Chapter 26
ALL STAR GAME
Athena's Point Of View:
Nakatingin ako kay Jonas sa aking harapan. Hindii ko alam kung aling parte o salita ko ang hindi niya maintindihan? Sinabi ko na ayaw ko s'yang makita at kausapin dahil masaya na s'ya at ganun rin ako. Nakita ko sa hindi malayo si Kiro na nakatingin sa akin, napalunok ako dahil walang emosyon ang kanyang mga mata.
"Umalis ka na. Kailangan ko pang mag-training para bukas," kalmadong sambit ko kahit kanina pa mainit ang ulo ko.
"Please, mag-usap naman tayo. I want to ask some questions, I want to make things clear please, Louise." Tinignan niya ako at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako doon.
He cheated on me at kaibigan ko pa talaga ang pinalit niya. Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman sa tuwing naalala ko ang naabutan ko sa condo niya noon. Sa tuwing naalala ko ang nangyari na 'yun ay hindi ako makapaniwala na ginagawa niya sa akin ang bagay na 'yun.
"Athena you need to train," ang boses ni Kiro at marahan na hinila ang aking braso. Tinignan niya si Jonas. "Alam ba ng kapatid ko na nandito ka? You have a girlfriend and now you're here."
"Who are you to defend her? Are you courting her?" Hindi ko maintindihan ang nakikita kong galit at inis sa kanyang mga mata, naguguluhan ako.
Naramdaman kong hinawakan ni Kiro ang baywang ko, ito na naman ang ibang pakiramdam. Tinignan ko s'ya at nakita kong nakatingin s'ya sa akin bago niya tinignan si Jonas na nagtataka ang mga matang nakatingin sa aming dalawa.
"Yes, I'm courting her..." He looked at me seriously and my eyes widened. "Starting from now…so back off."
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya na seryosong nakatingin kay Jonas na natigilan at napalunok. Mabilis akong hinila ni Kiro sa malayo kaya wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Nanatili akong tahimik dahil pansin ko na galit s'ya dahil kitang kita ko mula dito ang pagtatagis ng kanyang panga.
"Bakit mo sinabi 'yun?" Tinignan ko si Jonas na kasama na ang kaibigan niya at mukhang aalis na. "Hindi mo kailangan na sabihin ang bagay na 'yun...at bakit ka pa—"
"He has a girlfriend!" si Kiro sa iritadong boses. "Hindi ka na niya dapat kinakausap dahil considered cheating 'yun! Wala rin s'yang karapatan na kausapin ka dahil ako lang ang may karapatan sa 'yo! I marked you!"
Natulala ako at hindi makapagsalita lalo pa't mabilis s'yang umalis. Dahan dahan kong hinawakan ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Ang bilis naman ata niya akong nagustuhan? Mabilis ba ang ilang buwan? Hindi ko na pinansin pa at buong araw na lang akong nag-training lalo na't bukas ang laro ng mga players.
Kinabukasan ay maaga akong nag handa para sa intermission namin. I wear a black tube balloon dress, over the knee boots, and arm gloves. My hair is in pigtail kaya mukha akong bata sa aking suot, tinignan ko ang sarili ko at agad na naglagay ng kaunting make up sa aking mukha.
"Athena Oh, my God!" Si Joy sa malakas na boses at tinignan ako. "Yan ba ang sinasabi mo na hindi bagay sa 'yo? Seryoso ka ba? Ang hot at sexy mong tignan!"
Napalunok ako at tingnan ang sarili ko, ayaw na ayaw ko talaga ang ganitong damit ngunit kailangan. Huminga ako nang malalim at agad na kinuha ang duffel bag ko na ang laman ay protecting gears at iba pa. Panay ang tawa ko sa sinasabi ni Joy habang nasa kotse kami ni Sky. Hindi ko alam kung paano ko kausapin si Kiro at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi pa ako handa para sa relasyon o kung tama ba ang iniisip ko na gusto niya.
Mabilis kaming nakarating sa school at agad akong lumapit kay Joy. Hindi ko gusto ang mga tingin ng mga estudyante sa amin at nakita ko rin ang mga bus na nandito para sa amin papunta sa eight schools. Napalunok ako at agad na pumunta sa gymnasium at doon mas lalo silang napatingin sa akin habang ako ay halos tumakbo na dahil sa hiya na nararamdaman ko.
"Athena, you look hot!" si Claire at inayos ang buhok ko. "Mukhang kanina ka pa hinihintay ng mga dancers, mukhang ikaw na lang ang kulang. Nandito kami sa may left side ha? Hawak ko ang camera."
Ngumiti na lamang ako at agad na sumama kay Joy sa kabilang bleachers. Maraming tao sa gym kaya naman halos hindi na namin makita ang isa't isa dahil halos mapuno na ang gym sa dami ng players. Napatingin ako sa unahan at natigilan nang makita si Kiro, he's wearing a hip hop jogger, a white sando, and 'yung strap ng jumper na connected sa kanyang jogger pants. Ang kanyang buhok ay maayos at kitang kita ko ang mga piercings niya sa tainga.
"Wow!" si Austin sa malakas na boses kaya naman lahat sila ay napatingin sa amin nila Joy. "Ang ganda ganda mo!"
Lahat sila ay napasinghap at ako naman ay maliit na ngumiti. Our eyes met pero s'ya rin ang umiwas ng tingin kaya ganun rin ako sa kanya, ang weird naman nito. Maya maya lang ay tinawag na kami at nakakatawa na ang layo namin sa isa't isa habang naglalakad kami papunta sa backstage.
"Alam niyo na ang gagawin ha? Sina Athena at Kiro ang center at may sexy dance kayong dalawa kaya alam kong kaya niyo 'yan," ani ng aming coach. "Anyways, you look good, Athena. Nakakainis naman, ang ganda mo!"
Natawa ako at ngumisi sa kanya. Naghintay kami ng ilang segundo dahil nagsasalita pa ang emcee para sa opening remarks at panay ang tingin ko kay Kiro na kausap ang isang babae. I avoid my stares at agad na tumingin sa unahan.
"Good morning, everyone! Grabe ang dami na niyo dito sa school pero sino ba naman ako para mag-demand?" Natawa kaming lahat dahil sa boses ng president namin sa classroom. "Syempre, hindi na ako magsasalita pa ng kung anu-ano dito dahil gusto ko ng manood kung paano sumayaw si Athena! Let us all welcome, the Angel's dance troupe!"
Isa-isa kaming lumabas at agad na pumunta sa aking pwesto. Hindi ako komportable dahil ang lamig ng tingin ni Kiro, hinawakan niya ang baywang ko at ang paningin ko ay nasa kanyang dibdib. The music starts kaya napatingin ako sa kanya, nagsimula kaming sumayaw at panay ang sigaw ng mga tao kaya nawala rin ang lungkot sa aking puso. I waved my body habang ang kamay ko ay nasa leeg ni Kiro.
"OMG! GO ATHENA!"
Natawa ako at nagsimula nang sumayaw para naman mawala ang atensyon ko kay Kiro. Ang galing niyang sumayaw, kahit ata hindi s'ya gumalaw ay nakukuha niya ang atensyon ng mga babae. Tinignan ko s'ya na nasa likod ko at agad niyang hinawakan ang baywang ko papunta sa aking tiyan kaya napalunok ako. I heard him cursed when I accidentally hit him, kinagat ko ang labi ko at hindi ko na alam ang gagawin ko dahil kinakabahan ako.
Binitawan niya ako at sumayaw naman ako sa gilid ayon sa gusto ng coach namin. Nanlaki ang mata ko nang tanggalin ni Kiro ang kanyang jacket at natira na lamang ang sando niya. Napasinghap ako at napatingin sa sun tattoo niya sa kaliwa ng kanyang balikat at ang iba pang tattoo sa baba nun kaya agaw atensyon 'yun sa ilan. I smirked at agad na naglakad at hinawakan ang dibdib ni Kiro habang seryoso ang mga mata na nakatingin sa kanya.
"Are you mad at me?" Tinaas ko ang hita ko sa kanyang baywang at tiningnan ang crowd na nakaawang ang mga bibig dahil sa ginawa ko.
Hindi niya ako pinansin at agad na nag-dim ang ilaw. Inayos ko ang tube ko dahil wala itong supporter, natira kaming dalawa sa stage. Nakaupo ako sa gitna ng kanyang mga hita habang nakasandal ang aking ulo sa kanyang balikat, pareho kaming hinihingal ngunit pareho na gustong matapos ang sayaw na 'to. The title of the song was 'Love me like you do' at ginawang sexy ng coach namin kaya kaming dalawa ang natira dito sa stage.
"Hindi mo pa rin ba ako kakausapin?" tanong ko habang hawak ang leeg niya, naglalakad papunta sa kanyang likod. "Okay."
Ngumisi ako sa crowd at gumawa ng galaw ayon sa sabi ng coach ko. The crown shouted kaya mas lalo akong ngumisi at tinignan si Kiro na nasa gilid, mabilis akong tumakbo ngunit huminto para hawakan ang panga niya. I looked at his eyes and I caught him looking at my lips. Mabilis akong lumayo at sumayaw. Tumakbo ako papunta sa kanya at binuhat niya ako at nagtago ako sa kanyang leeg, hinihingal ako at sa wakas natapos na rin ang sayaw namin.
"Grabe! Grabe! Ang h-hot!" si Jay sa malakas na boses. "Hindi ko kinaya! Pinagpawisan rin ba kayo? Kasi ako, oo! Grabe itong mga 'to. May chemistry kayo ha?"
Natawa ako at nag-bow kami sa kanilang lahat at isa-isang naglalakad papunta sa baba. Sinalubong ako ng mga kaibigan ko kaya ngumiti ako sa kanila. Napatingin ako sa gilid at natigilan nang makita si mama kasama ang mga kapatid ko. My lips parted in shock when I saw her, akala ko ay hindi s'ya pupunta dahil may sakit s'ya pero nandito pa rin s'ya.
"Mama!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya na natawa. "Akala ko ba ay may sakit ka?"
"Hindi ko naman pwede na sayangin ang araw na ito. Ngayon lang kita makikita na maglaro ulit," sagot niya at ngumiti. "Kahit dito man lang ay suportahan kita. Nagdala nga kami ng camera para makita ka talaga namin."
Napangiti ako at agad na nag paalam dahil kami na ang maglalaro. Naabutan ko pa si Kiro na may kasamang babae. Ang babae ay hawak ang kanyang leeg habang si Kiro ay nakangisi, tinignan ko silang dalawa na nagtatawanan. Nakita kong ngumisi ang babae at lumapit pa kaya bago ko pa makita ang susunod ay agad na akong pumasok sa banyo at doon nagpalit ng damit. Hindi ba ito naman ang gusto ko? I want to avoid him because he's not good for me, na hindi maganda kung lagi s'yang nandyan.
"Athena you will be the captain for now," ani ng aming coach. "Nasabi ko na naman sa inyo ang mga dapat gawin kaya alam kong mananalo kayo dito. Ang blocking ninyo, ang defender, at ang mag-r-reserve ng bola ay dapat handa."
"Yes, coach!" sabay sabay naming sigaw at agad na gumawa ng cheer habang patong patong ang aming mga kamay. "Fighting!"
Lumabas silang lahat at ako ang nasa huli, sumigaw ulit ang crowd at ngumisi kami ni Joy. Tumingin ako sa gilid at naabutan kong titig na titig sa akin si Kiro. I smirked even more and raised my brow. I'm wearing cycling shorts, a black tee-shirt with my surname and number on it, and my black and white rubber shoes. Tinignan ko ang aming kalaban at kitang kita ko na determinad silang manalo, bago ang lahat ay pumunta muna ako sa gilid ni Kiro dahil nandoon ang duffle bag ko.
"Excuse me," ani ko sa babae at agad na kinuha ang bag ko, maglalakad na sana ako ng hawakan ni Kiro ang bag ko. "What?"
"Ako na ang hahawak," aniya sa malamig na boses at tinignan ang bag niya. "Dito mo na sa tabi ko ilagay ang bag mo."
Tinignan ko muna s'ya at agad niyang hinila ang bag kaya muntik na akong madapa at halikan ang labi niya! Hinawakan ko ang sandalan ng upuan niya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.
"Do you want me to kiss you before your game starts?" He whispered and bit his lip, almost smirking. "I'm willing to do it for you."
"Kapal mo," ani ko at mabilis na umayos ng upo. "Why don't you kiss your girls instead of me? You told me that you're allergic to me kaya bakit mo ako hahalikan?"
Tinignan ko s'ya at narinig ko ang mahinang mura niya kaya ngumisi ako. Tinignan ko ang babaeng katabi niya bago ako pumunta sa mga ka-team ko. Ngumisi ako at tinignan si Kiro na nakakunot ang noo. Kahit anong iwas ko ay palagi akong napupunta sa 'yo.
Nakakainis pero masarap sa pakiramdam.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top