EPISODE FOUR

"THE MASK KILLER "


ANG NAKARAAN :

Sinimulan na ni Argelie ang kanyang mga plano sa pagkuha ng kayamanan ng mga emerald.

"Do everything to change the last will, kung manlaban man si Atty. Patayin mo! Ayuko ng sagabal sa plano ko." Sabi ni Argelie habang kausap ang assistant ni Ignacio na Jeanrio.

ANG KARUGTUNG :

Sa loob ng conference room..

"Very impressive Argelie. It looks like you train them well." Sabi ni Mr. Sanders kay Argelie.

"Of course Mr. Sanders nagmana sila sa akin!" Sagot naman ni Argelie habang nakatingin kay Davilinda na nagsasalita sa harap.

Sa kabilang dako naman ng upuan kung saan katabi ni Marlyn si Edward.

"She's so smart. That's my ideal girl!" Sabi ni Edward habang nakatingin kay Davilinda.

"I know she's good at this." Sambit naman ni Marlyn.

Samantala sa labas ng condo unit ni Atty Almie.

"Ma'am may naghahanap po sainyo." Sabi ng guard habang papasok na si Almie sa elevator.

"Sino daw?" Tanong nya.

"Argelie daw po? Nasa recieving area po sya." Sabi ng guard.

"Thank you pupuntahan ko nalang sya." Sabi ni Atty at nagmamadali itong pinuntahan ang sinasabing Recieving area ng building. Nang marating na nya ito ay agad bumungad sakanya si Argelie na naka ear phones at may suot itong shades na agad naman niya itong binati.

"Miss Emerald? Why are you here?" Sabi niya dito.

Nang mapansin ito ni Argelie ay agad niyang tinanggal ang suot na earphones at tinanggal niya ang kanyang suot na shades.

"Hi Atty, I have something to offer but can we talk on private?" Sabi nito.

"Sure doon nalang Tayo sa unit ko. Follow me." Ngiting sagot naman ni Atty Almie.

Habang papunta sila sa unit ni Atty ay nagtanong si Argelie tungkol sa security system ng building.

"May mga CCTV camera ba dito sa building? How about sa unit mo meron din ba?" Tanong nito.

"Yes of course for safety reasons." Sagot naman ni Atty habang pinipindut ang passcode sa kanyang unit.

"Perfect I have plan to buy at least 1 unit dito. Well since safe naman dito. So kukuha ako. Anyways, hindi Yan ang ipinunta ko." Sabi ni Argelie.

"Have a seat.. ano gusto mo? Coffee, tea, juice or beer?" Pag aalok ni Atty sakanya.

"No hindi na ako masyadong magtatagal." Sabi ni Argelie habang nakaupo sa sofa kaharap si Atty Almie.

"Okay so ano maipaglilingkod ko?" Tanong ni Almie.

"I want you to change the last will ni Ignacio. Imbes na sa mga anak nya. Ipasa mo ang lahat ng kayamanan nya lalong lalo na ang Emerald Castle saaking pangalan." Sabi ni Argelie.

"What? I can't do that. Isa pa nabasa ko na sa mga anak ni Ignacio ang huling testamento." Sagot nito sakanya.

"How much do you want? 1 million? 5 million? Say the price and I will pay it! Cash or cheque pa! Just change the last will." Sabi ni Argelie.

"I'm so sorry Miss Emerald I think this conversation is over. You may go now." Sabi ni Atty at binuksan nya ang pinto para sakanya.

"Okay, madali akong kausap! But do you believe in shape shifter?" Ngiting tanong ni Argelie sakanya.

"What? Nababaliw kana Miss Emerald. Sorry but I can't help you. Sorry!" Sabi ni Atty Almie.

Biglang hinawakan ni Argelie ang balikat ni Almie.

"Ano ba Miss Emerald. I said.." lilingunin na sana nya Ito nang mapansin niya na nagbago ang kamay na nakahawak sa kanya.

"Atty handa kana bang makita si Satanas?" Sabi ng malaking boses na tila nanggaling sa ilalim ng lupa.

"Aaahhhhhhh!!! " Sigaw ni Almie nang makita niya ang kahindik-hindik na itsura ng kanyang kausap.

Habang papalapit ang nilalang Kay Almie ay agad naman syang tumakbo palabas ng kanyang unit.

"Tulong!" Sigaw ni Almie habang tumatakbo ito sa hallway.

"Hindi ka makakatakas saakin Atty. Susunod kana sa cliyente mo!" Sabi ng nakakatakot na nilalang.

Balik naman kina Marlyn at Davilinda sa opisina.

"Marlyn you need to stay sa office for a while I need you to check the payroll report para sa mga tauhan natin" Sabi ni Argelie.

"Okay Tita. Ikaw nalang muna ang uuwi Davi." Sabi ni Marlyn.

"Okay Ate." Sagot ni Davilinda.

"Don't worry nasa baba na si Ruel.." Sabi Argelie.

At agad namang lumabas ng opisina si Davilinda at tanging sila nalang dalawa ni Argelie ang natira.

"Anyways may ipapa perma ako sayo." Sabi ni Argelie sabay lapag ng isang puting papel.

"Para saan to Tita?" Tanong ni Marlyn.

"For our employee. That a request for a company outing this coming June. Don't worry this is already approved by your dad. Since your the authorize now. Kelangan mong permahan ito." Sabi ni Argelie.

"Wait let me read it first." Sabi ni Marlyn.

"Bilisan mo na permahan mo nalang agad kasi gusto ko nang magpahinga. I feel exhausted. Please.. baka makahabol pa tayo kina Ruel." Sabi ni Argelie.
Dahil na rin sa gusto na din umuwi ni Marlyn ay agad niyang pinermahan ang documento.

Pagkatapos nyang permahan ay agad itong kinuha ni Argelie.

"Let's go.. bukas mo nalang yan eCheck nagugutom na talaga ako." Sabi ni Argelie.

"Okay Tita let's go!" Sabi ni Marlyn.

Balik kina Atty Almie at nang nakakatakot na nilalang.
Sa kakatakbo ni Almie ay na stuck sya sa isang dead end. At doon naman nakakita ng pagkakataon ang nilalang upang ipakita sa kanya ang kanyang tunay na anyo.

Galing sa isang nakakatakot na nilalang na may kulay berdeng balat at sungay. Nagbalik Ito sa isang normal.

"Ikaw ang assistant ni Senior Ignacio?" Sabi ni Almie.

"You're right. And speaking of Senior Ignacio. Ikumusta mo nalang ako sakanya sa kabilang buhay." Sabi ni Jeanrio habang hawak ang isang punyal at unti-unti syang lumalapit kay Almie.

Si Almie naman ay nanginginig sa takot habang papalapit na sakanya ang assistant ni Ignacio.

Akmang sasaksakin na sana sya nito. Nang biglang may dumating na guard. Papunta sakanila.

"Mga ma'am ayus lang ba kayo dyan?" Tanong ng guard at agad namang itinago ni Jeanrio ang hawak nyang punyal sa kanyang harapan at ngumiti sa guard.

"Yes guard. Nag rerehearse kami for theater. Don't mind us!" Sabi ni Jeanrio dahil dun nakaroon ng pagkakataon si Almie na tumakbo at agad nag tungo ng elevator papuntang ground floor.

"Anong problema nun?" Tanong ng guard nang mabangga sya ni Almie.

"Ate ko po sya. Ako nang bahala Kay ate." Sabi ni Jeanrio. At nyang sinundan si Almie sa Elevator.

"Hindi ka makakaligtas sakin." Sabi ni Jeanrio habang pinipindut ang button ng elevator papuntang ground floor.

Habang sina Marlyn naman at Argelie ay nasa kotse na.

"Hindi natin naabutan si Kuya ruel. Sayang naman." Sabi ni Marlyn.
At ngumiti lang si Argelie.

"Mukhang sumasang-ayon na ang mga plano ko. At oras mo na ding Makita ang tatay mo my dear." Sabi ni Argelie sakanyang isipan.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top