Chapter 20
Kiro’s Point Of View:
Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Mr. Buenaventura. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, hindi ba dapat ay masaya ako? Masaya na sa wakas ay mawawala na si Athena sa school pero bakit iba? Bakit parang gusto kong kausapin si lolo tungkol dito? Napapikit ako sa inis dahil naalala ko lamang ang mga nangyari sa kanya at ang mga sinabi sa principal’s office.
Galit na galit ang mga Buenaventura lalo na si Alfred. Gusto nilang malaman kung sino ang gumawa nun kay Athena. Simula sa parking lot hanggang sa mga taong naging dahilan kung bakit nagkaroon s’ya ng mga sugat sa katawan. Nalaman rin nila ang nangyari kay Joy kaya doble ang galit ng Buenaventura sa lahat na maski si lolo ay hindi alam ang gagawin. Narinig ko rin na dadalhin si Athena sa ibang school, malayo sa mga tao dito dahil ayaw na raw nila na maulit pa ang nangyari kay Athena.
Damn it. Are you stupid, Kiro? Dapat masaya ka pa nga na aalis na s’ya hindi ba?
“Simula na hoy!” si Austin sa malakas na boses kasama ang isang babae sa kanyang kanan.
Nandito kami ngayon sa motor arena dahil nandito si Lady A. Gusto na rin namin malaman kung sino ba talaga ang babae sa likod ng pula na motor. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ako kabahan dahil pakiramdam ko ay may mangyayari na hindi maganda. Pinilig ko ang ulo ko at kinuha ang beer, sa aming apat ay ako at si Jordan lang ang walang babae dahil ani ni Jordan, gusto niya raw makita ni Claire na nagbago na s’ya.
“This is new huh? No girls around?” nakangising tanong ni Matthias.
“I’m not in the mood,” sagot ko sa seryosong boses kaya napailing s’ya.
“Si Athena ba?” natatawang tanong niya kaya tinignan ko s’ya nang masama kaya mas lalong naging malakas ang tawa niya.
The crowd shouted as if someone arrived. Napatingin kami doon at nakita namin ang pula na motor at sa gilid nun ay ang babae na kanina pa namin hinihintay, tinignan ko ‘yun habang pinaglalaruan ang labi ko dahil pamilyar ang kanyang katawan. Huminga ako nang malalim dahil isang tao lang ang pumasok sa isip ko. No.
“Ready. Set. Go!” Tumunog ang baril kaya mabilis na nagsimula ang lahat.
Lahat ng tao ay naging maingay na maski kami ay ganun rin. Sina Austin ay kalmado ngunit may pagkakataon na nasa screen ang motor ni Lady A kaya naman naging maingay ang mga kasama ko. Ang kanyang motor ay mabilis, walang takot, at higit sa lahat ay magaling s’ya sa controlling kaya naman hindi s’ya naabutan ng mga kasama niya dahil sa bilis niya.
“Lady A!” sigaw ng mga tao at kanya kanya na silang sigaw dahil malapit ng mauna ang pula na motor.
Napatayo ako nang muntik ng bumagsak ang motor ni Lady A dahil sa hindi malamang dahilan. Napatingin ako sa oras at 2 minutes na lang at mauuna na ang kalaban niya. Tumayo si Lady A at tumalon sa kanyang motor kaya nakahinga ako nang maluwag nang magsimula ulit s’ya. Lahat ng tao dito ay kanya kanya ang bulungan dahil sa nangyari ngunit napalitan ‘yun ng malakas na sigaw dahil nauna pa rin si Lady A sa lahat ng kanyang kalaban. Isang malakas na tunog ang aming narinig kasabay ng mga motor na bumalik sa finish line.
“The winner is none other than Lady A!”
Lahat kami ay pumalakpak at ang iba ay panay ang sigaw dahil gusto na nilang malaman ang mukha ni Lady A. Ngumisi kami nang makitang tumango s’ya at tinanggal ang kanyang helmet, naging mabagal para sa akin ang lahat at ganun na lamang ang gulat ko nang makita kung sino ang nasa likod ng helmet at mask.
“The gorgeous and unbeatable Lady A, everyone!” sigaw ng Emcee at bakas ang saya sa kanyang mukha. “Yes, she’s a girl and an heir of the Buenaventura’s!”
Lahat kami ay napatayo at gulat na napatingin sa isa’t isa. Napalunok ako at tinignan si Athena na ngayon ay may band aid ang noo at pisngi, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa nalaman ko ngayong gabi. Hindi ako makagalaw sa aking upuan at ang bilis ng tibok ng aking puso sa aking nakikita. S’ya? All this time ay akala ko ibang tao at hindi kilala ang nasa likod ng helmet!
“What the fuck?” gulat na tanong ni Austin. “This is cool.”
Bumaba silang tatlo kaya wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanilang tatlo kahit pa hindi ako makapaniwala sa nakita ko at nalaman ko. Dahan dahan akong naglakad at agad akong nakita si Clark, isa sa nga Villacorta ang nakasakay sa kanyang motor at sa harapan niya ay si Athena. Gulat na napatingin sa akin si Athena kaya hinawakan ko ang leeg ko at bahagyang ngumuso dahil hindi ko talaga inaasahan na s’ya ang Lady A na idol ko.
“Hey!” si Clark sa masayang boses. “Nandito rin pala kayo. Kumusta? Nagulat ba kayo na si Athena?”
“Bro, we’re all shocked to know that she's the Lady A,” natatawang sambit ni Jordan at tinignan si Athena. “We didn’t expect that you're Lady A.”
Athena chuckled and smirked kaya napatingin na naman ako sa kanya, huminga ako nang malalim at lumapit kay Athena kaya naman nasa gilid niya na ako. Tinignan niya ako ngunit ang tingin ko ay kay Clark dahil hawak niya ang kamay ni Athena, nagtaas ako ng kilay at humalukipkip sa harapan nila.
“Hindi ka ba sasama sa akin sa bahay?” malambing na tanong ni Clark kay Athena na nagtaas ng kilay.
“Hindi na baka kung ano pa ang mangyari,” nakangising sagot ni Athena kaya mas lalong tumaas ang kilay ko. “Isa pa kailangan kong asikasuhin ang bake shop at coffee shop kaya siguro, hindi na muna.”
Is that her boyfriend? Seriously? Tinignan ko si Athena na nakangisi at kausap si Clark na hawak ang siko niya kaya nakasimangot akong nakatingin sa kanila. Hindi naman sila bagay at higit sa lahat, mas mukha pang lalaki si Athena kaysa kay Clark. He’s a womanizer kaya naman kawawa lang si Athena sa kanya.
“Alam mo kung nakakamatay lang ang tingin, siguro patay na si Clark.” Napatingin ako kay Austin na nakangisi at nakatingin kina Athena bago s’ya dahan-dahan na tumingin sa akin. “Alam mo hindi rin masama na umamin, kilala na kita Kiro at kahit ilang beses mo pang i-deny na hindi mo gusto—”
“Oh, shut up!” iritadong singhal ko sa kanya kaya mas lalo s’yang ngumisi. “Wala akong gusto sa kanya okay? Kaya manahimik ka na at ayokong marinig ang boses mo!”
Tumawa s’ya. “I'm going to laugh my ass for you if you ever realize that you like her.”
Hindi ko na s’ya pinansin dahil nakita ko sa malayo sina Athena at Clark. Bakit ba ang clingy niya? Pwede naman na hindi niya hawakan ang baywang ni Athena ha? Mas lalong kumunot ang noo ko at wala sa sariling naglalakad papunta doon at hinila si Athena. Gulat s’yang napatingin sa akin ngunit dahil abala si Clark ay hindi niya napansin na wala na si Athena sa tabi niya.
“Bakit?” tanong ni Athena at tinignan si Clark. “Nandoon ang motor ko kaya bakit mo ako dinala dito? Ano na naman ba ang problema mo?”
Tinignan ko lamang s’ya dahil hindi ko rin alam kung bakit ko s’ya dinala dito sa walang masyadong tao. Sinuklay ko ang buhok ko at nakita ko namang sumandal s’ya sa barrier ng bleacher habang ang mga braso ay nasa kanyang dibdib. Napalunok ako nang makitang nakasuot lang s’ya ng itim na sando at kitang kita ko mula dito ang tuktok ng dibdib niya.
“A-anong tinitignan mo?” Napakurap ako at tinignan si Athena na hindi na komportable habang nakatingin sa akin.
“Boyfriend mo ba si Clark?” inis na tanong ko kahit hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa kanya. “Womanizer na pala ang standard mo sa lalaki?”
Nagtataka niya naman akong tinignan kaya lumapit ako sa kanya at agad s’yang umatras at nakita ko naman ang kaba sa kanyang mukha. She has clear skin, her mandu cheeks are pink, her lips are naturally red. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid niya kaya naman napalunok s’ya habang nakatingin sa akin.
“A-ano ba ang ginagawa mo?” tanong niya at umiwas ng tingin. “Akala ko ba ay ayaw mong dumikit sa katulad ko?”
“Shut up.” Napakurap naman s’ya at tinignan ako, pinagmasdan ko ang mukha niya at ang bawat sugat niya sa mukha. “Okay lang ba ang mga sugat mo?”
Natahimik s’ya at napatingin sa akin. Her golden brown foxy eyes are twinkling dahil sa ilaw na nasa harapan namin. Pinagmasdan niya ako at umiwas na naman ng tingin kaya hinawakan ko ang baba niya. Huminga ako nang malalim at inayos ang bangs na nasa gilid ng noo niya.
“Kailangan ba kapag nagtatanong ka...malapit?” nauutal na tanong niya at hindi mapakali ang mga mata niya kung saan titingin. “O-okay naman ang sugat ko kaya pwede ba...umalis ka na sa harapan ko at baka masuntok ko ang mukha mo!”
Ngumisi ako at tinagilid ang ulo ko. I’m enjoying this. Tinignan ko ang labi niya at bumilis naman ang tibok ng puso ko kaya napalunok ako at napasinghap. Lumapit ako at tumama ang labi ko sa tainga niya kaya ngumisi ako nang maramdaman ang lakas ng tibok ng puso niya.
“You said earlier that in order to forgive me I should kiss you, right?” I whispered huskily in her ear.
“H-huh? May sinabi ba ako? Umalis ka na nga!” Si Athena sa galit na boses ngunit ramdam ko ang panginginig ng boses niya kaya ngumisi ako sa tainga niya.
“Paano kung halikan kita ngayon? Mapapatawad mo ba ako?” seryoso ngunit nang-aasar kong tanong. “You kissed me in the bar...and we both know that we both enjoyed it.”
Tinulak niya ako ngunit hindi man lang ako maalis sa pwesto ko. Tinignan ko s’ya na mapungay ang mga mata habang nakatingin sa akin. Tinignan ko ang labi niya at sa isang iglap lang ay magkadikit na ang aming mga labi. Pumikit ako at hinalikan ng tatlong beses ang labi niya, walang bago at masarap pa rin.
“Kiro...what—” I sucked her lips. Hushing her because she’s too loud.
“I want to do it...” bulong ko at hinawakan ang panga niya. “The last time you kissed me I became addicted, Athena. Panindigan mo ako. Na-adik ako sa labi mo.”
Naramdaman ko ang mga braso niya sa leeg ko kaya binuksan ko ang bibig ko para halikan ang labi niya. Napalunok ako at hinawakan ang batok niya papunta sa kanyang buhok. Ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng labi niya. I closed my eyes tightly and gave her lips three soft kisses before I gave her a long and passionate kiss. I never felt this strange feelings when I’m kissing someone, kay Athena lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top