EPISODE SEVEN
"HIWAGA NG EMERALD CASTLE"
ANG NAKARAAN :
Pinalayas ni Argelie ang mga anak ni Ignacio sa Emerald Castle. Habang si Marlyn naman ay nagkaroon ng Amnesia.
ANG KARUGTUNG :
Sa Emerald Castle...
"Miss Argelie baka naman pwde pa itong pag usapan? Gabi na ngayon. Umuulan pa? Baka magkasakit sila." Sabi ni Ruel.
"Wala akong pakialam! Kung gusto mo sumama ka sa kanila?" Sabi ni Argelie habang nakataas ang kanyang kanang kilay.
"Ang sama sama mo bruha ka!" Sigaw ni Marife kay Argelie at kumuha ito ng holen na nasa kanyang bulsa at itinapon ito sakanya. Aksidente namang natamaan ang noo ng babae.
"Walang hiya kang Bata ka!" Sigaw ni Argelie habang papunta ito kay Marife ngunit hinarangan sya ni Mia sabay sabing...
"Sige subukan mong saktan kapatid ko. Alam ko ang sikreto mo!" Sabi ni Mia at natigilan naman si Argelie.
"Anong pinagsasabi mo? Anong sekreto?" Gulat na Sabi ni Argelie.
"Wag mo akong susubukan! Kung ayaw mong bumalik sa pinanggalingan mo!" Ngiting sabi ni Mia sabay bulong nito.
"Hindi ikaw ang tunay na Argelie.."
Biglang namutla ang mukha ni Argelie nang marinig nya ang mga Yun.
"Pwes Hindi naman ako ganoon ka sama? Ruel ibalik mo sila sa ampunan. Ikaw na ang bahala upang tanggapin sila!. " Sabi ni Argelie at nagmamadali itong bumalik papasok ng kastilyo.
"Anong sinabi mo Mia? Anong sekreto?" Tanong ni Davilinda.
"Ipapaliwanag ko na lang sa daan. Pero sa ngayon saan tayo matutulog? Kelangan pa nating hanapin si Ate Marlyn?" Sabi ni Mia.
"Oo nga? Pero Mang ruel..." Hindi na natapos ang sasabihin ni Marife ng biglang nag salita si Ruel.
"Alam ko na Kung saan kayo pwde. Halikayo at ihahatid ko kayo doon." Sabi ni Ruel at Dali Dali silang pumasok ng sasakyan.
Samantala sa kumbento...
Habang natutulog na si Marlyn ay napanaginipan niya ang mga nangyari sakanya bago sya mapadpad sa kumbento.
"Tita wag nyo ho itong gawin saakin maawa po kayo!" Ito Ang boses na narinig nya ngunit Ang mga imahe ay hindi malinaw. Hanggang sa panaginip nya ay may bumaril sakanya na syang naging dahilan upang magising sya at humahangos ito.
"Ayus ka lang miss?" Tanong ng isang binata na nagbabantay sa kanya.
"S-sino ka? Nasaan si Sister Salome?" Tanong nya.
"Ako nga pala si John Michael. JM nalang for short. Ako yung inutusan ni sister Salome para mag bantay sayo? Kamusta ka na? Ayus ka Lang ba?" Sabi ng binata sa kanya.
"Wala ayus lang ako." Sagot ni Marlyn Hanggang sa tumunog ang kanyang tyan.
"Mukhang gutom kana ata Miss? Sandali kukuha lang ako ng pagkain mo. Sandali lang." Ngiting sabi ng binata sakanya at nagmamadali itong lumabas ng kanyang silid.
Habang sa isang sekretong lab...
"Miss sabi ng data analysis ko. Ang spear of wishes ay ginamit noong 1999 pa. At dito sa location nato." Sabi ng babaeng naka mask.
"Ang tagal na pala pero kelangan nating tingnan kung nandoon pa din ang spear or staff na yan. Ihanda ang ang teleportation device at magtutungo tayo dyan sa lugar na yan." Sabi ng babaeng naka black suit habang nakaturo sa lokasyon kung saan nakatayo ang Emerald Castle.
Samantala ibinalita ni Jeanrio ang tungkol sa kanyang palpak na lakad.
"Nakatakas? Kay simple lang ng pinapagawa ko sayo? Nakatakas pa?" Galit na Sabi ni Argelie.
"May nangialam kasing guard. Pero don't worry hahanapin ko ang abogadong yun.." Sabi ni Jeanrio.
"Kelangan mo talagang hanapin sya. Hindi pwdeng may makasira ng mga plano ko. Hindi pwde!" Sigaw ni Argelie.
"Chill hindi naman mahirap hanapin si Atty Almie. May lead na ako. Speaking of plano mo? Since Wala na si Ignacio at ang mga anak nya. So ibig sabihin ba nyang magkakaroon kana ng oras para hanapin ang Spear of wishes?" Tanong ni Jeanrio.
"Yan ang una kung gagawin.." sambit ni Argelie.
Habang sina Davilinda, Mia at Marife naman ay ibinigay ni Ruel sa kanyang asawa sa probinsya.
"Hindi ba kami mahahanap dito ni Tita? Ilang oras lang byahe natin?" Sabi ni Davilinda.
"Hindi po, tanging si Senior Ignacio lang ang nakakaalam dito sa lugar na ito. Ito ang Santo Ignacio. Hindi mo kasi namalayan miss Davilinda Kasi tulog ka. Pero malayo Ito sa syudad at sa Emerald Castle." Sabi ni Ruel.
"Oo nga ligtas kayo dito mga madam. Malaki ang pasasalamat ng mga tao sa inyong tatay dahil ibinigay na nya Ito saamin. Sya nga pala may inihanda akong sopas doon sa bahay. At Isa pa gabi na baka malamigan kayo dito. Punta muna kayo sa bahay." Sabi ni Koring asawa ni Ruel.
"Hindi na ako magtagagal koring. Kelangan ko na ding mag balik sa emerald castle. Wag kayong mag aalala. Ako ang magiging Mata at tenga ninyo doon habang Hindi nyo pa nababawi ang emerald castle." Sabi ni Ruel.
"Tska Ruel mag iingat ka.." Sabi ni Koring sa asawa.
"Ah kuya Ruel Kung may balita ka tungkol sa ate Marlyn.. please let me know." Sabi ni Mia.
"Opo pangako. Wag kayong mag-aalala uuwi ako sa linggo upang maikwento ko na sainyo ang katotohanan." Sabi ni Ruel.
"Salamat Ruel.. aasahan namin yan. Pero kapag nagpunta si Edward sa Kastilyo ibigay mo ang numero ko." Sabi ni Davilinda.
"Opo masusunod mga young master.." Sabi ni Ruel at Dali-dali itong pumasok sa loob ng sasakyan.
Nang makaalis na ito ay sinama na din sila ni Koring.
"Mga madam dahan-dahan lang po. Medyo madulas ang daan dahil sa ulan." Sabi ni Koring habang inaalalayan ang tatlong magkakapatid.
Balik Kay Marlyn sa kumbento..
"Ayus ka lang ba Marlyn?" Tanong ni Sister Salome.
"Opo salamat pero may naghanap ba sakin Sister?" Tanong nya.
" Pasensya Marlyn pero ikinunsulta ko na yan Kay Sister Mary Grace Kung magpapa-skil ba kami ng larawan mo sa buong Santo Ignacio pero ayun sa kanya. Hindi pwde baka hinahanap ka pa ng taong gustong manakit sayo. Sa ngayon nais naming dumito ka muna. Aalamin namin ang iyong tunay na katauhan."Sabi ni Sister Salome.
" Teka parang nakita na Kita dati? Hndi ko Lang Alam Kung saan?" Sabi ni JM.
"Talaga?" Sambit ni Marlyn.
"JM anong pinagsasabi mo? Style mo Bulok! Pasensya na panginoon Kung nakapagsalita ako ng ganoon. Hindi lang maiiwasan lalo na Kung kapatid mo pasaway " Sabi ni Sister Salome.
"Ate naman!" Nakasimangot na sabi ni JM.
"Nakakatawa naman pala kayo? Magkapatid pala kayo?" Tanong ni Marlyn.
"Oo, pero magkapatid lang kami sa Ama." Sagot ni Sister Salome.
"Magkapatid sa ama?" Sabi ni Marlyn ng may biglang pumasok sa kanyang isipan na isang pangyayari.
"Magkapatid man kayo sa ama. Hindi parin mababawasan ang pagmamahal ng ama ninyo sainyo." Sambit ng isang boses na pamilyar ngunit Hindi nya maalala.
Hanggang sa sumakit ang ulo ni Marlyn.
"Anong nangyayari? JM Ang gamot para sa sakit ng ulo. Bilis!" Sigaw ni Sister Salome habang pinapatahan si Marlyn sa pagwawala.
"Ate ano ba kasing nangyayari? Bat biglang nagiging rockstar sya. Sumisigaw pa!" Sabi ni JM.
"Unti-unti nang nagbabalik ang mga alaala nya. Pero Marlyn wag mong ipilit. Hayaan mong ang utak mo mismo ang magbalik ng mga alaala mo." Sabi ni Sister Salome..
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top