(Filipino) Oneshot
A.N. Just posting this here out of boredom and curiosity. I'm just practicing my writing in my native language because in my opinion I actually speak and write English better than doing it in Filipino. XD I have a lot of friends who say I don't even use correct grammar and wonder if I'm secretly Korean or Japanese lol
So, this is mostly for my fellow Pilipino readers. Kinda sad, because it's a story where I go blind. Enjoy! (Using Google Translate ^^)
---------------------------------------------
Sabi ng mga mangagamot wala na silang magagawa. Hanggang ganito na lang mata ko. Hindi na nila mapapagaling ito at walang operasyon ang makakatulong sa akin. Gusto ko nang umiyak ng narinig ko ang balitang iyon mula sa aking pinsan na si Trisha. Pero tinanggap ko na lang iyon dahil alam kong kasalanan ko rin lang ito.
Ako'y isang 17 na taong gulang na. Napakalabo na ng aking mga mata. Ikadalawang linggo ko na dito sa ospital. Napunta nanaman ako dito dahil nahimatay ako sa eskwelahan nung ako'y naguulat sa aming klase. Itinawag ang aking mga magulang, at nagising ako dito.
Sobrang nagalit ang aking ina at iyak ng iyak dahil matagal ng malabo ang mata ko. Ang pinakamasaklap pa ay ang ilang beses na pagsabi sa akin na tanggalin ko na lang ang mga mata ko at walang tutulong sa akin kapag nabulag ako. Ang sakit marinig iyon sa sarili mong magulang, napakasakit. Tapos ngayong nandito na ako wala pa sila sa aking tabi ngayon.
"Ate Len, may nagtext sa cellphone mo. Pupunta daw mga kaklase mo ngayon," sabi ni Trish sa akin. Sinubukan kong hanapin siya pero gumagalaw na ilaw lang ang nakikita ko at isang maliit at maliwanag na bagay ang kanyang winawagayway.
Mga kaklase ko? Haha, ngayon pa sila pupunta, sabi ko sa sarili ko. "Pakisabi na sige," sagot ko kay Trish. Sa unang pagkakataon, may nakaalala sa akin, at may bibisita na mga kaibigan ko. Kung meron man akong kaibigan. Naisip ko kung sino kaya yung mga iyon. Kaklase ko daw, kaya baka sina Venus, si Pipay, si Alice, si Janella, o kaya sina Kristine lang iyong mga iyon. Paano kaya kung pupunta sina Mark, o si kuya Klein? Natawa ako sa pagisip ko na iyon.
"Trisha, pakitanong nga kung sino yung mga pupunta!" utos ko sa kanya. Buti pa yung pinsan ko, nandito siya. Wala na raw kasi silang pasukan ngayon, kaya bakante lang ang mga magaaral ngayon. Hindi ko naisip na ganun lang kabilis mga pangyayari, nalipasan ko ang recognition nila samantalang may pasok pa kami. Ano ba iyan, kailan pa kaya tapusan ng klase namin?
Umungot na pumayag ang aking pinsan. "Ok! Ito ate Len, kain ka muna." May inabot siyang mainit na nakalagay sa papel na lalagyan. Amoy hotdog siya.
"Salamat!" Sinubukan kong buksan ito kahit hindi ko masiyadong makita ito. Sa awa ng Diyos, may silbe pa ang kamay ko at nabuksan ko ito.
"Ate, lahat daw sila pupunta," bigkas ng aking pinsan. Ano? Lahat sila? Ibig sabihin ba iyon, pupunta rin siya? Si Frankie, pupuntahan niya ako? Asa naman ako.
Si Frankie kasi ay isa sa mga kaklase ko na itrinatrato bilang isa sa mga matalik ko na kaibigan. Hindi ko alam kung bakit, kasi alam ko na hindi ganoon ang trato niya sa akin. Bago pa ako napunta sa ospital, nilalambing pa niya ako pero nainis ako sa kanya kaya medyo nagaway pa kami. Tanga ko naman, paano na kaya iyan kung pupunta siya?
Baka may isang bagay kayong hindi maintindihan. Si Frankie kasi, hindi ko naman siya crush eh. Habang tumagal ang aming pagiging kaibigan, may namuong ibigan sa aking parte. Hindi niyo kuha? Mahal ko siya. Iyan, sinabi ko na. Pero hindi ko akam kung alam niya at isang lokohan lang pala ang relasyon namin.
Pero teka, bakit ko ito iniisip? Kumakain pa ako! Pagkain muna bago ang lahat! Hahaha!
Patapos na akong kumain ng biglang may pumasok sa kwarto ko. Narinig ko ang boses ni Venus, "Len!" sigaw niya habang nakarinig ako ng boses ng iba pa naming mga kaklase. Kung sino man sila, ang dami naman nila.
"Venus? Ikaw ba iyan?" Tapos narinig kong nagsipasukan sila. Buti na lang privado ang kinuhang kwarto at kung may kasama man ako sa kwarto ko ay magagalit na sila.
"Oo Len!" Sambit ni Pipay. "Hi Trish! Kumusta?"
Tapos biglang umingay sa aking kwarto. Pumunta talaga silang lahat! Buti naalala pa nila ako. Doon ay lahat sila kinumusta ako. Napansin ko na halos lahat sila ay babae base sa tinig ng boses nila. Hindi ko na talaga makita sila kahit malawak ang pagkabuka ng mga mata ko. Habang kinakausap si Venus, natanong ko sa kanya, "Beb, sina Frankie meron ba?"
"Haha, si bestfriend nanaman hinahanap mo. Susunod daw sila," sabi ni Venus sa akin.
Medyo nalungkot ako nung narinig ko iyon, pero hindi ko na masiyadong inisip iyon at nagpokus sa mga kasama ko ngayon. Nakakatuwa malaman na meron palang may pake sa akin. Hindi kagaya kasi ni bestfriend eh. Ako ang laging kumakumusta sa kanya at bihira pa niya ako kausapin. Tama ba iyon?
Medyo tumagal-tagal ay umalis na yung ibang mga kaklase ko. Iniwanan nila ako ng mga pagkain at alam nila kung paano ako laging gutom. Dark chocolate, Rebisco crackers, Bravo biscuit, at lahat ng paborito ko. Dinalhan pa nila ako ng bouquet ng bulaklak. Hindi pa naman ako mamatay, may bulaklak na!
Natira na lang yung pinsan ko at sina Pipay. Tapos biglang may pumasok, at yung pabango pa lang at ang pagtili ni Pipay ang nagsasabing dumating na mga kasama ni Frankie.
"Nandiyan na si Fafa K!" sigaw niya. Kami naman ay tumatawa pero ako ay hindi ko talaga makita dahil na nga sa kalagayan ko. Lahat sila ay binati ako at sina Venus naman ang kumausap para sa akin. Kumpleto ang grupo, pansin ko sa mga boses at pagkilala nila.
"Hi Len. Ito si Mark."
"Ui Len, si Rain ito!"
"Kumusta na, Len?"
Nakakalungkot kasi boses at amoy lang ang basehan ko kung sino sila. Pero parang may nawawala kasi. Biglang may pumasok, at tumili ang mga tao sa loob. Hindi ko naman alam kung ano ang nangyayari at malabo mata ko.
"Beb, may regalo si bestfriend sa'yo oh!" komento ni Venus. Lumapit naman siya sa akin at may binigay na kahon at nakaplastik na pagkain.
"Hi best." Hindi ko maiwasang tumitig sa kanya kahit hindi ko mahugis ang mukha niya. Medyo napatigil pagtibok ng puso ko sa boses niya. At muntikan na akong mapangiti kasi pinakaunang pagkakataon ito na siya ang may ginawang mabuti para sa akin. "Basahin mo na lang yung nakasulat sa kahon."
"Frankie," sabi ko sa kanya. "Salamat pero, hindi ko mababasa ito eh. Trish, pakitabi muna itong kahon." Tinawag ko ang aking pinsan at kanya namang kinuha sa akin ito. Naramdam ko yung plastik na medyo mainit at amoy saging. Saglit, ito yata yung paborito kong...
"Wow! Turon talaga dala niya haha!" Tawang-tawa na sinabi ni Janella. Mga boses ng lalaki naman ang sumunod, at puro pangaasar sa akin at kay Frankie. Magpasalamat sila hindi ko sila makita at kung hindi ay binigay ko na yung pangpatay ko na tingin.
Pagkatapos kainin yung isang turon, nagsalita ang aking pinsan sa akin. "Ate Len, nagtext si mudra mo. Sabi niya uwi na ako at hintayin na lang siya dito."
"Ganun ba?" mahinahon kung sinabi, "Sige. Mauna ka na. Ingat ka ah?"
"Bye pinsan!" paalam ni Trish. Nagpaalam din mga kaklase ko at sabi na sila muna ang babantay sa akin. Tumawa naman kaming mga babae kasi alam namin kung paano ugali ng mama ko.
"Haha, hindi pwede at baka kung anong gawin ng kanyang mudra," sabi ni Janella. Tawa kami ng tawa pero may naramdaman akong sakit sa ulo. Tapos may nangyayari sa liwanag na nakikita ko. Pero hindi ko na muna ito pinansin kasi ayaw kong magalala mga kaklase ko.
Habang tumagal, mas lumakas at mas bumilis ang pagbago ng ilaw na nakikita ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, pero sinabi ko sa sarili ko, kaya ko pa ito. Nahihirapan na akong huminga, pero kinokontrol ko sarili ko.
May nakapansin sa kanila. Nilapitan ako ni Venus at nagtanong kung bakit parang may nangyayaring masama, pero nasagot ko na wala lang ito. Nagpatawag na lang ako ng nars sa ibang mga kaklase. Nung bumalik sila, kasama nila yung nars at sinabi nito na umalis muna sila at titingnan raw ako. Narinig kong umalis sila pero may natira. Hindi ko alam kung sino kasi hindi ko makita.
Patapos na akong tingnan ng nars at patuloy na sinasabing okay lang ako, umalis na siya. Ang alam ko natira na ako dito pero biglang may nahulog sa aking tabi, at tinignan ko at may hugis tao na nakatayo. Tawa pa lang niya ay alam ko na kung sino siya.
"Frankie! Nakakagulat ka naman eh," galit kong sinabi.
"Sorry best. Ok ka lang ba?" Lumapit siya sa akin at umupo sa kama ko.
"Oo. Pakealam mo?" Sa tagal-tagal ng panahon, ngayon niya lang ulit ako kakausapin. Ang galing naman kasi, kaya nakakainis.
"Bakit ka ba ganyan?" Yumuko siya, medyo dumilim at hinawakan niya ang aking balikat, pero iniwasan ko ito.
"Bakit?" sabi ko. "Ngayon mo lang tatanungin kung bakit? Alam mo ba kung gaano katagal kong hinintay na tanungin mo sa akin iyan? Alam mo ba kung gaano kahirap maghintay, kung talagang may pake ba ang tao sa'yo o wala? Kung isa ka ba talagang tunay na kaibigan o isang niloloko mo lang?"
Naramdaman kong may tumulong luha mula sa aking mga mata. "Hindi ko alam kung bakit pa kita ninais na tulungan, suportahan, etc! Kasali pa ang mahalin ka bilang isang kaibigan! Sinabi ko naman sa'yo kung gaano ka kahalaga sa akin, eh ikaw? Ano masasabi mo? Gaano ba ako kahalaga sa'yo?"
"Naalala mo ba nung pinauutangan kita? Yung ako na gumagawa ng trabaho mo sa paaralan? Tinuturuan ka kapag wala ka ng maintindihan sa klase. Pinagbibigyan pa kita minsan kapag may mali kang nagawa? Ang pagpapalipas ko sa mga masasamang paguugali mo? Sino ang gumawa niyan para sa'yo? Kilala mo pa ba kung sino iyan? Ano ba ako para sa'yo?"
Katahimikan. At hawak-kamay lang ang nakuha kong sagot. Hindi ko alam kung kailan pa niya hinahawakan kamay ko. Sinubukan kong tanggalin, sa isip ko. Pero ayaw ng katawan ko kasi may ibang ginagawa. At ito ang pagluha ng mata ko.
"Bakit ayaw mo akong kausapin? Magsalita ka naman! Please, BEST! Pasensya na lang at umabot sa ganito!" Binitawan niya ang aking kamay. Sumakit yung dibdib ko nung ginawa niya iyon. At habang umiiyak ako, pinikit ko yung mata ko. Pagbuklat ko, nagsimula nanaman ang pagpalit ng liwanag ng mga ilaw, pero mas dumidilim na siya.
"Mata ko! Mata ko!" Sigaw ko. Humarap siya sa akin, pagkatapos tumakbo palabas. Iyan ang huli kong nakita bago tuluyang nawala ang aking paningin. May narinig akong pumasok, at boses ni Janella ang narinig ko kasama ang maraming tao.
"Len! Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?" sabi ni Janella. Iyan ang huli kong narinig bago ako nahimatay sa aking kama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top