Chapter 11

Athena's Point Of View:

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayong nandito na sila. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o ano ba dapat ang magiging reaksyon ko dahil masyadong mabilis at hindi ko inaasahan na nandito sila dahil walang sinabi sa akin si Mr. Sandoval. Gusto ko na lamang umuwi ngunit ang Chairman na ang may sabi na hindi maaari dahil kailangan niya akong kausapin. Wala akong magagawa dahil ginamit niya na naman ang pagiging emperor niya.

Nandito kami ngayon sa office ni Mr. Sandoval at ang mas hindi ko inaasahan na nandito ay sina Kiro na ngayon ay nakatingin sa akin. Pinilig ko ang aking ulo, nakikita ko talaga sa kanya ang fiancé ko kaya naman kailangan ko pang kumurap o tumingin sa iba.

"Why didn't you tell us that you're here?" tanong ni daddy, makikita mo sa kanya ang kaba at lungkot.

"Why would I?" Napasinghap ang mga kapatid ko ngunit hindi ko sila tinignan dahil na kay daddy ang paningin ko.

Simula ng mangyari ang gabi na 'yun ay nagsisimula akong mas kilalanin pa ang sarili ko. Palagi kong nakikita na masaya sila at never nila akong hinahanap dahil mas mahalaga sa kanila ang pamilya na mayroon sila ngayon. Masakit isipin na umaasa ako na baka hinahanap nila ako, na baka nami-miss nila ako, at baka naman hindi sila tumigil para hanapin ako. Ang makita sila ngayon ay parang ayoko nang maulit pa.

"Your Daddy is talking to you nicely, watch your mouth!" Si Victoria sa mariin na boses at masama na ang tingin sa akin.

Ngumisi ako at tinignan s'ya. "It's good to see you, Victoria. You didn't tell me that my real mother is here."

Natigilan s'ya at tinignan ako. Huminga ako nang malalim dahil ang puso ko ay puno ng galit at hindi ko kayang makita ang mga mukha nila. Huminga ako nang malalim at umatras.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ko at ngumisi. "Ngayon na kilala ko na ang sarili ko at ang tunay kong magulang, bakit niyo pa ako kailangan kausapin? Masaya na ba kayo na nag-mukha akong tanga sa harapan ninyo at ng buong pa-"

A big slap from Victoria came to my face. Lahat ay napasinghap at maski ako ay nagulat ngunit nanatili akong nakatingin sa gilid ko. Lumayo ako nang hawakan ni daddy ang braso ko at mas lalo lamang nagkaroon ng galit ang puso ko.

"How dare you?!" si Victoria sa malakas na boses. "You know nothing! You don't know anything about what we did to find you that shouldn't be because you said you know and know your own parents! You have no right to tell me all that because you weren't there when we were looking for you!"

"Mom!" si Kuya Alfred at mabilis na pumunta sa aking harapan. "You don't need to slap her!"

"No! She deserved that slap from me! Walang utang na loob," aniya at tinignan ako nang masama.

Umiling ako kina Rina dahil kitang kita ko na gusto nilang tumayo. Huminga ako nang malalim at kinuha ang bag ko, mabilis akong yumuko sa lahat at tumakbo palabas. Gusto ko ng umalis doon, gusto kong lumayo dahil iba ang nararamdaman ko at pakiramdam ko isa pang salita ay lalabas na naman ang demonyo sa aking katawan. Mabilis akong umupo sa ilalim ng puno at agad na niyakap ang aking mga tuhod.

Totoo naman ang sinabi ko. Nagmukha akong tanga sa harapan nila for almost a year, hindi kasi ako naniniwala dati na hindi ako anak ni Victoria. Palagi kong naririnig sa ibang royal family na may kasalanan si daddy sa palace at 'yun ang magkaroon ng isang anak galing sa ibang babae. Sa aming palace kapag una kang anak ng emperor, hindi ka pwedeng magkaroon ng relasyon sa isang babae na hindi kasali sa royal family dahil malaking kasalanan 'yun sa empire.

Kaya naiintindihan ko ang counselor at iba pang nakakataas dahil malaking kasalanan 'yun. Chairman covered my daddy para lang hindi ito bigyan ng parusa at maging tahimik ang buong imperyo. Simula nun, pakiramdam ko ay isa akong malaking kasalanan na hindi na dapat pang mabuhay sa mundo. Pakiramdam ko ay isa akong malaking pagkakamali dahil ang daddy ko ay nagkaroon ng isang pamilya na hindi naman dapat sa royal family.

"Oh, chuckie." Nag-angat ako ng tingin at natigilan nang makita si Kiro na nakatayo sa harapan ko, dala ang isang plastic ng chuckie. "Tss. Kunin mo na."

Mabilis kong kinuha ang chuckie nang padabog niyang ibigay sa akin. Umupo s'ya sa bench katabi ng puno kung nasaan ako at mabilis niyang kinuha ang isang chuckie. Seryosong seryoso ang mukha niya habang inaayos ang straw.

"Hindi bagay sa 'yo ang umiyak," aniya habang umiinom ng chuckie. "Buenaventura ka pala."

"Hindi ako Buenaventura," ani ko at uminom na rin ng chuckie. "Bakit nga pala nandito ka, interesado ka rin ba sa buhay ko?"

Muntik na niyang bitawan ang hawak niya at muntik pang mabuga ang chuckie na iniinom niya. Tinignan niya ako nang masama at nagkibit balikat lamang ako dahil baka interesado rin s'ya sa buhay ko.

"Anak ako ni daddy sa labas," ani ko at hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nakatingin ako sa unahan. "Malaking kasalanan para sa amin ang magkaroon ng anak sa labas, ang totoo kong mama ay nandito sa Pilipinas, may pamilya na rin."

"Woah, wait!" si Kiro sa malakas na boses. "You mean, hindi mo talaga mommy si Mrs. Buenaventura? Sabi kasi ng Chairman namin ay malaking kasalanan sa empire ang magkaroon ng isang anak na hindi naman galing sa royal family ang asawa."

Madaldal pala ang isang 'to.

Tumango ako dahil 'yun ang totoo. Maaari na masira ang empire kapag nalaman ng lahat ang nangyari, maaari rin na mawala sa pagiging emperador ang Chairman kung sakali man na malaman ng nasa taas ang lahat. Masyado nilang mahal ang kanilang empire kaya naman ang ginawa ng Chairman, hindi niya sinabi sa lahat para maging ligtas kami.

"As you can see, hindi kami nagkita ng ilang taon dahil sa isang malaking aksidente. Hindi ka rin naman siguro naniniwala sa babaeng mayroong pula na mata?" Nanlaki ang mata niya at napatingin sa akin kaya napangisi ako at kumuha ng chuckie para ibigay sa kanya. "Mahilig ka pala sa chuckie? Pang baby."

"Stress reliever ko ang chuckie," aniya sa iritadong boses. "Pero bakit ganun na lang ang aksyon nila at reaksyon towards you? Lalo na si Mrs. Buenaventura?"

Tinignan ko s'ya dahil hindi ko inaasahan na ang taong galit sa akin ay ang makakasama ko ngayon at sa kanya pa talaga ako nagsabi ng problema. Huminga ako nang malalim at iniwas ang aking paningin, aaminin kong naging komportable ako at kahit paano ay nawala ang mabigat sa dibdib ko.

"Ni-rape ang mama ko." Gulat s'yang napatingin sa akin at ngumiti lang ako at hinawakan ang dry leaves na nasa gilid ko. "Hindi ko alam ang buong storya pero ang sabi sa akin ni mama, si Victoria raw ang may dahilan dahil s'ya ang nag utos na dalhin si mama sa precinct kahit wala naman s'yang kasalanan. Doon nangyari ang lahat kaya naman malaki ang galit ko sa kanila lalo na kay Victoria dahil hinayaan niya ang mama ko na gawing barbie doll ng mga tao doon sa loob."

Nakita ko ang awa sa kanyang mga mata kaya mabilis kong iniwas ang aking mga mata dahil alam kong may luha na sa gilid ng mga ito. Paulit-ulit na nangyari 'yun kay mama sa kulungan at hanggang ngayon, naalala ko pa rin ang sinabi niya, kung paano naghirap ang mama ko sa kamay ni Victoria.

"Hindi ako sigurado kung sino ang tunay kong daddy. Ang daddy ba nila Kuya Alfred o 'yung taong nanggahasa kay mama. Unknown ang pagkatao ko na kahit ako ay hindi kilala," seryosong sambit ko.

"I...I don't know what to say," aniya kaya tumango ako dahil ayos lang. "You've been through a lot of pain."

Tumawa na lamang ako. Mas malala pa ata ang pain na sinasabi niya, mas malala pa sa sakit ang naramdaman ko sa loob ng ilang taon na nandito ako. Tinignan ko s'ya na nakatingin sa malayo habang pinaglalaruan ang kanyang lip ring.

"Ngayong alam mo na baka pwedeng sa ating dalawa lang ang lahat ng sinabi ko sa 'yo," mahinahon ngunit seryosong sambit ko. "Sa 'yo lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin ang nararamdaman ko."

Natigilan pa s'ya ngunit kalaunan ay tumango rin. Napatingin kami sa unahan nang makita ko ang babae na palaging kasama niya, napasinghap ako nang umupo s'ya sa hita ni Kiro at mabilis niya itong hinalikan sa kanyang labi. Nakita ko rin na gumalaw ang labi ni Kiro bilang sagot sa halik nung babae, napalunok ako at iniwas ang aking paningin dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

"I missed you," ani ng babae at narinig ko ang mahinang tawa ni Kiro.

Huminga ako nang malalim at mabilis na naglakad sa malayo. Kunot ang noo ko habang naglalakad ngunit isang kamay ang humawak sa aking braso kaya natigilan ako at napatingin doon.

"Athena," boses ni Kiro kaya naging mabilis ang tibok ng aking puso. "I'm sorry for that."

Lumayo ako at tinignan s'ya, wala na ang babae sa tabi niya at nandoon sa bench kung saan s'ya nakaupo. Ngumiti ako sa kanya at tumango dahil wala namang problema, ako lang itong may problema dahil iniisip ko na s'ya ang fiancè ko.

"It's okay. Anyways, I have to go." Tinignan niya ako ng ilang segundo bago s'ya tumango at naglakad papunta sa babaeng kasama niya kanina.

Damn. Athena you have to focus. He's a playboy and it's normal to see him kissing another girl. Hindi ganyan ang fiancè mo, Athena. They're different.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top