EPISODE SIXTEEN
"KAARAWAN NI MIA (part1)"
ANG NAKARAAN,
Ipinaliwanag ni Mia kay Marlyn ang lahat lahat ng kanilang natuklasan tungkol sa Emerald Castle pati na rin sa mga nakasulat sa journal ng kanilang yumaong ama na si Senior Ignacio.
ANG KARUGTUNG,
Sa bahay ni Aling Coring..
"Hindi ako naniniwala sa paranormal pero, totoo ba talaga ang mga to? Alam nyo ba kung nasaan ang bagay naito?" Tanong ni Marlyn sabay turo sa larawan ng Spear of Wishes.
"Sa totoo lang ate hindi ko alam. Minsan ko na itong nakita sa Silid ni Tatay pero Nung bago kami palayasin ni Tita. Sinubukan kung kunin pero pagbalik ko. Wala na!" Sagot ni Mia habang si Marife naman ay nakatingin lang sa dalawang nakakatandang kapatid. Huminga muna sya nang malalim bago nagsalita.
"Hindi kaya hawak ito ni Tita Argelie?" Sambit ni Marife.
"Papano mo naman nasabi?" Tanong ni Mia.
"Hindi ko lang kasi, Hindi lang ikaw ang nakakita nun ate. Nung unang gabi palang natin sa Emerald Castle nakita ko na yun sa Silid ni papa. Pero Nung hawakan ko bigla namang dumating si Ruel. Kaya ayun!" Pagsisinungaling ni Marife.
"Tama si Ruel? Baka may alam sya tungkol dito!" Sabi ni Marlyn.
"Baka meron? pero ate hayaan mo. Kami na ang mag tatanong ulit sa kanya pag nakapuslit kami sa Emerald Castle. " Sambit ni Mia.
"At Ate Mia. Bukas ay kaarawan mo na! Bakit di natin bigyan ng surprise effect si Ate Davi bukas. Tamang Tama! Narito na Ang ate Marlyn." Sabi ni Marife.
"Teka sino ba talaga ang may birthday? Si Ate Davi mo or ako?" Sabi ni Mia.
"Syempre ate ikaw! Pero mas bongga kung masusurprise si Ate Davi sa pag dating ni Ate Marlyn." Sabi ni Marife.
Tamang-tama namang dumating si Aling coring dala Ang kanyang mga pinamili.
"Oo nga pala kaarawan mo na Mia. Nagkita kami ni Edward kanina sa Palengke. Pinapasabi nya na uuwi si Davilinda bukas. Kaya mag hahanda tayo." Sabi ni Aling coring.
Samantala sa Emerald Castle.
Kinausap ni Argelie ang tatlong babae na nagpapanggap biglang Mia, Marife at Davilinda.
"I've heard sinabon ka ni Miss Sanchez sa Lobby kanina. Dear, Hindi ka dapat Basta basta umaatake. Lalo na kapag si Davi Sanchez na. Hindi lang sila maimpluwensya. Matalino at matapang din ang babaeng Yan!" Sabi ni Argelie.
Tumayo naman ang babaeng nagpapanggap bilang Davi at nag salita.
"Sinasabihan ko lang sya na layuan si Edward. Edward is mine." Sabi ng babae.
"Sayo? Dear? Hindi ikaw ang totoong Davilinda Abancio Emerald. Pero sabagay kung sa mata ng mga tao ikaw si Davilinda. Sge isagad mo na? And remember pumayag na din ang matandang Sanders para sa kasal ninyo. " Sabi ni Argelie.
"Pero Madam..." Magsasalita na Sana ang impostor ni Mia nang bigla syang pigilan ni Argelie.
"Again Mia! Hindi kayo Mahuhuli na impostor kayo. My team found something na match sa DNA ng tatlo Kung pamangkin." Ngiting Sabi ni Argelie. At bigla namang nagbukas ang pintuan. Ngumiti si Jeanrio bago nag salita.
"May na recover kaming mga buto ng tatlong tao sa isang liblib na lugar. Hindi ko Alam Kung saan dahil si Bonnie ang nakahanap ng lead. Pero good news. The real Mia Guarin Emerald, Davilinda Abancio Emerald at Marife Castro Emerald ay patay na." Sabi ni Jeanrio habang hawak ang isang folder.
"See? Hindi na kayo magkakaproblema. Dahil patay na ang mga totoong tagapagmana ni Ignacio. So ako pa sainyo. Enjoyin nyo nalang ang buhay bilang emerald!" Sabi ni Argelie.
At ito ang totoong nangyari kung saan nila nakuha ang mga kalansay.
Noong unang araw na nagkakilala Sina Marife, Mia at Davilinda ay kinuhanan sila ni Violet at David ng dugo para sa kanilang plano.
"Sandali para saan Ang mga to?" Tanong ni Marife. Ngunit hindi sumagot si David. Bagkus ngumiti lang ito.
Nang sinimulan na ni Davilinda ang pagpapanggap bilang Davi Sanchez. Ang mga kasamahan ni Violet sa MIB ay naghanap ng tatlong kalansay at sa tulong ng kanilang mga kagamitan ay inilagay nila sa tatlong kalansay bawat dugo ng tatlong magkakapatid.
Pinuntahan ni Shairmaine ang social media account ni Bonnie. At nagpakilalang may lead sya sa mga totoong tagapagmana. Itinuro ni Shairmaine si Bonnie sa isang baryo Kung saan nag aabang naman sina Violet at Christian.
Nang marating ni Bonnie ang nasabing baryo agad hinanap ni Bonnie Sina Violet at Christian.
"Tay? Kayo ho ba si Mang Juanito?" Tanong ni Bonnie sa matanda.
"Ako nga, hinahanap mo ba Sina Davilinda?" Sabi ng babaeng matanda.
Ginamit nina Christian at Violet ang isang kagamitan upang mag mukha silang matanda.
"Papano nyo po nalaman?" Tanong ni Bonnie.
"Binulong saakin ng mga kaluluwa Sabi ng babaeng matanda na agad itong tumayo para samahan si Bonnie Kung saan nila inilibing Ang mga kalansay.
At dahil sa DNA test nalaman ni Bonnie na sa totoong tagapagmana ang mga kalansay. Na syang agad niyang ibinalita Kay Jeanrio at Argelie.
Sa MIB headquarter...
"Anong status sa Spear?"tanong ni Violet Kay david.
"Hindi ko Alam kung sobrang mahiwaga ang bagay na yun. Palagi nalang nagiiba-ibang lokasyon ang spear.
24mins ago nasa emerald Castle sya ngayon Naman ay malayo sya sa emerald castle mga 500ft? Sira na ata tong aparato ko!" Sabi ni David.
"Ano pa bang kayang gawin ng Spear?" Tanong ni Violet.
"They can stay at one place Violet. Kasi nga spear sya . Kung naglilipat lipat sya nang lokasyon. malamang Ang Spear ay nasa kamay na ito ng isang mortal!" Sabi ni David.
"Tama ka pero Ang tanong? Sino ang mayhawak ng spear." Sambit ni Violet habang nakatingin sa monitor Kung saan sinusundan ng kanyang paningin Ang pulang dot.
Habang sa kaarawan ni Mia.
Nagmamadaling lumabas ng opisina si Davilinda dahil sa kaarawan ni Mia. Ngunit hinarangan sya ulit ng babaeng nagpapanggap na Davilinda.
"Miss Emerald. I don't have time! Kung mang-iinis ka? Wag ngayon utang na loob." Sabi ni Davilinda.
"Hindi. I just want to say sorry for what I did!" Sabi ng impostor na Davilinda.
"It's okay. Let's forget the past.!" Sabi ni Davilinda sabay bukas ng pintuan ng kanyang kotse. At Dali-dali nyang pinaandar Ang koste.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top