EPISODE TWENTY THREE

"ANG IKALAWANG BUHAY NA ALAY!"

ANG NAKARAAN,
Nagbalik na sa Emerald Castle ang magkakapatid at nabawi na din nila ang lahat ng ari-arian na kinamkam ng kanilang tiyahin na si Argelie. Pero may isang rebelasyon ang yumanig sa magkakapatid. Ang inakalang Tiyahin na si Argelie ay Isa palang impostor. Habang ikinukwento nila Kay Ruel ang mga nangyari bigla silang nakatanggap ng tawag galing Kay Argelie. Sinasabing hawak nya ang kanilang totoong Tiyahin. Sa gitna nang kanilang pag uusap biglang nagkagulo sa labas na agad naman nilang tiningnan.

ANG KARUGTUNG,

Dinala silang apat ni Argelie at Jeanrio sa isang lugar na di pa nila pupuntahan.

"Nasaan tayo?" Tanong ni Marife nang magbalik sya sakanyang sarili.

"Ruel? Ruel?" Sigaw ni Marlyn habang hinahanap si Ruel. Iginala nila ang kanilang paningin sa paligid Wala silang Makita kundi si Argelie at Jeanrio na nakatayo sa kanilang harapan pero ilang metro lang Ang layo.

"Hindi ko sya sinama dahil hindi sya kelangan dito." Sabi ni Jeanrio.

"Nasaan na ang totoong Tiyahin namin? Ilabas mo sya!" Sigaw ni Davilinda.

Tumango si Argelie Kay Jeanrio at sa isang kumpas ay lumabas si Marichu na may Piring ang mga mata at nakatali Ang mga paa at kamay.

"Marichu?" Gulat na Sabi ni Davilinda.

"Bakit Davi kilala mo ba sya?" Tanong ni Mia.

"Siya ang tumulong sakin upang ibagsak si Madam Argelie." Sagot ni Davilinda akmang lalapitan na nya Ang babae ay biglang may isang pwersa ang pumigil sakanya.

"Oops! Hindi pa oras mga Darling. At Isa pa may naisip ako. Since may Isa nang buhay ang inalay sakin bakit Hindi kaya ang tiyahin nyo ang isusunod ko sa tatay nyo!" Sabi ni Jeanrio habang ang mga mata nito ay nagliliwanag.

"Take note Jeanrio. Hindi yun alay, dahil Wala naman talagang alay ang naganap. Dahil ikaw mismo Ang kumuha sa buhay ng aming ama." Sambit ni Marlyn.

"I know pero, Kung nabasa nyo ang kasunduan. Kapag na kompleto Ang dalawang buhay na alay ay mananahimik na kami. At para Hindi na kayo mahirapan. Nung nakausap ko sya naamoy ko ang dugo ng emerald na dumadaloy sakanya. At nakompirma ko yun Kay Argelie na sya ang totoo ninyong tiyahin. Ayun sa mga dokomentong nahanap namin sa opisina ng inyong ama." Salaysay ni Jeanrio.

Samantala sa MIB headquarters.

Humahangos na nagtungo sina Sister Salome at Ruel sa opisina ni Denny Ann.

"Alam ko na Kung bakit kayo narito. Nakatakas si Jeanrio. At sinusubukan na naming hanapin sya." Sambit ni Denny Ann habang nakatingin sa malaking Screen ng kanyang opisina.

"Hindi lang yan Miss Violet. Kinuha nila ang mga anak ni Senior Ignacio. "Usal ni Ruel habang hinahabol ang kanyang hininga.

"Naloko na!" Sambit ni Denny Ann at napakagat sya sakanyang labi.

"David and Marie, please find the location of Jeanrio. Galugarin nyo kahit saang deminsyon." Utos ni Denny Ann at tumango lang Ang dalawa nyang kasama.

Lumapit naman si Shairmaine sakanya at may ipinakita.

"Violet, may results nako tungkol sa Spear of Wishes. Ito ang contrata nakasulat ito sa Salitang Latin. Pero itatranslate ko para mas maintindihan natin.

Ang sinimulan na ni Shairmaine na basin ang mga nakasulat sa papel nyang hawak.

Balik sa magkakapatid.

Muling nagbalik si Sofia sa katawan ni Marife.

"Tama ang Sabi nya Pero may paraan upang mabali o masira ang kontrata na ginawa ng inyong ama saamin." Sambit ni Sofia na ginamit nya ang katawan ni Marife.

"Ano Marife?" Tanong ni Marlyn.

"Ate Marlyn Hindi yan sa Marife si Sofia yan. Tingnan mo ang mga mata nya. Kulay berde. Pero, Oo nga anong pwde naming gawin upang mabali ang kontrata?" Tanong ni Davilinda.

"Isa Lang Ang paraan.. " Panimula ni Sofia at naglakad ito sa harapan at nagsimulang ipaliwanag ang maaring gawin.

Habang abala si Sofia sa pagpapaliwanag ay inihanda naman ni Argelie ang isang punyal na ibabato kay Sofia. Ngunit nang ibinato na ni Argelie ang punyal patungo kay Sofia o Marife biglang humarang si Marlyn.

"Marife!" Sambit ni Marlyn habang nakayakap sa kanyang kapatid. Nang tingnan nila si Marlyn ay tumama na ang punyal sa kanyang likuran.

"Sayang Hindi mo natamaan ang bida-bidang ispiritu." Ngiting Sabi ni Jeanrio.

"Di bale! May lason naman yan. Kapag namatay Isa sakanila eh may ikalawang buhay na para sa kahilingan ni Ignacio. "Sabi ni Argelie.

Habang Sina Davilinda, Mia at Marife ay inaalalayan si Marlyn na nanghihina na dahil sa lason na unti-unti nang kumakalat sa kanyang buong katawan. Si Marichu Naman ay pinakawalan at agad niyang nilapitan ang mga pamangkin.

"Jusko anong nangyari?" Sigaw ni Marichu habang nagulat sa kanyang mga nakita.

"T-tita! Alagaan mo ang mga kapatid ko! Nararamdaman ko na ang lamig. " Umiiyak na Sabi ni Marlyn.

"At Marife palagi kang musunod kina Davilinda at Mia okay? Masaya ako dahil nailigtas kita." Ngiting Sabi ni Marlyn.

"Ate Marlyn. Wag kang bumitaw hahanap kami ni Sofia ng lunas. Diba Sofia?" Sambit ni Marife at naging kulay berde ang kanyang kanang mata.

"Patawad Marife, kilala ko Ang lason na inilagay ni Argelie sa punyal. Yan din ang lason na pumatay saiyong ama. Noong gabing pinatay ni Jeanrio Ang inyong ama. Sinubukan ko syang buhayin ngunit Ang totoo nyan. Nakasaad din sa kontrata. Ang mga buhay na pwdeng kunin naming mga ispiritu ng Spear ay Ang humiling, kamag-anak ng humiling at mga anak ng humiling. Patawad!" Sagot ni Marife.

"Marlyn wag kang bibitaw susubukan kung humingi ng tulong Kay Miss Violet ng MIB." Sabi ni Davilinda na nauutal at natataranta. Habang si Mia Naman ay tulala lang na nakatitig Kay Marlyn.

Tumayo si Marife at sabay sabing.

"Kompleto na ang dalawang buhay na bayad sa kahilingan. Bumalik na tayo Kung saan tayo nanggaling!" Sambit ni Marife sabay taas ng kanyang kamay. Mula sakanyang likuran ay lumabas ang isang batang babae na may suot na kulay berde. At kapansin-pansin Ang kulay berde nitong mga mata.

Nagimbal si Jeanrio at Argelie sakanilang nakita.

"Sofia!" Sambit ni Jeanrio.

"Tapos na ang ilang taon na paniningil natin sa kanilang ama. Bumalik na tayo!" Sigaw ni Sofia at biglang yumanig Ang buong paligid habang unti-unti namang naglalaho sina Jeanrio at Argelie.

"Hindiii!!! Gusto ko dito sa mundong ibabaw. Ayuko nang bumalik doon!" Sigaw ni Argelie.

Hanggang sa naglaho silang dalawa ni Jeanrio.

Samantala tuluyan nang binawian ng buhay si Marlyn. At bago naglaho si Sofia may iniwan itong paalala.

"Magbabalik na kami sa Spear. Ilagay nyo kami sa isang lugar na kelanman Hindi na kami makakalabas at makakapang gulo!" Ngiting sabi ni Sofia. At gamit ang kanyang mga kamay ay nagbalik sa dati ang lahat. Nagising na lamang Sina Davilinda, Mia, Marife at Marichu na nasa Hardin sila ng Emerald castle kasama nila Ang walang buhay na si Marlyn.

Hawak naman ni Marife ang spear of Wishes. At tyempo namang dumating Sina Sister Salome at Ruel kasama ang team ni Denny Ann.

"Hindi tayo nakaabot Ruel." Nalulungkot na sabi ni Sister Salome habang nakatitig kay Marlyn.

Lumapit Naman si Marife kina Denny Ann at iniabot ang Spear of Wishes.

"Kinausap ako ni Sofia, Miss Violet Itago nyo daw sila sa lugar na Wala nang makakagamit."

Na agad namang kinuha ni Denny Ann at ngumiti kay Marife.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top