Chapter 18
Kiro's Point Of View:
Mabilis akong pumasok sa hall kung saan nandoon ang diamond necklace na kailangan namin para sa gang. Tinignan ko ang paligid habang hawak ko ang dalawang samurai ko, pumasok kami rito ng walang taong nakakita sa amin dahil masyado silang abala sa auction. Tinignan ko sina Charlie at agad naman silang tumango sa akin at pumasok sa isang room na nasa dulo ng hallway.
“Sigurado ka ba na nandito?” tanong ni Matthias habang hawak ang kanyang dagger na kanyang paborito.
“We already talked about this, Mat at ikaw na rin ang nagsabi na nandito ang necklace,” kalmado ang sagot ko.
Napasinghap ako ng bumungad sa amin ang lazer. Sa dulo nun ay ang glass container at nandoon ang necklace, una akong pumasok habang silang tatlo ay nasa labas at tinitignan kung nandyan na ba ang mga guards. Ingat na ingat ako na baka isang maling galaw ko lang ay masunog ang katawan ko. I jumped carefully and moved my body carefully, pigil na pigil ko ang hininga ko dahil ito ang unang pagkakataon na pumasok ako sa kwarto na puno ng lazer.
“Fuck! Bilisan mo na, Kiro!” si Charlie sa malakas na boses at dumating na nga ang mga guards dala ang kanilang mga baril.
One step ahead and done. Nakangisi ako habang hawak ang necklace at narinig ko na ang mga sigaw at alarm sa labas kaya naman mabilis akong tumakbo. Gamit ang samurai ko ay sinaksak ko sa tiyan ang isa habang ang dalawa ay sa parehas na dibdib kaya napangiwi ako sa dami ng dugo na lumabas sa kanilang katawan.
“Emergency exit!” sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa ibaba at nakita namin dun ang emergency exit kaya dun kami pumunta.
I sighed when we stepped inside the car while holding the necklace, tinanggal ko ang mask ko at ngumisi kina Charlie dahil malaking pera na naman. Ang bawat pera o alahas na nakukuha namin ay ginagamit namin sa mabuti na paraan. Nakikita kasi namin ang mga taong may mataas na position na ginagamit lamang ang pera para sa kanilang sariling interest na hindi na nila napapansin ang mga nasa ibaba.
“See you tomorrow. Ano na naman kaya ang mangyayari bukas?” nakakatawang tanong ni Austin nang bumaba ako.
I chuckled at agad na pumasok sa condominium para pumunta sa penthouse dahil may pasok kami bukas. May sarili akong elevator dahil ayaw ko na may kasabay ako o kaya naman may mga employee na kulang na lang ay maging sardines kami sa elevator. Sa pagbubukas ng elevator ay ang living room kung saan may statue sa gitna. Itim at gray ang theme ng aking penthouse at nandito rin nakatira ang assistant kong si Harold.
“Steph?” Gulat kong tawag kay Stephanie na nasa kusina habang nakatingin sa malaking shelves ng aking mga wines.
“Oh, hi!” She smiled and walked towards me to give me a kiss on my cheeks. “I came here because auntie told me that you're here at wala ka sa mansion ninyo.”
Huminga ako nang malalim at umupo sa sofa na nasa living room. I don’t want anyone came here without my permission dahil ayaw ko na maraming tao at gusto ko rin na ang babaeng makakasama ko lang ang pupunta dito. Tinignan ko si Steph na nakasuot ng isang red dress at nakalagay ang kanyang mga braso sa itaas ng kanyang dibdib.
“For the last time...” I sighed irritably. “I don’t want you to come here without my permission and please, could you stop visiting me?”
“But you’re my fiancè!” I closed my eyes tightly because I’m already annoyed right now. “I’m free to visit you, to check on you, to care for you, and everything!”
“But you can’t force me to call you my fianceè because you’re Charlie's sister and we have a rule.” Naalala ko na naman ang nangyari kay Joy at ang mukha ni Athena kaya nagtagis ang panga ko. “Tell me, may alam ka ba sa nangyari kay Joy?”
Halata ang gulat sa kanyang mukha kaya napatingin ako sa kanya. Tumayo ako at nilagay ang mga braso ko sa aking dibdib dahil hindi ako makakuha ng sagot mula sa kanya.
“What are you talking...about?” She chuckled nervously. “Don’t tell me you’re helping them?”
“I’m just asking,” nakangising tanong ko at kinuha ang jacket ko at agad na naglakad patungo sa kwarto ko. “Do you want to tell me something? If none, bukas ang elevator at pwede ka ng umalis.”
Hindi ko na nakita pa ang mukha niya at agad na pumunta sa kwarto ko. Huminga ako nang malalim at napatingin sa gilid para pumunta sa closet.
“Kiro.” The closet opened at bumungad sa akin ang mga damit ko sa bawat shelves kaya kumuha ako ng isang sweat shorts.
Pagkatapos kong mag half bath ay agad akong pumunta sa kama. I checked my emails at nakita na wala namang email ang secretary ko. Natulala ako sandali nang makita ang Instagram story ni Claire na kasama si Athena at nasa hospital pa rin sila at wala pa ring malay si Joy. Hindi naman magagalit si Athena kung walang ginawa si Stephanie diba?
“You make me overthink again and again girl,” bulong ko habang nakatingin sa mukha ni Athena na abala sa kanyang cellphone.
Kinabukasan ay late akong nagising kung hindi lang tumawag si Jordan ay baka na-late na talaga ako. I immediately went through the bathroom and bathed myself and after that I immediately wore my uniform. Mabilis akong pumunta sa elevator at agad na sinuklay ang buhok ko dahil ilang minutes na lang ay mal-late na talaga ako. Sumakay ako sa kotse ko at agad na nag-text sa mga kaibigan ko na papunta na ako dahil ilang minutes lang ang byahe papunta doon.
Mabilis kong pinarada ang kotse ko at agad na pumasok. Marami pa rin namang estudyante sa hallway kaya alam ko na may 15 minutes pa ako, umakyat ako sa third floor at agad na nakita ang mga estudyante na may kanya kanyang ginagawa. Huminga ako nang malalim nang makarating ako at agad akong sinalubong nina Jordan at Austin.
“Kanina ka pa namin hinihintay, mabuti na lang at mabilis ka mag-drive,” ani ni Austin. “Mamaya may motor racing na naman, manood tayo.”
“Yup,” sagot ko at ngumisi, hinanap ng mga mata ko si Sky ngunit wala pa s’ya. “Bakit wala pa si Sky?”
Tinignan naman nila ang tinignan ko at sinabi na wala pa dahil baka pumunta sa hospital. Tumango na lamang ako. Mabilis rin na nakarating ang aking guro at mabuti na lamang ay kasama niya si Sky kundi bibigyan na naman s’ya ng warning dahil ilang beses na s’yang late. Aaminin ko na mysterious para sa akin ang personality nilang lima lalo na si Athena, ewan ko ba, palagi na lang nasa isip ko si Athena at kung minsan pa hawak ko ang labi ko.
“We’ll be having our thesis. You will be group in five kaya alam kong madali na lang para sa inyo ang makabuo ng isang research paper since college na kayo next school year, marami na rin kayong gagawin lalo na’t second semester.”
Totoo ‘yun. Habang tumatagal ay ang dami na naming ginagawa kaya naman naging abala ako sa ibang bagay, hindi ko na napapansin ang negosyo ko at ang iba ko pang legal transaction. Mabuti na lang at madali lang lesson namin at hindi rin naman mahirap para sa akin. Palagi kong hawak ang libro ko kaya naman minsan advance ang isip ko sa lesson namin, minsan pa nga ay alam ko na agad ang lesson.
Tatlong subject ang dumating at pagod na ang kamay ko sa kaka-sulat ng mga pinapagawa sa amin. Since malapit na ang all star game, kailangan na namin mag-training at may mga program rin kaya ang mga dancers na katulad ko ay dapat na mag handa. Pinag-usapan lang naman ay ang tungkol sa physics, sa mga scientist at ang kanilang ginawa.
“Class dismissed,” ani ng aming Entrepreneur naming teacher.
Sabay-sabay kaming napatingin kay Sky dahil sa malakas niyang boses. Tinignan niya kami at agad na umalis kaya nagtataka namin s’yang tinignan, nagkibit-balikat na lamang ako dahil baka mamaya ay tawag s’ya ni Athena. Speaking of Athena, minsan kasi ay dito s’ya dumadaan kaya naman nagtataka ako kung bakit walang Athena na naglalakad habang hawak ang isang bag.
“Are you waiting for someone?” nakangiting tanong ni Austin. “Kanina pa dumaan si Athena.”
Natigilan naman ako ngunit agad rin namang napangiwi. “Shut up.”
Tumawa lamang s’ya at tinapik ang balikat ko, napailing na lamang ako at agad na sumunod sa kanila. Tumakbo ako at hinawakan ang balikat ni Jordan na seryoso ang mukha, nagtataka talaga ako dito dahil palagi niyang kasama si Athena at naiinis ako dahil pati ba naman ang kaibigan ko ay kinakausap niya. Nakarating kami sa canteen at pare-pareho kaming natigilan nang makita si Athena na nasa lamesa at puno ng dugo ang damit niya.
“A-Athena!” si Rina sa nanginginig na boses. “Anong problema niyo?! Ang tapang niyo porque hindi kayo pinapatulan ni Athena! ‘Yan na ba ang kaya niyong gawin? Sumagot kayo!”
Hinagis ni Rina ang mga wine glass at ang isang lamesa. Napalunok ako dahil kitang kita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya, nakita ko sa hindi malayo sila Joseph at ang iba pang nag-b-bully kay Athena. Nagtagis ang panga ko at huminga ng malalim nang makita si Athena na nakalagay ang mukha sa kanyang kamay.
“Anak sa labas ‘yang kaibigan niyo! Ha! Mayabang na s’ya porque Buenaventura s’ya tapos malalaman namin na anak s’ya sa labas?” natatawang sambit ni Joseph habang galit ang mga mata na nakatingin kay Athena.
“Ano naman sa ‘yo ngayon?” mariin at galit na tanong ni Chase. “Really? Babae? Ano bang school ‘to na pati babae ay papatulan ninyo? Natapakan ba ni Athena ego mo at ganyan ka ha? Alam mo bang isang kabastusan para kay Athena—”
“Tama na sabi!” Napatingin ako kay Athena na kalmado ang mukha. Puno ng sugat, dugo, at iba pa ang kanyang mukha ganun rin ang uniform niya, halos makita na ang balat niya.
Tumayo si Athena ngunit nakita ko sa gilid ng mata ko ang paggalaw ng mga kasama ni Joseph lalo na ang mga babae. Mabilis akong naglakad at hinawakan ang dalawang babae at hinagis sa lamesa, nakagawa ‘yun ng ingay at lahat ng tao ay napasinghap. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngunit isa lang ‘yun, galit. Sinuntok ko sa mukha si Joseph at ang mga kasama niya na halatang nagulat sa akin.
“Babae ‘yan,” mariin na bulong ko habang hawak ang kamay ko. “Tigilan mo si Athena.”
“Oh, akala ko ba ay gusto mong mawala ‘yang babaeng ‘yan?” nakakatawang tanong niya at ngumisi. “Wag mong sabihin na may gusto ka na sa—”
Sinuntok ko ulit ang mukha niya, galit na galit talaga ako. Tinignan ko si Athena na nakapikit kaya mabilis akong pumunta sa kanya at hinubad ang blazer ko tsaka ko nilagay sa hita niya, gulat s’yang napatingin sa akin ngunit wala akong pakialam at agad s’yang binuhat.
“Anong ginagawa mo?” bulong niya at ramdam ko ang pagod niya.
“Kasalanan ko kung bakit nangyayari sa ‘yo ang lahat ng ‘to,” mahinang sambit ko, nahihiya dahil sa ginawa ko.
She chuckled and smirked. “Nagawa mo na, alam mo na ang nangyari kaya ano pa ba ang magagawa mo?”
Napalunok ako dahil ramdam ko ang seryoso niyang boses, may galit, at kaunting iritado. Huminga ako nang malalim at hindi na s’ya tinignan dahil nasa leeg ko na ang labi niya, napalunok ako at mabilis na pumunta sa clinic. I need to stop this. I need to stop being like this. Hindi ‘to tama at lalong hindi puwede. I looked at her, she looks peaceful and she’s a bit tiny now at mas bagay sa kanya ang eye liner niya ngayon kahit na may dugo ang kilay niya. I smiled and bit my lip.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top