Chapter 16

Kiro's Point Of View:

Huminga ako nang malalim dahil sa dami ng gagawin for our semester. Grade 12 na ako at kailangan ko pang manatili sa honors dahil kung hindi, mawawala sa akin ang lahat dahil na rin sa sinabi ni daddy. He wants me to study hard because of what happened years ago, ang sabi ni mommy ay wala na talaga akong buhay at dapat daw ay nasa lista na ako ng mga patay. Hindi ko talaga alam ang nangyari at ang sabi na lang sa akin ay umalis raw ako sa kama at umupo na para bang wala sa sarili.

"Take care of her." Ang boses na 'yun sa isip ko nang magising ako sa hospital. Hindi ko alam kung baliw na ba ako pero paulit-ulit kong naririnig ang boses na 'yun.

Tinapos ko ang lahat ng gagawin dahil may gagawin ako mamaya. Kailangan kong makuha sa maling kamay ang diamond necklace, kailangan namin 'yun para sa auction at sa amin mapupunta ang pera para doon. Ang Dragons ay malaking group na hindi mo magugustuhan kapag nakilala mo, layunin namin na tulungan ang lahat sa aming makakaya. Nalaman rin namin na may malaking group ang ginagaya ang Dragons at hindi namin alam kung sino ang mga 'yun.

"Class dismissed." Mabilis kong kinuha ang gamit ko dahil kailangan ko pang kausapin si Athena. The night was a fucking mess at simula nang mahalikan ko ang labi niya tanging labi niya na lamang ang nasa isip ko.

Samu't sari ang bulong na naririnig ko kaya naman napangiwi ako, may mga babae pa na tumatawag sa amin o sa akin ngunit wala dun ang atensyon ko, kundi sa baba dahil maraming tao. Agad akong bumaba at pumunta doon para tingnan kung ano ang nangyari ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita si Joy, maraming dugo sa kanyang katawan at mag-isa lang s'ya sa locker kasama ang isang kahoy na hindi ko alam saan nanggaling.

"Joy!" Mula sa malayo nakita ko si Athena na mabilis na tumakbo. "Joy, wake up! Anong nangyari- Rina ang kotse!"

Mabilis kaming pumunta dun at lahat ng estudyante ay tinulak ko para lang makadaan ako. Mabilis kong kinuha si Joy kaya napatingin sa akin si Athena, seryoso ang mga mata niya at bakas ang galit sa kanyang mga mata. Tumango ako sa kanya at agad naman niyang kinuha ang bag ni Joy, wala ng kulay ang labi ni Joy at sa tingin ko kanina pa s'ya nasa locker.

"Bilisan na nati!" ani ni Athena at ramdam ko ang galit sa kanya.

Mabilis kaming lumabas at ilang hakbang lang ang papunta sa hospital kaya mabilis kaming pumunta doon. Agad akong tinawag ang nurse at nakita ko rin si Athena kausap si Alfred, huminga ako nang malalim at tinignan si Athena. Mabilis namin s'yang tinanong kung anong nangyari pero maski s'ya ay hindi niya alam.

"Ang sabi niya kukunin niya lang ang wallet niya..." aniya sa mahinahong boses. "Ilang minutes na kaming naghihintay sa kanya kaya naisip kong pumunta sa locker."

"Wala pa namang CCTV doon dahil nga safe naman at walang masyadong estudyante," ani ni Jordan. "It's possible that you have a secret hater at nadamay lang si Joy dahil alam nila na kaibigan mo s'ya."

Iniwas ko ang paningin ko dahil tinignan ako ni Matthias. Alam kong kasalanan ko ang nangyari dahil sa akin nagkaroon s'ya ng kaaway. Maya maya ay dumating si Alfred kasama si Jonas, kunot ang noo ko dahil 'yun na naman ang tingin niya kay Athena, tinignan ko si Athena na pinaglalaruan ang kanyang daliri.

"Joy is still unconscious. We need to operate her spinal cord because of the impact when she was pushed into the steel," ani ni Alfred. "Nakita rin namin na may sugat ang kanyang ulo at so far maayos naman ang lagay ng ulo niya, walang malalim na sugat pero titignan pa rin namin."

"Do everything you can to save her," ani ni Athena, bakas ang awtoridad sa kanyang boses at hindi ako sanay doon. "Don't disappoint me again, Alfred."

Nakita kong napalunok si Alfred at nabasa ko rin ang sakit at lungkot sa mga mata niya na hindi ko alam para saan. Nanatili kami sa hospital hanggang sa napatingin kami kay Athena na tumayo.

"Saan ka pupunta?" Bakas ang pag-aalala sa mga mata ni Chase. "Please...don't."

"May hahanapin lang ako." Ngumiti si Athena pero nakakatakot ang aura niya, ramdam na ramdam ko na isang tapik mo lang sa kanya ay sasabog s'ya.

Naglakad s'ya ngunit bago 'yun ay hinawakan ko ang braso niya kaya natigilan s'ya at napatingin sa akin. Napaatras pa ako sa tingin niya. Galit na galit ang mga mata niya at aaminin kong natatakot ako sa pwede niyang gawin, huminga ako nang malalim at hindi pinansin ang mga mata niya.

"We can talk to my lolo about this," ani ko sa kalmado ang boses. "Wala pa tayong lead kung sino nga-"

"Ako, mayroon." Tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya. "Hindi ko kailangan ng opinyon mo. Hindi ko kailangan ng mga salita mo."

Napalunok ako at agad s'yang tinignan sa malayo habang ang mga kamay niya ay nakalagay sa mga bulsa niya. Huminga ako nang malalim at inis na hinawakan ang buhok ko, hindi ko alam kung paano niya ba ako kakausapin nang hindi nagagalit, tinignan ko sina Rina at agad kong nakita ang kaba sa mga mata nila.

"Teka nga!" si Austin sa iritado ng boses. "Bakit ba ganyan ang mga mukha ninyo? Umalis lang naman si Athena pero grabe ang reaksyon ninyo!"

"Hindi mo alam kung paano magalit si Athena," seryosong sambit ni Alexander kaya napangiwi ako.

"We need to stop her as soon as possible," ani ni Rina at tumayo. "Tara na."

Wala kaming nagawa kundi ang sumunod nalang dahil kahit ako ay na-e-excite makita ang galit na Athena. She had a soft face at parang hindi marunong magalit kaya naman hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Mabilis kaming pumasok sa school at tumakbo na sina Rina, Sky, Chase, at Alexander kaya napatingin sa akin sina Austin.

"Don't tell me that you're worried about her," ani ni Austin. "Do you like her?"

"What are you talking about?" ani ko at inis s'yang tinignan. "I don't like that girl, Austin kahit pa..."

Nagtaas s'ya ng kilay kaya umirap ako at mabilis na pumunta sa canteen, nanlaki ang mga mata namin nang makita si Athena na hawak si Stephanie sa buhok. Mas lalong nanlaki ang mga mata namin nang hilain ni Athena si Stephanie papunta sa quadrangle, hindi kami halos gumalaw dahil gulat kami sa nakita namin. Tsaka lang ako gumalaw nang makitang sinuntok ni Athena si Stephanie sa mukha, mabilis kaming pumunta doon.

"Hindi mo alam kung anong resulta ng ginawa mo kay Joy," mariin at galit ang kanyang boses ngunit ang kanyang mukha ay kalmado.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!" si Stephanie sa malakas na boses. "Let go of me!"

Napasinghap ako nang padabog niyang hinila si Stephanie at agad na tumama ang kanyang mukha sa semento. Hindi pa doon natapos dahil isang malakas na sipa ang ginawa niya kay Stephanie kaya naman agad na napasigaw si Stephanie.

"Steph!" si Charlie at mabilis na tumakbo doon. "Stop! What are you doing?!"

Hindi s'ya pinansin ni Athena at ngumisi ito kaya napasinghap ako. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ngayon ko lamang nakita ang kanyang mukha, galit na galit ang mga ito at pakiramdam ko ay kapag lumapit ako ay hindi s'ya makikinig.

"Umalis ka diyan," ani ni Athena. "Maikli lang ang pasensya ko, Charlie kaya umalis ka diyan."

"No!" si Charlie sa galit na boses. "Hindi mo ba alam kung anong ginagawa mo? Hindi tama ang ginagawa mo! She's my sister at kapag sinabi niya na hindi niya ginawa, hindi niya kailanman gagawin 'yan! 'Wag kang umasta na kaya mo na ang lahat, Athena at pwede kitang kasuhan."

Tumawa si Athena, galit na galit ang mga mata niya. Lumapit s'ya kay Charlie at nakita ko ang galit na si Charlie at si Stephanie na nasa likod niya.

"You didn't even know how much I want to punch her face. Kung saan-saan ka kasi nakatingin kaya hindi mo alam kung anong ginagawa ng kapatid mo. Sa tingin mo ba ay mananatili akong tahimik habang ang kaibigan ko ay nasa hospital, walang malay at maraming dugo ang nawala?" ani ni Athena at puno ng dugo ang kanyang kamay. "Sa tingin mo ba gagawin ko ang ginagawa ko ngayon sa kapatid mo kung wala naman s'yang kasalanan?!"

Nanlaki ang mata ko nang hawakan ni Charlie ang collar ni Athena. Tinignan s'ya ni Athena at nagtagis ang panga ni Charlie. Huminga ako nang malalim at napatingin kina Rina na kalmado lamang ngunit nasa gitna rin sila at pinapanood si Athena.

"Bago ka lang sa school na ito, Athena..." ani ni Charlie. "Don't ever ruin this school because of that squatter attitude you have, kung sa tingin mo ay matapang ka na dahil sa ginagawa mo, kung sa tingin mo ay kaya mo ang lahat ng tao dito nagkamali ka ng school na pinuntahan."

Ngumisi si Athena at tinignan si Stephanie na halos hindi ko na makilala ang mukha dahil sa sugat. Hinawakan niya ang kamay ni Charlie at padabog na binitawan ni Charlie ang collar niya.

"Kapag nalaman ko na ang kapatid mo ang may gawa, hindi lang 'yan ang kaya kong gawin." Tinignan niya si Stephanie na kunot ang noo habang si Charlie ay nakatingin lamang sa kanya. "Hindi mo magugustuhan kapag ako mismo ang naka alam sa totoong nangyari, 'yang kapatid mo ang ipapalit ko kay Joy."

Tinignan ako ni Athena at mabilis na umalis kaya lahat kami ay napatingin kay Stephanie. Nakita ko ang galit sa mukha ni Charlie at tinignan ako kaya umiling ako dahil pakiramdam ko ay totoo ang sinasabi ni Athena, knowing Stephanie, masama ang ugali niya. Tinignan ko sina Rina at napailing sila sa akin kaya kumunot ang noo ko at kinagat ang labi ko. I should do something.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top