EPISODE ONE
PROLOGUE
Main Characters :
Marlyn Vistal, Panganay sa apat na magkakapatid.
Noong namatay ang kanilang mga magulang ay siya ang inatasan upang mangasiwa sa mga ari-arian ng kanilang Pamilya.
Davilinda Abancio, Pangalawa sa apat na magkakapatid. Siya ay kilala bilang The Tiger Lady sa pamilya. Dahil sa kanyang pagiging mataray at magaling sa larangan ng business.
Mia Guarin, Pangatlo sa Apat na magkakapatid. Siya ay kilala bilang pinakamaintindihin sa apat na magkakapatid. Malumanay din siyang magsalita.
Marife Castro, Bunso sa apat na magkakapatid. Dahil ay bunso malimit lang itong makita ng mga tao sa kastilyo. Dahil nagkukulong lang ito sakanyang kwarto. Ngunit may itinatago itong sekreto na dapat nilang malaman..
"ANG APAT NA MAGKAKAPATID"
Ito ang unang araw na makakaapak sina Davilinda, Marlyn, Mia at Marife sa tanyag na Emerald Castle.
At habang nasa sasakyan silang apat ay nagbigay ng konting paalala ang nagpakilalang butler ng kanilang ama na si Ruel.
"Mga Ija, ako si Ruel at ako ang butler ng inyong butihing ama na si Senior Ignacio. Nais ko lamang kayong paalalahanan. Oras na pagdating ninyo sa kastilyo ay wag kayong titingin Kung saan saan. Kung maari yumuko kayo o deretchu lang ang tingin! Naiintindihan ninyo ba ako?" Sabi ng butler na si Ruel.
Ngunit tanging katahimikan lang ang itinugon ng apat na magkakapatid.
Samantala sa Emerald Castle..
"Kuya hindi ko Alam na may mga tagapagmana ka pala..And are you sure na mga anak mo talaga sila? I can't believe this. Apat na babae ang binuntis mo at hindi ka nagpagka-ama sakanila? " Sabi ng babaeng kapatid ni Senior Ignacio na si Argelie.
"I know but Hindi apat ang babaeng binuntis ko. Dalawa lang at Isa pa..." Sasagot na Sana si Senior Ignacio nang biglang nagbukas ang pintuan at iniluwa ng pintuan ang kanyang assistant na si JeanRio.
"Senior excuse me.. narito na po Sina Ruel. At nasa Sala na sila." Sabi ng kanyang assistant.
"Okay I'll be there in a minute.." Sagot ni Senior Ignacio.
Sina Davilinda, Marlyn, Mia at Marife ay nanggaling sa naging mga asawa ni Senior Ignacio na sina..
Josephine at Helga..
Unang naging babae ni Senior Ignacio ay ang nanay ni Marlyn Vistal na si Josephine.
Naging masaya naman ang kanilang pagsasama noon Hanggang isang araw habang iniluluwal na ni Josephine si Marlyn ay bigla itong nawalan ng buhay dahil sa komplikasyon sa panganganak.
"Doc anong nangyayari? Kamusta na ho ang mag ina ko?" Tanong ni Ignacio sa doctor habang palabas ito sa Emergency room.
"Mr. Emerald, Hindi kinayanan ni Misis ang normal delivery. Tumaas Ang kanyang high blood pressure. And that's why ginawa namin is we undergo the C-section.
"So ligtas ba sila?" Tanong ulit ni Ignacio habang mangiyak iyak ito.
"Sad to say Mr. Emerald. Ang baby nyo lang ang nakaligtas. Patay na po si Madam. Sorry!" Sabi ng doctor at nagmamadali itong umalis.
Pagkatapos nun ay kinuha ng mga magulang ni Josephine si Marlyn.
"Ano ang ipapakain mo sa apo namin? Kami na ang mag-aalaga sa kanya." Sabi ng manugang na babae ni Ignacio.
A few year later nakilala naman ni Ignacio ang nanay nina Davilinda, Mia at Marife. Ngunit pagkatapos isilang ni Marife ay namatay Naman sa isang aksidente ang kanilang ina. At tanging si Ignacio lang ang nakaligtas.
"Papa nasaan si Mama?" Tanong ng Batang si Marife.
At tanging iyak lang ang naitugon ni Ignacio sa kanyang mga anak na nakatingin sakanya.
Ilang sandali pa ay lumapit ang tatlong kapatid ni Helga. Ang nanay ng tatlong magkakapatid.
"Kuya Ignacio. Pansamantalang kukunin namin si Davilinda. Alam kung mahihirapan kang matugunan Ang kanilang mga pangangailangan. Ngunit pwde nyo Naman siyang bisitahin samin anytime." Sabi ng babae na may hawak kay Davilinda.
"Ayus lang ba sayo yun anak? Kay Tita magna ka muna?" Sabi ni Ignacio habang nakahiga Ito sa kama.
Sumunod naman ang dalawa pang kapatid ni Helga na sina Erlinda at Jessa.
"Saamin na muna Sina Marife at Mia kuya. Inaalala lang namin ang mga bata. Ngayong Wala na si Ate papano kayo. Papano ang mga bata.?" Sabi ni Erlinda.
"No! Ipamimigay nyo na ba kami tay?" Sabi ni Mia.
"Anak hindi. Kay Tita Erlinda ka muna hindi kasi kayo maalagaan ng tatay. Pero promise pag naging magaling na Ang tatay kukunin ko ulit kayo Kay tita." Ngiting Sabi ni Ignacio.
"Promise ?" Nauutal na Sabi ni Davilinda.
Pagkatapos ng mga pangyayaring yun..
Marami pang pinagdaanan si Ignacio bago sya yumaman ng husto.
Samantala sa loob ng kastilyo...
"Mga Ija narito na ang inyong ama." Sabi ni Ruel.
Habang pababa si Ignacio sa hagdanan kakaiba Ang kanyang naramdaman ng makita nyang muli ang kanyang apat na anak.
"Mga anak?" Naiiyak na sabi ni Ignacio.
"Mga Ija, Hindi nyo ba namiss ang tatay nyo?" Sabi ni Ruel. At Isa isang niyakap ni Ignacio ang kanyang apat na anak. Ngunit Hindi man Lang Ito gumanti ng yakap o umimik man lang.
Unang tumayo si Davilinda sabay sabing.
"Nasaan ang kwarto ko? Gusto ko nang magpahinga.!" Sabi ni Davilinda. At umalma Naman Ang babaeng kapatid ni Ignacio na si Argelie.
"Hey! Galangin mo ang tatay mo!" Sabi ni Argelie sabay turo Kay Davilinda.
Ngunit imbes na matakot si Davilinda ay tinaasan nya lang Ito ng kilay sabay sabing..
"Kung gusto mo ikaw na gumawa? Ikaw Naman Ang nakaisip!" Sagot nito.
"Bastos kang Bata ka!" Sabi ni Argelie sasapalin na Sana nya ito ng pigilan sya ni Ignacio.
"Stop it Argelie... Hayaan nyo na sila baka pagod lang sila sa byahe." Sabi ni Ignacio sabay pahid sa kanyang mga luha.
"Ah Ruel? Dalhin mo na sila sa kanilang mga kwarto para makapagpahinga na sila." Sabi ni Ignacio.
"Opo senior.. Tayo na mga Ija Sundan nyo ko!" Sabi ni Ruel at agad niyang binuhat ang mga gamit ng apat na magkakapatid.
Nang makaalis ang apat na magkakapatid...
"Ano bang klaseng mga emerald sila. Ang babastos lalo na yung anak ni Helga.
"Hindi ko naman sila masisi Argelie. Malaki din Naman pagkukulang ko sakanila." Sabi ni Ignacio.
"Kuya, Kaya ngayon. Ito bumabawi kana sakanila. Magiging maranya na ang buhay nila. Anyways, I have a meeting pala ngayon. Late nako. At Jeanrio pakitawagan nga si Boni na 10 mins nasa office nako." Sabi ni Argelie.
"Yes po maam." Sagot ni Jeanrio.
"Ikaw kuya dito ka lang ba? Hindi ka pupunta sa Opisina?" Tanong ni Argelie.
"Hindi maganda pakiramdam ko. magpapahinga nalang muna ako." Sabi ni Ignacio sabay tayo sa kanyang kinauupuan.
"Okay ikaw bahala. And thank you Jeanrio." Sabi ni Argelie sabay kuha nang kanyang mamahaling bag. at lumabas na ito ng kastilyo.
Samantala sa Silid ng apat na magkakapatid.
"Sguro mas okay na magsama-sama nalang Tayo sa iisang room. Total malaki Naman to!" Sabi ni Marife.
"Miss Marife Hindi po pwde yun. Ang apat na kwarto na Yan ay sadyang pinagawa ng inyong ama para sainyong apat. Ito na po Yung susi Miss Davilinda and Marlyn." Sabi ni Ruel sabay abot kina Davilinda at Marlyn ng susi.
"Ay ganun ba.. " Sabi ni Marife.
Sabay sabay silang pumasok sa kani-kanilang kwarto.
Napailing nalang si Ruel sa inasal ng mga anak ng kanyang amo.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top