4 : Mathew 5:39
"But I tell you, do not resist an evil person. If someone strikes you on the right cheek, turn to him the other also."
Uwian ng bigla akong nilapitan ng isang kaklase ko.
"Hi."
Sinundan ng ilang mahihinang bulungan ang bawat sulyap na natanggap namin mula sa ilang naiwan sa room.
"May kailangan ka?" Ni hindi ko siya nginitian kahit ang laki ng ngiti niya sa akin.
Bumuntonghininga siya't naalala ko na naman siya. "Just wondering if you could, you know... hang out or maybe go out with me? Just like the old days. I just kind of miss you, Lei," dire-diretsong aniya.
"Joshua, I thought I already made it clear—we're done."
"I know, I know. Gusto ko lang na ibalik 'yung dati... kahit as friends lang? Please?"
Halos mapailing ako sa pagkamangha dahil sa sinabi niya. Ngunit imbes na magsalita ay sininop ko ang lahat ng gamit at saka naglakad palabas ng homeroom. Ramdam ko pa rin ang mga naiiwang tingin ng mga classmates namin gawa ng pagsunod sa akin ni Joshua.
"Lei, please. Stop building walls around you. Can't you see? You're pushing everyone away!"
Oh, please. "What do you want?" Hinarap ko siya at tuluyang pinagtuunan ng pansin.
Para kaming nasa scene ng pelikula, sa totoo lang. I hate dramas like this—I had enough of it in my life.
"Fine. If you don't want to hang out with me, then hayaan mo na lang akong ihatid ka pauwi."
Aangal pa sana ako ng bigla niyang hinablot ang ilang librong hawak ko.
"Joshua, what the hell?!" Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad sa hallway, palabas ng building.
This is why I hate people. Hindi ba nila makuhang ayokong magkaroon ng ugnayan sa kahit na sino dahil ayokong magkaroon ng paki? I hate caring for anyone because when I did, I would start expecting them to care for me the same way. But based on experience, it always led to nothing but disappointments. And I hate that.
Sa huli ay wala na akong ibang nagawa kundi ang sundan siya sa kung saang lupalop siya nagtungo. Nakakairita. Naiinis pero bakit nalulungkot din ako at the same time? Kasi naaalala ko siya sa ganitong pakiramdam. Ironic.
Joshua was one of my flings back then. Hindi magandang pakinggan pero marami sila noon. Tanda kong may gulo pang nangyari ng dahil sa akin. I honestly didn't want to remember those days for I already buried all that in hell. And I would never do something like that ever again.
"So how are you? Ang tagal mo akong hindi kinausap, oh—most probably kaming mga classmates mo," panimula niya bago inabot ang bayad sa tindera. Ngumisi siya sa akin matapos kaya sinubukan ko siyang suklian ng tipid na ngiti.
"I'm fine."
"Tipid naman. By the way, sino 'yung lalaking palaging nag-aantay sa 'yo sa may corridor? Manliligaw o... alalay?" Mahina siyang natawa samantalang nag-iba namang bigla ang pakiramdam ko, dahil sa taong binanggit niya. Noon ko lang napansin ang sigarilyong kasalukuyan niyang sinisindihan sa pagitan ng labi.
"Wait, you smoke?" Kumunot ang noo ko. I learned how to smoke, pero hindi ng mga panahong may kung anong namamagitan pa sa 'ming dalawa.
"Yep. Bakit? Cool ba? Natuto ako no'ng nakipag-break ka sa akin. I was kinda sad, you know. Why, you want one?"
Mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi naman naging kami?
Tinignan ko ang isang stick ng sigarilyo na ngayo'y naro'n na sa pagitan ng mga daliri niya. I was about to take it, kung wala lang humawak sa magkabilang balikat ko't bahagyang naglayo sa akin mula kay Joshua.
"What—sino ka bang—" Natigilan ako ng makita siya matapos kong bumaling sa likod at mag-angat ng tingin.
Lumayo kaagad siya sa akin pagkabitiw.
Inatake ako ng halong kalituhan at gulat ng sandali kaming magpalitan ng tingin.
What is he doing? Why is he here? Akala ko ba...
"Lei, you okay?" Ngunit nagulat ako ng bigla na lang may humawak sa isa kong braso, si Joshua. Wala sa sarili akong napatango sa kaniya matapos niya akong hilain nang marahan pabalik sa tabi niya. Sunod niya itong hinarap. "Anong problema mo, pre?"
Imbes na sagutin ang tanong ay muli siyang lumapit sa akin, humawak sa balikat ko at mahinay akong tinulak paalis doon. "Tara sa tamang landas, Leiry."
"Huh?" Bumitiw sa akin si Joshua.
Mabilis ang mga sunod na pangyayari. Napatili ako pati nang ilang nagdaraang estudyante, matapos makarinig ng isang malakas na suntok at pagbagsak.
"Joshua! Anong ginawa mo?!" Gimbal, nilapitan ko kaagad ito na ngayo'y napatumba sa kalsada dahil sa lakas ng natamong sapak.
"Kilala mo ba 'yan, Lei?" barumbadong ani Joshua, may kasama pang pagturo rito.
"O—hin-hindi ko alam!" Nakalimutan ko ang pangalan niya.
"Teka nga! Eh ikaw 'yung timang na susunod-sunod kay Leiry, ah? Ano na naman ang gusto mo ngayon? Lintek, akala ko tinigilan mo na pag-aligid sa kaniya?" sigaw ni Joshua na nakaakit ng atensyon ng ilang estudyanteng naglalakad pauwi.
Good thing wala na kami loob ng school at may kalayuan na kami sa gate. Sinabi ko na bang ayoko ng balikan ang mga ganitong eksena? Fuck! This is stupid.
"Pre, ex ko 'yan, tantanan mo!"
Salubong ang kilay ko sa iritasyon, mostly dahil sa mga pinagsasabi ni Joshua. Matapos saglit na mapapikit nang mariin ay bumaling ako sa pagtayo niya. Sabay mariing utas nito, "Joshua, shut up."
At saka ako tumalungko sa gilid nito. Hindi ko ito makuhang hawakan o ano dahil naaawa ako sa sinapit nito. Iniisip kong baka lalo ko itong masasaktan 'pag hinawakan ko. What should I do?
"Lei, no! 'yan? Ipagpapalit mo ako riyan? What the fuck? Think!" Ang hindi pa rin matapos na paghihisterya ni Joshua ay hindi nakakatulong sa taranta ko.
Hanggang sa tahimik itong tumayong mag-isa mula sa pagkakasadlak sa kalsada. Wala akong ibang nagawa kundi ang kabahan habang sinusundan ito ng tingin.
"Dude, fuck off! Sa 'kin 'yang nililigiran mo!"
"Josh, stop it!" Tumayo ako at dire-diretsong sinalubong ng tulak ang pagsugod pa sana niyang muli. "Anong pinagsasabi mo? We're done a long time ago—what's with this drama? If you're bored, then find another entertainment! Hindi ako sa 'yo at lalong hindi mo ako past-time!"
Matapos sapuhin ang braso nito ay nagmartsa akong tangay ito paalis doon.
"Wow, okay! Just make sure you won't regret this, Lei!" pahabol pa niya.
Hindi ko na nilingon. That guy was crazy. Ngayon lumabas ang katotohanan. Pagkatapos ng ilang buwang hindi kami nag-uusap, bigla na lang niya akong lalapitan. Why? It wasn't because he cares for me. It was just all about his ego. Dahil nakikita niyang may lalaking lumalapit sa akin. He just wanted to assert dominance, as if I was his territory or possession. Unbelievable—he almost got me there.
Mula sa mabilis na paglalakad ay bahagyang namilog ang mga mata ko, matapos sandaling matigilan dahil sa ginawa niyang paghigit sa braso niyang hawak ko. Isang lingon at walang imik siyang nagpatuloy muli sa paglakad patungo sa kabilang direksyon. Tangay niya ako dahil nanatili ang hawak ko sa braso niya.
I wanted to ask where he was heading but decided that there was more important matter that needed to be addressed.
"Dude, what is your problem? Anong eksena 'yon?" Problemado ko siyang tinapunan ng tingin matapos bitiwan.
Naro'n na kami sa hilera ng benches, sa gilid ng ilang tindahan.
"I have a name you know," aniya, natatawa. Matapos ilapag sa isang bench ang bag pack ay naupo siya ro'n. "Nalimutan mo 'no?"
"Okay, whatever-your-name-is, what are you really up to? You didn't answer my question."
"Kasama natin ang Diyos."
"Ano?"
"Iyon ang ibig sabihin ng pangalan ko." Hindi ako nakapagsalita kaagad sa sagot niya. "Emmanuel."
Here we go again. Natatahimik talaga ako tuwing nagbibigkas siya ng mga salita tungkol sa Diyos. 'Di ko maintindihan, siguro anak talaga ako ni Satanas.
"Mathew 5:39, but I tell you, do not resist an evil person. If someone strikes you on the right cheek, turn to him the other also. You didn't ask, but I'm okay." Sandaling nagtagal ang tingin niya sa pagtayo ko bago binuksan ang bag pack niya. May kinuha siya ro'n at saka iniabot sa akin.
"Ano 'yan?"
"Band aid?" kibit-balikat niya.
I sighed. "Wala ka bang kamay? Hindi mo ba—" Natigilan ako ng ituro niya ang sugat sa gilid ng labi niya. Namumula pa ang balat sa palibot niyon at may bakas ng kaunting dugo mula sa maliit na cut.
Muli akong nagbuga ng hangin bago sa wakas ay humakbang palapit sa inuupuan niyang bench. Kinuha ang iniaabot niyang Band-Aid. Muli akong napatuon sa kaniya matapos ko iyong mabuksan para lang maabutang nakatitig siya sa akin.
Ang mumunting kabang umusbong sa akin ay hindi ko agad naintindihan. Sinubukan ko iyong lulunin at saka lumapit pa hanggang sa makatayo ako sa harap niya. Mabilisan kong inilapat ang Band-Aid sa sugat niya at agad umatras palayo matapos.
Dahan-dahan siyang ngumiti. "Salamat."
Ilang beses akong napakurap nang luminaw at tila umahon ang kaninang panimulang kaba ko. It felt kind of weird.
"Akala ko ba pagod ka na?" bumulong ako sa hangin pagkabawi. Hindi ko sinadyang marinig niya 'yon, but somehow, deep down, I wanted to know what he has to say—kaya medyo naging audible.
"I am... but God was teaching me to have more patience and try to see beneath the surface. But I'm not gonna lie—I was almost at my limit. Ilang beses ko na ring kinuwestyon kung tama pa ba ang ginagawa ko. Nasaktan ako sa mga sinabi mo, pero hindi ko alam na nai-invalidate na pala kita. And for that, I'm sorry."
Tuluyan na akong natahimik. For a second, I thought about that God and faith he was talking about. Totoo ba talaga Siya? Totoo bang nakakausap Niya ang mga tao kahit hindi naman Siya visible? Totoo bang nararamdaman nila ang presensiya Niya? Totoo bang dinidinig niya ang mga tahimik kong dasal at hiling?
The smiling faces of every strangers, as if they were celebrating something on that service, flashed before my eyes.
I wonder how anyone could believe and hold onto something that they couldn't even see.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top