EPISODE THREE

"ANG HULING TESTAMENTO"


ANG NAKARAAN:

Pinatay si Ignacio ng isang di nakikilalang nilalang. Ngunit bago pa sya nabawian ng buhay ay naging maayos na ang kanyang huling testamento sa tulong ng kanyang abogado na si Almie.

ANG KARUGTUNG :

Sa Sala..
Kung saan nagpatawag ng isang mahalagang pagpupulong si Atty Almie.

"Sila naba ang anak ni Senior Ignacio?" Tanong ni Almie.

"Yes Atty." Ngiting sagot ni Argelie.

"Good morning mga ija! Ako nga pala si Atty Almie. And since patay na si Senior Ignacio ang inyong ama. Narito ako upang ipaalam sainyo ang kanyang huling testamento. " Panimula ni Atty Almie at binuklat niya ang kanyang hawak na folder sabay basa.

"Nakasaad sa last will ni Senior Ignacio. Na ang kanyang mga ari-arian at shares sa emerald company ay paghahati-hatian ng kanyang apat na anak na sina Marlyn, Davilinda, Mia at Marife. Ngunit dahil si Marlyn lang ang nasa tamang edad. Siya muna ang mangangasiwa sa lahat ng aking mga ari-arian lalo na sa companya ko. At ang tatlo Kung mga anak sa oras na dumating na sila sakanilang tamang edad ay makukuha nilang lima ang kanilang shares. Pati na amg Emerald Castle ay paghahatian ninyong apat." Basa ni Atty Almie ngunit biglang sumabat si Argelie.

"Sandali Atty, sa pagkakaalam ko ang emerald Castle ay ihahabilin nya saakin? Pero bakit anyare?" Tanong ni Argelie.

"Natanong ko na din yan sa kapatid mo Miss Argelie. Ngunit sabi nya ay ikaw ang magsasanay sa apat nyang anak upang maging handa. And as per him you don't need this castle and...." Maysasabihin pa sana si Atty nang biglang mag walkout si Argelie.

At sinundan naman Ito ni Marlyn.

"Tita wait!" Sabi ni Marlyn. At biglang tumayo si Davilinda sabay sabing..

"Actually hindi namin kelangan ang yaman nya. Ang kelangan namin alam nyo Kung ano?"

"Davi.." Saway naman ni Mia habang nakahawak Ito sa kamay ng kanyang kapatid.

"Kelangan namin ang kanyang presensya bilang ama." Sabi ni Davilinda sabay alis sa Sala.

"Well I don't know na may issue pala ang mga anak ni Senior. And I have to go Ruel thank you." Sabi ni Atty Almie at tumayo na din ito pagkatapos niyang ayusin ang kanyang mga gamit.

"Salamat po Atty." Sabi naman ni Ruel.

"Ah Atty pagpasensyahan mo na si Ate. Medyo emotional lang talaga sya. Salamat ulit." Sabi ni Mia habang hawak nya si Marife.

"Ate is right, Hindi pa nya tanggap ang pagkamatay ni papa. " Dagdag pa ni Marife.

Samantala inabutan ni Marlyn si Argelie sa kusina.

"Tita Argelie, we can actually help you regarding sa shares. Hindi ko naman alam na magiging ganun si papa." Sabi ni Marlyn.

"It's okay dear, it's just nakakatampo lang si kuya. But I understand, kelangan niyang bumawi sainyo. And besides tama si kuya. Pamangkin ko kayo kelangan ninyo ng guidance ko." Sabi ni Argelie at niyakap naman sya ni Marlyn.

"Thank you tita.." sambit ni Marlyn habang nakayakap kay Argelie at si Argelie naman ay mababakas mo sa kanyang mukha na may plano syang naiisip.

"Hayaan nyo dahil kayo naman susunod sa inyong ama." Sabi sa isip nya.

Kinaumagahan...

Nagising si Marife dahil sa isang malakas na yugyug.

"Binibini gising na po. Handa na po ang almusal! Baka mahuli kayo sa inyong pagpasok" Sabi ni Ruel.

"Kayo pala ho kuya butler. Teka anong oras na ba?"tanong ni Marife Kay Ruel.

"Mag aalas nuebe na po. Nasa baba na ang inyong mga kapatid. Bilisan nyo na baka magalit nanaman si Ate davi nyo!" Sabi ni Ruel

"Oo nga pala may exam kami. Sge po slamat mag bibihis nako." Sabi ni Marife at agad itong bumangon. Nag ayus sa kanyang sarili.

Samantala sa Emerald company..
Sa Opisina ni Argelie..

"We need to do something! Akala ko pag namatay na si kuya ay ipamamana niya saakin ang kastilyo. Ngunit hindi. Kelangan kung makuha ang emerald Castle. " Sabi ni Argelie sa kanyang kausap na babae.

"I know right? And besides nagpakahirap ka dito sa companya nya. You need some reward atleast itong companya nya?" Sabi nang babae.

"Well mamadaliin na natin ang pag gawa sa plano natin Jeanrio. Bago paman mag dese-otcho ang mga anak ni helga." Sabi ni Argelie.

"Ngunit papano si Marlyn? Close na ang Bata sayo.? Are you going to kill her as well?" Tanong ni Jeanrio sakanya.

"Maybe? But may ipaguutos ako sayo. Hanapin ninyo ni Boni si Atty Almie. Kelangan natin syang makumbinsi na baguhin ang huling testamento ni Kuya!." Sabi ni Argelie habang nakayukom ang kanyang mga kamay dahil sa inis.

"Sure but anyways ano bang meron sa emerald castle? Is it true na ang brother mo nakipag trade sa demon? Just for the sake of money and tons of gold?" Tanong ni Jeanrio.

"That's not of your business.. ang utos ko ang asikasuhin mo! Kapag nanglaban si Atty. Kill her! Ayaw ko nang sagabal sa plano natin. And let me handle the first daughter." Sabi ni Argelie.

"Okay Sabi mo eh.. alis nako!" Sabi ni Jeanrio sabay tayo sa kanyang kinauupuan. At tyempo namang pumasok si Marlyn.

"Good morning Tita! Kasama ko si Davilinda today I'll prepare her for our daily routine sa office para masanay na sya in the future." Sabi ni Marlyn.

"Yes that's perfect..may investors Tayo galing US. at dala ni Mr. Sanders ang kanyang anak na lalaki. Mag kasing edad Lang din sila ni davi. And why are you still here Jeanrio?" Pagtataray ni Argelie.

"Sorry I have to go.. enjoy your day miss Marlyn and Davi." Sabi ni Jeanrio bago Ito lumabas ay kinindatan pa ang magkapatid.

" At bakit ako nainvolve dito? Marlyn?" Sabi ni Davilinda.

"Ate? Not Marlyn!" Saway ni Marlyn.

"Whatever, mamaya na yan Tayo na nandoon na daw sa conference room sila Mr. Sanders." Sabi ni Argelie.

Pagkadating nila sa loob ng conference room ay agad pinakilala ni Argelie Sina Davilinda at Marlyn.

"Sila ang mga anak ni Kuya. Again this Marlyn our CEO and our future CEO, Davilinda she's only 17 but she know how to run this business. And by the way Marlyn Davilinda this our board members. With our investor Mr. Sanders and his son. Edward Sanders. " Pakilala ni Argelie sa dalawa at agad naman lumapit ang mag ama sa kanila.

"Nice to meet you miss Marlyn. " Sabi ng matandang Sanders.

Habang si edward naman ay agad inabot ang kanyang kamay sa dalaga.

"Hi I'm edward. You are Davilinda right?" Tanong ng binata.

"I don't care.." Pagmamasungit ni Davilinda sakanya.

"Your actually cool. They said your 17 years old but you already have a contribution on this company. I love the project called Toys for free program. I've heard you created that program for street children!" Ngiting Sabi ni Edward.

"Alam mo nabubuang nako sa kaeenglish mo. Naiintindihan naman Kita kaso, nasa Pilipinas ka Kaya magsalita ka ng Tagalog!" Sabi ni Davilinda.

"Okay, pasensya na binibini. Ako nga pala si Edward." Ngiting Sabi Ng binata at inaabot ulit nito ang kanyang kamay sa dalaga. Na agad namang kinuha ni Davilinda at nakipag kamay ito.

"Davilinda, marunong ka naman palang mag tagalog. And yes saakin Ang project na yan. Hindi lang laruan binibigay namin. May feeding program din kami every week for street children and poor families. And to be exact we have 10K beneficiary in metro manila." Sabi ni Davilinda habang nakataas ang kilay.

"Alam mo? Your maganda naman. Kaso iwasan mo yang pagkamaldita mo? Kasi nakakapanget Yan!" Biro ni Edward sakanya.

Na siya namang ikinagalit ni Davilinda.

"Pangit pala ha?" Sabi ni Davilinda sabay sinuntok sa mukha.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top