Chapter 21

Athena’s Point Of View:

Nagising ako na masakit ang ulo ko kaya hinawakan ko ‘yun at huminga ng malalim dahil naalala ko ang nangyari kagabi. Hinawakan ko ang labi ko at napailing dahil mukhang kailangan ko na talagang umiwas dahil hindi na maganda ang nararamdaman ko. Tinignan ko ang T.V at nakita na pinapanood ko na naman ang mga videos namin ni Kyle. Huminga ako nang malalim at nakitang 5 pm na at mukhang mahaba ang tulog ko ngayong araw. 

Mabilis akong pumunta sa banyo dahil kailangan kong pumunta sa HQ para tingnan ang mga ginagawa ng mga tao doon. Being a red queen I need to watch my opponents because I don’t want them too betray me. Matagal na akong wala sa mismong HQ dahil na rin sa nangyari. Si Ezra, ang dati kong kaibigan ay ngayon ang Queen ng HQ dahil na rin sa ginawa niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin ang bagay na ‘yun. 

Ang emperor mismo ang kumuha sa kanya kasama sina Drake at Josh na ngayon ay nasa kamay ni Ezra. Walang alam ang mga Buenaventura sa kung ano ang ginagawa ng emperor at ang HQ na s’ya mismo ang gumawa. They set up us kaya lahat ng mafia at assassins ay galit na galit sa amin sa hindi malamang dahilan kaya wala kaming nagawa kundi ang umalis. 

“Papunta na ako,” sagot ko sa tawag ni Rina. 

I wear skinny jeans, a cropped top black sweater, and boots. Mabilis kong kinuha ang mask ko at agad na sumakay sa elevator na nasa likod ng pinto. Tinignan ko ang oras dahil ang alam ko ay ngayon ang alis ni Joy sa hospital kaya kailangan kong puntahan at kausapin. Mabilis akong sumakay sa motor ko at agad na pumunta sa hospital kung saan nandoon si Joy. 

“Good evening. Nandito pa rin ba si Joy Hernandez?” tanong ko sa nurse na nasa front desk.

“Yes, ma’am.” Tumango ako at agad na naglakad. 

Inayos ko ang dala kong prutas at ang favorite ni Joy na pagkain sa bake shop ko. Ngumiti ako ngunit agad ring napawi nang marinig ang sigawan sa loob ng kwarto ni Joy kaa tumigil ako. 

“Ma! Hindi kasalanan ni Athena okay? Wala s’yang kasalanan kaya ‘wag mo s’yang sisihin dahil kahit kailan hindi ako hinayaan ni Athena!”

“Kahit na! Tignan mo nga ang nangyari sa ‘yo at mabuti na nga lang at nakahanap tayo ng donor mo! Buo na ang desisyon ko na lalayo sa kanya at ‘wag ko lang na makikita na magkasama na naman kayo!”

Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahan na binuksan ang pinto, nanlaki ang mata ni Joy nang makita ako. Ngumiti ako at bumati kay tita na mukhang nagulat ngunit agad rin namang tumalikod sa akin. Hindi alam ni Joy ang gagawin niya at mukhang okay naman s’ya dahil wala na ang bandage ng ulo niya maski ang sa braso niya. 

“I want to deeply apologize...for what happened to her.” Ngumiti ako kay Joy na nakatulala sa akin. “Ngunit sana maintindihan ninyo na maski ako ay hindi inaasahan ang nangyari at kung galit man kayo sa akin, mas galit ako sa sarili ko dahil ko man lang nakita ang nangyari. Aasahan ninyo na hindi na ako lalapit pa kay Joy, ako na mismo ang lalayo.”

Joy cried ngunit hindi ko na pinansin pa at mabilis na umalis doon. Mabilis akong sumakay sa motor ko at kinagat ang aking labi dahil hindi ko maintindihan kung bakit palagi nalang mali ang ginagawa ko? Minsan kahit anong gusto kong lumayo sa gulo ay hindi ko maiwasan dahil sila mismo ang lumalapit sa akin. Hindi ko kasalanan kung ganito ang buhay ko ngunit hindi ko naman gusto ito, kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang buhay na mayroon ako. 

Bumaba ako ng motor at agad na pumunta sa isang bagong condominium. Pumasok ako doon at pumunta sa elevator at inalis ang sticker na nasa number 20 at mabilis naman akong dinala ng elevator sa hideout. Tumigil ang elevator at bumungad sa akin ang isang metal detector kaya agad kong nilagay ang mga mata ko sa screen. 

“Red queen accessed.” Bumukas ang metal na pintuan at isang hagdan pababa ang bumungad sa akin. I stepped inside at sa bawat hakbang ko ay isa-isang bumukas ang mga torch at tanging heels lang ng boots ko ang naririnig ko. 

Dinikit ko sa malaking screen ang aking kamay at agad naman ‘yung bumukas at sumalubong sa akin si Rina. Tumango ako sa kanya at binigay niya sa akin ang mask ng isang red queen. Mukha lamang isang condominium ang makikita ng iba ngunit sa likod nito ay isang HQ kung saan nandito ang mga taong naniniwala sa akin at mga taong hindi nakikinig kay Ezra. Agad silang tumayo at bumati sa akin, nakita kong abala sila sa kani-kanilang ginagawa kaya tinignan ko ang bawat paligid. 

“Kumusta ang transaction natin?” tanong ko kay Rina habang nakasakay kami sa escalator papunta sa aking office. 

“Ang 10 boxes of guns ay na-ship na sa Australia at Indonesia habang ang iba’t ibang klase ng swords naman ay nasa Japan ayon sa mga mafia’s na nandoon,” sagot niya at binuksan ang malaking pinto ng aking office. 

Ang mga mafia’s sa Japan ay kasama namin at ani ng kanilang leader, ayaw nilang makasama ang mga taong ang layunin ay ang maging masama. Hindi na rin ako nagulat sa desisyon nila dahil maski sila ay hindi nagustuhan ang ginawang desisyon ni Ezra na palitan ang emperador sa kanyang pwesto. Pinag-usapan namin ni Rina ang mga bagong trainee sa aming HQ at aniya maganda naman ang skills at abilities nila na kaya na nilang gawin ang isang malakas na pag baril. 

“So far, maayos naman ang lahat at ayon sa spy natin, wala pa namang ginagawa si Ezra bukod sa araw-araw na niyang kasama si Raven,” aniya at natigilan ako. “Alam ko ang iniisip mo. Delikado si Raven kay Ezra dahil si Raven ang may hawak ng isang malaking underground kung saan sila ang gumagawa ng mga poison at alam mong ikaw lang ang hinihintay ng taong ‘yun.”

“Kailangan nating makuha si Raven,” seryosong sambit ko habang nakatingin sa glass window, kitang kita sa baba kung paano ginagawa ang mga baril, kutsilyo, at swords. “Hindi na pwedeng makuha si Raven dahil alam nating pareho na hindi maganda ang takbo ng utak ni Ezra lalo pa’t nakikita niya na magiging kanya ang underground, hindi pwedeng mangyari ‘yun, Rina, lalo pa’t malaki ang connection ni Raven sa lahat ng mafia’s at assassins.”

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit pa ilang oras lang ang tulog ko. Kailangan kong asikasuhin ang training ko na kahit pagod ako mula kagabi dahil sa HQ ay hindi ko pwedeng hayaan nalang ang pag-aaral ko. Mabilis kong sinuot ang cycling shorts, isang black t-shirt, rubber shoes, at ang aking buhok ay maayos na nakapony-tail. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at ang hoodie, pagkatapos kong ilagay ang hoodie sa aking katawan ay umalis na agad ako.  

Ngayon ko lang naalala na ilang buwan na pala ako sa school na ‘yun. Ano na naman kaya ang mangyayari sa akin kapag pumasok ako ngayon? Napangisi na lamang ako at kunot ang noo nang makita si Kiro na nasa kanyang kotse pa rin, bumilis na naman ang tibok ng aking puso dahil naalala ko na ilang beses niyang hinalikan ang labi ko kagabi. Bumaba agad ako at hindi na sana s’ya papansinin ngunit narinig kong bumaba si Kiro sa kotse niya. 

Don’t look, Athena. Do not fucking—

“Athena,” ani ni Kiro at sa isang iglap lang ay nasa gilid ko na s’ya. “Ang aga mo ata.”

“Kailangan,” sagot ko at tinignan niya naman ako. “Bakit?”

Umiling s’ya at hinawakan ang leeg niya. Ngayon ko lang napansin na nakasuot s’ya ng black uniform ng basketball players at aaminin kong bagay sa kanya. Nakita ko pa ang tattoo ng araw sa kanyang kanan na braso at parang tunay ‘yun. Napasinghap ako nang makitang wala na s’yang lip ring kaya kumurap ako. 

“Wait,” ani ko at tumigil na naman s’ya at nagtaas ng kilay. “B-bakit wala ka ng lip ring at...ang kulay ng buhok mo.”

Natigilan naman s’ya at kumunot naman ang noo niya at hinawakan ang labi at buhok niya. Napalunok ako, ‘wag niyang sabihin na naalala niya pa ang sinabi ko kagabi. 

“You said yesterday that you’re not comfortable on my lip ring...” nahihiya pang sambit niya at bumilis naman ang tibok ng puso ko. “...That’s why I decided to removed it so you can kiss me without hindrance.”

Speechless. Tinignan ko s’ya na mahigpit ang hawak sa kanyang bag at hindi naman ako makagalaw sa mga lumalabas sa kanyang bibig. 

“You...what?” Kahit pa alam ko ang sinabi niya ay parang hindi ko pa rin tanggap ng tainga ko. “B-bakit mo ginawa? I mean...shit.”

“Don’t fucking curse!” si Kiro sa mariin na boses at kitang kita ko mula dito na hindi s’ya komportable. “This is all your fault!”

Nanlaki naman ang mata ko! Tinignan ko s’ya at pakiramdam ko ay naging pula ang mga pisngi ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mabilis akong naglakad at iniwan s’ya doon dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko! Ang bilis sobra ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Mabilis akong pumasok sa gym at hindi na pinansin pa si Kiro na nasa kabila. 

“Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ng isa kong kasama. “Para kang nakakita ng multo.”

Umiling lamang ako at tinignan si Kiro na nakatingin sa akin habang hawak niya ang kanyang pang-ibabang labi habang nakaupo s’ya ng pang lalaki. Iniwas ko ang aking paningin at napalunok dahil naalala ko lang ang nangyari sa amin kagabi. Damn you, idiot! Humanda ka talaga sa akin. Nagtagis ang panga ko at tinignan s’ya nang masama ngunit nakangisi lang s’ya habang kausap ang mga kasama niya. 

I closed my eyes and kept on saying that this is not good.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top