EPISODE NINETEEN
"ANG PAGTUKLAS NG LIHIM NI MARIFE"
ANG NAKARAAN,
Tinulungan ni Marife si Atty Almie upang makatakas sa mga tauhan ni Argelie.
Habang si Aling Coring naman ay nagulat sa kanyang nasaksihan kay Marife.
ANG KARUGTUNG,
Habang masayang nagkukwentuhan sina Marife, Mia at Marlyn kasama si Aling Coring ay biglang natahimik si Marife.
"Oh? Bat ka natahimik dyan? May nasabi ba akong masama bunso?" Tanong ni Marlyn.
Hindi sumagot si Marife bagkus ay tinitigan nya si Mia. At kitang-kita naman ni Mia ang pagbabago ng kulay sa kanang mata ni Marife.
"Anong nangyayari Marife? Napano ka?" Pagaalalang tanong ni Mia. Na agad naman nilang nilapitan.
"Marife?" Sambit ni Aling Coring.
Huminga ng malalim si Marife bago nagsalita.
"Nasa panganib si Ruel, malakas ang pakiramdam ko na nasa loob ng emerald castle ang salarin na pumatay sainyong ama!" Sabi ni Marife na ngayon ay may halong boses ng isang babae.
"Marife? Anong pinagsasabi mo?" Sabi ni Mia sabay hawak sa mga braso nito.
"Sofia? Anong nangyayari?" Sabi ni Marife na ngayon ay nagbalik sa kanyang orihinal na boses.
"Naguguluhan ako? Si-sinong Sofia? Anong ibig sabihin ng nasa panganib si Ruel?" Tanong ni Aling Coring.
"Mga ate at Aling Coring, si Sofia ay..."Magpapaliwanag na Sana si Marife nang biglang ang kaliwang mata ni Marife ay naging Kulay berde na rin. Kasabay ng pagiging kulay berde ng mga mata ni Marife ay nagbago na din ang boses ni Marife.
"Ako ang hinahanap ng mga taga MIB. Ako ang Spear of Wishes. Ako ang ispiritu ng Spear." Panimula ni Sofia.
"So totoo nga ang Spear?" Tanong ni Mia.
"Totoo ako, hayaan nyong isalaysay ko sainyo Ang lahat." Sabi ni Sofia at Pinaliwanag nya Ang lahat sa magkakapatid.
THROWBACK>>>
Taong 1990,
"Mukhang minamalas ata ako ngayon. Ilang kompanya na ang inapplyan ko hindi ako natatanggap! Kainis naman! Kamusta na kaya mga anak ko!" Sabi ni Ignacio habang nakaupo sa isang Parke nang biglang may kumapit na matanda sakanya at humingi ng makakain.
"Ijo may pagkain kaba dyan? Tatlong araw na kasi akong nagugutom." Sabi ng matandang babae.
"Inang ganun po ba? Ay sandali lang po." Sagot ni Ignacio. Na agad naman niyang binili ng pagkain at maiinom Ang matandang babae.
"Heto na po Inang. Taga saan po ba kayo?" Tanong ni Ignacio sabay abot ng mga nabili nyang pagkain.
"Ay salamat." Sambit ng matandang babae na agad din namang nyang kinuha ang pagkain na dala ni Ignacio.
"Sige Kain ka muna Inang. At Aalis nako!" Paalam nya sa matanda ng hawakan sya nito sa kanyang braso.
"Sandali, may ibibigay ako sayo." Sabi ng matandang babae at inaabot nya kay Ignacio ang kanyang Tungkod.
"Sayo na yan Ijo. Alam Kung makakatulong ang aking Tungkod sa problema mo." Sabi ng Matanda.
"Pero Inang papano ho kayo. Ayus lang ako. Tsaka may kelangan nyo yan. Baka matapilok ho kayo." Alalang Sabi ni Ignacio.
"Hindi yan Basta basta. Yan ang Spear of Wishes. Humiling ka lang sa Tungkod ko at ibibigay nya ang mga iyong hiling. Pero ang bawat hiling ay may kaakibat na bad at good karma. Kapag nagamit mo Ang hiling sa masamang hangarin ay may babalik sayo na masamang pangyayari kayat mag iingat ka." Paliwanag ng matanda. Aksidente namang nahulog ng matanda Ang tungkod at agad namang pinulot ni Ignacio upang Sana ay ibalik sa matanda. Pero pag lingun nya sa matanda ay nawala na ito.
"Nasaan na kaya yun?" Sabi ni Ignacio.
BACK to Present <<<<
"Kaya lang sinubukan ni Ignacio na buhayin ang nanay nyo. "Paliwanag ni Sofia.
"Nagtagumpay ba sya?" Tanong ni Mia.
"Sa kasamaang palad. Hindi. Kelan man, Hindi maaring mabuhay ang patay na. Ang kapangyarihan ko ay hindi galing sa masama." Sagot ni Sofia.
"Sandali Kung nasa panganib si Ruel..." Sabi ni Aling Coring at biglang nagbalik sa aalala ni Sofia na kelangan na nilang tulungan si Ruel.
"Oo nga. Kelangan ko nang harapin ang salarin na pumatay sa aking amo!" Sabi ni Sofia at agad syang naglaho.
"Sandali papano si Marife..." Pipigilan na Sana ni Marlyn si Sofia. ngunit huli na dahil nakapaglaho na ito.
"Kelangan nating sabihan si Ate Davilinda tungkol dito!" Sabi ni Mia.
"Wag na. Susundan ko si Marife doon." Sabi ni Marlyn.
"Wag na Marlyn. Delikado! Gustuhin ko mang magtungo sa Emerald Castle para iligtas si Ruel. Ngunit baka masira natin ang plano ni Davilinda. " Sabi ni Aling Coring.
"Sandali. Parang may naikwento si Sister Salome tungkol sa MIB. Mabuti pa samahan nyo ko sa kumbento." Sabi ni Marlyn.
"Sige maghahanda lang ako." Sabi ni Mia.
Samantala sa Emerald Castle.
Pagkatapos mag dasal ni Ruel ay humiga na ito. Pagkapatay nya ng ilaw ay may pumasok na isang nilalang.
Dahan dahan itong lumapit kay Ruel habang hawak ang isang punyal.
Akmang sasaksakin ng nilalang si Ruel. Biglang nagsalita si Ruel.
"Alam kung isusunod moko Kay Senior Ignacio. Alam ko ang mga ginawa nyang pagkakamali." Sabi ni Ruel.
Aalis na Sana ang nilalang na nakasuot ng itim na hood ng biglang hawakan ni Ruel ang kamay ng nilalang.
Dahil sa ginawa ni Ruel ay sinugatan sya ng nilalang sa Braso at Dali-dali itong lumabas ng kanyang kwarto.
Tyempo namang dumating si Marife.
"Marife?" Gulat na Sabi ni Ruel.
"Nasaan sya? Sinakop ko pansamatala ang katawan ni Marife." Sabi ni Sofia.
"Sofia nagtungo sya doon." Turo ni Ruel na agad naman nilang pinuntahan ang lugar kung saan nagtago ang nilalang nakahood.
Habang Sina Marlyn naman ay nakarating na sa Kumbento.
"Marlyn? Napasugod ka? Anong nangyayari?" Tanong ni Sister Salome.
Hinihingal namang sumagot si Marlyn Kay Sister Salome ng...
"Sister Salome, tungkol sa MIB." Sabi ni Marlyn.
"Pumasok na muna kayo sa loob." Anyaya ni Sister Salome habang iginala nya ang kanyang paningin sa paligid.
Agad namang pumasok ng kumbento Sina Aling Coring, Mia at Marlyn.
Samantala sa Windy hotel.
"Hey Davi, nag enjoy kaba sa Spa?" Tanong ni Argelie.
"Yes Madam. At Madam Argelie, can I Ask something?" Sambit nya.
"Yes? Sure. " Ngiting Sabi naman ni Argelie.
"Madam, naikwento ni Edward sakin na apat ang anak ni Senior Ignacio. Bakit Sina Davilinda, Mia at Marife lang Ang nakikita ko? Nasaan ang pang-apat?" Tanong ni Davilinda.
"Oh, si Marlyn? Honestly I don't where she is. Nagbigay sya ng sulat saamin noon. Na magtatanan na sila ng boyfriend nya. Alam mo naman ang mga bata? Hindi natin pwdeng pigilan. Kasi kapag pinigilan mo mag rerebelde." Sagot ni Argelie.
"Tama.." ngiting sambit ni Davilinda.
"Anyways Ang room mo ay nasa dulo. VIP room yan so Hopefully you will enjoy staying here. At bukas ipapakilala ko sayo ang manager ng Windy hotel." Sabi ni Argelie.
"Okay goodnight Madam Argelie." Sabi ni Davilinda.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top