EPISODE TWENTY TWO

"PAGBAWI NG BUHAY!"

ANG NAKARAAN,

Nakakulong na si Argelie sa pagtutulungan ng apat na magkapatid. Ngunit may mga lihim pa din silang dapat malaman. Lalo na sa mga nangyari sa nakaraan.

ANG KARUGTUNG,

Sa MIB headquarter..

Humahangos si Marie na nagtungo kay Denny Ann.

"Nawawala si Jeanrio." Sambit ni habang hinahabol ang kanyang hininga.

"Ano? Papano nangyari yun?" Sigaw ni Denny Ann.

"Hindi ko Alam! Bigla nalang naglaho." Sagot ni Marie.

"Halika puntahan natin sa chamber." Usal ni Denny Ann. At sabay nilang pinuntahan ang silid Kung saan nila ikinulong si Jeanrio.

Samantala sa Emerald Castle..

Sinalubong ni Ruel Sina Marlyn, Davilinda, Mia at Marife habang papasok sila ng gate ng Emerald Castle.
Ngiti nya itong binati at yumuko pa ito bilang tanda ng pag galang.

"Mga binibini. Maligayang pagbabalik sa Emerald Castle." Bati ni Ruel.

Tinitigan ni Marlyn ang buong kastilyo at saka nag usal.

"Hindi pa din nagbabago ang Emerald Castle. Maganda pa din ito." Ngiting Sabi ni Marlyn.

"Tama ka Ate, sa wakas nakabalik na tayo." Dagdag naman ni Marife. At bigla nalang itong nawalan ng Malay pagkatapos magsalita.
Agad namang sumaklolo ang kanyang mga kapatid.

"Marife anong nangyayari?" Sigaw ni Ruel.

"Tulungan mo kami. Ipasok natin sya sa loob ng kastilyo." Sabi ni Davilinda. At agad nilang pinagtulungan si Marife na maipasok sa loob ng emerald castle.

Habang sa prisento...

Nagsitakbuhan ang mga tao sa loob ng prisento habang Ang mga police ay nagtungo sa lugar kung saan nangyari Ang malakas na pagsabog.

Nang tingnan nila ito. Isang babae ang nag-aapoy Ang mga kamay.

"Inuutusan ka naming itigil mo Yan!" Sigaw ng isang police habang nakatutok ang kanyang baril sa babae.

Imbes na pakinggan ang mga police ay tinapunan niya ito ng mga bolang apoy.

"Itigil mo yan Jeanrio. Itakas mo na ako dito!" Sigaw ni Argelie sa babae.

"Masusunod amo!" Sagot ng babae at agad silang naglaho.

Balik naman sa Emerald Castle. Habang ginigising nila si Marife. Ay tumunog ang cellphone ni Davilinda.

Nang tingnan niya ang screen, rumihestro ang pangalan ng kanyang nobyo na si Edward.

"Tumatawag si Edward. Sandali lang sasagutin ko muna!" Sabi ni Davilinda at agad nag tungo sa hardin saka sinagot ang tawag.

"Edward bakit?" Tanong nya sa nobyo.

Huminga ng malalim si Edward bago nagsalita.

"Nakatakas si Jeanrio sa MIB headquarter. At palagay ko siya ang tumulong Kay Argelie upang makatakas sa Prisento kanina." Sagot ni Edward.

"Ano?" Gulat na Sabi ni Davilinda at saka nabitawan nya ang cellphone. Tyempo namang dumating si Mia.

"Anong nangyayari Davi?" Tanong ni Mia.

"Nakatakas si Tita Argelie sa Prisento. pati na rin si Jeanrio." Sagot ni Davilinda.

"Malaking problema yan. Nagkamalay na si Marife. At may sinabi si Sofia sakanya." Sambit ni Mia.

"Talaga ano?" Tanong ni Davilinda habang nanginginig ito.

Hinila sya ni Mia papasok sa loob. At nagtungo sa sofa kung saan nagkamalay na ang kanyang kapatid.

Nang makita sya ni Marife ay agad itong umiyak.

"Bakit Marife? " Tanong ni Davilinda.

"Ate Davi at Ate Marlyn. May magbubuwis ng buhay. Hindi ko Alam Kung sino. Dahil Ang nakita ko ay ang kwentas na suot nyo." Sabi ni Marife.

Nang marinig iyon ni Davilinda ay hinawakan nya ang kanyang suot na kwentas.

Habang si Marlyn naman ay bakas sa kanyang mukha ang pagkabahala.

"Hindi lang yan ang problema natin! Nakatakas sina Argelie at Jeanrio." Sambit ni Davilinda sabay hawak sa kanyang ulo.

"Tama si Sofia makakatakas Sina tita at Jeanrio. Anong gagawin natin?" Tanong ni Marife.

Sasagot na sana si Marlyn nang biglang tumunog ang telepono na agad namang sinagot ni Ruel.

"Emerald Castle!" Bati nya hanggang sa Hindi na ito makapagsalita.

"Ruel sino ang tumatawag?" Tanong ni Davilinda.

"Si-si madam Argelie. Sabi nya hawak nya ang kapatid ng tatay nyo!" Sagot ni Ruel.

"Sino? Diba si Tita Argelie lang ang pamilya ni Papa?" Sambit ni Mia.

"Hindi po sya ang inyong tiyahin." Sabi ni Ruel at ibinaba niya ang telepono saka nagkwento.

"Bago namatay ang inyong ama. Nalaman namin sa tulong ni Atty Almie. Na hindi si Madam Argelie ang totoong kapatid ni Senior. Nung araw na kinompronta ni Senior si Madam Argelie. Narinig ko na pinagbantaan nya ang inyong ama. Ngunit dahil na rin sa ayaw niyang magkagulo. Dahil inaalala niya kayo. Ay pinaalis nya ng palihim si Madam Argelie sa kastilyo. Hanggang sa kinagabihan!" Salaysay ni Ruel

"Inutusan ni Argelie si Jeanrio na patayin si Papa! Alam ko na. Kaya pala Sabi nya sa Journal nya. May natuklasan syang isang malaking katotohan. Hindi nya tunay na kap__ naputol lang. " Dagdag ni Marife.

"Nabasa ko din yan Marife. Pero Ruel? Sino ang totoong tita namin?" Tanong ni Mia.

"Si..." Sasagot na sana si Ruel ng biglang may sumabog sa labas.

At humahangos na pumasok ang isang bodyguard nila.

"Ruel, nandito si Madam Argelie kasama si Jeanrio. Nangugulo sila." Sabi ng bodyguard.

"Jusko maryusep! Anong nangyayari sa mundo!" Sambit ni Ruel at nagmamadali itong lumabas.

"Siguraduhin nyong ligtas ang mga magkakapatid." Utos ni Ruel sa mga bodyguard na pupunta sakanya.

"Sir Hindi tinatablan ng bala si Jeanrio. Pati na rin si Madam Argelie. Anong klaseng nilalang ba sila!" Sambit ng isang bodyguard.

Nang Makita ni Argelie at Jeanrio si Ruel ay binati nila ito.

"Kamusta Ruel? Nakabalik naba mga alaga mo?" Tanong ni Argelie. Habang sa likuran niya si Jeanrio na nag aapoy pa din ang mga kamay.

"Teka nasabi mo na ba kay Davilinda at Marlyn na hawak ko ang kanilang Tiyahin. Totoo nilang tiyahin!" Dagdag pa ni Jeanrio.

"Ano ba kelangan ninyo. Hayaan nyo na ang mga bata. Utang na loob madam Argelie. Bigyan mo na kami ng katahimikan." Sigaw ni Ruel.

"Hindi ko sila bibigyan ng katahimikan. Isa lang ang gusto namin. Buhay ng mga anak ni Ignacio." Sabi ni Jeanrio.

"Kami ba ang kelangan mo!" Sigaw ni Mia.

Nang lingunin ni Ruel ay lumabas ang apat na magkakapatid.

"Mga binibini bakit kayo lumabas.!" Alalang Sabi ni Ruel.

"Oras na para tapusin ang kabaliwang ito!" Sigaw ni Marife na ang kanang Mata nya ay naging kulay berde. Tanda na nasakanyang katawan si Sofia.

"Hindi mo moko matatalo Sofia. Mahina ang vessel na ginamit mo!" Sabi ni Jeanrio.

"Mia ipasok mo si Marife." Utos Nina Davilinda at Marlyn.

"Pero papano kayo.?" Alalang tanong ni Mia.

"Kakausapin namin si Tita. Alam kung may kabutihan pa sa puso nya."Sabi ni Marlyn.

"Oo nga. Ipasok muna sya Mia!" Dagdag na Sabi ni Davilinda.

"Well parang hindi?" Sabi ni Sofia na tuluyan ng sinakop Ang katawan ni Marife.

"Hayaan mo kaming magharap ng espiritu ng Hestia." Dagdag na Sabi ni Sofia.

"Yan Ang gusto ko Sofia. Totoong laban! Wag tayo dito." Sabi ni Jeanrio at sa isang iglap lang ay napunta sila sa isang lugar na may malalawak na ispasyo. Kasama ang tatlong kapatid ni Marife na Sina Mia, Marlyn at Davilinda. Kasama si Ruel.

"Nasaan na ang tiyahin namin!" Sabi ni Marlyn.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top