Chapter 23

Joy's Point Of View:

After a week ay bumalik na rin ako sa school at ang dami ko atang na-miss dahil marami nga talaga kaming requirements at mga dapat ipasa. Akala ko magiging maayos kami ni Athena pero hindi, ayoko ng ganito dahil ayokong maramdaman niya na naman na parang kasalanan niya lahat. Si Athena na lang ang nandyan para sa akin kaya ayoko na mawala s'ya sa akin. Huminga ako nang malalim dahil kanina pa kami hindi nag-uusap ni Athena at nag-aalala na rin ako sa kanya. 

Nalaman ko ang nangyari nung nakaraan at bakas pa rin ang mga sugat sa kanyang mukha lalo na sa kanyang leeg. Hindi ko naman inaasahan na pumunta s'ya sa hospital at nakakainis si mama dahil narinig pa ni Athena ang gusto niya. 

"All the students must be in quadrangle. The Buenaventura's are here!"

Sabay-sabay kaming tumayo at mabilis na naglakad at panay ang tingin namin kay Athena dahil kanina pa ito tahimik at walang kibo. Isa-isang dumating ang mga Buenaventura sa stage na nasa quadrangle. Hindi pa rin ako nasanay sa mga guards na kasama nila dahil panay ang tingin nila sa crown empress na nasa tabi naming lahat.

"Good morning everyone! I know the arrival of the Buenaventuras is a sudden announcement because we will tackle what happened to Athena, their heir." Everyone looked at Athena who was sitting and next to her was Kiro. "Of course we will also talk about the unexpected events here in our school, especially this past day."

Tinignan ko si Athena at kailan pa sila naging close ni Kiro? Aaminin ko na nakikita ko si Kyle kay Kiro. Favorite ni Kyle ang black color, mahilig sa jordan na shoes, at higit sa lahat hindi nalalayo ang mukha nila ni Kiro kaya hindi na ako magugulat kung magkaroon sila ng relasyon balang araw. Nagsalita si Bruce sa unahan at panay ang tawa ng mga estudyante sa kanya na maski ako rin dahil sa humored ng matanda. 

"Ang weird rin minsan ng pamilya ni Athena," ani ni Claire at sa tabi niya ay si Jordan. "They're so mysterious to me, lalo na si Athena when we first met."

Tumango ako at ngumisi dahil madalas 'yan ang naririnig ko. "Sabi nga nila 'wag kakantiin ang mga Buenaventura dahil ang nag-iisa nilang babaeng miyembro ng pamilya ang magiging kalaban mo."

Maya-maya ay tumayo si Victoria habang nakangisi. Hindi ko talaga gusto ang aura niya dahil laging si Athena ang ginugulo niya, hindi na s'ya na kuntento sa mga ginawa niya sa pamilya ni Athena. Maski ang funeral ni Kyle ay hindi niya pinahintulutan si Athena na pumunta doon dahil lahat sila ay sinisisi si Athena. 

"How are you today? Hindi ba kayo pinatay ni Athena?" natatawa pa niyang sambit habang nakatingin sa amin. 

Lahat kami ay napasinghap at napatingin kay Athena na kalmado at diretso ang tingin sa unahan. Ngumisi si Victoria. 

"Mabuti na lamang at 'yan lant ang inabot ninyo sa kanya..." seryosong sambit niya. "Hindi sa lahat ng oras ay kaya niyang maging mapagpasensya sa inyong lahat. Nalaman namin na maraming nagsasabi sa inyo na hindi Buenaventura si Athena?"

Napatingin kami sa gilid nang makita namin ang tatlong kapatid ni Athena. Lahat sila ay seryoso at nakatingin lamang kay Victoria na nasa unahan. Huminga ako nang malalim dahil mukhang malalaman na nila ang tungkol kay Athena. 

Hindi maganda 'to. 

"She's a Buenaventura." I heard some whispers and some gasped to other side. "Anak s'ya ng asawa ko sa ibang babae... at yes, she's my step daughter so most probably ay isa s'yang Buenaventura."

Lahat ay tahimik at walang masabi. Tinignan ko si Athena na nakayuko at panay ang iling habang nakangisi. Maya maya lamang ay napag-usapan ang mga nangyari sa school at iba. Ramdam ko ang galit ng emperor dahil kahit tignan mo lang ang kanyang mukha ay malalaman mong galit talaga s'ya. Grabe kung protektahan nila si Athena lalo pa't nung nalaman nila na may pula itong mga mata. 

"This school wasn't made just for you to be trash. This school was never messed up just because of your childishness." The Emperor's eyes were serious. "This was done so that all of you can learn. Please don't bring your habits that are not desirable."

Lahat ng estudyante ay tahimik na nakatingin sa kanya dahil sa nakakatakot nitong boses na kahit na sino ang estudyante ay ayaw s'yang kausapin. Maya maya lamang ay natapos ang ilang saglit na usapan at napunta ang usapan sa laro next next week. 8 schools ang kalaban namin at dahil laging champion ang school na ’to ay hindi namin kailangan bigyan ng disappointment ang mga teachers, hindi na rin ako nag-aalala sa team namin dahil nandoon si Athena. 

"Athena, ayos ka lang?" tanong ko at tinignan si Kiro. "At kailan ka pa naging close ng kaibigan ko?"

He looked at me at napasinghap ako nang hindi ko na makita ang lip ring niya at maayos na rin ang buhok niya. Napatingin ako sa kanilang dalawa. 

OMG don't tell me na naulit-ulit ang kiss nila! 

"Tss. Stop imagining things. . ." ani ni Kiro kaya hinawakan ko ang bibig ko at napatingin kay Athena na nakatingin sa akin. 

"Can we talk?" tanong niya at mabilis akong tumango at mabilis na sumunod sa kanya. "Kiro knew that I had red eyes." 

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala na napatingin kay Kiro na tahimik na nakaupo kasama sina Charlie habang nag-uusap. Napatingin ako kay Athena at napalunok ako nang maisip kung anong reaction ni Kiro sa nakita niya. 

Panigurado ng natatakot ang isang 'yun. 

"The moment I hugged him the demon inside me was calm. Ito ang unang pagkakataon na isang tao lang ang nagawang pakalmahin ang demonyo na nasa katawan ko. . ." aniya sa mahinang boses at napatingin kay Kiro. "Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Hindi pa ako handa na pasukin ang mundo niya. Natatakot ako na baka hindi na ako makalabas pa."

Athena's Point Of View: 

Pumunta ako sa principal's office dahil hinahanap daw ako. Mabilis akong pumasok at nakita silang lahat doon at talaga nga namang kumpleto sila. I bowed my head bilang respeto sa kanila tsaka ako naglalakad papunta sa kapatid ko. 

"We talked about what happened to you here and we decided to transfer you to another school," ani ni daddy.

"Permission to speak, emperor." Napatingin ako kay principal na kalmado ang mukha. "Athena has a good records here especially sa academic works niya. S'ya rin ang laging una sa honor list at sa tingin ko ay hindi niyo na s'ya kailangan pang i-transfer sa ibang school because we need someone like her."

Nanatili akong tahimik dahil gulat ako sa mga sinasabi niya. He smiled softly at me kaya tumango ako at maliit na ngumiti dahil lagi niya na lang akong pinoprotektahan sa mga tao. Tinignan ako ni Victoria at tsaka s'ya ngumisi kaya huminga ako nang malalim dahil ito na naman s'ya. 

"Mabuti naman at nag-aaral ka nang maayos at hindi mo sinisira ang pangalan ng pamilya ko," sarkastikang sambit niya habang ang mga braso ay magka-krus sa kanyang dibdib. 

"Bakit proud ka ba?" nakangising tanong ko. "Itong tinatawag mong basura, palamunin, black sheep, at iba pa ay hindi na kagaya ng sinasabi mo."

Mas lalong naging malaki ang ngiti sa kanyang labi at lumapit sa akin. Nakita ko sa aking gilid na gumalaw ang kapatid ko ngunit hinawakan ko ang braso niya. Ayoko sa lahat ay pinaglalaban nila ako dahil hindi naman kailangan. 

"HIndi pa rin magbabago na isa kang anak sa labas ng daddy mo. . ." aniya sa galit na boses kaya natigilan ako. "Kayo ng magaling mong nanay ay hindi bagay sa pamilya na ito dahil alam mo kung bakit? Wala kayong pagkakaiba sa ibang tao. Wala kayong—" 

"Anong sabi mo?" mariin na sambit ko at lumapit rin sa kanya. "Baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka sa pamilya ko? Kulang pa lahat ng bayad mo sa kung paano mo sinira ang pamilya ko! Kulang na kulang pa!"

Kung hindi pa nagsasalita ang emperor baka hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa harapan niya. Sinabi ng principal na binigyan niya ng 1 week expelled si Stephanie dahil nalaman nila na s'ya ang gumawa nung nangyari kay Joy. Hindi pa nga sapat 'yun ngunit ang sabi ni Joy ay gusto niya nang matapos ang isyu sa kanya. Ganun rin sina Joseph at iba pa nilang kasama na binigyan ng warnings. 

Mabilis na natapos ang lahat at agad na kami naglakad sa parking lot. Kasama ko si Joy at ihahatid namin ang mga Buenaventura sa kanilang mga kotse. Niyakap ako ni Archer at ni Alfred kaya naman ngumiti ako at tinapik ang mga balikat nila. Binuksan ko ang pinto ng kotse at isa-isa silang pumasok.

"Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako," naguguluhan na sambit ni Joy habang naglalakad kami pabalik sa loob. "Feeling ko ay my hindi magandang mangyayari ngunit 'wag naman sana."

Ngumisi na lamang ako at nilagay ang kamay ko sa aking bulsa. Mabilis kaming pumunta sa canteen at sa hindi inaasahan ay nandoon sina Kiro. Since break time na naman. Umiwas s'ya ng tingin at bumuntong hininga naman, marahil ay takot pa rin s'ya sa akin. Kinagat ko ang labi ko at napailing. 

"Same order," sambit ko kay Chase na tumango at tahimik na umalis. 

Nilagay ko ang baba ko sa aking palad habang nakatingin sa kung saan. Maya maya ay dumating ang mga order namin at tahimik akong kumain dahil hindi ko maiwasan na tingnan si Kiro na nakayuko at may earphone na naman ang mga tainga niya. Bakit ba ako hindi mapakali? Hindi ako sanay na tahimik si Kiro at hindi rin ako sanay na hindi niya ako tinitignan. 

"Yeah, dad?" sagot ko sa kanina pang tumatawag na si daddy. 

[Nawalan ng preno ang kotse namin at lahat ng guards ay nawawala! Hindi namin alam ang gagawin! Kanina pa namin sinusubukan gawin ang lahat pero wala kaming alam sa kung paano it!]

Napatayo ako sa kaba at mabilis kong binaba ang tawag. Mabilis akong tumakbo at hindi na pinansin pa ang mga tawag nila. Kasama sina Rina ay mabilis akong sumakay sa motor ko. Kinakabahan ako at hindi mapakali dahil nandoon sila sa isang kotse at hindi ko alam ang gagawin ko kung may hindi magandang nangyari sa kanila. 

"We need a plan!" si Rina sa malakas na boses. "Papunta na sila sa mga tulay at hindi maganda 'yun! Maari silang mahulog kung tuloy-tuloy pa rin ang takbo ng kotse nila."

"Chase at Sky sa magkabilang gilid kayong dalawa para makuha natin ang Emperor at sina Archer. Alexander sa harapan ka at siguraduhin mong konektado ang kotse mo kina Chase at Sky." Tumango silang tatlo at tsaka ko tinignan si Rina. "Rina doon tayo sa gitna at mula sa loob, kukunin ko si daddy para ilipat sa kotse nina Chase at sa likod ng kotse ni Alexander ko dadalhin ang emperor para ligtas s'ya."

Kagaya ng pinag-usapan namin ay mabilis naming nakita ang limousine. Ang kotse nila Sky at Chase ay nasa dalawang gilid ng limousine habang ang kotse ni Alexander ay nasa harapan, konektado sa kotse nila Sky at Chase. Pumunta ako sa gilid at nakita ko ang assistant ni emperor na nasa driver seat. 

"Kukunin ko kayo mula diyan sa loob papunta sa kotse ni Alexander!" Napasinghap ako dahil naging mabilis ang kotse nila na para bang may nag-c-control dito. "Alexander, Sky, at Chase! Bilisan ninyo ang takbo ng mga kotse ninyo!"

Binuksan ko ang pintuan ng limousine at unang lumabas si Archer. Nilapit ko ang motor ko at ganun rin si Rina at mabilis s'yang tumalon papunta sa likod ko. Nakita ko si Victoria na halos mamatay na sa kaba habang pinapanood ang kanyang anak. Sumunod naman si Alfred, madali lang sa kanya ito dahil sanay na s'ya.

"Oh, my God!" si Victoria sa malakas na boses. "Malapit na tayo sa bridge! Ang emperor!"

I cursed mentally dahil masyadong mabilis ang kotse nila. Tinignan ko si Rina at nilabas ko ang hook para maging konektado ang aming motor. Mabilis akong tumayo at agad na tumalon sa roof ng kotse nila. Nakagat ko ang labi ko dahil muntik na akong sumayad sa kalsada. 

"Mauna na kayo, daddy!" sigaw ko at binuksan ang bubong ng kotse. Tumango si daddy at agad na inalalayan si Victoria na panay ang sigaw. "Chase, buksan mo ang pinto ng kotse mo!"

Huminga ako nang malalim at inalalayan silang dalawa. Hinawakan ko si daddy at agad akong humawak sa pinto dahil malapit na akong mahulog, lumapit pa ang kotse ni Chase at sa isang iglap lang ay nakuha ni Chase ang kamay ni Victoria. Sumunod naman si daddy na simpleng tumalon at agad na pumasok sa kotse ni Chase. Pumasok ako sa limousine at nakita ang emperor na mahigpit ang hawak sa kanyang seatbelt. 

"Alexander, move your car." Nakita kong hindi na konektado ang kotse ni Sky sa kotse ng emperor dahil nasa kanya na ang dalawa at ganun rin si Chase. "Emperor, you need to stand up and we will move next to Alexander's car. Are you ready?"

Tinignan ko ang assistant niya at tumango naman ito tsaka niya kinuha ang bag ng Emperor. Mabilis akong pumunta sa driver seat at ako ang nag-drive ng kotse, nakita kong malapit na kami sa daan na kung saan ginagawa pa lang.  Bumukas ang likod ng kotse ni Alexander at agad akong lumapit doon, sa gilid ko ay si Rina na konektado pa rin ang motor naming dalawa. 

"Athena, are you sure about this?" Tanong ng Emperor. 

"You need to trust me." Tinignan niya ako at tumango kaya ngumiti ako at binasag ang salamin sa unahan gamit ang isang matigas na bagay. Unang lumabas ang assistant ng Emperor at agad na hinagis ni Alexander ang rope dahil nakalagay sa auto drive ang kanyang kotse. "Damn it!"

5 minutes na lang. Tinignan ko ang emperor at agad s'yang tumango at agad na lumabas. Kinagat ko ang labi ko dahil nasa nguso na s'ya ng kotse. 

"Emperor, go!" sigaw ko dahil malapit na talaga kami sa dulo. "Emperor!"

Panay ang mura ko habang nakatingin sa emperor. Mabilis kong minaneho ang kotse at agad na nilagyan ni Alexander ng carpet ang dulo ng kanyang kotse. Napalunok ako ng tumalon ang emperor at napa-Yes ako sa aking isip nang makuha s'ya ni Alexander. Kunot ang noo ko nang hindi ko matanggal ang seatbelt ng kotse kaya tinignan ko si Rina na nagtatakang nakatingin sa akin. 

"Athena!" sigaw nila ngunit hindi ko pinansin pa dahil abala ako sa seatbelt. "Come on, Athena! Don't make us feel nervous!"

Shit. Tinignan ko ang daan sa unahan at nakita kong papunta na ang kotse sa unahan. Sa sobrang bilis nito ay hindi ko alam kung makakaalis ba ako dito o hindi. Napatingin ako sa gilid ko nang makita ang isang kotse, napalunok ako nang makita si Kiro na seryosong nakatingin sa akin habang abala ang mga kamay niya sa manibela ng kotse niya. 

"You... fuck!" si Kiro sa iritadong boses at tinanggal ang seatbelt niya. "Cut that damn seatbelt and get out of that car!"

He gave me swiss knife kaya agad kong kinuha 'yun at mabilis na inalis ang seatbelt. Napalunok ako dahil sa kaba na nararamdaman ko, panay ang mura ko sa aking sarili dahil nanginginig ang mga kamay ko. Tinignan ko si Kiro na kunot na ang noo at nang matanggal ko ay agad akong tumayo at binalanse ang aking sarili sa bubong ng kotse. 

"Athena, damn it!" si Kiro sa galit na boses. "There's a bomb!"

"Move your fucking car bastard!" sigaw ko at agad naman s'yang sumunod. 

Narinig ko na ang timer at 5 seconds na lang bago ito sumabog. Tinignan ako ni Kiro at agad akong tumango bago tumalon, agad akong napunta sa kanyang hita. Pumikit ako at narinig namin ang pagsabog ng kotse. Niyakap ako ni Kiro habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela para i-drive sa malayo ang kotse niya. 

"Fuck... you make us all worried," bulong niya at naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko. "Don't do that again, magagalit talaga ako sa 'yo."

Shit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top