2 : John 4:8

"Whoever does not love does not know God, because God is love."


"Ginabi ka? Saan ka nanggaling? Akala ko uuwi ka na? Wait... what's that—did you smoke? Haven't I told you to stop doing that? Hindi mo ba alam kung anong mga kumplikasyong pwedeng idulot n'yan? That's bad for you! You're still so young to waste your life away!"

Natawa talaga ako sa mga sinabi niya. Do I really look like a stupid brat in front of him? I know I could die 'cause of the cigar but so what? That's what I'm up to anyway.

"Come again?" matawa-matawa pa ring sabi ko.

Kumunot naman ang noo niya sa nakitang reaksyon ko. Ilang sandali pa siyang natigilan bago muling nagsalita.

"Leiry, please, this isn't funny. Hindi ako nagpapaka-pagod magsalita nang magsalita sayo't pilitin ka sa mga bagay na ayaw mo para lang sa wala. I am trying and I'm doing this all for you."

Aww. Is this the moment when I have to puke—I mean to cry? Dude, stop bullshitting me. That didn't and would never shake me.

"Pardon? Are you serious? You drunk or something?" Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa niya nang tinalikuran ko sila ng babae niya, para dire-diretsong magtungo sa kitchen.

"Leiry! I didn't raise you like that! How could you be..." rinig ko pang sigaw niya. Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi. Why bother?

"Tama na. Let her rest... baka pagod lang siya. Ang importante nakauwi na at alam nating safe siya," malumanay na boses ng babae niya.

"But she's too much. Masiyado nang lumalaki ang ulo ng batang 'yan. She don't listen to me anymore."

"Yeah, right. You didn't raise me like this. Truth is you never even try to raise me. Great, point. Tapos ako pa ngayon ang sumosobra? Look who's talking," bulong-bulong ko sabay balibag sa basong ininuman ko. Naglanding iyon sa lababo't nabasag. Halos panlisikan ko ng mata ang bawat basag na piraso niyon habang kuyom ang magkabilang kamao matapos. "People and their stupidity."

The sudden hot fury surging in my veins almost made me dizzy.

"Do you usually hate people in general?" Hanggang sa mapatalon akong bigla at tila mabalik sa reyalidad nang dahil sa boses ng nagsalita. "Hindi ka ba napapagod? Hating everyone is probably a tough job to keep, for there's too many."

"You son of a—what the hell are you doing here?!" baling ko rito.

"Curse a lot also," puna niya sabay ngiti.

"Magnanakaw ka ba? I said what are you doing inside my house?!" Pinilit kong hinaan ang boses ko para walang makarinig sa amin. Dahil baka tulad ko'y maalerto rin kung sino man iyon. But wasn't that the point?

"Don't freak out. 'Di ako magnanakaw." Nakangiti pa rin siya habang tinataas ang magkabilang palad sa ere. "Emmanuel, remember?"

Kumunot ang noo ko.

"Dumiretso kami rito kasi—"

"Like I care." Inirapan ko siya't tinalikuran na nang makilala ko ang pagmumukha niya.

He was that smiling guy on the stage. Paniguradong kasama niya 'yong babae ni Dad kaya siya nakapasok dito. Hindi ako na-inform na naging extension na pala ng church nila ang bahay namin.

"Hindi ba masyadong mabigat sa pakiramdam 'pag galit ka sa maraming tao?" Napahinto ako ng lakad nang animong may bulalakaw ang biglang nahulog sa langit at dumirekta pabagsak sa akin. "John 4:8, whoever does not love does not know God, because God is love."

Hinarap ko siya ulit pagkabawi. "What, are you trying to preach me? Pastor ka ba?" Tinawanan ko siya bago ko ipinagpatuloy ang pag-alis ko.

"I'm not a pastor, but I'm telling you—I'm a child of God." Napahinto na naman ako saglit nang tila may kung anong bumundol sa akin. Nang muling magbalik ang lakas sa mga tuhod ay naghahali akong nagtatakbo paakyat, diretso sa kwarto ko.

I hate to feel sinful. Hindi ako banal, alam ko. Pero ayokong nakakaramdam ng ganito. Kasalanan 'to ng lalaking 'yon. God is love, God is love pang nalalaman. Kainis! Anong ibig niyang sabihin? Na kaisa ako ni Satanas dahil hindi ko kilala si God dala ng galit ko sa mga tao? Well okay, I wasn't on either side. I'm in between, like a mediator or something. Wait... may ganoon ba?

Oh, whatever!

Katulad ng araw-araw kong ginagawa, ito ako't naglalakad sa school patungo sa building namin ng walang pakialam sa mga tao sa paligid. Na para lang silang hangin na hindi ko nakikita. This is me. This is how I handle things: to not care. Because the less you care, the less you get hurt.

"Hi, Leiry!"

Na-stuck ako sa kinatatayuan ko nang makita ang mukha niya sa harap ng room namin. SA HARAP NG ROOM NAMIN? Okay. Masyado akong OA. But what is he doing here? At paano niya nalaman ang room ko? Wait... pareho ang suot naming uniform!

Oh, no. This is not happening, right? Please tell me this isn't true.

"Buti tama 'yung napuntahan kong room!" Ngumiti siya pero nakataas lang ang isang kilay ko.

Seriously?

"What do you want?" Ayoko nang magsalita ng kung anu-ano pa dahil baka may masabi na naman siya.

"Uhm, gusto lang sana kitang ayain mamaya kung wala kang gagawin." Nakangiti pa rin.

"Excuse me?"

"May cell group kasi kami mamaya. Just in case gusto mo—"

"I'm not interested." At ganoon ko lang siya kadaling tinalikuran.

"Balik na lang ako kung sakaling nagbago ang isip mo. Bye!"

Nasa harap na ako ng pinto nang lingunin ko sya. May gusto pa sana akong sabihin pero naabutan ko siyang tumatakbo na palayo. Hindi ba niya makitang wala akong interes sa mga bagay na ginagawa nila? Hell. I didn't even know what he was talking about.

Nagulat ako nang makita ko na naman siya sa labas ng room namin ng mag-lunch break.

"So?" ngiti niya.

"Told you I'm not interested. Stop bugging me, okay?" Sabay alis ko na. Akala ko sumuko na sya't umalis na pero...

"May kasama kang mag-lunch? Sabay na tayo." Pa-statement ang pagkakasabi niya n'on kaya tinaasan ko siya ng kilay. Huminto ako ng lakad nang hindi niya ako tinapunan ng tingin. Noon ko lang nakuha ang atensyon niya.

"Ano ba talagang gusto mo?" Nagkibit-balikat siya sa tanong ko.

"Lunch? Gutom na ako eh." Sabay mahinang tawa.

"Pwede ba. Wala akong panahon sa mga biro. Sige, ganito na lang. Anong kailangan mo sa 'kin?"

Umiling siya kaagad.

"Sandali nga. Pinababantayan ba 'ko sa 'yo ni Dad?"

"Hindi ah." Magsasalita pa sana ako kaso nilapitan niya ako't itinulak nang marahan mula sa likuran gamit ang palad niya.

"Anong ginagawa mo?!" Itutulak ko na sana siya palayo pero bago ko pa man magawa iyon ay nakarating na kaagad kami sa cafeteria. Noon lang siya humiwalay sa akin. Tinapunan ko siya nang masamang tingin kaya nagtaas siya ng magkabilang kamay sa ere bago lumayo pa sa akin.

"Sorry. Harmless naman ako," anya.

Matalim pa rin ang tingin ko sa kaniya habang naglalakad siya papasok, nakatingin sa akin at nanatiling pinta ang parehong ngiti.

Maraming tao dahil lunch break. Sa ibang table na lang dapat ako uupo pero dahil maraming nakakairitang tao, wala na akong mapwestuhan.

"Maupo ka na," parinig pa niya nang hindi nakatingin sa akin, bagkus ay tuon ang atensyon sa sarili niyang lunch. Wala na talaga akong choice. "Kain na!" Nagbaling lang siya sa akin ng tingin matapos kong maupo sa tapat ng inuupuan niya. Wagas pa kung makangiti.

What's with the smiles?

"You're annoying," kumento ko bago nagsimulang kumain. Hindi na ako nakatingin sa kaniya pero naaninag ko pa rin ang pagngiti niya.

Wala sigurong dinadalang problema ang taong ito. Kung makangiti kasi ay 'kala mong wala na siyang ingingiti pa bukas.

"Thanks. You're beautiful." Napahinto ako sa pagnguya para lang mag-angat ng tingin sa kaniya. "Ikaw, ako at lahat ng tao sa mundo. Alam mo kung bakit? kasi nilikha tayo ni God sa wangis niya."

Tinitigan niya ako't ganoon din ang ginawa ko. Ngumiti siya, ako ay hindi.

"Whatever," mabilis kong sabi bago nagpatuloy muli sa pagkain. Ang daming sinasabi.

"Alam mo, may sinabi sa akin si God kagabi."

Without enough care on what he was saying, nagpatuloy lang ako sa ginagawa kong pagkain. 'Di talaga siya titigil sa pagse-sermon sa akin. Kairita. Ano bang pakialam niya kung ganito ako? Ano ba sa kaniya kung mapunta ako sa impyerno? Sino ba siya para magkaroon ng pakialam sa taong kagaya ko? I don't get it.

"Ang sabi niya tulungan daw kita..."

Naibagsak ko ang kutsarang hawak ko patungo sa lamesa, dahilan ng pagtungo ng atensyon ng ilang estudyante sa table namin. Tinitigan ko siya diretso sa mata matapos. Wala nang bakas ng ngiti sa mukha niya tulad ng sa akin.

"I don't need your help, I'm not a dying man here." Hinablot ko ang bag pack ko sa lapag at akmang patayo na para umalis nang matigilan ako.

"Maybe not physically but spiritually, you are dying."

Halos manlisik ang mga mata ko nang muli ko siyang nilingon. Why? Ano bang alam niya sa buhay ko? Ano bang alam niya sa nararamdaman ko?

"I—don't—care." Ang palagi kong linya't gawain.

"Yes, you do. Trust me." At noon lang siya ngumiti ulit. Habang naghahadali naman akong tumayo para umalis.

Mas nadadagdagan lang ang mga taong kinagagalitan ko dahil sa kaniya. Hindi ba niya makita na pointless lang ang ginagawa niyang 'to? I couldn't be save cause I live like this and sure as hell, I'm going to die like this. At this point, I probably no longer have a cure.

All the hatred and pain inside of me that came together, building a solid wall to protect me cannot be broken down... because I'm afraid that I became one with it and destroying it would also mean putting myself in ruins.

Matutulog na lang ako't lahat ay naaalala ko pa ang lahat ng sinabi niya kanina. I'm spiritually dying? What? How on earth could he tell that? Baliw ba siya? Manghuhula? May third eye?

Oh, God. I just wanted to get some sleep!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top