Chapter 19
Athena’s Point Of View:
FLASHBACK
Pinarada ko ang motor ko dahil late na ako ng ilang minutes. Hindi kasi ako nagising dahil sa hospital na ata ako na tulog at nagising lang ako dahil sa mama ni Joy at naiintindihan ko naman na galit s’ya sa akin. Nangako ako na hindi ko hahayaan si Joy ngunit hindi ko nagawa. Aniya ayaw niya na raw ako na makikita na kasama si Joy dahil mas lalo lamang s’ya magagalit kaya pumayag na rin ako.
“Hindi s’ya anak ni Mr. Buenaventura,”
“Totoo ba ang tungkol doon? Nakita ko lang sa internet ang tungkol doon eh,”
“Basta ang sabi doon ay anak s’ya sa labas at sinabi lang nila na Buenaventura si Athena dahil naaawa raw sila dito,”
I closed my eyes. Ang aga aga ay ganito na ang maririnig ko at hindi maganda sa aking tainga. Huminga ako nang malalim at hindi na sila pinansin pa at agad na pumunta sa Grade 11. Agad akong pumasok at nakita ko ang nag-aalala na tingin nina Claire, Jay, Abigail, at Kenneth kaya naman kumunot ang noo ko. Umupo na lamang ako at nakinig sa sasabihin ng aking guro, hindi ko maintindihan kung paano at saan nila nalaman ang tungkol doon ngunit malaking gulo ito para sa mga Buenaventura.
“We will tackle institutionalism ideas and its importance. First, what do we need to know?” Ani ng aming DISS teacher. “We will know about the definition of institutionalism, the father of institutionalism, who proposed institutionalism, and when did institutionalism started.”
Nakinig ako nang mabuti, kailangan kong mag-aral dahil ayoko na ulit sayangin ang pagkakataon na binigay sa akin ni emperor. Ayoko na ulit marinig ang salitang ‘failure’ sa bibig niya at sa buong Buenaventura. I will proved them wrong.
“Miss Athena, do you have any idea about institutionalism?” tanong ng aming DISS teacher.
Tumango ako at tumango. “Institutionalism in political parties, an approach that sees political parties as having the same capacities for adaptation, but also sees them as being prisoners of their own history as an institution.”
The amazement evident on his eyes. Ngumiti lamang ako at narinig ang mga bulong ng aking mga classmate.
“Very good. Okay, you never failed me.” Napangiti ako dahil nag-aral ako kagabi para dito, mahilig akong mag advance study kaya naman kahit hindi pa na-d-discuss ay alam ko na. “Last. Who do you think is the father of institutionalism?”
I smirked. “In the 60’s, Douglass's North introduced a new field of economics: Cliometrics. Cliometric is a novel way to study economic history, through means of mathematical and quantitative methods. His first book, the Economic Growth of The United States from 1790 to 1860, reflects on this point.”
Narinig kong napasinghap ang mga kaklase ko kaya tumango ako at agad na umupo, dahil nasagot ko ang mga tanong ni sir ay hindi niya kami binigyan ng exam. Ngumisi ako kina Claire at agad na tinignan ang cellphone ko at nakahinga ng maluwag dahil gising na si Joy. Agad akong nag-text kay Alexander at sinabi na bantayan ng mabuti at maayos si Joy.
“Don’t forget your assignments,” ani ng guro at agad na lumabas ng classroom.
Inayos ko ang aking bag at sinabi sa kanila na kailangan kong pumunta sa hospital. Mabilis akong naglakad at naalala ang wallet ko na nasa locker. Sinabi ko rin sa mga kaibigan namin ni Joy na kailangan kong mauna dahil kailangan kong kausapin ang principal. Pumunta agad ako sa locker ngunit agad natigilan nang maramdaman ang isang malakas na sipa sa aking likod, dahilan para tumama ang ulo ko sa locker kaya napadaing ako.
“Tsk. Tsk. Tsk.” Ang boses na ‘yun, mukhang sina Joseph na naman kasama ang mga group niya. “Tadhana nga naman na dito ka dumaan, ano? Pagkatapos mong gawan ng masama ang girlfriend ko, tignan natin ang kaya mong gawin.”
Napadaing ako nang may kung anong tumama sa likod ko. Hindi agad ako gumalaw dahil masakit, huminga ako nang malalim at sa pangalawang pagkakataon ay mabilis akong tumayo kaya nahawakan ko ang matigas na bagay na ‘yun. Nanlaki ang mata niya kaya mabilis kong sinipa ang mukha niya dahilan para tumama rin s’ya sa locker door.
“Bakit ba palagi kong nakikita ang pangit mong mukha ha?” tanong ko sa maangas na boses. “Pangit na nga, gusto mo pa atang lumala.”
Sinipa ko sa tiyan ang isa, suntok sa isa, at siko sa isa. Nagtagis ang panga ko nang tumama ang badminton racket sa likod ko, malakas at sobrang sakit sa likod. Tinignan ko kung sino ‘yun ngunit isang malakas na suntok ang tumama sa aking pisngi dahilan para hindi ko s’ya masuntok.
“Ang kawawang anak sa labas...” natatawang sambit ng isa. “Akala naming lahat anak ka ng mayaman na tao dito sa lugar natin. Halos lahat ay takot sa ‘yo dahil sa mataas mong katauhan, sa mayaman mong pamilya, at sa pera ninyong lahat ngunit mali kami.”
“Sino ang nagsabi sa inyo na mangialam sa buhay ko?” Pinunasan ko ang aking bibig at ramdam ko ang dugo sa aking noo pababa sa aking leeg.
Isang suntok sa aking baywang ang aking nararamdaman kaya napahawak ako sa locker dahil sa sakit. Tinignan ko sila nang masama ngunit tumawa lamang sila, napasinghap ako nang hilain niya ang damit ko at hindi ako makagalaw dahil sa sakit ng katawan ko. Hinila nila ako papunta sa canteen at doon ko nakita sina Kisses at ang iba pa.
“Bakit nandito ka?” nakangising tanong ko. “Gusto mo ba ulit magkaroon ng black eye sa mata? Saan mo gusto? Sa kanan o—”
Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Ngumisi ako ngunit may kung sinong kamay ang humawak sa buhok ko at isang upuan ang tumama sa likod ko, huminga ako nang malalim.
Hindi mo pwedeng ipakita sa kanila kung ano ang kaya mo, Athena. Hindi pwede.
“Ang tanga namin na naniniwala kami sa inyo na anak ka ng isang mayaman na pamilya dito sa lugar natin,” iritadong sambit ng kung sino at naramdaman ko ang heels niya sa aking baywang kaya napadaing ako.
“Hindi dapat sa kanya ang nandito! Baliw na lang ang maniwala sa ‘yo, Athena!” sigaw ng kung sino at hinawakan ang buhok ko para iuntog ako sa isang matigas na bagay.
END OF FLASHBACK
Tinignan ko ang kanilang reaction lalo na si Kiro. Ngumisi ako at nakita kong guilty s’ya at nakita ko rin ang paggalaw ng adams apple niya na kasing tangos ng kanyang ilong. Lahat kami ay napatingin sa pinto ng isa-isang pumasok ang mga Buenaventura at sa likod nila ang mga kaibigan namin ni Joy. Unang tumama sa akin ang tingin ng emperor at hindi ko alam kung bakit nag-aalala ang mga mata niya habang nakatingin sa akin ngunit bigla na lamang ‘yun nawala.
“What happened to you?” tanong ni daddy at napasinghap pa nang makita ang mukha ko pababa sa mga braso ko.
“Nadapa lang ako,” ani ko at tingnan niya naman ako ng masama. “Bakit kayo nandito? You will scold me again? Sanay na ako dyan.”
Tinignan ko si Archer at nakita kong nag-aalala s’ya kaya ngumiti lang ako at umiling sa kanya. Nagsimula ng magtanong si Bruce at sinabi naman nila ang nangyari kaya naman wala akong gumawa kundi ang tumango at makinig sa kanilang lahat.
“Quieres morir?!” Napalunok ako sa tanong ng Emperor. Galit ang mga mata niya ngunit kalmado ang kanyang mukha.
TRANSLATION: “DO YOU WANT TO DIE?”
“No, lo siento” mahinang sambit ko, hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil kapag tinignan ko ang mga ‘yun ay para ko na ring tinignan ang isang emperador ng Spain.
TRANSLATION: “NO, I’M SORRY.”
Tinignan niya sina daddy at agad naman silang nag-usap. Na-iwan kami ni Kiro sa kwarto kaya naman hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kapag nakikita ko talaga ang mga mata niya ay para kong nakikita si Kyle. Huminga ako nang malalim.
“Ano pa bang ginagawa mo dito?” kalmado ang tanong ko.
He sighed. “What can I do now?”
Nagtataka ko s’yang tinignan, hindi maintindihan ang sinasabi niya. Tinignan niya ako at inayos ang lip ring niya, kung ako ang tatanungin ng ibang babae, masasabi kong bagay sa kanya ang lip ring. Nung halikan ko ang labi niya, hindi naging hadlang ang lip ring sa kanyang labi at aaminin kong nagustuhan ko ang halik na ‘yun.
“I want to apologize...” aniya sa mahinang boses. “For doing this to you. Gusto ko lang naman na umalis ka, na lumayo ka dito, at hindi na mag pakita pa dahil sa totoo lang ay naiinis ako kapag nandyan ka.”
“Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ka sa akin,” kalmado ngunit seryosong sambit ko.
Natigilan s’ya. Hindi na naman niya ako kayang tingnan kaya ang side profile niya lang ang nakikita ko.
“I don’t know...” aniya. “Ang sama ng tingin mo sa akin nung una kitang nakita, ang mga mata mo ay madilim at kung makatingin sa akin ay para bang papatayin mo ako.”
“What?” nakakatawang tanong ko. “Your reason is too lame to believe. Hindi nga kita kilala noon. Nakilala lang kita dahil kay Joy at wala rin akong interest na makilala ka dahil sino ka ba?”
Tinignan niya ako nang masama kaya ngumisi ako lalo. Napailing naman s’ya. Sa totoo lang ay wala naman akong pakialam sa mga tao dito, s’ya lang talaga ang bukod tanging nakagawa sa akin ng ganito. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay, mag-aral, at nakasuot ng toga at mahawakan ang diploma.
“Alam mo bang pangarap kong makapagtapos?” ani ko kaya napatingin naman s’ya sa akin. “Ang gusto ko lang naman ay mahawakan ang toga, na masabi ng emperor na proud s’ya sa akin, at makapasok sa Buenaventura Empire ngunit nang dahil sa pagiging isip bata mo ay ito ang nangyari sa akin. Masaya ka ba at ginulo mo ang buhay ko?”
Hindi s’ya sumagot kaya ngumiti ako nang maliit.
“I’m sorry okay?” Parang galit pa s’ya kaya nagtaas ako ng kilay. “Ano bang gusto mong gawin ko? For you to forgive me and leave this school?”
“Kiss me.” Gusto kong matawa nang makita kong literal na natigilan s’ya at nanlaki ang mga mata niya, nakaawang pa ang labi niya. “You want me to forgive you right? Then, kiss me.”
“What?” He shattered. “You’re such a flirt, Athena! Yuck.”
Natawa ako at napailing sa kanya. Wala naman s’yang dapat gawin dahil kaya ko naman ang mga tao dito. Huminga ako nang malalim.
“I want peace, Kiro.” Napatingin ulit s’ya sa akin. “Can you give that to me? I want to finish my school year without bullies, enemies ngunit hindi na ata mawawala, and peace of mind.”
Tumango s’ya. Ngayon ko lang naka-usap si Kiro na hindi kami nagsisigawan, nag-aaway, at hindi nagkasakitan ng physical. Ngumiti na lamang ako at maya maya ay napatingin ako sa pinto at pumasok si daddy at kasunod niya si kuya na iritado ang mukha at mukhang nag-away na naman sila ni daddy at ng iba pa.
“Pack your things here in school. Utos ng emperor na ilipat ka ng school.”
Kiro and I looked at each other. Umiwas ako ng tingin at marahan na tumango kay daddy dahil kapag utos na ng Emperor ay wala kaming magagawa kundi sumunod kahit pa labag sa loob namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top