Chapter 15

Joy’s Point Of View:

Ito na nga ang chismis. Nakita namin sina Athena at Kiro sa dancefloor at hindi ko kaya ang nakita ko! Totoo bang si Athena ‘yun o baka naman hindi? Hindi gagawin ni Athena ang halikan ang isang lalaki kung wala namang dahilan. Alam kong nakikita niya kay Kiro si Kyle pero iba pa rin ang pagmamahal ni Athena para dun, we acted like we don’t see but the truth is nakita talaga namin dahil puro glass window ang nasa paligid namin. 

Athena is my long time friend. Nakilala ko lang naman s’ya dahil sa isang fraternity kung saan kasali ako and we became friends because she helped me to beat those who want me killed. Matagal na rin ‘yun at nandoon rin ako nung niloko s‘ya ni Jonas sa kaibigan namin noon, lahat ng problema ni Athena ay alam ko at naaawa na rin ako sa kaibigan ko dahil hindi biro ang lahat ng nangyari sa kanya. 

“Why did you kiss me?” mariin na tanong ni Kiro, dahil malapit lang sila sa akin ay naririnig ko ang mga sinabi niya. 

“You don’t need to remember the kiss,” ani naman ni Athena na para bang normal lang sa kanya ang ginawa niya. Malamang ay sa ibang bansa ay kung sinu-sino na naman ang hinahalikan niya. “Don’t act like you don’t respond to my kiss kasi kung ayaw mo talaga, dapat tinulak mo na ako, right?”

“Don’t you ever do that again. It‘s disgusting,” ani ni Kiro at uminom ng beer. 

I want to laughed dahil nakita kong s’ya ang humawak sa panga ni Athena para mas lumapit pa ito sa kanya. Matagal ko ng napapansin si Kiro at sa tingin ko pareho lang kami ng alam ni Austin at Matthias dahil hindi naman ganyan si Kiro. Ayaw na ayaw niya sa mga babae at para sa kanya para lang itong isang barbie doll na kapag wala ng kwenta, basta niya na lamang ito iiwan sa kung saan. 

Pagkatapos namin sa bar ay naisip ko na dun na lang sa penthouse ni Athena dahil wala rin naman akong kasama sa bahay. I lived in a broken hearted family, si papa ay nandoon na sa babae niya at ang mama ko naman ay may iba ng pamilya kaya naman hindi ko kayang manatili sa bahay dahil nandoon ang step father ko. Tinignan ko si Charlie na may kasama na namang babae, bumuntong hininga ako. He’s my crush for almost a year at nasasaktan ako kapag nakikita kong may babae s’yang kasama, pinilig ko ang ulo ko at mabilis na sumakay sa motor ko. 

Mabilis kaming nakarating sa penthouse ni Athena. Sila Rina ay doon rin dahil may gagawin daw sila, alam ko naman kung ano ang ginagawa nila at alam ko rin ang tungkol sa empire. 

“Bakit mo nga ba hinalikan si Kiro?” tanong ko kay Athena na nakaupo sa sofa. 

“Hindi ko rin alam,” aniya at napasinghap naman ako. “May iba talaga sa kanya at hindi ko alam kung bakit. I’m trying to build my walls again pero sa tuwing nakikita ko ang mukha niya pakiramdam ko ay si Kyle s’ya.”

I sighed and held her hands. “Mali ang ginagawa mo, Louise. Kahit ako ay nagulat sa ginawa mo pero alam ko ang dahilan pero sana naman hangga‘t wala ka pang nararamdaman dun sa tao ‘wag mo sanang gawin ang bagay na ‘yun.”

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil Monday na naman. Napatingin pa ako sa labas dahil nandoon sina Rina at tulog na sa kama sa labas, napailing na lang ako dahil malaki naman ang penthouse kaya naman kahit ilang tao ay kaya. I cooked our breakfast at napangiwi ako nang makitang kaunti na lang ang stocks ni Athena kaya napailing ako, napatingin ako sa living room at nakita na gising na si Rina. 

“Morning,” ani ko at tinaas ang plato. “Breakfast tayo.”

“Anong oras na?” tanong niya at nagtataka naman akong tumingin sa kanya. “Joy! Kailangan nating lagyan ng injection si Athena!”

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa wall clock dahil 6 in the morning na. Mabilis kaming pumunta sa kwarto ni Athena at ganun na lamang ang gulat ko nang makita si Athena, nasa kama at pula na ang kanyang mga mata. Napasinghap ako at napalunok dahil tuwing umaga ay ganito s‘ya at 30 minutes bago s’ya maging kalmado, tinignan niya kami at blangko ang kanyang mukha kaya napalunok ako. 

“What the fuck! Ano b—” Nanlaki ang mata ni Sky at agad na tinapik sina Alexander dahil si Athena ay nagsisimula nang tumayo. 

“Alright,” ani ko at tumawa. “Baka gusto niyong bilisan ‘no bago pa masira ni Athena lahat ng gamit dito.”

Dahan dahan silang lumapit kay Athena at napangiwi ako nang isang suntok sa panga ang nakuha ni Alexander. Mabilis kong kinuha ang handcuffs na nasa gilid at binigay kay Chase na nasa likod ni Athena na panay ang suntok. 

Hay ano ba naman ‘to? Kaya ayoko talagang nakikita si Athena sa umaga dahil ganito s’ya. 

“Fucking calm down!” si Alexander at maski ako ay natatarantang nakatingin sa kanilang apat. “Chase, put those cuffs on her!”

Nakahinga ako nang maluwag nang hawakan ni Rina si Athena at nilagyan ng injection para maging kalmado. I turn around and sighed dahil nanginginig ako at pakiramdam ko ay may luha sa aking mga mata, nahihirapan ako sa kanya at natatakot ako na baka patayin s‘ya ng demonyo sa kanyang katawan. Lumabas silang lima na para bang walang nangyari at normal lang sa kanila ang lahat, tinignan ako ni Athena at iniwas ko ang paningin ko. 

“I’m sorry,” bulong niya at mas lalong nangilid ang luha sa mga mata ko. “I’m sorry. I didn’t mean to scared you”

“K-kumain ka na,” ani ko at ngumiti nang maliit. “Maaga ang pasok natin at may training pa tayo. Nandiyan ang uniform mo at inayos ko na kanina.”

Mabilis s’yang kumain at huminga naman ako ng malalim. Pagkatapos naming kumain ay agad naman akong pumunta sa kwarto ni Athena at agad na pumasok sa banyo dahil baka ma-late kami. I saw Athena on the side while arranging her laptop kaya tinignan ko s’ya nang mabuti, malaki at maraming nagbago kay Athena simula nang umuwi s‘ya ng Pilipinas. 

“Athena,” tawag ko at agad naman s‘yang natigilan. “Alam ba ng mga Buenaventura ang tungkol sa mga mata mo?”

“Hindi.” Tumango ako dahil malamig na ang boses niya. “Hindi nila kailangan malaman dahil simula nung malaman ko ang lahat, wala na silang karapatan sa akin.”

Hindi na lang ako nagsalita dahil alam ko naman na magagalit na naman s‘ya kapag sinabi ko ang paulit-ulit kong sinasabi sa kanya. Mabilis kaming bumaba at agad akong sumakay sa motor ko at panay ang tingin ko kay Athena na mabilis ang takbo ng kanyang motor. Nakarating kami sa parking lot at agad akong bumaba at ganun rin si Athena. 

“Hindi ba sila napapagod?” tanong ko at tumawa dahil nandiyan na naman ang mga pangit sa corridor. “Alam mo naiinis na talaga ako sa kani—”

Nanlaki ang mata ko nang makita si Athena na nasa sahig at hawak ang kanyang mukha, masyadong mabilis ang lahat. Nakita ko na lamang si Sky na tumakbo patungo sa kung saan habang sina Rina ay na kay Athena na ngayon ay may sugat sa labi. Napakurap ako dahil hindi ko nakita ang nangyari dahil nakatalikod ako kay Athena. 

“Anong nangyari?” tanong ko at hinawakan ang mukha ni Athena dahil para s’yang nag-blush on ng makapal at ganun na lang kapula ang mukha niya, may sugat rin s‘ya sa kanyang labi. 

“Ito lang ang nakita ko.” Napatingin ako kay Sky na may hawak na whole face mask na tanging mga mata lang ang kita. “Are you okay?”

Tumango lamang si Athena at mabilis na tumayo kaya napailing ako, kung hindi sana nagsimula si Kiro na i-bully si Athena, hindi sana niya ito naranasan. Kung bakit ba kasi ganito ang ugali ni Kiro, ako talaga ang tatawa kapag nalaman kong may gusto si Kiro kay Athena at itong si Athena naman ang gagawa ng rules niya. Ngumisi ako at agad na sumunod sa kanilang lahat. 

“Karma.”

“Goodness palagi na lang s’yang may sugat!”

“Ayaw pa kasing umalis sa school na ‘to para hindi na s’ya mahirapan!”

“Hindi niyo ba alam na hindi s’ya Buenaventura?”

Kumunot ang noo ko ngunit agad rin kaming natigilan nang makita sina Jasper, ang lalaking gangster na mataba na hindi ko maintindihan ang mukha. Dinala niya pa talaga ang mga kaibigan niya, humalukipkip ako at tinignan sila. 

“Anong kailangan niyo?” tanong ko at nagtaas ng kilay. “Hindi rin ba kayo napapagod?”

“Itong kaibigan mo ang may kasalanan sa amin,” ani ni Jasper at mariin ang tingin kay Athena. “Maghintay ka lang ng karma mo, darating rin sa ‘yo.”

“Pakisabi bilisan niyang dumating.” Malakas akong tumawa sa sagot ni Athena. “Maikli pa naman ang pasensya ko baka ako na mismo ang lumapit sa kanya.”

Tang ina. Pagdating talaga sa kayabangan, si Athena ang kandidato ko. 

Athena’s Point Of View:

Masakit ang ulo ko, ang mukha ko, at ang labi ko. Hindi ko alam kung sino ‘yun at hindi ko rin alam kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ‘to, gusto ko lang naman mag-aral nang maayos at mabuti pero dahil kay Kiro, nawala ang lahat. Naglakad kami papunta sa room ngunit sa quadrangle pa lang ay nakita ko na si Kiro, naalala ko na naman ang gabi na hinalikan ko ang kanyang labi. 

Ano ba naman kasi ang nasa isip ko? Kasalanan na ba ang makita ko ang mukha ni Kyle sa kanya? Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Sunod-sunod ang nangyayari sa akin at hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong i-priority. 

“What happened to your face?” Napakurap ako nang maramdaman ang kamay ni Kiro sa pisngi ko. 

Tinignan ko s‘ya na seryoso ang mga mata na nakatingin sa akin. Na-describe ko na ba si Kiro? He had curved eyebrows, a defined jaw, a pointed nose with a mole on the center, a tattoo on her neck, a piercing on his ears, and his lips. His eyes are staring at me, kumurap ako at agad na lumayo dahil iba na naman ang nararamdaman ko. 

“Ito naman ang gusto mo hindi ba?” nakangising tanong ko. “Ito ang gusto mong mangyari sa akin sa mismong school mo hindi ba?”

Natigilan s’ya at nagtagis ang panga niya kaya mas lalo kong nakita kung gaano kaganda ang kanyang panga. Ang katawan niya ay tama lang, huminga ako nang malalim at naglakad ngunit mabilis niyang hinawakan ang braso ko, hindi masakit ngunit tama lang ang hawak niya, his white skin touched my pale skin. 

“Tell me the name and I‘ll be the one who will find him,” aniya sa mahinang boses at tanging ako lamang ang nakakarinig. “Hihintayin ko hanggang mamaya.”

Hindi na ako makapagsalita at nanatili na lamang ang tingin sa kanyang likod, tinignan ako ni Joy at umiling lamang ako. Hanggang sa classroom ay tahimik ako at ngumiti lamang sa mga bago naming kaibigan na sina Jay, Claire, Abigail, at si Kenneth na aming president. Tinignan ko ang mga gagawin at hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa rin ang mukha ni Kiro, damn, ang gulo na naman ng utak ko. 

“Ayos ka lang?” tanong ni Joy. “Wag mong sabihin na may sinabi na naman si Kiro sa ‘yo.”

“Wala naman,” ani ko at ngumiti sa kanya. “Nag-aalala ka?”

“Hindi,” sagot niya at napangiwi pa. “Alam ko naman na kaya mo ang sarili mo at taga-cheer lang naman ako.”

Natawa ako at napailing na lamang dahil ganyan si Joy, kapag alam niya na kaya ko ay hindi talaga s‘ya mangingialam dahil alam niyang magagalit ako. I received a death threat at hindi ko hahayaan na pati si Joy at galawin nila dahil dadaan muna sila sa akin bago nila gawin ‘yun sa kanya. Tinignan ko ang engagement ring ko at nagtagis ang panga ko ng maalala na naman ang nangyari kay Kyle. I will give you the right justice, Kyle, wait for me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top