5 : Matthew 4:4
"Jesus answered, "It is written: 'Man shall not live on bread alone, but on every word that comes from the mouth of God."
"Alam mo ba kung ano ang purpose ng buhay mo—nating lahat?"
Hindi na ako nakapagsalita dahil wala sa bokabularyo ko ang mga sinasabi niya. But the irony was, that purpose he was talking about was what I'd been asking myself since I could remember. It was like an unsolvable puzzle for a lifetime of rumination.
Until he said these words, "Having a title or profession or being an important person is the common notion most of us believe when they talk about purpose. But I don't think it's limited only to that or for the rest of our lives. Dahil tulad ng sinabi ni Pastor—our life's main purpose is to love God and to love people. Love your neighbor as you love yourself."
"Paano kung maging sa sarili ko galit ako?" wala sa sariling nasabi ko.
Sandali siyang natahimik at napatuon sa akin. Napako ang tingin naming sa isa't isa nang hindi ko nagawang ialis din sa kaniya ang tingin ko. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit habang tinitignan ko pabalik ang mga mata niya... ay pakiramdam ko unti-unti niyang nababasa kung ano ang nararamdaman ko...
"Maybe that's the reason why I'm here," aniya, bahagyang nakatingala sa akin. "God sent me for you. Maybe because he knows that you needed help, you needed love, you needed Him..."
Sa puntong 'yon, pakiramdam ko'y unti-unting nalulusaw ang matigas na harang sa puso ko... unti-unti kong nararamdaman ang pagtibag ng mataas na pader ng galit na matagal kong inalagaan. Galit sa lahat ng bagay at tao sa buhay ko. Bawat panghihinayang, pagsisisi, lungkot, sakit, duda... lahat.
Parang bibigay ang mga tuhod ko sa biglaang pag-atake ng panghihina.
Wala sa oras akong napatalikod sa kaniya nang hindi ko na nakayanang pigilin ang mga luha. Sapo ko ng palad ang ilang mahihinang hikbi habang mariing nakapikit.
Sa lahat ng bagay, ito ang pinakaayokong mangyari: Ang makita ako ng kahit sino sa ganitong estado. I couldn't risk being seen this way. Dahil iisipin nilang mahina ako. At 'pag nakita nilang mahina ako, doon sila makakakuha ng pagkakataon para saktan ako.
Pero ito ako ngayon. Ni hindi kayang pigilin ang pag-iyak. I thought I mastered faking my feelings—hindi pa pala. Pero bakit? Akala ko ba wala akong pakialam? I thought I was numb enough to not feel a thing.
What's going on, Leiry? Why are you crying? This isn't right! Stop it! Stop crying! Stop showing your emotions! Don't be vulnerable! That's dangerous! This isn't good, stop it...
"Mahal ka ng Diyos, Leiry."
Sa isang iglap, naglahong lahat ang mga boses sa isip ko. Unti-unti itong humina hanggang sa hindi ko na ito marinig... nabingi ako sa sigaw ng puso ko... nalunod ako sa mga emosyon kong hindi ko mapigilan at makontrol.
It was as if my system started malfunctioning... and I couldn't hold it in anymore. I could no longer be a hypocrite and pretend that I don't care...
I know I can no longer hide everything inside... I can't pretend that it's nothing... I can't fool myself anymore... and maybe this is what I've been needing for the past years in my life... because behind every I don't care's, there's a little voice inside me saying I care for too much.
"It's not true that you didn't care. Truth is you cared a lot, but you're too scared to do so because you only get hurt in the end."
Ang sunod-sunod kong paghikbi ay tila wala nang katapusan.
Of all people, why him? Paano niya nalaman? Bakit niya ako naiintindihan? Ang dami kong hindi magagandang sinabi sa kaniya. Insulto, maling pagtrato—bakit nandito pa rin siya?
"It's okay, Lei. It's okay to cry when you feel lost... but remember who's always there for you. Turn to him. Hinihintay ka lang niya."
I didn't even know that I was hugging my knees if he didn't bend his knees next to me. Flashing a faint smile as he welcomed my gaze, he started tapping my shaking shoulder. I tried throwing him a piercing look but I just ended up trembling and sobbing in a curling ball.
Inabutan na kami ng paglubog ng araw doon ng matigil ako sa pag-iyak. I was surprised that I could actually manage to be with him in such a long period of time, not feeling annoyed. I decided that he wasn't that bad, after all.
I didn't know that it was possible to feel comfortable enough in my own skin around someone. Na malaya akong magsabi ng kahit anong bagay sa kaniya ng walang alinlangan. Dahil alam kong hindi ko kailangang magpanggap. Dahil alam kong may pakialam siya at gusto niya akong maiintindihan.
Kaibigan.
Ni hindi ko na matandaan ang huling beses na nakaramdam ako nang ganitong urge, na magsabi ng mga hinanang ko tungkol sa kahit na anong bagay sa ibang tao. It was like finally coming out of a dark, narrow cage I've been hiding in since I could remember.
I know this would sound kind of weird but it felt like I found a long lost friend in him. Gaano man nakakatawang pakinggan iyon dahil sa una naming pagkikita.
"Hatred is such a strong thing. You know why? Dahil nagtanim ako ng galit sa Mommy ko sa pag-alis at pag-iwan niya sa akin. She just left and never came back. Hindi ko alam kung bakit. Maybe they didn't work out... siguro rin wala na siyang pakialam. O siguro kasalanan ko?
"I was left with my father... who treated me like a ghost. Hindi nga siya umalis pero walang pinagkaiba 'yung pakiramdam. They both abandoned me." I breathed in and slowly let it out.
"Galit ako sa mga tao dahil ang unfair ng buhay ko... at lalong galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong kontrolin at bulagin ako ng galit."
He was silently staring and listening to me when I threw him a gaze. Parang naninikip na naman ang dibdib ko at pakiramdam ko'y muli akong maiiyak.
When you keep something bottled to yourself for a long time, letting it all out was hard. Tila paghila sa isang mabigat na bagay paalis sa pinakasulok at makipot na parte ng lalagyan. Parang barang matagal na binalewala, na 'pag naalis pala, pwede nang huminga nang maluwag.
"Sabi nila, the first to forgive is the strongest... I'm a weakling then." Walang humor ang tawang kumawala sa pagitan ng mga labi ko.
Bahagya siyang ngumiti nang binalingan ko. "Hindi naman madaling magpatawad. But maybe you can try forgiving yourself as a first step?"
Hindi pa ako agad nakasagot ng sandaling matahimik. Para akong nakalaya sa isang madilim na lugar. I don't how many times I said it but it all felt strange to me. Like I was walking through some sort of light—it was warm and comforting like being hug by a cozy quilt. Not like when I was alone in the dark accompanied by a cigar and my endless thoughts about my death.
I wasn't good at making friends. Hindi ko tuloy alam kung dapat pa bang iklaro iyon o common sense na lang so, "Can I... call you... how should I..."
Hindi ko siya matignan nang diretso dahil sa totoo lang, ngayon lang ako nakokonsensya sa mga pinagsasabi ko sa kaniya noon. Imagine becoming good friends with your worst enemy. Ang ironic pero... ang init sa puso.
"Emman, manuel or Emmanuel. Whatever you please." Nginitian niya ako. "Hatid na kita."
Tumango ako nang marahan bilang pagsang-ayon.
I've been an awful person—a terribly awful person. Akala ko malakas na ako dahil hindi ko kailangan ng ibang tao para mabuhay. I thought I was keeping myself safe but I'd gone too far that I started pushing everyone away—even those people with good intentions and wanted nothing but good things for me.
So to say, having a relationship with someone was easy. It was the process of building it together, keeping it strong and making it last that made it complicated.
"Can I tell you something, Leiry?" nandoon kami sa bus ng tinanong niya ito.
Binalingan ko siya sa tabi bago ako tumango.
Tumikhim siya bago nagsimula. Para bang sinusukat niya ang mga sasabihin niya dahil baka magalit ako...
"Remember the day we first met? Sa church?"
Matapos sandaling alalahanin iyon ay dahan-dahan muli akong tumango. Muntik pa akong mapangiwi nang maalala ang mga salitang tumakbo noon sa isip ko.
"I was looking at your frowning face from up the stage and wondered what's gotten you to look so sad."
"What do you mean?" Bahagyang kumunot ang noo ko. Mali yata ang ginamit niyang salita. How would I look sad when I was clearly annoyed?
"Anger... is a covered up sadness." Napakamot siya sa sentido nang manatili ang nagtatanong kong tingin sa kaniya. "I don't know... parang may mensaheng dumating sa isip ko ng mga oras na 'yon—don't laugh, okay? I'm serious."
"Not laughing," I blinked and held back a smile. With a slight nod, I said, "Go on."
"This girl's broken... yet she's still falling apart."
Umatras ang tawa ko sana sa maririnig dahil sa sinabi niya. Malayo talaga ang bokabularyo namin sa isa't isa.
"Naro'n ka sa gitna ng nagkakasiyahang tao pero parang bitbit mo ang bigat ng mundo. Then I thought to myself—I know that look. Nakita ko na rin 'to noon."
There was nothing left to say.
"Lei, you're early. Ang akala ko gabi ka na naman..." Napasalit-salit sa aming dalawa ang may pagtatakang tingin nito. "Emman?"
"Magandang hapon po..." Nagmano si Emman kay Dad.
Sinulyapan ko lang siya. Tahimik naman si Dad ng balingan ako ng tingin.
Sunod kaming nagpalitan sandali ng tingin ni Emman bago ako nagsalita. "Uh, akyat na 'ko."
Tumango siya sa akin at bahagyang ngumiti. Alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin. Na hindi pa ako handa. Maaring nasabi ko sa kaniya ang mga saloobin ko pero hindi ibig sabihin n'on na handa na rin akong harapin si Dad... o si Mommy... sa puntong ito.
Sinulyapan ko lang si Dad bago ako tuluyang umakyat.
Sa halos limang taong pagtatanim ko ng galit, ngayon lang gumaan ulit ang pakiramdam ko. Parang noong bata pa ako't kasama ko pa ang mga magulang ko tuwing Sunday sa loob ng simbahan. Isang larawan ng masayang pamilya na hindi na ulit pwedeng mabuo. Siguro may mga bagay lang talaga sa mundo na mahirap nang buuin at ayusin ulit, kahit anong pilit na pagsubok pa ang gawin.
Matapos kong maging makasalanan, noong gabing iyon ang unang beses kong hinawakan ulit ang bible at binasa. Hindi ko alam na magiging ganito kadali ko lang mababasag ang galit na matagal kong inalagaan sa puso ko.
I'm not sure if I can call myself a believer. But right now, I felt like a new-born with a brand-new lens to see the world differently.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top