ako sa malamig niyang boses. Kakaiba ang aura niya, galit na galit talaga s'ya. "We can talk about it after this. Hindi kayo pwede dito."
Malakas na tumawa ang mga kasama noong Jaguar. Kung pwede ko lang suntukin ang mga 'to ay baka natapos na kami dito, maikli pa naman ang pasensya ni Joy at baka puntahan ako dito.
"Ang lambot ha?" natatawa ng sambit nung Jaguar. "Pinapaalalahanan ka lang namin, Dragon. Nandito lang kami para bigyan ka ng babala, matagal ka naming gustong saktan pero dahil ayaw namin na makasakit ng inosente ay hindi namin ginawa. Napag-utusan lang kami."
Umalis ako sa likod ni Kiro at tinignan ang mga kasama niya. Kung tutuusin ay kaya ko ang mga 'to. Tinignan nila ako ngunit tinignan ko lang ang mga mukha nila, sa susunod ko na 'to susuntukin kapag wala na kami sa school.
"Tara na, Kiro. Wala kang mapapala kung kakausapin mo ang mga 'to." Hinawakan ko ang braso ni Kiro. "Tara na. Walang kwentang kausap ang mga 'to."
"Ang yabang mo ha!" sigaw ng isa at susuntukin sana ako nang hawakan ko ang kamao niya at padabog s'yang hinagis sa lamesa dahil maliit lang ang katawan niya. "Aray!"
"Ayaw na ayaw ko sa lahat ang sinisigawan ako," malamig na turan ko. "Nag-iinit ang ulo ko kapag ganun. Tara na."
Hinila ko na si Kiro na tahimik na. Buong araw ay tahimik s'ya at malalim ang iniisip kaya naman panay ang tingin ko sa kanya, mamaya ay ako pa ang may kasalanan kung mabaliw ang isang 'to. After the game, ang school namin ay may maraming points at ibig sabihin ay marami pa kaming school na pupuntahan.
"Okay ka lang?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa parking lot.
"Yeah," aniya sa mahinang boses. "Pwede ba kitang ihatid pauwi? Promise, saglit lang naman."
Tinignan ko s'ya. Kalmado at nag-aalala ang mga mata niya, tinignan ko sina Rina at agad akong tumango sa kanila.
"Sure," ani ko. "Weird mo."
Inalalayan niya akong pumasok sa kotse niya. Tinignan ko s'ya na malalim ang iniisip at hindi rin ako mapakali, nang makapasok s'ya ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko na magtanong.
"Natatakot ka?" tanong ko habang ang tingin ay nasa labas ng bintana. "Kung tutuusin ay kaya mo sila."
I heard him sigh. "Malaki silang group, sa group nila ay may team. Delikado silang tao, Athena. Sa sobrang delikado, marunong silang pumatay ng taong hindi nila gusto at kaya ka nilang ilibing kahit pa humihinga ka pa."
Hindi ko maiwasan na ngumisi. Paano kaya kapag nalaman mong kaya ko ring tanggalin ang ulo ng isang tao? Nanatili akong tahimik at hindi na lang sumagot, nakarating kami agad sa condominium. Tinanggal ko ang seatbelt ko at akmang lalabas nang hawakan niya ang kamay ko.
"Ang galing mong maglaro kanina," aniya sa malambing na boses. "Nakalimutan kong sabihin na nakausap ko ang mommy mo at masaya akong nakilala sila."
Napasinghap ako. "Kinausap mo si mama?"
Tumango s'ya at kinagat ko naman ang labi ko. Huminga ako nang malalim at tinignan s'ya na para bang may gusto s'yang sabihin sa akin. Nagtaas ako ng kilay.
"Let's date for one week," aniya at gulat akong napatingin sa kanya. "I don't know what is happening to me...But I want you to know that every passing day that I'm with you, I feel like I'm starting to like you."
Gulat akong napatingin sa kanya. Malakas at mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa narinig ko, parang hindi ako makahinga sa narinig ko. Iniwas niya ang kanyang paningin at nagtagis ang kanyang panga.
"Infatuation lang 'yan..." bulong ko, matapang na nakatingin sa daan. "You're attracted to me because you always kiss me, you always caress me, and you always with me. Mawawala rin ang nararamdaman mo, mawawala rin 'yan."
"Fuck, kung alam mo lang kung kailan ko ito naramdaman. Ang hirap ng ganito, Athena. Hirap na hirap na akong itago ang nararamdaman ko, tama nga si Austin, gusto na nga kita."
I clenched my fist and look at him. Nakatingin na s'ya sa akin at mapungay na ang kanyang mga mata. I'm stuck between angry with him or to be happy, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.
"Kiro, this is not right. You hate me the first time we met kaya anong sinasabi mo na gusto mo ako?" I chuckled nervously. "Huwag mong gawing laro ang pagmamahal, Kiro. Hindi ako natutuwa."
"Athena, gusto kita!" si Kiro sa malakas na boses kaya mas lalong nangilid ang luha ko sa galit. "Tang ina kung alam mo lang kung paano ko tinago ito sa lahat. Sana nga ay hindi ko na lang 'to naramdaman, sana nga hindi na lang kita nagustuhan."
Napalunok ako. Kitang kita kong nahihirapan s'ya pero hindi ako naniniwala. He's a womanizer, he's a playboy, lahat ng babae ay laruan lang sa kanya kaya sinong babae ang maniniwala sa kanya?
"Yes, I'm a jerk but this jerk is ready to change for you." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang tingnan niya ako, seryosong ang mukha niya. Mas lalo ko lamang nakita ang mga maganda niyang mga mata. Hindi ko na mabilang kung ilang babae ang halos lumuhod sa harapan niya para lang makuha ang atensyon niya.
"Kiro..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong umalis pero ayaw ng mga paa ko. "You hate me and then eventually you'll like me? Sa tingin mo ba ay nakakatawa ang ginawa mong 'to? Kung akala mo ay biro ang ganito, mali ka, kailan ka ba naging seryoso huh?"
"That's why I'm asking you to date me in 1 week and proved to you that I changed." Tinignan ko s'ya. "After 1 week and we didn't see anything changed, then I'll stop pursuing you. I'll stop liking and loving you. Just date me for 1 week."
Natulala na lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Should I join this game? Who will win? Tinignan ko s'ya and I can see hope in his eyes, hoping for an answer from me.
"F-fine...I will date you for 1 week and after this, we will know..." ani ko at mabilis na lumabas ng kotse niya. "What should I do? He's so fast."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top