Chapter 13
Athena’s Point Of View:
We trained. Hindi ko alam na ganito pala ang pagod na nararamdaman ko, hindi lang siguro ako sanay dahil matagal na rin simula nung nag-training ako. Ilang taon ako sa volleyball sa ibang bansa ngunit hindi naman ako nag-aral, mas naging priority ko ang sports na mahal ko kaya naman galit na galit ang Chairman. Ngayon na may pagkakataon na naman ako, hindi ko na ito hahayaan pang mawala sa akin.
Tinignan ko si Kiro na nasa bleacher at nakita ko kung paano s’ya nagulat at nag-iwas ng tingin kaya naman kumunot ang noo ko. Ang weird niya talaga ngayon, kapag napasok ako sa school may masasabi na naman s’ya pero ngayon iba na ang mood niya. Napatingin ako sa entrance nang makita ang isang babae na morena, sa tingin ko ito si Stephanie dahil minsan na s’yang na-kwento ni Joy.
“Hoy!” si Joy sa malakas na boses. “Tutuloy ka ba sa mansion?”
Natigilan ako at naalala ang sinabi ni Chairman dahil weekends naman bukas kaya kailangan kong pumunta. Tinignan ko s’ya at napabuntong hininga dahil hindi ko alam kung pupunta ba ako o mananatili na lang sa penthouse ko.
“Hindi ko alam, Joy.” Umupo ako at hinawakan ang towel. “Sinabi ko na sa ‘yo ‘to noon pa man na ayaw ko ng magkaroon pa ng communication sa kanilang lahat pagkatapos kong malaman ang lahat.”
Umupo s’ya at bumuntong hininga rin, malaki rin ang problema. Napangiti ako dahil kahit kailan hindi nawala sa aking tabi si Joy kaya naman nangako ako na hindi ko s’ya hahayaan. Dadaan muna sa akin ang lahat bago nila saktan si Joy, ma-swerte pa rin naman ako dahil nandyan s’ya dahil s’ya lang ang may alam tungkol sa mga mata ko.
“Gusto mo bang sumama ako?” tanong niya at natawa naman ako. “Seryoso ako, Athena. Kung hindi mo talaga kaya mas mabuti siguro na nandoon rin ako.”
“Hindi na, okay naman ako.” Ngumiti ako at napatingin kay Kiro na kinakausap ang mga kaibigan niya. “Alam mo, ang weird pero nakikita ko ang fiancé ko kay Kiro.”
Nanlaki naman ang mata niya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napailing na lamang ako dahil OA nga pala ang isang ‘to. Tinignan niya si Kiro at binalik sa akin ang tingin, hawak na ang kamay ko. Sinabi niya na tama raw ako dahil medyo kamukha daw ni Kiro ang fiancè ko. Napailing na lamang ako at agad na tumayo dahil tinatawag na kami ng coach.
“You guys did a good job. Sa monday aasahan ko na nandito pa rin kayo at gusto ko pang makita ang skills ninyo,” ani ni coach at tinignan ako. “Thank you for helping me.”
I smiled a bit and nodded my head. After our training ay pumunta na ako sa dance studio kasama si Kiro, nauna na ako sa kanya dahil iba talaga ang dating niya sa akin. Huminga ako nang malalim at mabilis na lumabas sa banyo at napasinghap nang makita si Kiro sa labas at diretso ang tingin sa akin.
“What time will you go home?” Napalunok ako sa tanong niya. Kumunot lamang ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit nagtatanong s’ya.
“After this?” sagot ko at tumango naman s’ya at biglang umalis sa harapan ko kaya napakurap ako at pinilig na lamang ang aking ulo.
As usual s’ya na naman ang partner ko at kagaya ng sinabi sa amin, we need to be intimate to each other. Aaminin kong hindi pa rin ako sanay sa mga hawak ni Kiro lalo pa’t weakness ko ang hawakan ang baywang ko, hindi ko alam kung bakit. We looked at each other while I’m holding his jaw and he’s holding my waist. Tumingin kami sa salamin and we both parted our ways and dance with the soft music.
“God! Para akong mawawalan ng malay sa ginagawa ninyo!” Natigilan ako at nahihiya na ngumiti dahil hindi ako komportable sa mga sinasabi niya. “Bagay na bagay talaga kayong dalawa.”
“She wish,” sagot ni Kiro, iritado na naman ang mukha. “Don’t expect that I will like this girl. Never.”
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa text ng kapatid ko. Hindi ko alam paano niya nakuha ang number ko dahil si Joy lang naman ang may alam unless sinabi niya, bumuntong hininga na lamang ako at tiningnan ang laptop ko. Kailangan kong hanapin ang taong may snake mask dahil sila ang taong pumatay kay Kyle. Hindi ako kailanman makatulog kung alam ko sa sarili ko na patuloy pa rin akong binabangungot ng nakaraan.
[Be here. Don’t ever disappoint the Chairman again, Athena.]
“Sino ang nagsabi na hindi ako pupunta?” iritadong tanong ko dahil ginagamit niya na naman ang demanding niyang boses. “Pupunta ako, okay?”
He sighed. [We want to see you. Years kang nawala sa amin.”
I rolled my eyes. Kung sana hinanap niyo ako nung gabi na ‘yun edi sana kasama niyo pa ako pero mukhang masaya naman na kayo kahit wala ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya agad kong bumaba ang cellphone dahil baka may hindi ako masabi na hindi maganda. Mabilis akong pumunta sa gym at ilang oras na nanatili doon hanggang sa matapos. Tinawagan ko rin sina Rina para asikasuhin ang mga dapat gawin sa hideout.
[Okay naman po ang bake shop at coffee shop ninyo, ma’am. As usual marami naman pong customer dahil weekends.]
Tumango ako at agad na binaba ang tawag dahil tinawagan ako ni Cathalina. Sinabi niya ang tungkol sa wine, gusto niya na pumunta ako doon dahil gusto niyang malaman pa kung paano gumawa ng wine kaya napailing na lamang ako. Ang Buenaventura at Valeria ay magkaibigan simula nung umpisa kaya naman hindi na ako nagulat kapag kasama sila sa lunch mamaya sa mansion.
Hindi na rin ako kumain dahil doon na lang sa mansion. I wear a black bootcut jeans, white sweetheart top na kita na ang tuktok ng dibdib ko, and lita boots. My hair is in crimper kaya mas nakita ang curl sa dulo ng aking buhok. I sighed at kinuha ang aking barrel bag na naging collection ko dahil sa dami ng endorsement sa akin noon pa kaya nandito pa rin sila.
From: Alfred B.
Picasso Restaurant. ASAP.
I wore my mitt gloves at mabilis na sumakay sa aking motor. Wala akong kotse dahil nasa bahay pa ni Rina ang lahat, ang nandito lang sa akin ay ang black ferrari. Mabilis kong hinanap ang restaurant at agad naman akong nakarating doon, masyadong mainit kaya naman mabilis akong naglakad papunta sa loob. Nakita ko agad si Archer na nasa front desk kaya agad akong lumapit sa kanya at nakita kong ngumiti s’ya.
“You look beautiful kahit mataba ka na,” natatawa ng sambit niya.
“Tss, nag-w-work out na nga ako kagaya ng sinabi mo,” sagot ko at inayos ang bag ko. “Saan tayo?
“This way ma’am,” He said with a sarcasm in his voice.
Ngumisi ako at agad na humawak sa kanyang braso at mabilis na sumunod sa kanya, maraming tao sa baba pero dahil sa taas kami ay wala ng tao. Natigilan ako nang makita si Mr. Sandoval at ang kanyang mga anak, ‘wag mong sabihin na nandito rin si Kiro. Napalunok ako nang makita si Kayleigh at ang kanyang kapatid na si Kylee kasama si Jonas, ang ex-boyfriend ko.
“Oh, she’s here!” si daddy sa masayang boses at agad silang napatingin sa akin, gulat naman akong nakatingin kay Kiro na kalmado at nakatingin sa akin.
Huminga ako nang malalim at mabilis na yumuko bilang respeto sa emperor. Mabilis akong umupo at sa tabi ko si Alonzo na kumakain at may sarili na naman s’yang mundo, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko nang makita ko ang gulat sa mukha ni Jonas, Kayleigh, at Kylee na ngayon ay nakatingin sa akin.
“We found her,” ani ni daddy. “We’re almost lost hope because we can’t find her and I think that’s what we called destiny because the day we went to your school, we found her there.”
“Really?” ani ni Mrs. Sandoval. “What’s her name?”
I introduced myself to them kahit naman hindi na kailangan. Hindi lang talaga ako komportable na nakikita ko ang dalawang tao na naging dahilan rin kung bakit ako nasasaktan ngayon, ang dalawang taong nag-traydor sa akin at hindi ko makakalimutan ‘yun. Ngumiti ako nang maliit nang makita si Mr. Sandoval dahil kilala ko s‘ya at s’ya ang taong naging sandalan ko nung mga panahon na hindi ko na halos makilala ang sarili ko.
“Oh, no, she’s a repeater.” Napatingin ako kay Victoria na nakatingin kay Mrs. Sandoval na nagulat. “Hindi s’ya nag-aral dahil mas priority niya ang sports na mahal na mahal niya, she prioritize that because she wants to prove herself and win the prize, she wants to surprised her boyfriend back then. That’s why she end up like that, miserable.”
Huminga ako nang malalim at hangga't maaari ay ayokong magsalita. Alam na alam ni Archer ang ugali ko kaya hindi ako nagulat nang hawakan niya ang kamay ko at nanatili ang seryosong tingin niya sa unahan.
Oh, not now Victoria.
“Hindi ba sinabi sa inyo na nandito ang kanyang ex-boyfriend?” ani ni Victoria at nakita kong hindi komportable si Kylee dahil hindi niya ako kayang tignan. “Jonas, right?”
Lahat ay gulat na napatingin sa akin at kay Jonas na kunot ang noo. Huminga ako nang malalim dahil hindi ako makapaniwala na kaya niyang sabihin sa ibang tao ang hindi dapat. Tinignan ko si Kiro at hindi ko maintindihan kung bakit galit ang mga mata niya, kung bakit ganun na lamang ang emosyon na nakikita ko sa mga mata niya. He looked at me at nakita kong iniwas niya agad ang paningin niya.
“Cheater.” He murmured those words while looking at Jonas, I gulped and sighed because I can feel his rage na hindi ko alam kung saan nagsimula.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top